You are on page 1of 13

4

MUSIC

QUARTER 4 – MODULE 1
MELC: Uses appropriate musical terms to indicate variations in tempo

0
I. PANIMULA

A. Pagpapakilala
May pagkakataon ba na ikaw ay nagmamadali sa pagkilos? Magbigay ka nga ng mga pagkakataong
kung bakit kailangan mong kumilos nang mabilis.
May pagkakataon din bang mabagal kang kumilos? Anu anong kadahilanan naman?Kung atin itong
pagmamasdan maihahalintulad natin ang ating mga kilos sa mga tugtugin o awitin na ating naririnig.
May mga awitin o tugtugin na mabilis at may mga awitin ding mabagal. Ang elementong
pangmusika na naglalarawan ng bilis at bagal ng awitin o tugtugin ay tinatawag na tempo. Tara na at
atin itong unawain sa araling ito.

B. Talakayan
Pakinggang at sabayan ang awiting “Kalesa”. Maaari ninyo itong marinig sa youtube mula sa link
na ito: https://youtu.be/aEk19vG1uc na may pamagat na “Kalesa/ awit na may iba’t ibang Tempo”.
At sagutan ang mga gabay na tanong sa susunod na pahina tungkol sa ating pag-aaralan ngayon.

1
2
Ano ang napapansin niyo sa tempo ng awiting ito?
May bahagi bang mabilis awitin? Tukuyin mo nga ito at muling awitin.
May bahagi bang mabagal awitin? Tukuyin mo nga ito at muling awitin.
Ang awiting “Kalesa” ay nagpapakita ng iba’t ibang tempo.

Balikan natin ang melodiya ng awiting “Kalesa”at pansinin ang mga nabilugan sa melodiya ng
awiting “Kalesa”. Sa unang bahagi ng melodiya ay nakatala na ito ay may bilis na 120 beats per
minute o BPM. Kung ito ay ating aalamin sa chart sa ibaba, Ano ang tempo sa uanang bahagi ng
awitin?
Italian Kahulugan Beats per Minute
Presto Mabilis na mabilis 168-208
Allegro Mabilis 120-168
Moderato Katamtamang bilis 108-120
Andante Mabagal 76-108
Adagio Mabagal na magaan 66-76
Largo Mabagal na Mataimtim 40-66

Ang unang bahagi ay may tempong “Moderato”, na ang kahulugan ay “Katamtamang bilis”
Ano naman ang nakasulat ikalawang bahagi na may nakatalang tempo? Ito ay nakasulat na ang
kumpas nito ay may bilis na 60 beat per minute. Kaya mula sa katamtamang bilis ito ay mababago sa
tempong “largo” na may “mabagal na mataimtim”.
Ngayon ay muli nating pakinggan ang tugtog nito sa youtube mula sa link na ito:
https://youtu.be/aEk19vG1uc
Matutukoy mo ba ang pagkakaiba ng tempong moderato at tempong Largo sa awiting “Kalesa”?

C. Pagbasa
Ang tempo ay salitang Italyano para sa “oras”, mula sa salitang Latin na tempus. Ang tempo ay
isang mahalagang elemento ng musika sapagkat ito ang nagsasabi kung ito ay aawitin o tutugtugin
ng mabilis o mabagal. Ito ay nasusukat sa bilang ng beat o kumpas bawat minuto (beat per minutes).

Tandaan ang mga sumusunod na uri ng tempo at katumbas na beat per minute nito

Italian Kahulugan Beats per Minute


Presto Mabilis na mabilis 168-208
Allegro Mabilis 120-168
Moderato Katamtamang bilis 108-120
Andante Mabagal 76-108
Adagio Mabagal na magaan 66-76
Largo Mabagal na Mataimtim 40-66
3
D. Halimbawa:
1.Halimbawa ng awit na may tempong mabilis

Maaari mong mapakinggan ang tono nito sa youtube mula sa link na ito https://youtu.be/firHRhLsprc
Anong uri ng tempong mabilis ang awiting ito? Ito ay nasa tempong allegro o mabilis.

2. Ang halimbawa naman ng awiting may mabagal ay mga awiting Lullaby. Halimbawa ng
awiting Lullaby ay ang “Sa ugoy ng Duyan”. Na may nakatalang tempo na 66BPM o ito ay
may kumpas na adagio o mabagal na magaan. Maaari itong mapakinggan sa youtube mula sa
link na ito : https://youtu.be/_Tdv23YdWjg

4
5
Gawain I:
Awitin ang “Masaya Kung Sama-sama” sa tempong presto at sa tempong largo.

6
Gawain 2
Makinig sa mga makabagong awitin o tugtugin ngayon at magtala ng awiting may tempong mabilis
at may tempong mabagal.

Awiting may tempong presto Awiting may tempong Latrgo

Gawain 3
Awitin ang “Do A Little Thing”. Lumikha ng sariling kilos at gawin ito nang salitan.

Mabilis na Kilos Mabagal na Kilos

7
Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1: Gamitin ang Rubriks para sa pagpupuntos sa Gawaing ito


Di-gaanong
Napakahusay Mahusay
Gawain Mahusay
(4 puntos) (3 puntos)
(2 puntos)

1. Naisasagawa nang maayos ang mabilis at


mabagal na kilos

2. Nasasabayan nang tama ang tempo ng awitin


ayon sa kilos na isinagawa

3. Nakikilala ang mga mabilis at mabagal na


tempo ng awitin

4. Nakalilikha ng akmang kilos sa paglalarawan


ng mabilis at mabagal na tempo

5. Naipapakita ng may kompiyansa ang Gawain

Gawain 2
Answer may Vary

Gawain 3
Gamitin ang Rubriks na nasa Gawain 1 para sa pagpupuntos sa Gawaing ito

8
III. PAGSUSULIT
A. Kumpletuhin ang tempo chart sa ibaba.

Italian Kahulugan Beats per Minute


1. Mabilis na mabilis 2.
Allegro 3. 120-168
Moderato 4. 5.
6. Mabagal 7.
Adagio 8. 66-76
9. Mabagal na Mataimtim 10.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay mahalagang elemento ng musika na naglalarawan ng bilis at bagal ng awitin o tugtugin.
A. melody B. dynamics c. tempo D. rhythm
2. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan ng tempong presto.
A. Ito ay tumutukoy sa mabilis na beat ng musika.
B. Ito ay tumutukoy sa mabagal na beat ng musika
C. Ito ay beat ng musika na mabagal na unti-unting bumubilis
D. Ito ay beat ng musika na mabilis at unti-unting bumabagal.
3. Lahat ng mga awitin sa ibaba ay halimbawa ng may tempong presto maliban sa isa.
A. “Masaya kung Sama-sama” C. “”Sitsiritsit”
D. “Mga Alaga kong Hayop” D. “Ili-ili Tulog Anay”
4. Ano ang tempo ng awiting “Bahay-Kubo”
A. Presto B. Largo C tiyak na tempo D. Di-Tiyak na tempo
5. Alin sa sumusunod ang mabagal na tempo?
A. forte B. presto C. piano D. Largo

9
C. Awitin ang awiting “Kalesa” ayon sa tamang tempo nito. Gawing gabay ang rubrics sa ibaba.
Irekord ang isinagawang awitin at isend ito sa inyong messenger group chat.
Maaari ring sabayan ang tugtugin nito sa Youtube mula sa link na ito: https://youtu.be/aEk19vG1uc

Inaasahang
Gawain Puntos
Puntos

Nasabayan nang tama ang tempo ng awitin. 4

Nakilala ang mga mabilis at mabagal na tempo ng awitin 3

Naipakita ng may kompiyansa ang Gawain 3

KABUUANG PUNTOS 10

10
SANGGUNIAN:
A.LIBRO
Musika at Sining 4,Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2015
Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd–IMCS) ,pp 106-114

B.ONLINE:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/tempo_(musika)
https://youtu.be/jSY-Oqp3YDo
https://youtu.be/v7ZpfvtMCpU

C. PHOTO/IMAGE:
https://images.app.goo.gl/ySTXZ7bcEibHkA6v5

11
Susi sa Pagwawasto: Pagsusulit

A.
Italian Kahulugan Beats per Minute
1. Presto Mabilis na mabilis 2. 168-208
Allegro 3. Mabilis 120-168
Moderato 4. Katamtamang bilis 5. 108-120
6. Andante Mabagal 7. 76-108
Adagio 8. Mabagal na magaan 66-76
9. Largo Mabagal na Mataimtim 10. 40-66

B.
1. C 4. A
2. A 5. D
3. D

C. Gamiting gabay ang rubrics.


Inaasahang
Gawain Puntos
Puntos

Nasabayan nang tama ang tempo ng awitin. 4

Nakilala ang mga mabilis at mabagal na tempo ng awitin 3

Naipakita ng may kompiyansa ang Gawain 3

KABUUANG PUNTOS 10

12

You might also like