You are on page 1of 1

Sawikain Halimbawa at Kahulugan

1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.
8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?
11. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.
12. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.
13. Basa ang papel
Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong magsinungaling.
14. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.
15. Bilang na ang araw
Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.

You might also like