You are on page 1of 11

SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larangan, 2019-2020


Mga pagpipiliang akda para sa Sulat 2: Panunuring Pampanitikan

Musa Insurekta
Fidel Rillo
1
1 Hindi ako magtatanong kung kailan ka darating
2 Wala ka man sa paningin, ang buhok mo'y lumulugay
3 Na mithiin sa puso kong nangangarap ng bituing
4 Nagliliyab sa sentido ng lahat ng walang malay.

5 Hindi ako naghahangad na lagi ka sa tabi ko:


6 Di man kita nayayakap, ang tinig mo'y umiigkas
7 Na kamao sa dibdib kong may kidlat na lumulukso’t
8 Nagnanais na tumarak sa bungo ng mararahas

9 Pagkat ako ang sugatang mandirigmang umiibig


10 Sa paglaya, ang puso ko'y maghahanap ng paglingap
11 Sa awit mong nanghihiram ng indayog sa talahib.
12 At sa tuwing ang puso ko'y nangangarap ng balikat,

13 Ay alam kong nariyan kang may pulbura ang harana;


14 Awit akong magliliyab sa ngalan mo, Alma Rosa…

1
Medusa
Benilda S. Santos
2
1 Siya na nakapantalon
2 at mainit ang hininga
3 inihiga ako sa gilid ng mundo
4 at tiningnan nang tiningnan

5 hanggang sa mangalisag
6 ang aking buhok
7 at sa tinding galit at takot
8 maging ahas ang bawat isa sa kanila
9 gutom na gutom
10 sa lasa ng laman
11 ng labing may pawis ng pagnanasa

12 hanggang sa madurog
13 ang aking puso
14 at sa di mapatid na sakit at pait
15 maging bato ito
16 malamig na malamig ang pintig

17 ngayong lupang latag na latag na ang aking katawan


18 sa ilalim ng malulupit mong talampakan
19 ikaw naman ang aking titingnan nang titingnan
20 hanggang sa matuyo ka sa apoy ng aking mga mata
21 at sipsipin ng bawat ahas kong buhok
22 ang bawat patak ng dugo sa inyong mga uga
24 at masimot ang kaliit-liitang kutob ng buhay

25 Namamangha ka sa liyab ng aking higanti?


26 Ay! Ikaw ang guro ko't hari at lalaki

2
Ang Tren
Jose Corazon de Jesus 3
1 Tila ahas na nagmula
2 Sa himpilang kanyang lungga,
3 ang galamay at palikpik, pawang bakal, tanso, tingga,
4 ang kaliskis, lapitan mo’t mga bukás na bintana!

5 Ang rail na lalakara’y


6 nakabalatay sa daan,
7 umaasó ang bunganga at maingay na maingay.
8 Sa Tutuban magmumula’t patungo sa Dagupan!

9 O kung gabi’t masalubong


10 ang mata ay nag-aapoy,
11 ang silbato sa malayo’y dinig mo pang sumisipol
12 at hila-hila ang kanyang kabit-kabit namang bagon.

13 Walang pagod ang makina,


14 may baras na nasa r’weda,
15 sumisingaw, sumisibad, humuhuni ang pitada,
16 tumetelenteng ang kanyang kampanada sa tuwina.

17 “Kailan ka magbabalik?”
18 “Hanggang sa hapon ng Martes.”
19 At tinangay na ng tren ang naglakbay na pag-ibig,
20 sa bintanilya’y may panyo’t may naiwang nananangis.

3
Pasyong Mahal ni San Jose
Jose F. Lacaba 4
1 “Matay na niyang isipin
2 ang kabuntisan ng Birhen
3 anopa’t babaling-baling,
4 walang matutuhang gawin,
5 ang loob niya’t panimdim.”
-PASYON

6 Pait, katam at martilyo,


7 ibubulong ko sa inyo
8 ang masaklap kong sikreto:
9 hindi ko pa inaano
10 ay buntis na ang nobya ko.

11 Ang sabi ng anghel, wala


12 akong dapat ikahiya,
13 walang dahilang lumuha;
14 dapat pa nga raw matuwa
15 pagkat Diyos ang gumahasa.

16 Martilyo, katam at pait,


17 makukuha bang magalit
18 ng karpintero? Magtiis,
19 ang mahina at maliit,
20 wala raw laban sa langit.

4
Titibo-Tibo 47 Kaya nga noong makilala kita
Libertine Amistoso 48 Alam mo na agad na mayroong himala
49 Natuto akong magtakong
1 Elementary pa lang 50 At napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
2 Napapansin na nila 51 Pero 'di mo naman inasam na ako
3 Mga gawi kong parang 52 Ay magbagong tuluyan
53 Para patunayang
4 Hindi pambabae e kasi 54 Walang matigas na tinapay sa mainit na kape
5 Imbes na chinese garter, 55 Ng iyong pagmamahal
6 Laruan ko ay teks at jolens
7 Tapos ka-jamming ko lagi noon 56 Kahit ako'y titibo-tibo
8 Mga sigang lalaki sa amin 57 Puso ko ay titibok-tibok
58 Pa rin sa'yo
9 Nung ako'y mag high school ay 59 Isang halik mo lamang
10 Napabarkada sa mga BI 60 At ako ay tinatablan
11 Curious na babae na 61 At ang aking pagkababae
12 Ang hanap din ay babae 62 Ay nabubuhayan
13 Sa halip na makeup kit 63 Na para bang bulaklak na namumukadkad
14 Bitbit ko ay gitara 64 Dahil alaga mo sa dilig
15 Tapos pormahan ko lagi ay 65 At katamtamang
16 Long sleeves na t-shirt 66 Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
17 At faded na lonta 67 Sa 'king buhay nagpapasarap

18 Pero noong nakilala kita Source: Musixmatch


19 Nagbagong bigla ang aking timpla
20 Natuto ako na magparebond
21 At mag-ahit ng kilay at least once a month
22 Hindi ko alam kung anong meron ka na
23 Sa akin ay nagpalambot nang bigla
5
24 Sinong mag-aakalang lalake pala
25 Ang bibihag sa tulad kong
26 Tigreng gala
27 Kahit ako'y titibo-tibo
28 Puso ko ay titibok-tibok
29 Pa rin sa'yo
30 Isang halik mo lamang
31 At ako ay tinatablan
32 At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
33 Na para bang bulaklak
34 Na namumukadkad
35 Dahil alaga mo sa dilig
36 At katamtamang sikat
37 Ng araw-araw mong pag-ibig
38 Sa 'king buhay nagpapasarap
39 Nung tayo'y nag-college ay
40 Saka ko lamang binigay
41 Ang matamis na oo
42 Sampung buwan mong trinabaho
43 Sa halip na tsokolate
44 At tipikal na mga diskarte
45 Nabihag mo ko sa mga tula
46 At sa mga kanta mong pabebe
5
Magasin 43 nagbago nang lahat sa'yo oh ohhhh
Ely Buendia
6 44 Sana'y hindi nakita
45 Sana'y walang problema
Ohhhhhhh 46 Pagkat kulang ang dala kong pera
Ohhhhh 47 Hey
Ohhhhhhh
Ohhhhhh 48 Iba na ang 'yong ngiti
49 Iba na ang 'yong tingin
1 Nakita kita sa isang magasin 50 Nagbago nang lahat sa'yo oh
2 Dilaw ang 'yong suot 51 Sana'y hindi nakita
3 At buhok mo'y green 52 Sana'y walang problema
4 Sa isang tindahan sa may Baclaran, 53 Pagkat kulang ang dala kong pera
5 Napatingin, natulala
6 Sa iyong kagandahan 54 Pambili oooh
7 Naaalala mo pa ba noong 55 Pambili sa mukha mong maganda
8 Tayo pang dalawa? 56 Nasaan ka na kaya?
9 'Di ko inakalang sisikat ka 57 Sana ay masaya
10 Tinawanan pa kita 58 Sana sa susunod na issue
11 Tinawag mo akong walanghiya 59 Ay centerfold ka na
12 Medyo pangit ka pa noon 60 Oooooohhhhhh
13 Ngunit ngayon
14 Hey Source: Musixmatch

15 Iba na ang 'yong ngiti


16 Iba na ang 'yong tingin
17 Nagbago nang lahat sa'yo oh ohhh
18 Sana'y hindi nakita
19 Sana'y walang problema
20 Pagkat kulang ang dala kong pera
21 Pambili ooohhhhh
22 Pambili sa mukha mong maganda
23 Siguro ay may kotse ka na ngayon
24 Rumarampa sa entablado
25 Damit mo'y gawa ni Sotto
26 Siguro'y malapit ka na ring sumali
27 Sa Supermodel of the Whole wide Universe
28 Kasi...
29 Iba na ang 'yong ngiti
30 Iba na ang 'yong tingin
31 Nagbago nang lahat sa'yooo oh ohhhh
32 Sana'y hindi nakita
33 Sana'y walang problema
34 Pagkat kulang ang dala kong pera
35 Nakita kita sa isang magasin
36 At sa sobrang gulat 'di ko napansin
37 Bastos pala ang pamagat
38 Dali-daliang binuklat
39 At ako'y namulat sa hubad na katotohanan
40 Hey
41 Iba na ang 'yong ngiti
42 Iba na ang 'yong tingin
6
Kung Sakaling Magkita Tayong Muli
Kevin Marin 7
1 sa loob ng tren,
2 palaso ang mga titig natin sa isa’t isang
3 sisibat sa kumpol-kumpol na alaala,
4 sabay ng pagkabig natin paatras
5 sa biglang pag-usad.

6 At sakaling madiskaril ang tren,


7 matapos mabilis na lamunin ng sindi
8 ang mitsa ng bomba
9 at mapigtal ang mga riles;
10 bibitaw ang mga magkakakapit,
11 impit na paghinga,
12 mulagat na mga mata.
13 Magliliparan ang mga katawan,
14 tataob ang distansyang nasakop na.

15 At kung sakali ay hindi man,


16 tiyak na maghihiwalay tayo
17 sa susunod na istasyon.

7
Gahasa
Ruth Elynia S. Mabanglo
8
“I was embarrassed. I found the talk completely
offensive. It was something that was thrust upon
me, not something I voluntarily entered into. It
was offensive and degrading.”
-Anita Hill

1 Ginahasa ako ng mga salita,


2 Paulit-ulit, Paulit-ulit,
3 Hanggang magutay ang diwa.
4 Buntis ang alaala
5 Sa mga alimura, Pasa-pasa ang puso't
6 Lama'y salanta.

7 Nagsumbong ako sa dilim


8 Sumugat ang sumbat sa yakap ng hangin.
9 Nagsakdal ako sa dingding,
10 Ang katal ng dinig, bumalandrang lagim.

11 Ginahasa ako ng mga akala,


12 Paulit-ulit,
13 Paulit-ulit,
14 Hanggang pagkatao'y mapariwara.
15 Pumintog sa puson
16 Ang haplit ng tinig,
17 Bitak-bitak ang bungo
18 Sa madlang hagupit.

19 Nagsumbong ako sa batas,


20 Binusisi’t ibinuyangyang ang aking bikas,
21 Nagsakdal ako sa bayan,
22 Pinag-arala’t pinangaralan ang ngalan ko’t kasarian

23 Ginahasa ako ng pasiya,


24 Minsan lang,
25 Minsan lang,
26 At nagiba ang pag-asa.

8
Uuwi na ang Nanay Kong si Darna
Edgar Samar 9
1 Tuwang-tuwa si Tatay sa balita niya sa akin. "Uuwi na ang Nanay mo!" sabi niya habang nasisilip ko na halos
ang ngala-ngala niya sa kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung matutuwa rin ako. Kasi, hindi ko pa naman talaga
nakikita nang totohanan si Nanay.

2 Alam ko lang ang hitsura niya dahil sa mga picture. Lagi siyang may karga-kargang bata. Nung nakaraang
Pasko, nagpadala siya ng picture na kasama nila si Santa. Isang beses ko pa lang siyang nakausap sa telepono.
Itinanong ko kung ano'ng hiniling kay Santa nung batang buhat-buhat niya. Tawa lang nang tawa si Nanay.
Parang hindi niya naririnig ang sinasabi ko.

3 Maliit na maliit pa raw ako nung umalis si Nanay papuntang Hong Kong. Karga-karga nga raw ako ni Nanay
nang ihatid siya sa airport ng buong angkan namin. "Tatay, bakit po ba umalis si Nanay? Tinitigan muna ako ni
Tatay bago siya sumagot. Laging ganoon si Tatay kapag may itinatanong ako tungkol kay Nanay. "Alam mo
anak, kailangan kasi ang tulong ng Nanay mo sa ibang bansa. Aba, ang galing naman kasi ng Nanay mo."
Ang Nanay mo kasi, kayang-kayang talunin ang milyon-milyong mikrobyo sa bahay. Isang pasada lang niya ng
wonder walis niya, Swissss! Patay lahat ng dumi na nagdadala ng sakit.

4 "Kayang-kaya ring pataubin ng Nanay mo ang gabundok mang labahin. Sa maghapon, kuskos dito, piga doon.
Walang sinabi ang mantsa! Lilinis at puputing tiyak ang labada."

5 "Para po palang si Darna si Nanay, Tay! May power." Anong parang si Darna? Si Darna talaga ang Nanay mo,
pagmamalaki ni Tatay. "Aba, kahit sino'y hindi niya inuurungan! Sinumang umiiyak na bata'y tumatahan agad
kapag kaniyang inawitan. Kaya nga gustong-gusto siya ng kaniyang tinutuluyan at ayaw na siyang paalisin."

6 "Pero 'Tay, kung si Darna po si Nanay, bakit bukas pa siya darating? Bakit ‘di na lang niya liparin papunta rito
sa 'tin para mabilis?" Napangiti lang si Tatay. "Liliparin nga niya. Kaso lang, kailangan niyang tawirin ang isang
malawak na dagat bago siya makarating dito sa atin."

7 Isang malawak na dagat pa pala ang tatawirin ni Nanay. Hindi kaya siya maligaw? Hindi tuloy ako makatulog
nang gabing iyon. Makilala pa kaya ako ni Nanay? Aba, ipagmamalaki ko siya sa mga magiging kaklase ko sa
pasukan. Si Darna yata ang Nanay ko!

8 Naku, umaga na pala! Ang ingay sa labas. Ano raw? Nandiyan na si Nanay? Aba, hayun nga't may bumababa sa
dyip ni Tatay. Nandito na si Nanay! Kamukhang-kamukha nga ni Nanay ang babae sa picture. Ang ganda pala
lalo ni Nanay sa totohanan. Ano kayang hitsura niya kapag siya na si Darna? Buhat-buhat ni Tatay ang isang
malaking kahon. Hili-hila naman ni Nanay ang isang malaking bag.

9 Nahiya akong magpakita kay Nanay pero 'yung ibang mga tao? mga tito at tita ko, mga kapitbahay namin?
nakapaligid lahat kay Nanay. Alam na kaya ng lahat ng tao sa bahay na siya si Darna? Saan kaya niya itinago 'yung
batong agimat niya? Nagpalakpakan ang lahat nang buksan ni Nanay ang kahon.
9
10 Naglabas ng paisa-isang gamit si Nanay mula sa kahon. Iyung pantuyo raw ng buhok para kay Tiya Lupe.
Iyung pantimpla ng kape kina Manang Letty. Iyung pandurog ng mga prutas kina Manong Ben. Ang dami pang
iba. Ang galing! May madyik lahat ng mga gamit na dala ni Nanay. Meron din kaya siyang ibibigay na madyik
para sa akin?

11 “At siyempre, itong mga librong ito at mga krayola na pangkulay ay para sa mahal kong anak na si Popoy."
Ako 'yon! Ako yon! Naalala pala ako ni Nanay. Wow! Ang gaganda ng pasalubong ni Nanay. Parang nakababasa
siya ng isip. Alam niya na mahilig ako sa libro kahit hindi naman niya ako tinanong. Kasama kaya iyon sa mga
power niya?

12 Hindi na talaga ako nakatiis. Kailangan kong magtanong. "Nanay, kayo po ba talaga si Darna?" Napatingin
lahat ng tao sa akin. Napasulyap si Nanay kay Tatay. Ngumiti lang si Tatay. Ngumiti rin si Nanay at saka ako
niyakap nang mahigpit na mahigpit.

10
LIHAM NI PINAY MULA SA BRUNEI
Elynia Ruth S. Mabanglo 52 Umiiyak ako nung una,
53 Nagagamot pala ang lahat sa pagbabasa.
54 Ito lamang ang sagot,
1 Ako’y guro, asawa at ina. 55 Bayaang lalaki ang maglaba ng kumot.
2 Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda,
3 Kaulayaw ng batya, kaldero at kama.
4 Napagod yata ako’t nanghinawa,
5 Nagsikap mangibang-lupa.
6 Iyo’t iyon din ang lalaking umuupo sa kabisera, 10
7 Nagbabasa ng diyaryo uma-umaga.
8 Naghihintay siya ng kape
9 At naninigarilyo,
10 Habang kagkag ako sa pagitan ng kuna at libro,
11 Nagpapahid ng lipstick at nagpapatulo ng gripo.
12 Hindi siya nag-aangat ng mukha
13 Umaaso man ang kawali o umiingit ang bata.
14 Hinahatdan ko siya ng brief at tuwalya sa banyo,
15 Inaaliw kung mainit ang ulo.
16 Wala siyang paliwanag
17 Kung bakit hindi siya umuwi magdamag,
18 Ngunit kunot na kunot ang kanyang noo
19 Kapag umalis ako ng Linggo.
20 Ayaw niya ng galunggong at saluyot,
21 Kahit pipis ang sobreng inabot,
22 Ibig pa yatang maghimala ako ng ulam
23 Kahit ang pangrenta’y laging kulang.
24 Ako’y guro, asawa at ina.
25 Isang babae—napapagal sa pagiging babae.
26 Itinakda ng kabahaging
27 Masumpa sa walis, labada’t oyayi
28 Kahit may propesyo’t kumikita ng salapi.
29 Iyo’t iyong din ang ruta ng araw-araw—
30 Kabagutang nakalatag sa kahabaan
31 Ng bahay at paaralan,
32 Ng kusina’t higaan.
33 May karapatan ba akong magmukmok?
34 Saan ako tatakbo kung ako’y malungkot?
35 May beerhouse at massage parlor na tambayan
36 Ang kabiyak kong nag-aasam,
37 Nasa bintana ako’t naghihintay.
38 Nagbabaga ang katawan ko sa paghahanap,
39 May krus ang dila ko’t di makapangusap.
40 Humihingi ng tinapay ang mga anak ko,
41 Itinotodo ko ang bolyum ng radyo.
42 Napagod yata ako’t nanghinawa,
43 Nagsikap mangibang-lupa.
44 Noon ako nanaginip na nakapantalon,
45 Nagpapadala ng dolyar at pasalubong.
46 Nakahihinga na ako ngayon nang maluwag,
47 Walang susi ang bibig, ang isip ay bukas.
48 Aaminin kong ako’y nangungulila
49 Ngunit sariling kape ko na ang tinitimpla.
50 Nag-aabang ako ng sulat sa tarangkaha’t pinto
51 Sa telepono nabubusog ang puso.
11

You might also like