You are on page 1of 2

Petsa:Setyembre 20,2019

Para sa/kay :
Mula sa/kay:
Paksa: Pagpapatayo ng bagong bldg.
Introduksyon
Bilang tugon sa pagpaplano noong Abril 19,2019 ang sumusunod ay ang mga
magagandang mangyayari sa paaralan.

Ang konstruksiyon na ipapatayo ay naka proseso na ngayong


setyembre.Pagsisimula pagpapatayo ng ating panibagong building at
pagpapaayos ng kapaligiran sa ating paaralan.
1.Pagpapatayo ng building – kabilang ang mga upuan
2.Pagsasaayos ng kapaligiran – paglalagay ng mga hardin sa mga gilid
nito,paglalagay ng daanan at pagpapaganda ng building.
Diskusyon
Mga naisagawang gawain
Sa unang bahagi ng taon,nakompleto namin ang mga sumusunod:
1.Kontraktor. Nakipag-ugnayan na ang departamento sa pangunahing
kontraktor.Binisita nina Daeron Cordero at Rovic Mirasol ang napagkasunduang
gagawin at ang iskedyul ng konstruksiyon.Natapos ang gawaing ito noong
Hunyo 17, 2019
2.Permit. Nang matapos ang pagbisita sa paaralan at napagkasunduan ang
iskedyul ng pagpapatayo,kumuha sina si Daeron Cordero at Rovic Mirasol ng
permit sa lungsod para sa gagawing building.Natapos nila ang gawaing ito
noong Hunyo 27,2019.
3.Pagdala ng Gamit. Naipadala ang mga gamit sa lugar ng maayos subalit
nahuli ng dating ang gamit dahil sa masamang panahon.Kahit ganun naidala
ng maayos ang mga gamit .Dumating ang materyales noong Agosto 27,2019.

Mga Susunod o Natitirang Gawain


Upang mas mapaganda ang gagawing bagong building ,kailangan
maisagawa ang sumusunod:
Pagpapatayo ng Waiting shed. Upang may maupuan ang mga magulang
kapag sinusundo nila ang kanilang mga anak.Para rin ito sa mga estudyante at
mga guro na naghihintay sa kanilang mga kaibigan at mga sundo.
Paglagay ng Hardin.Para mas maging maganda ang paligid ng building .Para
rin ito sa mga pumunta sa paaralan para hindi sila makalanghap ng
masamang hangin.

Mga Suliranin
Nagkaroon ng aberya sa mga kinailangan na gamit dahil sa masamang
panahon.Kahit nag ka aberya na isaayos naman ang paghahatid ng mga
gamit para sa proyektong bldg.Ossa.At dahil sa dulot ng masamang panahon
ay napabagal ang proseso ng ating pagsasagawa ng building.
Pahina 2
G. Zircon R. Silva
Setyembre 20,2019

KONGKLUSIYON/REKOMENDASYON
Tanging pagkakaantala na lamang sa pagsasagawa ng ating proyektoay
ang kakulangan sa materyales at sa dulot ng masamang panahon nagdudulot
ito ng pagbagal ng trabaho ng ating mga tauhan.Nang malaman ng ating
namumuno sa ating proyekto na si ENGR. Patrick Alegre,ay agad na
inaksiyonan ang nasabing problema sa mga materyales at maibibigay ito agad
kasabay ng pag-alis ng masamang panahon.

You might also like