You are on page 1of 1

Alamat ng Zaragoza, Aloguinsan

Sa isang matahimik na barangay, may mag-asawang biniyayaan ng Maykapal ng


isang napakagandang anak na babae. Siya ay si Zasah. Lumaki ang anak na puno ng
pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang. Maraming lumiligaw sa kaniya
mula sa kanilang nayon at kahit sa karatig-nayon, sapagkat bukod sa kaniyang
kagandahan, siya ay matulungin at masunuring anak. Mabuti siyang makitungo sa
kaniyang nga manliligaw. Tinanggihan man niya ang mga ito ay sa paraang hindi sila
masasaktan. Isang anak-mahirap ang nagtangi sa kaniya, si Rago. Sa wakas, nakamit ni
Rago ang matamis na “oo” ng dalaga at ito ay ipinaalam nila sa mga magulang ng dalaga.
Hindi naibigan ng mga magulang ng dalaga ang binate dahil mahirap lamang ito.

Isang araw, nakipagkita si Rago kay Zasah upang magpaalam. Siya’y luluwas
upang maghanap ng trabahong pagkakakitaan niya nang Malaki. Ibig man niyang pigilan ito
ay hindi niya nagawa dahil alam niyang alang-akang din ito sa kanilang magandang
kinabukasan.

Maraming taon ang nakalipas at ang dalaga’y tumamlay dahil sa pagkawala ng


kaniyang minamahal hanggang sa siya ay magkasakit at tuluyang namatay. Sa kabilang
dako, si Rago ay nagtiis ng lungkot na mapahiwalay kay Zasah para lamang makaipon ng
maraming salapi at mapatunayan niya sa mga magulang nito na kaya niyang buhayin ang
dalaga. Dahil sa kaniyang kasipagan at kabaitan, pinagkatiwalaan siya ng kaniyang among
si Mang Julio. Nang mamatay ang kaniyang amo, sa kaniya iniwan ang lahat ng negosyo
nito dahil wala itong pamilya.

Buong kagalakang umuwi si Rago sa kanilang lugar ngunit puntod na lamang


ng kaniyang minamahal ang sumalubong sa kaniya. Dahil sa pagdadalamhati, sumunod na
rin si Rago sa sinisinta. Nagkasundo ang mga magulang nina Rago at Zasah na ilibing ang
binate sa tabi ng puntod ng dalaga. Ilang araw matpaos na mailibing ang binata, isang
punongkahoy ang tumubo malapit sa kaniyang libingan. Ito’y isang akasya. Ito ang naging
palatandaan ng puntod ng magkasintahang walang kupas na nagmahalan. Ang
punongkahoy ring ito ang palatandaan ng baryo nila na pinangalanang Zaragosa bilang
alaala kina Zasah at Rago.

Sanggunian: Mga Salaysay sa Rehiyon VII (Mga Alamat at Kuwentong Bayan) Komisyon ng Wikang
Filipino

You might also like