You are on page 1of 16

Florante at Laura

Group 2A
Akala ni Aladin ay nagiisa sya sa madilim at madumi
na gubat subalit di nagtagal narinig nya ang iyak ni
Florante. Hinanap at Nakita nya ang binata ngunit di
nya agad nilapitan.
● Patuloy na umiyak si Florante at dito nalaman ni
Aladin ang kaawa-awang paraan na pagkamatay ng
ama na si Duke Briseo sa kamay ni Adolfo,
gayundin ang pag-alaala ni Florante sa
pagmamahal, kabutihan at kabaitan ng kaniyang
ama sakanya.
Pagkatapos nito’y si Aladin naman ang nakaalala sa
kaniyang ama. Kabaliktaran ng kanyang amang si Sultan
Ali-Adab ang ama ni Florante. Naging malupit ang
kaniyang ama kaya’t puro kalungkutan at pagdurusa ang
naramdaman niya.
Hindi sya nakaramdam ng pagmamahal mula sa
magulang sapagkat ang maaruga niyang ina ay maagang
pumanaw. Ang sumunod na pag-iyak ni Florante ay
pagtangis ng pamamaalam.
Nagsasabi siya ng pamamaalam kay Laura ng biglang
dumating ang dalawang leon na akmang papatay
sakanya. Subalit napahinto ang mga ito at naaawang
tumitig sakanya, Nagpaalam din sya sa bayan niyang
Albanya.
Nabanggit niya ang kaniyang hinanakit sa pagaakalang
kinalimutan na siya ng bayang ipinagtanggol niya ng
paulit-ulit laban sa mga kaaway,at kay Laura dahil
naisip niyang tinalikuran na siya ng iniibig sa harap ng
nakaambang kamatayan.
Hindi na natiis ni Aladin ang matinding awa kaya’t
hinanap niya ang pinagmumulan ng humihingi ng
tulong. Nang makita niya na isang Kristiyano ang pala
ang humihingi ng tulong (kalabang mortal ng Morong
tulad niya).
Nagdalawang isip siya kung tutulungan niya pa ito o
hindi subalit saglit lng siya nagisip dahil nakita niyang
handa ng patayin ng dalawang leon ang kaawa-awang
nakatali.
Agad niyang pinatay ang mga leon pagkatapos ay dali-
dali niyang tinulungan ang binatang noon ay walang
malay at tila isang bangkay.
Inobserbahan niya ang mukha at dibdib nito upang
matukoy kung humihinga pa. Nagalala man sa
kalagayan ng binata, napayapa siya ng magsimula itong
kumilos -hudyat na ito’y papagising na.
Nang magising si Florante ay si Laura ang agad niyang
hinanap Ikinagulat niyang siya’y nasa kandungan ng
isang morong itinuturing kaaway ng kanyang lahi.
Pinilit niyang bumangon subalit hindi niya kaya.
Pinayapa siya ni Aladin at sinabing ligtas na siya.
Naalala ni Florante ang dalawang leon na at nasabing
patay na siya marahil kung hindi sa pagdating ni Aladin.
Tinanggap niya ang tulong ng isang “kaaway”.
Magdamag di natulog si Aladin upang maalagaan at
mabantayan niya si Florante sa mga hayop na gumagala
sa gubat.
Kinabukasa’y nagsimula ng bumalik ang lakas ni
Florante. Sa tuwa ni Aladin ay naluha at niyakap niya
si Florante dala ng matinding pasasalamat na nabuhay
pa ito.

You might also like