You are on page 1of 17

ANG MGA ELEPANTE SA

THAILAND AT ANG KANILANG


KUWENTO
Isa ako sa mga batang pinangarap ang makasakay sa elepante. Gustong-gusto ko
maranasan ang mga napapanood ko sa telebisyon at pelikula kung saan malayang
nakakasakay ang mga tao sa likod nito. Sino ba naman ang ayaw na palagpasin ang
ganoong pagkakataon? Siguro kapag nakasakay ka na sa likod nito, parang kita mo
na ang lahat sa sobrang laki at taas ng inuupuan mo.

Kaya noong kami ay pumunta sa Bangkok, isa sa mga atraksyon na aming


pinuntahan ay ang Safari Park kung saan nakita namin ang iba’t-ibang mga hayop
kagaya ng leon, oso, tigre, giraffe, unggoy, at ang kanilang ipinagmamalaking mga
elepante. Napanood namin ang Elephant Show kung saan ang mga elepante ay
nagtanghal ng kanilang mga tricks at exhibition na nagpahanga at nagpasaya sa
mga manonood. Pagkatapos ng pagtatanghal ay inanyayahan ring magkaroon ng
malapitang engkwentro sa mga elepante at maaari ring sumakay sa kanilang mga
likod.

Nais ko rin sanang sumakay sa mga elepante ngunit nakita ko ang kapaguran sa kanilang
mga mata. Sa bawat pagkakataon na napapatawa at napamamangha nila ang daan-daan o
libo-libong taong nagbabayad upang panoorin sAng mga elepante ng Thailand ay
itinuturing na banal na simbolo sa Thailand dahil sa kinalaman nito sa mga
paniniwalang ayon sa Buddhism at Hinduism. Bukod pa rito, itinuturing din na
royal ang mga elepante dahil ang mga hari noon ay may banal na konekyson sa
mga ito lalo na sa puting elepante o white elephant. Malaki rin ang naitulong ng
mga elepante sa industriya ng pangangahoy. Sa modernong panahon, ang mga
elepante ay isa na sa mga tourist attractions ng bansa.

Bukod sa Safari Park, marami na ring mga establishment sa buong Thailand, hindi
lang sa Bangkok, ang gumagamit ng mga elepante upang mapagkakitaan. Madalas
na ginagamit sila upang magtanghal sa mga turista. Ilan sa kanilang mga gawain ay
ang magpinta, magmasahe, sumayaw at maging sakayan sa serbisyo ng trekking.

Gaya ng ibang mga hayop na ating nakikitang nagtatanghal, ang mga elepante ay
dumaan na rin sa matinding pag-eensayo. Ngunit sa kanilang pag-eensayo, may
itinatago itong mga hindi magagandang pangyayari na kakaunti lamang ang may
alam.
Upang makapag-train ang mga elepante sa pagtatanghal, sila ay inihihiwalay sa
kanilang ina, lalo na ang mga batang elepante. Ang ganitong gawain ay tinatawag
na Phajaan o “the crush”. Ang ganitong proseso ay ginagamit upang maamo ang
mga ligaw na elepante. Sila ay inilalagay sa isang maliit na espasyo katulad ng
kulungan o maliit na butas sa lupa upang hindi makagalaw. Ang mga elepante ay
karaniwang nasa alaga ng kanilang pamilya sa loob ng labing-anim na taon ngunit
ito ay pinagkakait sa kanila pagtungtong nila sa ikaanim na buwan. Isa pa lamang
ito sa mga hindi kanais-nais na gawain sa industriya ng turismo sa Thailand na
may kinalaman sa mga elepante.

Madalas din ay hindi pinapakin at pinagpapahinga ang mga elepante tuwing sila ay
pinagkakakitaan sa elephant trekking. Hindi nila nararanasan ang mga regular na
ginagawa nila kapag sila ay nasa gubat o sa kanilang natural na tahanan. Hindi na
rin sila nakakapaglaro sa putikan na nakakatulong upang maprotektahan sila sa init
ng araw.

Isa pa sa mga matitinding pang-aabuso na ginagawa sa mga elepante upang


magamit sila sa industriya ng turismo ay ang saktan sila. Hindi ito isang maliit na
bagay. Ang tusukin ang kanilang naglalakihang tainga gamit ang isang hook ay
isang hindi makatao o makahayop na pamamaraan upang makapagpasaya ng mga
turista sa kanilang pagtatanghal. Hindi rin isang magandang pamamaraan ang
ikadena ang kanilang mga paa upang ihiwalay sila sa iba pang mga elepante. Sino
ba naman ang gustong makaranas na magtrabaho nang hindi pinapakain at
pinagpapahinga tapos sinasaktan pa? Kung tayong mga tao hindi matiis ang
ganitong sitwasyon, ganoon din para sa mga elepante at iba pang mga hayop.

Sa kabila ng nakakagulat na industriya ng turismo sa Thailand, mayroon pa ring mga lugar at


institusyon kung saan napangangalagaan ang mga ligaw na elepante. Ang mga santuwaryong ito
ay naglalayong ingatan at siguraduhing malusog at malaya ang mga elepante sa Thailand. Dahil
patuloy na nababawasan ang bilang ng mga elepante sa bansa, layunin din ng mga institusyong
ito na iligtas ang mga elepante at ang mga mahout o tagapangalaga nila mula sa pang-aabuso at
maling pangagalaga. Ang mga lugar gaya ng Elephant Nature Park, The Surin Project, at Boon
Lott’s Elephant Sanctuary ay ilan sa mga pwedeng puntahan ng mga lokal at turista kung saan
sila ay pwedeng makipaglaro at makisalalmuha sa mga elepante habang sumusunod sa ilang mga
patakaran. Kaugnay sa malapitang engkwentro.

Isang pagsilip pa lamang ito sa kuwento ng mga elepante sa Thailand. Aaminin ko, gusto ko pa
rin sumakay sa likod ng isang elepante, ngunit ito ay isang malaking desisyon na mas malaki pa
sa elepanteng aking sasakyan. Hindi ito mali, ngunit sana ay alamin natin kung saan nga ba ito
pwedeng gawin na hindi sila masasaktan. Malaki man sila sa ating paningin, maliit naman ang
bilang ng mga taong naaabot ng kanilang mga kuwento.
KWENTO MULA SA SINGAPORE

“Ang Alamat ng Tutule: My Singapore


Experience”
Hi, who are you?

Me?I’m Bryan

Ah, blayan la!

No, bra…yan..

Oh… you stupid ah!

Walawe!

**

It’s my first day today!

Oh, really la! Did you login oledi?

Not yet!

Okay, this one ah! Automatic ah! Everyday ah, just pick one hair ah, drop ah! Oki la?

Wow! Ang galing pala dito, hindi na uso ang bundy clock, wala ring panama ang
finger print scan, pati eye scan ng mga kano, panis dito. High-tech talaga!

Kada time-in at time out, kailangan mo lang bumunot ng isang pirasong buhok para
ilaglag sa scanning machine, mahirap nga namang mandaya, high-tech na!

Hmm… owww… ahh… teka, teka! Mukha yatang lugi ako dito.

Punta muna ko c.r.

Where is the c.r.?

What do you mean la?

I mean the comfort room?

Ha?

Haa.. hmm.. ano pa ba ibang tawag dun… i mean the wash room.

Ha?

Hmm.. teka. nilawit ko nga. like that oh, like that!

Ah, okila, big big la! toilet there meh!


Dali dali akong lumabas para pumunta sa banyo. Binilang ko, naku! 500 na lang,

Ilang years ba contract ko dito? Malamang sa isang buong taon, mabubunutan ako
ng 480 na buhok, wala nang matitira sakin. Tsk! tsk!

Ay may bente pa pala ko, meron pa rin akong naka-reserve, buti hindi ako nakapag-
ahit, sige oki la! walawe!

**

Umagang umaga, nasira agad ang internet connection, kailangang pumunta sa


server room. Sabak agad sa trabaho.

Kalikot dito, kalikot dun, dapat maayos ko ‘to para mapahanga ko agad boss ko.

You fix the internet? Ken?

No, I’m not ken, im bryan!

Blayan la! Fix la, ken?

I’m bryan!

Ken you fix the internet?

Walawe!

Wa Lapen?

Hmmm… we are having some problems with the internet connection, maybe we
have to reset the router.

Can or cannot?

Can, why cannot!

Do you have a phone?

Yes!

Maybe we make a ko

Ha?

Can we make a ko?

No, i can’t make you!

**

Lunch time na!

Give me chicken rice, one lah! And one extra rice

Rice ah? Extra ah! How many?


All in all, give me two rice ah! Then one root beer for my drinks. That would be fine
la!

Maya-maya binigyan ako ng isang rice plus apat na extra rice…

Wow, dami ah!

Ang root beer ko ay naging red horse beer! Hanep tanghaling tapat eh!

Walawe!

**

Balik sa trabaho, konting oras na lang uwian na, sabi nila mabilis daw talaga ang
takbo ng oras dito. Kinausap ako nung kasama ko sa opisina.

Hey, what time are you going beck?

Ah… eh… Tomorrow I will go back early morning.

What??? You OT ah, work until tomollow? Don’t want to go home meh? aiyooooo….

Ha?

Nalito ako dito, akala ko tinatanong kung kelan ako babalik, syempre bukas babalik
ako para pumasok, yun pala tinatanong kung anong oras ako uuwi.

Walawe!

**

Pagupit muna ko buhok kahit konti na lang, mas maganda pa rin kasi kapag ahit
pogi ka.

Paktay, paano ko kaya sasabihin kung anong klaseng gupit gusto ko, hindi ko
puwedeng sabihing barbers cut dahil mukhang hindi kami magkakaintindihan

Mas maganda pa siguro kung i-describe ko na lang ang gusto ko mangyari. Sana
andito si Bik at Jowi para may taga-sabi ng oo, hindi at puwede.

Like that oh, like that! no meh! haizz… mukhang hindi ako maintindihan.

Kailangang umisip ng paraan, dinukot ko yung wallet ko para maghanap ng picture


ko na ahit pogi, mukhang magandang ideya ito, buti na lang naisip ko.

Hmm… hmm… wala ako makita, kung may internet lang sana para naipakita ko
yung picture ko sa paste book.

Wala talaga, sige, ito na nga lang, may naitatabi pa naman akong picture na stolen
shot.

Ohhh… this one meh? so many ah! cannot go beck meh!


Kayo na bahala mag-isip kung ano nangyari.

Walawe!

**

Haizz… tinatamad ako, kakaantok pa kasi! Mukhang hindi ako makakapasok,


absent muna ko siguro, kunwari na lang may sakit ako.

Pero ibang klase dito kung gusto mong umabsent na may sakit, kailangan mong
pumunta sa doktor para magpa check-up, dapat may katibayan ka na may sakit ka
talaga kahit nagsasakit-sakitan ka lang.

At dahil ang sakit ng ulo ang pinakamahirap na ma-detect ng mga ghostbusters, ito
ang dinahilan ko para makalusot ako sa doctor.

Need to have a check up doctor, I’m having a bad head ache

Are you Filipino?

Yes, doctor

You Filipinos are troublesome! anywhere you go you cause trouble, you are always
a headache!

Ha?

Okey, open your mouth… That’s it!

Masakit ulo ko pero bakit ako pinanganga? Sana, isa ka na lang dvd.

Why meh?

Para may sub-title ka sa mukha

Aiyoooo… yah lah!

**
Para sa iyong kaibigan, kapatid, kamag-anak, syota, syoto o asawa, naranasan mo na bang
may makagalit o makatampuhan sa kanila? Huwag kang mag-alala, hindi kayo ngongo o
bingi o dahil sa kulang sa pag-uusap, minsan kailangan lang nating samahan ng aksyon
para linisin at tanggalin ang mga tutuleng nakabara sa ating pag-iisip at lubos na
maunawaan ang mga bagay na mas mahalaga kaysa iba. Lahat tayo ay nakakaintindi pero
hindi lahat ay lubos na nakakaunawa –ompong dilat-

author: Ompong Dilat, ang tagamulat ng mga alamat


ANG AMA – maikling kuwento mula sa Singapore
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng
dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na
paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa
itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama,
lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi
sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y
sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at
nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang
tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,
isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama
ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot
na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap
nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng
kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng
pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung
hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa
pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga
matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri
nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain,
at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis
sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng
mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa
malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng
mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos
na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y
magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang
mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa
bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang
ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang
pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na
pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,
napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na
hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang
kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw,
at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng
buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante
sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang
halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan
nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito
nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga
bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang
umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may
isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda
sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na
nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang
nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong
inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang
humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling
nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon
di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga
anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip
ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki
mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong
sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak
at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang
dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa
kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -
payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit
siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal
niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo.


Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot
niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot
naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko.
Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot
sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may
mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala
ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin
silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka
ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y
biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa
bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng
minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na
pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa
pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula
ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang
lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi


dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa
pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng
bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana,
nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng
ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal
at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon,
tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang
bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na


kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak,
walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang
ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina
pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking
bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang di nila mararanasang muli.
Ang Alamat ng Katana
Alamat ng Katana
Bago ang panahon ng mga metal na armas, ang ginagamit na
pang protekta sa kanilang sarili at mga pananim ng isang malayong nayon
ay espadang patpat. Si Kiru ang tinaguriang pinakamagaling na
mandirigma at guro sa sining ng patpat. Nakapangasawa si Kiru ng isang
magandang dilag na nagngangalang Katsume at nag bunga ang kanilang
pagmamahalan ng kambal na sina Kat at Ana. Ang kanilang ama ay
nanghinayang na puro babae ang kanyang mga anak at walang
magmamana ng kanyang posisyon bilang pinakamagaling na mandirigma
at guro sa nayon nila. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kambal na ipagmalaki
sila ng kanilang ama ay nagsanay sila ng palihim.
Ang nayon ng Midea ay katabi ng isang baryo sa tabing dagat. Isang
kabilugan ng buwan ay tumakas ang kambal mula sa kanilang bahay at
natutulog nilang mga magulang upang magsanay gamit ang patpat. Sa
kalagitnaan ng gabi ay may dumakong barko sa baryo malapit sa Midea na
may dalng mga metal at sakay na mga pirata. Sinunog nila ang mga
kabahayan at nakita ng kambal ang ilaw mula sa apoy, ng makabalik sila
ay nadatnan ng kambal ang nasusunog nilang bahay. Sa kanilang galit ay
sinugod nila ang barko at nakitang walang tao rito kaya naisipan nilang ito
na ang kanilang pagkakataon na gumanti habang wala pa ang mga pirata.
Ninakaw at tinago nila ang mga metal na nasa barko at sinunog nila ang
barko bilang ganti sa kanilang bahay at mga magulang. Bago paman sila
maka takas ay naabutan sila ng mga pirata at hinabol sila patungo sa lugar
kung saan nakatago ang mga metal. Naiwan nila ang mga patpat sa
nasusunog na barko kung kaya’t naisipan nilang gamitin ang mga
mahahabang metal na ninakaw nila mula sa mga pirata at ginamit na
pandepensa sa kanilang mga sarili. Natalo nila ang mga pirata ngunit may
ilang mga nakatakas.

Nailigtas nila ang Midea at ang bayan at hinirang silang mga bayani.
Ipinangalan sa kanila ang mahahabang metal na ginamit bilang armas, at
ipinampalit ito sa kanilang mga patpat. Kalaunan, ang Katana ay pinatulis
upang mas medaling makasakit ng mga kalaban at binalot din ang dulo nito
upang gawing hawakan.

Mula noon, ang Katana na ang kanilang ginamit bilang


pandepensa.
ALAMAT MULA SA PILIPINAS

Alamat ng Saging

Sa isang nayon ay may mag-anak na tahimik na namumuhay. Ang lalaki’y si


Mang Bino at ang babae’y si Aling Pacita. Ang kaisa-isa nilang anak ay si Tina.
Lumaking maganda si Tina kaya’t maraming nangibig sa kanya. Ngunit mataas
ang pangarap ng mga magulang para sa kaisa-isang anak. Kaya kapag
mahirap na binata ang pumapanhik ng ligaw sa dalaga ay pinapakitaan ito ng
masamang mukha ng mag-asawa. Malimit pang pagparunggitan ang mga
maralitang mangingibig na sayang lamang ang taglay na kagandahan ng
kanilang anak kung ang magiging kapalaran nito ay isa lamang maralitang
isang kahig isang tuka.

Kabilang sa mga naakit kay Tina ay si Rading. Makisig siyang binata, may
magandang asal, at may likas na kabaitan. Ngunit siya ay isa lamang
maralitang magsasaka kaya’t sa kabila ng mga katangian ng binata ay tutol na
tutol sa kanya ang mga magulang ni Tina. Sa kabila ng pamimintas sa binata
ng mga magulang ng dalaga ay tinanggap pa rin ni Tina ang iniluluhog na
pag-ibig ni Rading.

Nagsumpaan silang walang magtataksil at tanging kamatayan lamang ang


maaaring humadlang sa kanilang pag-iibigan. Lihim na lihim ang kanilang
pagsusuyuan sa pangambang malaman ito ng mga magulang ng dalaga.

Ang kagandahan ni Tina ay nakaabot sa pandinig ni Don Bruno. Siya’y


naninirahan sa kabayanan at nang mabalitaan niya ang tungkol sa
kagandahan ng dalaga ay ipinasya niyang pagsadyain ito sa nayon. Lulan ng
magarang kotse, ang byudong si Don Bruno ay nagtungo sa tahanan ng
dalaga.

Sa pamamagitan ng pagtatanong ay natunton niya ang tirahan nito.


Nakipagkilala siya sa mag-anak at gayon na lamang ang pag-istima ng mag-
asawang Mang Bino at Aling Pacita sa mayamang panauhin. Naging madalas
ang pagdalaw ni Don Bruno at di nagtagal ay nagtapat ng pag-ibig sa dalaga.
Tinanggihan ni Tina ang inihahandog na pag-ibig nito. Naging mapilit ang
byudo kaya’t napilitan ang dalagang tapatin ito na wala siyang pag-ibig dito
at ang puso niya’y nakasanla na sa iba.

Ayaw maniwala si Don Bruno dahil liban sa kanya, wala raw naman siyang
nakikitang pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ito ay sapagkat napakahigpit nga
ng mga magulang ni Tina. Sinabi rin niyang hindi siya titigil ng panunuyo sa
dalaga, maliban na lang kung mapatutunayan niyang may katipan na nga ito.
Sa sandaling mangyari ito, nangako siyang hindi na niya ito gagambalain pa.
At kung ipagtatapat ng dalaga kung sino ang katipan nito ay hindi niya
sasabihin ang lihim kahit kanino.

Sa kagustuhan ni Tina na tumigil na sa panliligaw ang matanda, ipinagtapat


niya na si Rading ay kasintahan na niya. Hindi nagpahalata ng sama ng loob
ang byudo, ngunit may lihim siyang binabalak upang mapasakanya ang
dalaga.

Isang araw na umalis si Tina at sumama sa kaibigan sa pamimili sa kabayanan


ay kinausap ng Don ang mga magulang na dalaga. Ipinagtapat niya sa mga ito
ang tungkol kina Tina at Rading. Gayon na lamang ang galit ni Mang Bino
ngunit sinikap ni Don Bruno na mapaglubag ang kalooban ng ama ni Tina.
Iminungkahi niya na kung papayag ang mag-asawa ay ibig niyang makasal sila
agad ni Tina. Palibhasa’y mayaman hindi tinutulan ng mga magulang ng
dalaga ang plano ni Don Bruno. Napagkasunduan nilang idaraos ang kasal sa
lalong madaling panahon.

Simula noon ay hinigpitang lalo ng mga magulang ang dalaga. Hindi na siya
pinalalabas ng bahay nang walang kasama. Ang palaging kasama niya sa
anumang pupuntahan ay ang kanyang ina. Ang lihim na pagkikita nina Rading
at Tina ay naputol. Hindi malaman ng binata ang gagawin upang makausap
ang katipan. Malimit na aali-aligid siya sa tahanan ng mag-anak upang
masilayan man lamang ang minamahal. Subalit lagi siyang umu-uwing bigo.

Isang tanghali ay nakita niyang mag-isang umalis ng bahay si Aling Pacita.


Dala nito ang basket na kinalalagyan ng pagkaing ihahatid sa asawang nag-
aararo sa bukid. Dati-rati’y kasama ng ina ang dalaga. Hindi niya ito iniiwang
mag-isa sa bahay sa pangambang magtungo roon ang kasintahan at
magkausap ang dalawa. Nang tanghaling iyon ay hindi napilit ng ina na
sumama si Tina sa paghahatid ng pagkain sa bukid. Dumaing ang dalaga na
masakit na masakit ang kanyang ulo at nang damahin ng ina ang noo ng anak
ay mainit at tila may sinat nga ito.

Pagkaalis ni Aling Pacita ay dali-daling tinungo ni Rading ang tahanan ng


mag-anak at nagpatao-po. Nang maulinigan ng dalaga ang tinig ng
kasintahan ay pinilit niyang makabangon kahit masamang-masama ang
kanyang pakiramdam. Pinatuloy ni Tina ang binata at magkaharap silang
naupo sa dalawang silyang napapagitnaan ng isang maliliit na mesa sa may
tabi ng bintana.

Sabik na nagkumustahan ang magkasintahang matagal-tagal ding di nagkita.


Palibhasa’y noon lamang muling nagkita, hindi matapus-tapos ang
pagbabalitaan ng dalawa. Libang na libang sila sa pag-uusap at hindi na nila
pansin ang kapaligiran. Hindi nila namalayan ang pagdating ng humahangos
na si Mang Bino, kasunod ang humahabol na asawa. May nakapagbalita pala kay Mang
Bino sa bukid na nasa kanilang bahay si Rading kaya’t napasugod nang uwi ang
matandang lalaki.

Galit na galit ang ama ni Tina pagkakita sa dalawang nag-uusap sa tabi ng bintana.
Hawak ang matalim na gulok ay biglang sinugod ng matandang lalaki si Rading at
biglang tinaga ang kamay ng binata na nagkataong nakalawit sa bintana. Palibhasa’y
mababa ang bahay ng mag-anak kaya nakuhang abutin ni Mang Bino ang kamay ng
binata. Naputol ang kamay ni Rading at bumagsak sa lupa. Napatili si Tina at nawalan
ng malay-tao nang makita ang pangyayari.

Sapo ang duguang bisig ay tumakbong pauwi ang binata. Kaagad siyang isinugod sa
kabayanan upang dalhin sa pagamutan doon. Subalit sa daan pa lamang ay nalagutan
na ng hininga ang binata dahil sa dami ng dugong nawala sa kanyang katawan. Ang
kabayanan ay lubhang malayo sa kanilang nayon.

Nang magkamalay si Tina ay nasa loob na siya ng sariling silid. Ang namulatan niya sa
kanyang tabi ay ang kanyang ina. Itinanong niya rito si Rading at ang kanyang ama.
Napahagulgol siya ng panangis nang malaman niyang ang binata ay hindi na umabot sa
pagamutan at ang kanyang ama naman ay dinala ng mga maykapangyarihan.
Nagpumilit siyang bumangon at hindi napigil ng ina sa paglabas ng bahay. Tinungo niya
ang lugar na kinabagsakan ng kamay ni Rading at buong pagmamahal na niyakap ang
putol na kamay.

Ibinaon niya ang kamay sa kanyang halamanan. At sa umaga’t hapon sa araw-araw na


ginawa ng Diyos ay hinahaplus-haplos niya ang lupang nakatabon sa kamay ng
minamahal habang lumuluhang sinasambit-sambit ang “Rading. Rading.”

Hindi nagtagal ay may tumubong halaman sa pook na iyon at nang mamunga ay


katulad na katulad ng mga daliri ng kamay ni Rading. Kumalat ang balita sa nayong iyon
at naging paksa ng usapan ang kamay ni Rading. Tinawag ng mga tao ang bunga ng
naturang halaman na kamay ni Rading. Nang lumaon ay ipinasya nilang tawagin itong
saging.

Aral:

 Ang pagiging matapobre ay walang mabuting maidudulot kanino man. Kung ang
iyong anak ay umibig man sa dukha, maaring ito ay may dahilan. Kausapin ng
masinsinan ang anak dahil wala namang bagay na hindi nakukuha sa mabuting
usapan. Gayundin naman sa mga anak. Iwasang maglihim sa mga magulang upang
maiwasan ang gulo sa pamilya.
 Huwag maging mapilit lalo na sa pag-ibig. Kung ayaw sa iyo ng taong iyong
minamahal, respetuhin ito at huwag nang ipilit ang iyong sarili. Maaaring may ibang
taong nakalaan para sa iyo kung ikaw lamang ay marunong maghintay.
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-
kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si


Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat,
luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas
na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa
sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga
gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng
mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay


pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga
gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila
ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki
ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain.


Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at
lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay
nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay
naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang
kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa


kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Aral:

 Walang mabuting naidudulot ang inggit.


 Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at
iwasang ikumpara ang sarili sa iba.
Alamat ng Mangga

Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya


ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay si Haring Enrico. Sa isang banda
ay gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng
disiplina. Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot
sa parusang iginawad ng hari.

Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian.


Nagpaimbistiga si Haring Enrico. Nalaman niya na nakatulog pala ang
kawal na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo. Agad
niyang ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa
oras ng trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa
anak na may sakit.

“Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga


bilanggo!” anang hari. Hindi nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang
may pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa
kapabayaan.

Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap


sila na pakawalan ang kawal ngunit hindi pumayag si Haring Enrico.
Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak. Nang malapit na ang
kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga
nasasakupan. Ayon sa patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala
pa ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at
kanya namang ipagkakaloob.

Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong
maisip na maaaring ibigay sa hari. Naisip nitong yayain sa gubat ang
anak para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari. Inabot sila ng
pagod at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang
harapan. May hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang
diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong
bunga.

“Ito ang ibigay ninyo sa hari,” sabi ng diwata. “Itago muna ninyo ito sa
inyong bigasan at ilabas mismo sa kaarawan ng hari.”

“A-ano po ba ang bungang ito?” tanong nila.

“Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig
lamang meron niyan at itinuring naming sagrado ang bungang iyan.”
“Maraming-maraming salamat po!” sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata.
Tuwang-tuwa nag-siuwi ang mga ito.

Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng
hari ay kinuha nito ang dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging
dilaw ang bunga at mabangong-mabango.

Maging ang hari ay nanggilalas nang makita ang dalawang hinog na bunga na
nasa amoy palamang ay mukha ng napakasarap. Agad niyang kinain ang isa at
lubha siyang nasarapan.

‘Anong pangalan ng bungang ito ?” tanong ng hari.

“Mangga po”, sabay na wika ng mag-ina.

“Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito. Saan galling ito?”

“Bigay po sa amin ng isang diwata.”

“Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang


anumang hilingin mo.” Sabi niya sa asawa ng kawal.

“Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa,” sabi ng babae.

“Matutupad ang iyong kahilingan.”

Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay


binigyan pa ng kaunting halaga ang mag-asawa.

Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon
upang muli siyang makatikim ng pambihirang bunga.

Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng
kanyang mga nasasakupan. Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.

Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga.

Aral:

 Kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita at ang pagtupad sa pangako ay
isang magandang halimbawa na dapat tularan.
 Hindi masama ang pagkakaroon ng mahigpit na pinuno kung ito naman ay
makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan at walang nasisikil na karapatan ng
taumbayan.

You might also like