You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
Negros Island Region
DIVISION OF SILAY CITY
City of Silay

Special Science
Elementary School
(SSES)

ACTIVITY SHEETS
IN FILIPINO 2

Prepared by:

MRS. ROCHELL G. DE LA CRUZ


Teacher I
Silay South Elementary School
Republic of the Philippines
Department of Education
Negros Island Region
Division of Silay City
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM
City of Silay

COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the


Republic of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This supplementary material was originally developed by the


writer, a Teacher I in the Special Science Elementary School, Division of
Silay City, Department of Education. It may be reproduced solely for
educational purposes on condition that the source be duly
acknowledged.

This edition has been reproduced for print and online distribution
through the Learning Resources Management and Development
System (LRMDS) Portal, Department of Education, Division of Silay City.
Gawain 1
Pagtukoy sa Iba’t Ibang Huni ng mga Hayop

 Layunin: Natutukoy and iba’t ibang huni ng mga hayop


 Paksa: Pagtukoy sa Iba’t ibang Huni ng mga Hayop
 Kasanayan: Pakikinig
 Kagamitan: Lapis, papel, krayola

Gawain A
Panuto: Makinig sa kwentong babasahin ng guro. Ibigay ang huni o
ingay ng bawat hayop na babanggitin sa kwentong pakikinggan.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon na sumusunod. Kopyahin ang letra
ng tamang sagot.

a. Kwak! Kwak! Kwak!


b. Tak-tak-tak-pu-tak!
c. Baw waw waw!
d. Mee! Mee! Mee!
e. Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw!
f. Oink, oink! Oink, oink!

1. _________
2. _________
3. _________
4. _________
5. _________

Gawain B
Panuto: Pakinggan ang tunog ng hayop sa bawat bilang. Isulat kung
anong hayop ang tinutukoy.

_______________ 1. Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok!

_______________ 2. Tak-tak-tak-pu-tak! Tak-tak-tak-pu-tak!

_______________ 3. Maaa! Maaa! Maaa!

_______________ 4. Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw!

_______________ 5. Kwak! Kwak! Kwak!


Gawain C
Panuto: Iguhit ang larawan ng hayop na pinagmulan ng mga
sumusunod na tunog o huni.

1. Twit -twit-twit!

2. Unga! Unga! Unga!

3. Eek-eeek-eeek!

4. Tsip! Tsip! Tsip!

5. Kokak-kokak! Kokak-kokak!
Gawain 2
Magagalang na Pananalita sa Pagbati

 Layunin: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati.


 Kasanayan: Pagsasalita
 Paksa: Magagalang na Pananalita sa Pagbati
 Kagamitan: Lapis, papel

Gawain A
Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Ipakita sa pamamagitan ng
pagsasadula ang tamang pagbat i sa mga sumusunod na sitwasyon at
sagutin ang mga tanong.
Pangkat 1 – Pakikipag-usap sa Guro sa umaga
Pangkat 2 – Pagbati sa tindera sa tanghali
Pangkat 3 – Pagbati sa magulang sa hapon
Pangkat 4 – Pagbati sa taong nakasalubong sa gabi.

1. Ano-ano ang magagalang na pagbati na ginamit sa bawat


sitwasyon?
2. Ano-ano ang magagalang na pagbati sa umaga, tanghali, hapon
at gabi?
3. Bakit kailangang gumamit ng magagalang na pananalita sa
pagbati?

Gawain B
Panuto: Isulat kung ano ang sasabihin mo sa mga sumusunod na
sitwasyon:

1. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong guro sa pagpasok mo sa


paaralan.
_____________________________________________________________________
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo sa sala na
nanonood ng TV ang iyong tatay.
_____________________________________________________________________
3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan, nakasalubong mo
ang iyong tiyahin.
_____________________________________________________________________
4. Nakasabay mo sa kantina ang inyong bagong guro.
____________________________________________________________________
5. Nadatnan mo sa bahay na may bisita ang nanay mo.
____________________________________________________________________
Gawain 3
Pagbasa ng mga Bagong Salita

 Layunin: Nababasa ang mga bagong salitang madaling basahin sa


unang kita.
 Paksa: Pagbasa ng mga Bagong Salita
 Kasanayan: Pagbasa
 Kagamitan: Plaskard

Gawain A
Panuto:
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
2. Ang bawat kasapi ng pangkat ay mag-uunahan sa pagbasa ng
salitang ipapakita ng guro.
3. Ang pangkat na may pinakamaraming nabasang salita nang tama
ang siyang panalo.

bata tao pala ng na sa


mata babae bibe aso baso nanay
lapis lata luha pusa at sila

Gawain B
Panuto: Hanapin sa “Word Hunt” ang mga salitang madaling mabasa
sa unang kita. Bilugan ang mga tamang sagot.

t p a n a t s i

b i l o g d u l

a p m a t a k a

t i a n g k a w

a m y g a b i i

a i b g s r b k

l s i l a u a a

u a y o s w y t
Gawain 4
Pagsulat ng mga Pangungusap

 Layunin: Nakasisipi ng mga pangungusap na may wastong anyo at


hugis ng mga titik
 Paksa: Pagsulat ng mga Pangungusap
 Kasanayan: Pagsulat
 Kagamitan: Lapis at papel

Gawain A

Panuto: Hawakan ng tama ang lapis at maupo ng tuwid. Isulat sa


papel ang mga sumusunod na pangungusap na may wastong anyo
at hugis ng mga titik.

1. Malamig ang simoy ng hangin sa Patag.

_____________________________________________________________________

2. Malulusog ang mga halaman sa hardin.

_____________________________________________________________________

3. Masasarap ang mga pagkain sa El Ideal.

_____________________________________________________________________

4. Masayang ipinagdiwang ni KC ang kanyang kaarawan sa


paaralan.

_____________________________________________________________________

5. Sumasamba kami sa San Diego Pro-Cathedral tuwing Linggo.

_____________________________________________________________________
Gawain 5
Pagtukoy sa Iba’t-ibang Tunog ng mga Sasakyan

 Layunin: Natutukoy ang iba’t ibang tunog ng mga sasakyan.


 Paksa: Pagtukoy sa Iba’t-ibang Tunog ng mga Sasakyan
 Kasanayan: Pakikinig
 Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang sasakyan

Gawain A
Panuto: Pakinggan ang tunog ng mga sasakyan. Sabihin kung anong
uri ng sasakyan batay sa tunog na narinig.

Gawain B
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang uri ng sasakyan na pinagmulan ng
bawat tunog sa Hanay A. Isulat ang titik sa patlang.

Hanay A Hanay B

______________1. Tsug! Tsug! Tsug! A. motorsiklo


______________2. Pot! Pot! Pot! B. ambulansiya
______________3. Pip! Pip! Pip! C. tren
______________4. Broooom! Broom! D. dyip
______________5. Wiiing! Wiiing! Wiiing! E. pedicab
F. eroplano
Gawain C
Panuto: Iguhit sa kahon ang larawan ng sasakyan na gumagawa ng
mga sumusunod na tunog.

1. Pip! Pip! Pip!

2. Tak! Tak! Tak! Tak!


3. Iiiing! Iiiing! Iiiing!

4. Zooom! Zooom! Zoom!

5. Tooot – toot! Tooot -tooot!


Gawain 6
Magagalang na Pananalita sa Pagpapakilala

 Layunin: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa


pagpapakilala o pagtanggap ng panauhin
 Paksa: Magagalang na Pananalita sa Pagpapakilala
 Kasanayan: Pagsasalita

Gawain A
1. Bumuo ng apat na pangkat.

2. Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula ang wastong


pagpapakilala ng mga sumusunod:
Pagpapakilala ng bagong kaklase sa mga kaklase
Pagpapakilala ng nanay sa mga kaklase
Pagpapakilala ng matalik na kaibigan sa mga kaklase
Pagpapakilala ng nanay sa guro

3. Ipakita ang dula-dulaan sa klase.

Gawain 2:
Panuto: Ano ang wastong pagpapakilala ang dapat sabihin sa mga
sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa linya.

1. Nakasalubong niyo ng nanay mo ang punong-guro. Paano mo


ipakikilala ang iyong ina?
_____________________________________________________________________

2. Dumating sa inyong bahay ang bagong kasambahay. Paano ka


magpapakilala?
_____________________________________________________________________

3. Magkasama kayong naglalaro ng iyong matalik na kaibigan nang


dumating ang kuya mo. Paano mo siya ipapakilala?
_____________________________________________________________________
4. May bago kayong kamag-aral na nakaupo sa tabi mo. Paano ka
magpapakilala sa kanya?
_____________________________________________________________________
5. Magkasabay na papasok sa paaralan ang magkapatid na sina Jess at
Tess. Nakasabay nila si Liza na kaklase ni Tess. Ano ang dapat sabihin
ni Tess sa pagpapakilala kay Liza sa kanyang kapatid?
____________________________________________________________________
Gawain 7
Pagbasa ng mga Nakalimbag na Sagisag na
Kumakatawan sa Ngalan ng Tao, Bagay at Pook

 Layunin: Nababasa sa unang kita ang mga nakalimbag na sagisag na


kumakatawan sa ngalan ng tao, bagay, at pook.
 Paksa: Pagbasa ng mga Nakalimbag na Sagisag na Kumakatawan sa
Ngalan ng Tao, Bagay at Pook
 Kasanayan: Pagbasa
 Kagamitan: Plaskard

Gawain A
Panuto: Isulat sa papel ang mga salita na sasabihin ng guro at gamitin
sa pangungusap.

parke Gng. Lorna E. Lucot bakuran


tahanan Lungsod ng Silay

Gawain B
Panuto: Isulat ng pakabit -kabit (cursive) ang sumusunod na mga
pangungusap. Iayon ang pagsulat sa asul at pulang linya ng papel.

1. May iba’t ibang tunog ang mga sasakyan.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ang tunog ng mga sasakyan ay may kahulugan.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Malakas ang tunog ng ambulansiya.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bumubusina ang paparating na bus.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Mahina ang tunog ng kalesa.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawain 8
Paggaya sa Iba’t ibang Tunog
ng Instrumentong Napakinggan

 Layunin: Nagagaya ang mga tunog ng instrumentong napakinggan.


 Paksa: Paggaya sa I ba’t ibang Tunog ng Instrumentong Napakinggan
 Kasanayan: Pakikinig
 Kagamitan: Lapis, papel, pentel pen, krayola, instrumentong
pangmusika

Gawain A
Gawin ang sumusunod na mga panuto:
1. Bumuo ng apat na pangkat.
2. Pakinggan ang tunog ng mga instrumento.
3. Iguhit ang instrumentong pinagmulan ng tunog.
4. Gayahin ang tunog at iparinig sa klase.

Gawain B
Panuto: Ibigay ang tunog ng bawat instrumento na nasa larawan.

A B
1. Larawan ng gitara * * Ting! Ting! Ting!
2. Larawan ng pompyang * * Kililing! Kililing! Kililing!
3. Larawan ng marakas * * Tsak! Tsak! Tsak!
4. Larawan ng bandurya * * Boom! Boom! Boom!
5. Larawan ng tambol * * Klang! Klang! Klang!

Gawain C
Panuto: Hanapin sa kahon ang pinagmulan ng bawat tunog. Isulat
ang sagot sa linya.

tambol tamborin gitara

marakas torotot bandurya

_______________1. Tot -to-ro-tot!


_______________2. Boom! Boom! Booom!
_______________3. Ting! Ting! Ting!
_______________4. Tsak! Tsak Tsak!
_______________5. Kililing! Kililing! Kililing!
Gawain 9
Paghingi ng Pahintulot

 Layunin: Nagagamit ang angkop na pananalita sa paghingi ng


pahintulot
 Paksa: Paghingi ng Pahintulot
 Kasanayan: Pagsasalita
 Kagamitan: larawan

Gawain A
Panuto:
Basahin ang mga kalagayan sa Hanay A at hanapin sa Hanay B
ang tugmang paghingi ng pahintulot. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Inimbita ka ng isang kaklase sa a. Makikiraan po.
kanyang kaarawan. Paano ka b. Kuya, pwede ba akong
magpapaalam sa mga magulang sumama at manood ng
mo? praktis nyo?
_____ 2. May praktis ang basketball team c. Nanay, Tatay,
ng kuya mo. Gusto mong sumama. pwede po ba akong
Paano ka magsasabi? pumunta sa bertdey ng
_____ 3. Gusto mong gumamit ng kaklase ko sa Sabado?
kompyuter ng tiyuhin mo. Paano d. Tito Jun, maari ko bang
ka hihingi ng pahintulot? gamitin ang kompyuter
_____ 4. Nakalimutan mong magdala ng mo?
gunting kaya hihiram ka sa katabi e. Roy, maari ko bang
mo. Paano mo sasabihin? hiramin ang gunting mo?
_____ 5. Lalabas ka ng silid-aralan ngunit f. Maari po ba akong
nag-uusap ang dalawang guro sa bumili ng kompyuter?
may pintuan.

Gawain B
Gawin ang sumusunod na mga panuto:
1. Pumili ng kapareha.
2. Bumuo ng usapan na nagpapakita ng paghingi ng pahintulot. Pumili
ng isang sitwasyon lamang sa mga sumusunod:
a. Gusto mong lumabas ng silid-aralan upang pumunta sa
palikuran.
b. Gusto mong dumaan sa gitna ng dalawang taong nag- uusap.
c. Hihiram ka ng aklat ng iyong kaklase.
d. Magpapaalam ka sa iyong magulang upang pumasok sa
paaralan.
Gawain 10
Pagbasa ng mga Salita, Parirala at Pangungusap na
Nabasa na sa Batayang Aklat

 Layunin: Nababasa ang mga salita, parirala at pangungusap na


nabasa na sa batayang aklat.
 Paksa: Pagbasa ng mga salita, parirala at pangungusap na nabasa na
sa batayang aklat
 Kasanayan: Pagbasa
 Kagamitan: plaskard

Gawain A

Panuto: Basahin ang mga salita, parirala o pangungusap na nakasulat


sa plaskard.

bahay tatay panahon paaralan

malaking bahay

masipag na tatay

unang panahon

malinis na paaralan

Ang aming bahay ay malaki.

Si tatay ay masipag.

Noong unang panahon ay wala pang mga kompyuter.

Ang Silay South Elementary School ay malinis.

 Gawain B
Panuto:
1. Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Bigyan ang bawat pangkat
ng show-me-board.
2. Magpapakita ang guro ng flashcards na may mga titik.
3. Ayusin ang mga titik upang makabuo ng mga salita at isulat sa
show-me-board.
a. ibiganak
b. yamilpa
c. apalaran
d. natahan
e. akklesa
Gawain 11
Pagsulat ng Palimbag ng mga Pangungusap

 Layunin: Naisusulat ng palimbag ang mga pangungusap nang may


wastong pagitan ang mga titik o salita at may wastong bantas.
 Paksa: Pagsulat ng Palimbag ng mga Pangungusap
 Kasanayan: Pagsulat
 Kagamitan: Lapis, papel, mga pangungusap

Gawain A
Panuto: Isulat ang mga pangungusap ng wasto.

1. angtambol ay may malakasna tunog.

__________________________________________________________________

2. mahusaytumugtog nggitara si Jose.

__________________________________________________________________

3. masarap pakinggan angmusika.

__________________________________________________________________

4. maybagong torototsi ana.

__________________________________________________________________

5. gustokong pumuntasa Campuestohan.

__________________________________________________________________
Gawain 12
Magagalang na Pananalita sa Pagtanggap
ng Panauhin

 Layunin: Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap


ng panauhin.
 Paksa: Magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin
 Kasanayan: Pagsasalita
 Kagamitan: Lapis, papel, manila paper, pentel pen

Gawain A
Gawin ang sumusunod na mga panuto:

1. Bumuo ng apat na pangkat.


2. Gumawa ng komik istrip na nagpapakita ng tamang pagtanggap
ng panauhin. Lagyan ng usapan gamit ang magagalang na
pananalita.
3. Iuulat ng lider ang natapos na gawain sa klase.

Gawain B
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Wala ang nanay mo sa bahay. May kumatok sa inyong pintuan na


hindi mo kakilala. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Isang Sabado ng umaga, habang naglilinis ka ng inyong sala ay


dumating ang kumare ng nanay mo. Nasa likod bahay ang iyong
nanay. Ano ang sasabihin mo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Kaarawan mo ngayon. Maraming dumating na panauhin. Ano ang


sasabihin mo sa pagsalubong mo sa kanila sa pintuan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Dumating ang ninong mo sa inyong bahay at hinahanap ang tatay
mo ngunit hindi pa siya dumarating galing sa opisina. Ano ang
sasabihin mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Dumalaw sa inyong bahay ang iyong guro para makita ang iyong
mga magulang. Ano ang sasabihin mo sa kanya pagdating sa bahay
nyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like