You are on page 1of 2

ANG PAGDALA O PAGGAMIT NG CELLULAR PHONE SA

ESKWELAHAN, DAPAT BANG PAGBAWALAN?

Dahil sa mga nababalitang masamang epekto ng paggamit ng mga


gadget ng mga bata, may mga paaralan na ipinagbabawal sa mga mag-
aaral ang pagdala ng cellular phone sa paaralan.

Pero, dapat bang pagbawalan ang mga mag-aaral na magdala ng


cellular phone sa paaralan?

Ang cellular phone ay ang pinakamabilis na instrumentong


pangkomunikasyon. Hindi lahat ng paaralan ay may teleponong
pwedeng gamitin ng mga mag-aaral o pwedeng tawagan ng mga
magulang para alamin ang isang bagay na natutungkol sa kanilang
mga anak. May mga paaralang may telepono ngunit sa halos lahat ng
oras, ito ay mahirap kontakin o marami kang dadaanan na linya bago
mo makausap ang taong gusto mong kausapin. Kung kaya’t, ako ay
hindi sumasang-ayon sa lubos ng pagbabawal ng cellular phone sa
mga paaralan. Dapat ang pagbabawal ay limitahan lamang sa mga
“smart” phones o android o touch screen phones. Ang paggamit ng
key pad cellular phones ay hindi dapat isali sa ipinagbabawal dahil ang
uri ng cellular phone na ito ay sapat na para pang tex at pantawag.
TRISHA MAE A. OCTA
A11

ARALING PANLIPUNAN LECTURE NOTEBOOK

COMPUTER NOTEBOOK

CATECHISM

You might also like