You are on page 1of 1

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story

“Hari ng Tondo”, ito ang bansag kay Nicasio “Asiong” Salonga. Isang taong nirerespeto ng mga mahihirap
at inaapi at kinakatukan ng mga nang-aapi. Nagsimula ang lahat noong tinuran ng leksyon ni Asiong si
Viray dahil sa kanyang pangongotong sa mga tao. Sumunod naman na binangga ni Asiong si Totoy
Golem, isang notoryus na gangster at naghaharian sa Tondo. Napang-abot silang dalawa at natalo si
Totoy Golem. Tuloy-tuloy naman ang pag-atake nina Asiong sa mga ilegal na gawain nina Totoy Golem at
dahil rin sa kanila nahuli ang isa sa mga “padre” o kasama ni Totoy Golem sa grupo na si Boy Zapanta.
Dahil dito, nakuha nina Asiong ang tiwala, respeto at pagmamahal ng mga mahihirap sa Tondo. Ngunit
sa kasamaang palad, nahuli si Asiong ng mga rumespondeng pulis noong ginantihan sila nina Totoy
Golem sapagkat tinuturing siyang isang “gangster” ng mga awtoridad. Ang paglaban sa mali gamit
maling paraan ay hindi nangangahulugang ika’y tama lalo na sa mata ng batas ngunit para sa mga taong
iyong pinagtanggol ika’y titingalain at rerespituhin ng buong puso at ito ang mahalaga para kay Asiong
na hindi bale na lang kung ano ang kanyang maging kahihinatnan basta’t siya’y makatulong sa mga tao
sa paraan alam niya at kaya niyang gawin. Wala ng hihigit pang sakripisyo sa pag-aalay ng iyong buong
puso at buhay sa inyong mga kapwa. Nahatulang “guilty” si Asiong ng korte sa salang pagpatay at
pagkakaroon ng armas na hindi rehistrado at nahatulan ng habangbuhay na pagkakabilanggo. Sa piitan
ay nagkaharap muli sina Asiong at Boy Zapanta, naglaban sila gamit ang kutsilyo at ditto napatay ni
Asiong si Boy Zapanta. Nakalaya si Asiong sa tulong ng warden ng kulungan kung saan inatasan siyang
protektahan ang isang kanditato mula sa mga gustong pumatay sa kanya, ito ay ang grupo na naman ni
Totoy Golem sa pangunguna ni Pepeng Hapon. Napatay ni Asiong si Pepeng Hapon at kasama noon ay
ang pagkaloob sa kanya ng kalayaan. Napagalaman naman ni Asiong na isa sa kanyang mga kasamahan
at isa na ding matalik na kaibigan na si Ernie ay nangongotong pala simula noong siya’y makulong kaya
ito’y kanyang tiniwalag sa kanilang grupo. Kinuha ni Totoy Golem si Ernie sa kanyang grupo at
pinagplanuhan nilang dalawa na patayin si Asiong. Inimbitahan ni Totoy Golem sa binyag ng kanyang
anak si Asiong at dito nalaman ni Asiong ang pagtataksil ni Ernie, pagkatapos ay niyayang kumain.
Habang kumakain, napagtanto ni Asiong na pinagplanhan siyang patayin kaya nabanggit niya ang mga
salitang ito, “ mas masarap mamatay sa kamay ng kaaway ngunit masakit mamatay sa kamay ng
kaibigan”. Tumayo si Ernie at tinutukan ng baril sa ulo si Asiong at ilang saglit pa ay ito’y kanyang
ipinutok. Gumanti ang kasamahan ni Asiong at pinatay si Ernie sa pamamagitan ng mga saksak. Hindi
maipaliwanag ang sakit na nadarama sa pagtataksil ng isang taong malapit sayo lalo na at tinuring mo pa
itong parang isang kapatid lalo pa na siyang ang kikitil sa iyong buhay. Pinatuyan lamang ni Ernie na ang
katapatan madali lamang mawala dahil sa isang hindi pagkakaunawaan. Kaya dapat mag-ingat sa mga
ahas sapagkat pagnakakita sila ng pagkakataon ay hindi sila magdadalawang isip at ika’y tutuklawin. Sa
kanyang libing, napang-abot ang mga kasama ni Asiong kasama ang kanyang pulis na kapatid na si
Domeng at ang grupo ni Totoy Golem kung saan napatay si Totoy Golem. Sa huli, hindi kailanman
mananaig ang kasamaan sapagkat mayroong lalaban at lalaban dito.

You might also like