You are on page 1of 4

FIRST QUARTER

Summative Test #1
ESP 5

A. Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang

napakinggan radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi mo ito

nabigayn ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____________ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol

sa lindol.

____________ 2. Nababasa ko ang isang balitang tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas

____________ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o

internet.

____________ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.

____________ 5. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

B. Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng magandang dulot ng

paggamit ng media at internet. HINDI NAKABUBUTI naman kung ito ay nakasasama.


Isulat

ang inyong sagot sa kalahating papel.

_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.

_______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.

_______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan.

_______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.

_______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa skype.

C. Subukin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng bituin ang iyong pinaniniwalaang


sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Oo Hindi

1. Nakikinig kaba sa oras ng talakayan o kaya ay pagnagsasalita ang


guro?
2. Tumutulong kaba na matapos ang nakalaang gawain sa inyong
grupo?
3. Gumagamit kaba ng magagalang na salita tuwing ikaw ay
nagtatanong sa iyong guro?
4. Dapat bang magpakita ng kawilihan sa pag-aaral?

5. Magbigay ng opinion o ideya tuwing pangkatang Gawain?


FIRST QUARTER
Summative Test #2
ESP 5

A. Iguhit ang simbolo ng thumbs upkung ang pangungusap ay naglalahad ng


wastong kaisipan at thumbs down naman kung hindi.

______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa E.P.P. Agad mo itong sinabi sa iyong
nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang halaga nito.

______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang kanyang takdang - aralin sa Math. Biglang
nagwasto ng kuwarderno si Bb. Tan, nang tawagin niya si Archie ay sinabi niyang naiwan niya
ang kanyang takdang - aralin sa bahay.

______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government sa


kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota na
siyang gagamitin sa botohan agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong taga -
pangasiwa.

______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga labis na kagamitan mula sa opisina na


kanyang pinagtatrabahuhan at agad na ibinebenta sa labas ang mga kagamitang kanyang
nakuha sa mas mababang halaga.

______5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby nakatingin man o hindi ang
kanyang amo sa oras ng trabaho.

B. Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang dapat mong gawin kung.....

1. mainit na ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa seremonya sa


Watawat ng Pilipinas
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid
3. natanggal ang bubong ng inyong bahay at nabasa ang inyong mga kagamitan

Sa ginawa ninyong pagpupulong, lagyan ng √ ang iyong ginawa. Sipiin ang sagot sa inyong
kwaderno.

Palagi Di ko ginagawa

1. Nakibahagi ako sa usapan.

2. Tumahimik lamang ako at nakinig.

3. Naging magulo ako sa talakayan.

4. Nakisama ako sa pagpaplano.

5. Iginagalang ko ang desisyon ng iba.

6. Iginigiit ko ang aking mungkahi


FIRST QUARTER
Summative Test #3
ESP 5

A. Isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang mga babasahin ay
mabuting libang
Libangan.
____________ 2. Hindi uunlad ang isipan kapag lagging nagbabasa.
___________ _3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at
pakikinig sa radio.
____________ 4. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging mapanaliksik.
___________ _5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka naming ginagawa.

B. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Sagutan ng buong husay ayon sa iyong
pagkaunawa.

1. Ang nakababata mong kapatid ay walang hilig sa pagbabasa. Anong mga hakbang ang iyong
isasagawa upang maging hilig niya ang pagbabasa?
2. Muli, ang iyong kapatid ay kukuha ng board exam. Hindi siya pumasa sa unang pagsusulit.
Nagbigay siya ng sapat na panahon sa pagsasaliksik mula sa pahayagan, aklat at internet
para sa darating na eksamen. Sa palagay mo ba ay papasa sa ngayon ang iyong kapatid?
Bakit at pangatwiranan.

C. Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek ( ) ang pinaniniwalaang pahayag.

MGA PAHAYAG TAMA MALI

1. Sinasabi ko ang katotohanan kahit na akoy maparusahan.

2. Ako’y takot magsabi ng katotohanan dahil maraming


magagalit sa akin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking ginagamit sa
pamamagitan ng pagtanggap ng mga mungkahi at paalala mula
sa aking kapuwa.
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa anumang
bagay kaya ayokong pinipintasan ang akong mga ginagawa.

5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga tao ang akong mga


nagawang mali dahil mapabubuti at maipakikita ko ang aking
natatanging kakayahan.
FIRST QUARTER
Summative Test #4
ESP 5

A. Iguhit ang kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at ang kung di wasto.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

____1. Iaasa ko nalamang sa iba ang aking gawain.

____2. Tatapusin ko ang anumang gawaing nasimulan.

____3. Pagagandahin at tatapusin ko sa takdang oras ang aking Gawain.

____4. Gagawain ko lamang ang aking proyekto kung nakatingin ang aking guro.

____5. Ipapagawa ko nalamang sa aking kapatid ang aking proyekto.

B. Lutasin natin

1. Araw ng sabado. Naglilinis ng kanal at kapaligiran ang inyong kapitbahay. Ano ang
dapat mong gawin?

2. Inatasan ng iyong guro ang inyong pangkat na magtanim ng mga halaman sa likod ng
inyong paaralan. Ngunit ang iyong kamag-aaral ay nag lalaro lamang. Ano ang dapat
mong gawin?

3. Ang inyong kapitbahay ay namamasukan sa isang pagawaan. Napapansin mo na lagi


siyang huli sa pagpasok. Ano ang maitutulong mo sa kanya ?

You might also like