You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City
Lipa City Science Integrated National High School
Lipa City

GROUP 1 - BFAD
WRITTEN REPORT

I. MGA ALITUNTUNIN (FRIENDLY RULES)

Bigyang pansin ang mga nagsasalita sa harap.


Falaging maging aktibo sa mga ibibigay na aktibidad.
Antaying mabigyan ng opurtunidad na ibahagi ang nais sabihin.
Dapat magbigay ng kanyang pinakakaya sa lahat ng aktibidad na ibibigay.

II. MGA PAMPA-AKTIBONG GAWAIN (ENERGIZER)

ENERGIZER #1: LIE TO ME


Each group should present one member per turn. There would be three rounds in
total. Our team would give three statements: 2 truths and a lie. The students in front
should determine which the lie is. If he/she is ready to answer, she should turn 3 times
and shout (Bibo Fanalo Determinado!) and WHISPER the answer to the team. One
representative can only answer once. Be wise.

Pamprosesong Tanong:
Batay sa inyong napag-aralan, ano ang depinisyon ng demand? Ipaliwanag.

ENERGIZER #2: BLIND GENIUS


In this activity we need all the members of each group. Every two member should
sit with their back facing each other. Our team will read the first person the question
and he/she has to tell the person at the back what the question is. The two students at
the back of the line should stand and walk carefully to the front where our team is and
answer. If the answer is wrong, you don't get another chance. Getting disassembled
from your partner is highly prohibited.

Pamprosesong Tanong:
Batay sa inyong obserbasyon, ano ang pinagkaiba ng elastic at inelastic
demand?
III. BUOD (OUTLINE)

ARALIN 2
PRICE ELASTICITY OF DEMAND

 Price Elasticity of Demand – Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon
at kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang
produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.

Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga


produkto at serbisyo gamit ang formula na:

%∆𝑸𝒅
ɛd =
%∆𝑷

Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo

 Dependent variable – tumatayong bahagdan ng pagbabago sa QD o %∆Qd


 Independent variable - bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP

Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may
salungat (inverse) na relasyon sa presyo.

Gamit ang mid-point formula, ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:
%∆𝑸𝒅
ɛd =
%∆𝑷

%∆Qd %∆P
𝐐𝟐 – 𝐐𝟏 𝐏𝟐 – 𝐏𝟏
= 𝐐𝟏 +𝐐𝟐 x 100 = 𝐏𝟏 +𝐏𝟐 x 100
𝟐 𝟐

Sundan lamang ang mid-point formula upang makuha ang sagot. Ang sagot sa
%∆Qd ay i-divide sa nakuhang %∆P para makuha ang coefficient ng elasticity.

Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas


malaki sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili. Ibig
sabihin, ang produktong ito ay hindi gaanong mahalaga o kaya ay maraming pamalit kaya
puwede na munang hindi bilhin.
PRICE ELASTICICITY OF DEMAND
MGA URI NG ELASTISIDAD

1. ELASTIC
%∆Qd > %ΔP
|∊| > 1

Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan
ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Ang
pagiging sensitibo ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay maaring ipaliwanag
ng sumusunod:
a. Maaaring marami ang substitute sa isang produkto.
b. Ang mga produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat hindi
naman ito masyadong kailangan

Ang halimbawa ng produktong price elastic ay mga produktong maraming malapit


na substitute. Isa na rito ay softdrinks. Kapag tumaas ang presyo nito, marami ang
maaaring ipalit ng mamimili. Maaaring bumili ng ibang brand ng softdrinks o kaya ay
bumili na lamang ng juice, bottled water, o sago at gulaman.
2. INELASTIC

|∊| < 1
Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan
ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ang hindi
pagiging sensitibo ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay maaaring
ipaliwanag ng sumusunod:
a. Halos walang malapit na substitute sa isang produkto.
b. Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.

Ang halimbawa ng mga produktong price inelastic ay ang mga pangunahing


pangangailangan at mga produktong halos walang substitute. Halimbawa ng serbisyong
ito ay kuryente at tubig. Mahirap mawala ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay,
kaya kahit magmahal o tumaas ang presyo ng mga ito, maliit na maliit lamang ang
magiging bahagdan ng pagbaba ng quantity demanded sa mga ito.

3. UNITARY O UNIT ELASTIC


|∊| = 1
Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng
quantity demanded.
4. PERFECTLY ELASTIC
|∊| = ∞
Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infnite
na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded
ay hindi matanto o mabilang.

5. PERFECTLY INELASTIC DEMAND


|∊| = 0
Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa
pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay lubhang napakahalaga na kahit anong
presyo ay bibilhin pa rin ang kaparehong dami.

IV. EBALWASYON (QUIZ)

1. May dalwang uri ang elastisidad: Elastic, at inelastic. Alin sa mga sumusunod tungkol
sa Elastic?
a. |€|<1 c. |€|<2
b. |€|>1 d. |€|=1

2. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagababago sa presyo ng mga


produkto at serbisyo gamit ang formula na:
a. ℅Qd∆ ÷ ℅∆P c. Ed= ∆%Qd÷∆%P
b. Ed=∆%Qd d. %∆Qd÷%∆P = Ed

3. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng inelastic demand?


a. Internet or wifi c. Softdrinks
b. Nachos d. Pancit canton

4. Alin naman ang halimbawa ng elastic demand?


a. Wifi c. merienda
b. kuryente d. Jowa

5. Ang demand ay price __________ kapag mas maliit ang naging bahagdan ng
pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo.
a. price inelastic c. elastic
b. price elastic d. inelastic

6. Ang demand ay masasabing ___________ kapag mas malaki ang naging bahagdan ng
pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
a. elastic c. price everlasting
b. plastic d. price elastic

7. Ang mga produktong ito ay mga pangunahing pangangailangan at mga produktong


halos walang...?
a. substitute b. kwenta
c. ganda d. kaayusan

8. Sa bawat isang bahagdan ng presyo, may mga sitwasyon na mas malaki sa isang
bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mamimili. Ibig sabihin?
a. Ang produktong ito ay maaari nang itapon sapagkat ito ay wala ng halaga.
b. Ang produktong ito ay hindi gaanong mahalaga o kaya ay maraming pamalit kaya
pwede na munang hindi bilhin.
c. Ang produktong ito ay mahalaga at kailangan ng bilhin sapagkat hindi mabubuhag ang
tao ng wala ito.
d. Ang produktong ito ay dapat itago dahil ito ay madaling masira.

9. Paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging
pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa
presyo nito.
a. Price inelasticity of demand c. Price plasticity of demand
b. Price elasticity of demand d. Price invisibility of demand

10. Tumatayong dependent variable?


a. Qd c. Eq
b. Qe d. IQ

11. Tumatayong Independent variable?


a. bahagdan sa pagbabago ng c. %∆Qd
presyo d. wala sa nabanggit
b. %∆P
12. Ang %∆P sa formula ng pagtukoy sa tugon ng mamimili, ay nangangahulugan ng?
a. Price elasticity of demand c. bahagdan sa pagbabago ng presyo
b. bahagdan ng pagbabago sa Qd d. bahagdan sa pagbabago ng anyo

13. Ang %∆Qd sa formula ng pagtukoy sa tugon ng mamimili, ay nangangahulugan ng?


a. Price elasticity of demand c. bahagdan sa pagbabago ng presyo
b. bahagdan ng pagbabago sa Qd d. bahagdan sa pagbabago ng anyo.

14. Bukod sa elastic at inelastic, may iba pang degree ang elastisidad. Tama o Mali?
a. Tama c. Mali
b. Maaari d. Hindi ko po alam

15. Ang coefficient ng unitary elastic demand ay?


a.0
b.2
c.5
d.1

You might also like