You are on page 1of 4

TAKDANG ARALIN 1

Lynnede Raizen Villareal ABM 11-35

1. Kahulugan ng wika
Ang wika ay ang pinaka mabisang gamit ng tao sa pakikipagusap o pakikipag unawaan sa
kapwa. Dito naipapahiwatig o naihahayag ang kanilang iniisip, damdamin, saloobin,
nadarama, nakikita, at nararanasan sa kanyang kapaligiran na ginagalawan. Sa
makatuwid ang wika ay kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.

2. Kahalagahan ng wika
Ito ang gamit sa pakikipagusap at komunikasyon. Ginagamit din ito upang malinaw na
maipahayag and damdamin at saloobin ng isang tao, Dito maipapakita ang kultura na
kinabibilangan ng isang tao. At higit sa lahat ito ang instrumento sa pagpapalaganap ng
kaalaman.

3. Katangian ng wika
Ito ay may sistemang balangkas, sinasalitang tunog, pinipili at isinasaayos, arbitaryo,
ginagamit, nakabatay sa kultura, nagbabago, pang komunikasyon, makapangyarihan, at
kagila gilalas.

4. Katangian ng wikang Filipino


Ito ay may kapangyarihang magpalaganap ng pagkakaisa sa ating bansa. Ito din ang
nagsisilbing sagisag ng pambansang wika n gating bansa. Magagamit ito kahit san mang
rehiyon ng bansa mapunta. Kailangan ito para sa ating pag iisip, at ito ang susi sa
kaunlaran. May kakayahan itong ipagugnay at gawing isa ang mga tao sa ating bansa. Sa
pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o mayaman ay may
batas na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nito sa isang bansa.

5. Pinagmulan ng wika
Bow-wow
Ayon sa teoryang Bow-wow, ang wika nagmula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.

Ding-dong
Ayon sa teroyang ito nagkaroon ng wika, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng
mga bagay sa paligid. Di ito katulad ng Bow-wow, kasama din dito ang mga tunog ng
mga bagay na nilikha ng tao. Lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog na iyon ang ginamit ng mga sinaunang tao.
Pooh-pooh
Ayon sa teoryang ito nagmula ang wika sa hindi sinasadyang mga salita na lumalabas sa
bibig ng tao pag sila ay nakadama ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa,
sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at marami pang iba pa.

Yo-he-ho
Ayon sa teoryang ito ang wika ay nagmula sa pwersang pisikal.

Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasaad ditto na nagmula ang wika sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon.

Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha
ng tunog at naging salita.

Sing-song
Ayon sa teoryang ito ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili,
panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.

Hey you!
Katulad ito ng teoryang pooh-pooh. Ayon dito nagmula ang wika sa bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao . Isinasaad dito nagmula ang wika
sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan at pagkakabilang.

Coo Coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang pananalita
ng tao.

Hocus Pocus
Ayon sa teoryang ito maaari ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

Eureka!
Ayon ditto ang wika daw ay inimbento ng tao. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay
may ideya ng pagtatakda ng mga tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang
ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay.

La-la
Ayon sa teroyang ito nagmula ang wika sa mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ito
ang mahalagang element na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ayon ditto ay nagmula ang wika sa mga ritwal. Ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga
tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.

Rene Descartes
Ayon kay Rene Descartes ay hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa
aten ang gumamit ng wika na aangkop sa ating kalikasan bilang tao.

Plato
Ayon dito ay nalikha ang wika bunga ng pangangailangan.

Jose Rizal
Ayon sa ating pambansang bayani ang wika daw ay galing sa Poong Maykapal.

Charles Darwin
Ayon sa eksperto na si Charles DarwinNakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang
wika.

Wikang Aramean
Ayon sa teoryang ito ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe
ng mga Aramean.

Haring Psammatichos
Sinasabi sa teoryang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
haring Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. At napagtanto niya ,
likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro.
Tore ng Babel
Ang teoryang ito ay nagmula sa bibliya, noong umpisa’y iisaang wika ng tao na biyaya
ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isangtore
upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nalaman ito
ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore,
nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya
nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

You might also like