You are on page 1of 1

Wika Ko, Mahal Ko (Monologue Piece Sample)

Wika Ko, Mahal Ko

“Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda” yan ang sabe ni Gat Jose
Rizal. Baket nga ba niya nasabe ito? Sa tingin mo ito’y walang tuturan? Sa tingin mo ito’y walang
pinaghugutan?

Sa tingin ko meron! Dahil Ikaw, ako, tayong lahat! Ay mga Pilipino! Ngunit lahat ba tayo ay
nagmamahal sa ating lupang kinabibilangan? Ikaw na nakatingin saken, mahal mo ba ang iyong wika?
O ikaw ay higit pa sa mabahong isda?

Marahil, ika’y nagtatanung kung anung ginagawa ko dito. Nagsasalita lang? Nag-iingay? Ano pa! Nais
ko lamang ay maintindihan niyo ang halaga ng ating wika. Anu nga ba ang ating wika? Ingles o
Filipino? Marami sa aten ang mapagpanggap! Mapagpanggap na banyaga! Banyaga sa salita at
kunwari hindi marunong magsalita ng wikang Filipino!

Pansinin niyo ang bansang Korea at Hapon, sila’y hindi marunong mag-Ingles, ngunit sila’y patuloy
na umuunlad. Baket kaya? Dahil sila ay mayaman? Sila ay nagging mayaman dahil sila ay
mapagmahal sa kanilang wika. E ano naman ngayon?

Anong petsa na?! Kung ikaw ay isa pa rin mapagpanggap na banyaga! Paano uunlad ang iyong lupa
kung ika’y mananatiling ganyan? Hindi mo ba naisip na ang pambansang wika ay simbolo ng
pagkakaisa ng bansa? At ang pagkakaisa ay ang daan sa kaunlaran ng ating bayan!

Ito ay hindi basta lamang salita. Ito’y tila hangin na kelangan ng bawat Pilipino san dako man ng
mundo. Makarinig lang sila ng taong marunong magsalita ng Pilipino, sila’y tuwang tuwa at tila
nakahanap ng lakas at liwanag sa gitna ng kanilang kalungkutan.

Dahil sa wikang Pilipino, ako’y natutong magsalita at kumilala ng aking tunay na mundo, ang mundo
ng mga Pilipino. Kung walang salitang Pilipino, walang matatawag na Pilipinas. Mahalaga nga ba ang
ating wika? OO! Sa tingin mo, ika’y makakatapos ng pag-aaral ng walang wikang Pilipino? Ikaw ba’y
magkakaron ng trabaho kung ang salita mo’y Espanyol? At makakarating ka ba sa iyong kinalalagyan
kung ang wika mo’y Intsik? Matuto kang lumingon sa wika na iyong kinagisnan. Wag mong baluktutin
ang iyong dila, baka hindi ka na kilalanin ng iyong bayan.

Pag naririnig ng aking magulang ang tawag kong “Nanay” “Tatay”, sila’y napapangiti dahil ito’y
nagbibigay ligaya at lakas sa kanila. Ang sarap pakinggan pag tinatawag nila akong “Anak” dahil
nararamdaman ko ang kanilang pagmamahal.

Ako’y may tanung sayo. Alam mo pa bang sabihin ang “po” at “opo”? Dahil sa mga katagang ito,
natututo akong gumalang sa mga nakakatanda. Ngunit, asan na ang mga kabataang dapat magsabe
nito?! Tila habang lumilipas ang panahon, nababawasan an gating wika kasabay ng pagbawas ng
magagandang katangiang ng pagiging Pilipino.

Wikang Pilipino ang huhubog sayo, saken at sa ating lahat bilang isang matuwid na mamamayan.

You might also like