You are on page 1of 3

Si Spongebob, Ang Pilyong Lobo

Tirik ang araw ngunit maagang nagpaulan ng 'di magagandang salita si Mang Romeo. Paano ba nama'y wala pang
benta e nalugi na agad sya ng kwarenta pesos, matapos kusang kumalas sa pagkakatali ang lobong hinulma sa karakter
ni Spongebob. Matalim pa ang tingin sa driver ng sinasakyang jeep nito. Nilagari raw kasi ng kaskaserong driver ang
hindi agarang napansing lubak sa kalsada. Nagsipaglundagan ang tindang mga lobo kasabay ng pagtalbog ni Mang
Romeo sa duluhan ng jeep na kanyang inuupuan.

Mayroong mga natatawa, at meron ring naasiwa, may walang pakielam at may isang estudyanteng hindi nakapagpigil sa
ingay.

Dahan dahan nitong isinara ang librong kanina pa niya binabasa. Waring may sasalubungin gyera ng lapis at papel
pagdating sa ekswelahan at kinakailangan ang matinding konsentrasyon, ngunit nasira ang moment nang mag tantrum si
Mang Romeo.

"Magkano po?" wika ng Estudyante sa mababang tono.

"Ha?! Ang alin?" nagtatakang sagot ni Mang Romeo.

"Yung lobo.." agad itong nangapa sa kanyang bulsa para hanapin ang pera, "Iyon pong nalaglag.."

"Babayaran mo?"

"Opo Manong"

Tila isang batalyon ng mga anghel ang biglang nag-martsa sa loob ng rumaragasang jeep. Nawalan ng kibo ang mga
pasahero. Ganoon rin si Mang Romeo. "ahh.. eh.." nautal na wika ng huli. Kumamot sa ulo at tsaka sinenyas ang apat na
daliri. Nagtaka ang lahat. "Sige kwarenta na lang! Pabalik lang ng puhunan.." nahihiya niting tugon sa mga matang
anumang oras ay handang isumpa siya kung sakaling magpapatong pa ng tubo.

"Ang mahal naman po!" sagot ng Estudyante.

"Oo nga!" singit ng isang Ale, "dapat nga e bente. 'di naman kasalanan ng bata iyon!"

Napagkaisahan ng mga pasaherong mag-ambagan na lamang sa lobong sumira ng umaga ng karamihan. May nag-abot
ng lima, sampu, bente, at may sikretong naghagis ng dalawang piso. Agad naman sa pagtanggap si Mang Romeo,
habang humihingi ng pasensya at pasasalamat ngunit matalim pa rin ang tingin sa tsuper na abala pa rin sa pagtatahi ng
kalsada.

Balik sa normal ang lahat. Binuksang muli ng Estudyante ang libro at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ganoon rin si Mang
Romeo na nakatingin na lamang sa mga paninda niya. At sampu ng mga pasaherong sumalo ng mga salitang 'di kanais
nais kanina.

Kung nasaan si Spongebob? Walang may alam.

Ngunit siguradong may isang batang nakangiti habang ito'y pinagmamasdan at iwinawagayway.
Tambay

"Uy kamusta!"

Napalingon ako sa boses na pumukaw sa akin ng pansin, si Ella, ka-edad at ka year ko sa highschool.

"Uy." tipid kong bati sa kaniya, kasabay ang otomatikong pagtaas ng kaliwang kamay ko.

"Hindi ka pa uuwi?" mabilis niyang sinulyapan ang suot nitong relo. "Mag si-six na ah."

"Hindi pa, tambay lang ako ng konti then uwi na ako." katwiran ko.

"Wushu! hinihintay mo lang si Judy eh!" kurot nito sa aking tagiliran. "Huwag ka mag-alala, palabas na rin iyon.
Nakasabay ko ka kanina sa CR eh."

"Ngek, bakit ko naman hihintayin si Judy!" tumalikod ako sa kaniya, pakiramdam ko kasi namaga bigla ang mukha ko sa
pagkapula nito.

"Hahaha! ang dali mong basahin no!" isa pang kurot sa tagiliran ko ang pinakawalan niya, sa pagkakataong iyon napa-
igtad ako. "Kalat na kaya sa buong campus! Na lagi mo siyang hinihintay sa spot na 'to tuwing hapon!"

"Tsismis lang iyon!"

"Ewan ko sayo! Teka, kayo na ba?"

"Hindi."

"Maniwala ako! kung hindi pa kayo, bakit 'di mo siya ligawan?"

Hindi ako umimik, bagkus sinulyapan ko ang bagong babaeng niluwa ng gate, si Judy, suot ang marikit nitong mata na
sinasapulan ang puwesto ko. Nakangiti siya, na lagi naman niyang ginagawa kapag nagkakabungguhan ang aming mga
paningin.

"Wuuuyyyyyy! kilig much naman ako sa eksena niyo!" pakli ni Ella, na nuoy sunod-sunod na sundot ang ginagawa nito sa
tagiliran ko. "O siya alis na ako, baka magalit sa akin ang girlfriend mo."

"Mali nga ang iniisip mo!" pahabol kong sumbat kay Ella, ngunit malakas na tawa lamang ang ginanti nito hanggang sa
tuluyan na siyang nakalayo.

"Hi Ken!" tapik sa akin ni Judy, na siya namang pagtalon ng tuon ko sa kaniya.

"Hi Judy!" tango ko sa bagong dating. "Uwi kana?"

"Oo, hinihintay na ako sa amin." tulak nito palayo sa akin, ngunit nakaka-tatlong hakbang palamang ito nang bigla siyang
huminto at muling humarap sa akin. Nabalitaan mo na ba iyong kumakalat na tsismis na tayo raw dalawa?"

Hindi ako umimik, nagpeke lamang ako ng ngiti bilang pagtugon, na sa palagay ko ay agad naman niyang naunawaan.

"Patay, pano niyan? baka lalong hindi ka na mapansin ni Ella niyan." napakagat ito sa kaniyang labi. "Nagtapat kana ba
sa kaniya?"

"Hindi pa." sinulyapan ko ang kanto kung saan lumiko kanina si Ella, habang hinihimas ang aking tagiliran

You might also like