You are on page 1of 1

Kasabay ng mabilis na pagbabago at pag-unlad ng mundo ang mabilis ding pag-

unlad ng pandaigdigang wika kasama na ang wika ng Pilipinas. Ayon sa mga pag-aaral
mayroong mahalagang ugnayan sa ng paggamit ng wika at pag-aaral ng matematika.
Marami ang nagsabi kabilang ang iba’t- ibang bansa na kung ang sariling wika ng bansa
ang gagamitin sa pag-aaral o pagtuturo ng anumang aralin kagaya ng Matematika, mas
madali itong matutunan at mabilis na matututo ang mag-aaral sapagkat konsepto na lang
tungkol sa pinag-aaralan ang kailangan nilang pag-isipang mabuti.

Isa sa mga halimbawa ng mga bansang gumagamit ng kanilang sarili wika ay ang
mga bansang gumagamit ng wikang French, German, at Spanish. Ayon sa mga pag-
aaral, ang mga bansang gumagamit ng kanilang sariling wika ay mabilis na nauunawaan
ang konsepto ng matematika at nagiging magaling din sila dito. Ito ay iilan lamang sa
mga bansang naging matagumpay sa pagsalin ng kanilang sariling wika sa pagtuturo sa
matematika.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Sa listahan


ni Grimse at Grimes (2000) nayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa,
samantlanag sa sensu ng NSO noong 2000 mayroon tayong 144 buhay na wika.
Gayunpaman, ayon kay Sibayan (1974) humigit-kumulang 90% ng populasyon sa bansa
ay nagsasalita ng isa sa walong pangunahing wika.

Naging usap usapan noong matagal na panahon pa lamang na wikang Filipino na


ang gagamitin sa Matematika ngunit ito ay hindi hindi nagtagumpay dahil muling ibininalik
ang wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo.

You might also like