You are on page 1of 2

ANG PAKIKIPAGKAPWA

Ang tao’y likas na panlipunang nilalang


Pakikipagkapwa-tao‟y dapat na malinang;
Aspetong intelektwal, politikal, panlipuna‟t pangkabuhayan
Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.

Pangangailanga‟y madaling matugunan


Sa pagkakaroo‟t pagiging bahagi ng mga samahan
Nalilinang ating kusa‟t pagiging mapanagutan
Pati na ang pagtataguyod sa ating karapatan

Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?


Ayaw makiisa, lubhang pang makasarili?
Huwag magpaapekto at magpakagalit
Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip

Pakikipagkapwa‟y linangin nang may pagmamalasakit


Laging isipin na kapwa‟y kapantay, katulad din natin
Sa bawat salita‟t kilos, iwasang makasakit
Nakabubuti sa atin, sa kapwa‟y gawin rin

Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan


Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran
Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan
Kapanatagan, kaligayahan at kaganapan, ating ngang makakamtan.

-ecm

You might also like