You are on page 1of 5

Alamat ng Estatwa

written by

Drandrieu Pan

Address
Phone
E-mail

TAUHAN
Mavis - Asawa ni Pedro Salumpekpek
Aries - Asawa ni Anna Salumpekpek
Rowlem - Albularyo (Kapitan Ping Guerrero)
Karl - Assistant ng Albularyo
Dom - Assistant ng Albularyo
CJ - Tsimosang kapitbahay
Pan - Tagapagsalaysay
Vahn - Pusa

SCENE

Nakaupo si PEDRO at nakaharap sa madla na tila ba'y nanunuod


ng TV habang ang kanyang asawa naman ay abala sa paghuhugas
ng pinggan.

TAGAPAGSALAYSAY
Noong unang panahon sa liblib na
lugar ng Sityo Talak ay may magasawang
mahilig magbangayan sa loob
ng kanilang munting kubo, araw-araw
ay 'di mawawalan ng pag-aaway ang
mag-asawa. Ang ilaw ng tahanan ng
mag-asawang Salumpekpek ay
nagngangalang...

MAVIS
Aling Ana.

TAGAPAGSALAYSAY
At ang haligi naman ng kanilang
tahanan ay si...

ARIES
Mang Pedro

TAGAPAGSALAYSAY
Lights, camera, action! Habang
naghuhugas ng pinggan si Aling Ana,
ito'y napalingon kay Mang Pedro, at
dahan-dahan siyang lumapit dito,
dahan-dahan, at sabay ito'y
binatukan.

2
.
MAVIS
HOY! Kanina ka pa diyan nakaupo,
magwalis-walis ka naman!
TAGAPAGSALAYSAY
Tumayo si Mang Pedro at sabay
sabing...

ARIES
Kaya mo na 'yan, maghapon na nga
akong nag-aararo bukiran.

TAGAPAGSALAYSAY
Lalong nag-init ang dugo ni Aling
Ana. Ang buhok niya'y lalong
kumulot sa galit, Siya'y napameywang,
pinakita ang mga
naglalakihang mga braso, at hinarap
si Mang Pedro.

MAVIS
Hoy! Hoy! Hoy! Pinagsisisihan ko na
talagang inasawa kita! Dahil bukod
sa bumaho ang pangalan ko na naging
Misis Anna Fe Salumpekpek, e
napakatamad mo pa!

ARIES
Hoy! Mabaho naman na talaga ang
pangalan mo simula noon pa! 'Di ba,
Anna Fe Peña?

TAGAPAGSALAYSAY
Lalong nag-init ang ulo ni Aling
Ana. Siya'y nanggigil, at
nanggigil, at nanggigil, at
nanggigil pa lalo na para bang
sasabog na. Kinuha niya ang walis
at naghabulan silang mag-asawa sa
loob ng kanilang munting tahanan.

ARIES
Aray! Aray!

TAGAPAGSALAYSAY
Paikot-ikot ang mag-asawa, at
hanggang si Mang Pedro ay may
naisip na magandang ideya.

ARIES
Ah, alam ko na! Huminahon ka! May
naisip ako, magpustahan tayo.
(MORE)

3.

ARIES (CONT’D)
Kung sino ang unang magsalita at
gumalaw sa'ting dalawa, siya na ang
gagawa ng mga gawaing bahay.

MAVIS
O sige ba! Napakadali lang naman
niyan.

TAGAPAGSALAYSAY
Sila'y nagtinginan. Mata sa mata.
ARIES
Sa pagbilang ko ng tatlo, maguumpisa
na ang laro. Isa...
Dalawa.. Tatlo!

TAGAPAGSALAYSAY
At sila'y kapwa tumahimik,
nagkatitigan sa takot na baka
gumalaw ang isa sa kanila. At
hanggang sa may isang nilalang ang
dumating na susubok sa mag-asawa.
Ito'y pumasok, umikot-ikot sa
kanila at kinalmot-kalmot ang magasawang
Salumpekpek. Maya-maya'y
may papasok ulit na isa pang
gagambala sa pustahan ng mag-asawa.
Siya'y kumatok at sumigaw.

CJ
Aling Ana! Manong Pedro! Are you
der? Manghihiram ang sana ako ng
iskirt, may dit kasi ako, wala
akong maisusuot.
(bisaya accent)

TAGAPAGSALAYSAY
Malalaman ng kanilang kapitbahay na
bukas pala ang pinto. At ito'y
papasok sa loob.

CJ
Oh may goodness! Whats happening in
her?! Bakit hindi kayo nagalaw?

TAGAPAGSALAYSAY
Inalog-alog ng kapitbahay ang magasawa
ngunit ni isa sa kanila ay
wala pa ring gumagalaw o natutumba.

CJ
HUY! GALAW GALAW! BAKIT HINDI KAYO
GUMAGALAW?!? IM ISKERD! KAILANGAN
KO NG TULONG SA ALBULARYOW!

4.

TAGAPAGSALAYSAY
Lumabas ang kapitbahay at siya'y
humingi ng tulong sa nag-iisang
albularyo sa baryo.

CJ
Kapitan Ping! Kapitan Ping!
TAGAPAGSALAYSAY
Patuloy sa pagsigaw ang kapitbahay
at biglang sumulpot sa kawalan ang
albuaryo

TAGAPAGSALAYSAY (CONT’D)
Papasok ang isang misteryosong
albularyo habang ito'y pinapaypayan
ng kanyang dalawang katulong.

CJ
Kapitan Ping Guerrero!

ROWLEM
Oo, ako nga.

TAGAPAGSALAYSAY
Pumasok na ang kapitbahay at ang
albularyo kasama ang kanyang
dalawang mga katulong. Inobserba ng
albularyo kung ano ang problema sa
mag-asawa. Ito'y dinasal-dasalan
niya at inaalog-aog ang mag-asawa.

ROWLEM
Humiwalay sa kanila ang kanilang
espirito!

CJ
E, san po kaya nagpunta ang
espirito ni Aling Ana, hihiramin ko
sana yung plantsa niya e.

ROWLEM
Nag-samgyupsal-este-dumuwal sa
kanyang katawan ang kanyang
espirito 'gaya na rin sa kanyang
asawa. Kailangan nating gumawa ng
ritwal sa lalong madaling panahon!

CJ
Ritwal?!

5
.
ROWLEM
Oo, ritwal! Kakailanganin ko ng
batsa, isang balahibo ng pusa,
isang puting buhok ng kapitbahay,
at ihi ng tambay.

TAGAPAGSALAYSAY
Kinolekta ng mga tao sa bahay ang
mga kinakailangang sangkap upang
maisagawa na ang ritwal. At nang
ito'y makumpleto...

ROWLEM
Maisasagawa na natin sa ritwal!
Sundan niyo ako! Shagidi-shagidi
shapopo shagidi shagidi shapopo.

TAGAPAGSALAYSAY
Isa-isang sinundan ng mga tao sa
loob ang albularyo. Ngunit mayamaya'y
may isang alarm ang tumunog.

DOM
Ay, ser, tapos na ho ang break time
niyo, kailangan na ho natin bumalik
sa mental ospital, kailangan niyo
na pong uminom ng gamot.

CJ
Baliw ka!?

ROWLEM
Hahaha! Ako? Di ako baliw! Hahaha!

TAGAPAGSALAYSAY
Tuluyan ng binuhat ng mga nars ang
nagpapanggap na albularyo. At
naiwang mag-isa ang kapitbahay sa
loob ng munting tahanan. Hindi niya
alam ang gagawin, at late na siya
para sa date niya, kung kaya't
dahan-dahan na lang niya kinuha ang
skirt ni Aling Ana na nakasampay at
sabay kumaripas ng takbo at sabay
sabing...

CJ
Ibabalik ko rin agad!

TAGAPAGSALAYSAY
Ni isang bahid ng kibo ay wala pa
rin. Tila ba naging isang bato na
ang dalawang mag-asawa.
(MORE)

6.

TAGAPAGSALAYSAY (CONT’D)
At sa katagalan, sila'y di na
talaga gumalaw. At dahil sa
pagmamataas ng mag-asawa sa isa'tisa,
sila'y pinarusahan ng diyos na
nagngangalang Ista Tuwa,sila'y
naging bato, at 'di kaulaunan
binansagang estatwa. At mula noon,
dumami na rin ang mga estatwa
sapagkat patuloy pa rin ang
pagpaparusa ng diyos na si Esta
Tuwa. At diyan nagtatapos ang
alamat ng kung saan nagmula ang
estatwa..

You might also like