You are on page 1of 1

Pagsalo ng Ulan

Angeline Pedrosa

Mahilig ba kayo sa ulan? Tapos habang umulan ay nababasa ang sapatos,likod at damit habang
ikaw ay pauwi na galing sa paaralan? Higit sa lahat, kapag ikaw ay pauwi na at kailangan mong
bumiyahe,sobrang bagal ang daloy ng trapiko.

Maraming nagagalit sa ulan dahil maraming nagsasabi na hindi uulan kapag may dala kang
payong pero kapag wala ka namang dala ay bigla itong bubuhos nang napakalakas. Ang resulta?
Magmumukha kang basang sisiw. Pero hindi natin alam na ang ulan ay may pakinabang sa ating buhay
at dahil sa ulan ay nakakatipid tayo sa tubig na ginagamit natin sa pang-araw-araw.

“Catch the Rain” na kung tawagin sa isang eksikisyon na naganap noong Hunyo 28, 2016 sa
People’s Park, ipinahiwatig dito na dahil sa ulan ay makakatipid tayo ng tubig sa ating pamayanan.

Habang umuulan, maaari nating gamitin sa mga gawain tulad ng paglalaba ng mga damit,
basahan, pagdidilig ng halaman, at paglilinis ng bakuran ang tubig ulan.

Gamitin natin ang tubig ulan para mabawasan ang “water pills” at makaiwas sa baha. Kailangan
nating alagaan ang kalikasan dahil ito ang ating yaman.

You might also like