You are on page 1of 5

GRADE VI

KAHALAGAHAN NG KASANAYAN SA PAGTATANIM NG PUNO/


BUNGANGKAHOY

ALAMIN MO

Tingnan mo ang paligid ng inyong bahay. Mayroong bang mga punongkahoy? Ano
ang nararamdaman mo kapag nasa ilalim ka nito at nagpapahinga? Sa palagay mo,
mahalaga ba ang pagtatanim ng mga puno/bungangkahoy?

Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang tungkol sa kahalagahan ng kasanayan sa


pagtatanim ng puno/bungangkahoy at ang kabutihang naidudulot nito sa pamumuhay
ng mag anak.

PAGBALIK-ARALAN MO

Bago simulan ang aralin, balikan mo ang natutunan noong unang taon tungkol sa
mga halaman. Punan ang puwang sa bawat patlang ng tinutukoy na uri ng halaman.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa papel.

1. ____________ - mga halaman na itinatanim dahil sa makukulay nilang


bulaklak at mababangong halimuyak.

2. ____________ - mga halaman na gumagapang tulad ng kampanilya at “kadena


de amor”

3. ___________ - ito ay may matigas na sanga na maaaring gamiting


pambakod. Ang iba ay namumulaklak din.

1
4. ___________ - pangkat ng punong-kahoy na nagbibigay ng masarap at
masustansiyang prutas. Halimbawa: mangga, at bayabas.

5. ____________ - kabilang din dito sa mga punongkahoy na itinatanim upang


magbigay ng lilim, magsilbing palamuti at mapagkunan ng
panggatong Halimbawa: ay narra at akasya

Punong prutas Halamang dahon


Halamang baging Punong-kahoy na walang bunga
Halamang namumulaklak Halamang palumpon

Nakuha mo ba ang tamang sagot? Kung tama ang iyong sagot, binabati kita!
Pwede mo nang simulan ang susunod na gagawin.

PAG-ARALAN MO

May iba‟t ibang kahalagahang dulot ang pagtatanim ng mga puno at bungang kahoy. Ang
mga puno ay pinagkukunan ng mga materyales sa paggawa ng bahay at iba‟t ibang
proyekto samantalang ang mga bungangkahoy ay nagbibigay ng pagkain, maliban ditto
ang mga ugat ng puno ay pumipigil sa mabilis na daloy ng tubig sa kabundukan na
nagiging sanhi ng pagbaha sa kapatagan.

Upang lubusan mong maunawaan ang kabutihang dulot ng pagtatanim nito, basahing
mabuti ang tula at sagutin ang mga tanong.

Dapat Bang Magtanim ng Puno/Bungangkahoy?

Kapaligiran ay kaygandang pagmasdan


Kung ito‟y palibot ng mga halaman
Ang maraming tao ay nagpapasyalan
At sa ilalim nito, ay isang libangan.

Puno sa paligid at mga bungangkahoy


Nagbibigay lilim at mga pagkain
Polusyo‟y nasusugpo, sakit naitataboy
Tension at suliranin naaalis din.

2
Laking pakinabang mga dulot nito.
Sa mga pamilya at sa buong mundo
Labis na aning prutas pagkikitaan nyo
Upang makaipon ang pamilya mo.

Puno sa bakuran at sa kagubatan


Mga bahagi nito ay may kagamitan
Kaya „wag putulin at „wag paglaruan
Kaya‟t marapat ito‟y alagaan.

Tapos ka na bang magbasa? Subukan natin kung naintindihan mo ang tula.


Kumuha ka ng papel at sagutin ang mga tanong.

1. Bakit isinasaad sa tula na kay gandang tingnan ang kapaligiran?

2. Ano-ano ang mga kabutihan naidudulot sa pagtatanim ng puno/bungang


kahoy?

3. Paano naaalis ang tens‟yon at suliranin ng isang tao kung siya‟y nagtatanim
ng puno?

4. Gaano kahalaga sa mag-anak kung sila ay may malawak na taniman ng


bungangkahoy?

5. Ano-anong mga salita ang magkakatugma?

SUBUKIN MO

Matapos mong mabasa ang tula, isulat ang tinutukoy ng bawat saknong ng isa o
dalawang pangungusap.

1. Unang saknong- 3.Pangatlong saknong-


2. Pangalawang saknong- 4. Pang-apat na saknong-

3
TANDAAN MO

Mahalagang masanay sa pagtatanim ng puno/bungangkahoy para sa ikagaganda


ng kapaligiran, pagkakaroon ng sariwang hangin at masustansiyang pagkain at
dagdag na kita para sa pamilya.

ISAPUSO MO

A. Basahin ang mga sumusunod na nakatalang gawain. Isulat sa patlang ang titik G kung
ginagawa mo at DG kung di-ginagawa.

_____ 1. Pinaglalaruan ang puno ng kahoy.


_____ 2. Pinipitas ang prutas at itinatapon.
_____ 3. Nagpapahangin sa ilalim ng puno.
_____ 4. Tumutulong magtanim ng puno/bungangkahoy.
_____ 5. Nagbibigay ng payo sa ibang bata na kumakain ng sariwang prutas.
_____ 6. Nilalagyan ng bakod ang bagong tanim na punong kahoy.
_____ 7. Pinuputol ang mga sanga ng punongkahoy upang gawing gatong sa pagluluto.
_____ 8. Dinidiligan araw-araw ang bagong tanim na punong kahoy.
_____ 9. Pinagtatalian ng hayop ang bagong tanim na punongkahoy.
____ 10. Pinapalitan ang mga nabuwal na punongkahoy.

GAWIN MO

Tingnan mo ang mga tanim na puno ng iyong mga kapitbahay. Kung may puno
sila, tanungin mo kung ano ang kahalagahan ng punong ito sa kanilang mag-anak at
kung may nais pa silang itanim, ano ito at bakit?

Isulat ang panayam mo sa isang papel at ibigay mo sa guro pagkatapos.

4
PAGTATAYA

A. Sa loob ng mga kahon sa ibaba, isulat ang kahalagahan ng pagtatanim ng


puno/bungangkahoy sa iyo, sa mag- anak, at sa komunidad at paano
magkakaugnay ang isa‟t isa.

SA SARILI

SA MAG-ANAK SA KOMUNIDAD

B.1. Magmasid-masid ka sa paligid kung kaninong bakuran ang mapuno at tanungin


ang may-ari kung anong kahalagahan ng pagtatanim ng puno/ bungangkahoy ang
nakukuha niya. Ibahagi sa inyong kamag-aral ang kaalaman sa inyong natutuhan.

B.2. kumatha ng tula na naaayon sa kahalagahan ng kasanayan sa pagtatanim ng


Puno/Bungangkahoy.

Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging


pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-
aralan ang susunod na modyul.

You might also like