Yolly: Ang minamahal nating punungguro (Josephine S. Cornico) mga
magulang, mga kapwa guro, mga mag-aaral, mga panauhin, magandang umaga sa inyong lahat. Tayo’y nagkatipun-tipon sa umagang ito para sa pagtatapos ng Gawain kaugnay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” na may temang “Wika Natin ang Daang Matuwid”.
Nenarose: Simulan natin ang ating palatuntunan sa pagbibigay-
pugay sa Maykapal sa pangunguna ni Jastine Mapette Merida at manatiling nakatayo para sa pag-awit ng Lupang Hinirang na pangungunahan ni MaryGrace Ellizalde.
Yolly: Ngayon tatawagin natin si Gng. Rhodora A. Borja ang
pangalawang pangulo ng samahan ng mga Guro ng Catarman SPED Center sa kanyang pambungad na pananalita.
Nenarose: Salamat po Gng. Borja sa inyong mensaheng pagbati.
Tawagin naman po ang ikalawang baitang xylophone sa kanilang sabayang pagbigkas ng “Ang Wikang Pinoy”. Atin po silang palakpakan. Yolly: Maraming salamat mag-aaral sa ikalawang baitang. Ang ikatlong baitang naman ay magbibigay din ng sabayang pag- awit na pinamagatangn “Masdan ang Kapaligiran”.
Nenarose: Salamat po sa magandang awitin. Atin naman pong
pakinggan ang isa pang sabayang pagbigkas galing sa ikaapat na baitang.
Yolly: Maraming salamat mag-aaral sa ikaapat na Baitang sa inyong
tula. Isang balagtasan naman ang ating matutunghayan mula sa piling mag-aaral sa ikalimang baitang.
Nenarose: Salamat pa sa inyong napakagandang balagtasan. Ngayon
naman po ay maririnig naman natin ang isang deklamaasyon mula kay Bernice Bless Intal.
Yolly: Salamat Bless sa iyong madamdaming deklamasyon. Muli po
ating tawagin ang isang mag-aaral sa ikaanim na Baitang; si Jonsel Juris C. Ballicud sa kanyang talumpati. Nenarose: Maraming salamat Juris sa iyong magandang talumpati. Tawagin nating ang mag-aaral sa Ikalimang Baitang sa kanilang Tableau na pinamagatang “Magellan.”
Yolly: Salamat mag-aaral sa ikalimang baitang sa inyong magandang
presentasyon. Ating pong nasaksihan ang iba’t-ibang presentasyon ng ating mga mag-aaral sa SPED na nagsisimbolo ng ating pagpapahalaga sa sariling wika sa iba’t-ibang paraan. Sana po ay ating patuloy na gampanan ang ating mga tungkulin upang maipatuloy ang pagpapahalaga sa ating wika sa mga susunod pang henerasyon.
Nenarose: At ngayon naman po sa ating pangwakas na pananalita ay
ating tawagin ang ating punongGuro si Josephine S. Cornico.
Yolly: Dito po nagtatapos ang ating programa sa umagang ito.
Salamat po sa inyong pagdalo sa kaganapang ito at magandang umaga po sa inyong lahat.