You are on page 1of 4

Eknomiks (First Grading)

Topic 7
PRODUKSYON

I. PRODUKSYON
 Ang paglikha ng produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng
tao

II. MGA SALIK NG PRODUKSYON


1. Lupa
 Sumasaklaw sa lahat ng orihinal at lahat ng di napapalitang yaman ng kalikasan
 Iba’t-ibang paraan sa paggamit ng lupa
o Pagsasaka
o Pabahay
o Pagtatayuan ng mga:
 Gusali
 Pabrika
 Palaruan, etc.,
 Ang layunin ng paggamit ng lupa at ang laki ng lupang magagamit ang nagpapasya kung ano ang
dapat na kolektahing upa o bayad

2. Lakas-Paggawa (Employment)
 Ang pinakamahalagang salik ng produksyon
 Sa salik na ito umiiral ang kontribusyon ng lakas tao upang mabuo ang isang produkto
 Sahod ang kabayaran sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang sahod ay nauuri sa:
o Arawan
o Lingguhan
o Buwanan
o Taunan, etc.
 Napapangalagaan ang lakas paggawa sa pamamagitan ng:
o Kodigo ng Paggawa ng Pilipinas (Labor Code of the Philippines)
 Kalipunan ng lahat ng mga batas panlipunan at pangmanggagawa ng isang
bansa
 Nangangalaga laban sa di-makatarungang pagtatanggol sa namamasukan sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga probisyong kailangang sundin tungkol sa
pagwawakas ng empleyo
 Nagsasaad ito ng probisyon sa:
 Pagtanggap ng bagong kawani at paglagay sa angkop na posisyon
 Kalagayan ng pinamamasukan
 Kalusugan, kaligtasan at kapakanang panlipunan
 Pag-uugnayan ng kawani at pinaglilingkuran
 Pagwawakas ng empleyo at pamamahinga sa serbisyo
o Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Empleyo:
 Pagwawakas ng Empleyo (Termination of Employment)
 Maaari lamang tanggalin ang empleyado kung siya ay:
o Di sumusunod at may maling kaasalan
o Palagiang nagpapabaya sa Gawain o tungkulin
o Panlilinlang, pandaraya o panloloko
o Pagkakasala at paggawa ng masama sa pinaglilingkuran
 Pagbibitiw sa Empleyo (Resignation)
 Di na kailangan ang paunawa (notice) kung ang pagbibitiw ay dahil sa:
o Pang-iinsulto ng nakatataas sa empleyado
o Di-makataong pagtrato ng tagapamahala

1
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
o Paggawa ng krimen ng tagapamahala laban sa pamilya ng
empleyado o sa empleyado mismo
o Kalagayan sa Paggawa
 Tumutukoy sa:
 Oras ng paggawa
o Magtratrabbaho ng 8 oras lamang ang isang empleyado
o Kapag labis sa 8 oras, dpat bigyan ng overtime pay
 Lingguhang pamamahinga
o Binibigyan ng 1 araw bawat lingo bilang araw ng pahinga
o Pag-eempleyo ng kababaihan
 Mga prebilihiyo ng kababaihan:
 Hiwalay na palikurang pambabae at panlalaki
 Nursey
 Maternity leave
o Pag-eempleyo ng mga kabataan
 Kapag nag-eempleyo ng kabataan 15 – 18 taon, ito’y hindi dapat nakaabala sa
kanilang pag-aaral at dapat sila’y nangangalaga ng kanilang magulang
 Mga dahilan ng Kawalan ng Trabaho:
o Pagpapalit ng paggawa
o Kawalan ng trabaho dahil sa teknolohiya
o Pagkawala ng trabaho dahil sa pag-ikot ng negosyo
 Epekto ng kawalan ng trabaho:
o Epekto sa ekonomiya
 Pagbaba ng antas ng pag-unlad
o Panlipunang epekto
 Pagtaas ng antas ng kriminalidad
 Paglala ng mga sakit
 Gutom at laganap na kahirapan, etc.
 Ugnayan ng mga kawani at ng Pinaglilingkuran:
o Ninanais na maitaguyod ang positibong relasyon ng kawani at ng pinaglilingkuran kaya
nabuo ang mga sumusunod:
 Paglapat ng mga kasunduang pansamahan para sa paglutas ng mga alitang
paggawa
 Kalayaang magtatag ng mga samahan o unyon
 Mabilis at makatarungang paglutas ng alitang paggawa
 Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga
manggagawa
 Pagsisikap tungkol sa kapayapaang pang-industriya

3. Kapital o Puhunan
 Mga produktong yari na o gawang tao na ginagamit sa paglikha ng produkto
 Hindi lamang sa anyong salapi
 Maaaring uriin sa mga sumusunod:
o Fixed capital goods
 Tumatagal at ginagamit nang paulit-ulit
 Halimbawa ang makinarya, pagawaan at mga kagamitan
o Circulating capital goods
 Mga produkto na ginagamit upang makagawa ng iba pang produkto
o Free capital goods
 Mga produktong ginagamit ng isang beses lamang
o Specialized capital goods
 Nagagamit sa bukod-tanging layunin
 Halimbawa ang makinilya, sewing machine, oven, etc.

2
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
o Interes ang kabayaran sa paggamit ng puhunan
 Mga uri ng interes:
 Tubong gross at net
o Tubong net (puro)
 Halagang ibinayad nang walang patubo
o Tubong gross
 Interes ng net at lahat ng tinubo ng negosyante
 Tubong implicit at explicit
o Tubong implicit
 Tubo sa paggamit ng sarilinng pera na ginawang
puhunan
o Tubong explicit
 Tubong ibinabayad ng negosyante sa perang ipinuhunan

4. Entreprenyur/ Negosyante/ Namamahala


 Ang nagpapatatag sa negosyo
 Ang taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga naunang salik ng produksyon
upang mabuo ang isang produkto na makatutugon sa pangangailangan at kagustuhan
 Mga katangian ng entreprenyur:
o Pambihirang kakayahan
 Mapanlikha, makatarungan, may matalas na pakiramdam
o Nakikipagsapalaran
 Lakas ng loob na harapin ang walang katiyakang negosyo

III. MGA ANYO NG PRODUKSYON


1. Elementary Utility
 Ang anyo ng produksyon na hindi na kailangang dumaan pa sa kahit na anong prosesong gawa
ng tao
2. Form Utility
 Mga hilaw na sangkap na isinasailalim sa pagproseso upang mabago ang anyo
3. Time Utility
 Mga produktongginawa sa angkop na panahon
4. Service utility
 Anyo ng produksyon na maaari lamang ipagkaloob ng tao
5. Possession or Ownership Utility
 Anyo ng produksyon kung saan hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit
kailangang ipagbili sa isang taong higit na nangangailangan
6. Place utility
 Nagsasaad na ang kapakinabangan ng isang bagay ay tumataas depende sa layo ng lugar na
pinanggagalingan

IV. Mga Gastos sa Produksyon


1. Economic Cost
 Gastusin na may kinalaman sa mga bayarin na nauukol sa pagnenegosyo, tulad ng:
Production cost – anumang kabayaran ng mga salik ng produksyon (sahod ng
maggagawa, renta ng lupa/pagawaan, interes sa capital, tubo sa entreprenyur)
Fixed Cost – gastusin sa pagbabayad ng mga salik na hindi nagbabago (upa sa lupa, etc.)
Variable Cost – gastusing maaaring mabago ng isang negosyante (bayad sa kuryente,
etc)
 Gastusin na umaayon sa lebel ng produksyon
Total Cost – ang kabuuang gastusin sa paglikha ng mga produkto at serbisyo
2. Mga Gastusin sa bawat produkto
Average fixed cost – gastusin sa bawat produkto

3
Eknomiks (First Grading)
Topic 7
Average variable cost – kapag ang total variable cost ay hinati sa dami ng
produktong nagawa
Average total cost – paghahato ng total cost sa dami ng produkto
Marginal cost – gastusin sa bawat karagdagang produktong gagawin
3. Iba pang gastusin
Di-hayagang gastos (Implicit cost)
o Gastos na nauugnay sa kabayarang tinatanggap mismo ng may-ari ng
negosyo
Hayag na Gastos (explicit cost)
o Mga gastos na may kinalaman sa tinatanggap ng mga may-ari ng salik na
hindi may-ari ng negosyo
Opportunity Cost
o Isinasakripisyong bagay upang gamitin sa kasalukuyang gamit nito

You might also like