You are on page 1of 21

Paggalang sa

Kapwa
Sa araling ito, higit mong
makikilala na mahalaga ang
paggalang sa kapwa.
May kasabihan tayo na:
“Ang batang magalang
ay kinalulugdan.”
Sagutin ang mga sumusunod
na gawain o sitwasyon ng:
Palagi
Paminsan-minsan
Hindi
Kumakatok ako bago
pumasok sa pintuan.
Binabati ko ang aking mga
magulang, kasambahay,
guro, at mga opisyal ng
paaralan sa tuwing sila ay
aking makikita.
Gumagamit ako ng
salitang “Pakiusap” at
“Salamat”.
Pinapapasok at pinauupo
ko ang mga bisitang
dumarating sa aming
bahay o paaralan.
Gumagamit ako ng “po”
at “opo” kapag
nakikipag-usap ako sa
mga matatanda.
Nakikinig ako kung
kausap ang kapwa ko
bata.
Magalang akong
nakikipag-usap sa
telepono.
Nagpapaalam ako nang
maayos bago ako
lumabas ng silid-aralan.
Iniiwasan kong
pagtawanan ang aking
mga kalaro at kaklase.
Nagpapaalam ako sa
aking kalaro o kaklase
bago ko gamitin ang
kanyang mga gamit.
Pagsasanay
Lagyan ng masayang mukha
(☺) kung ito ay nagpapakita
ng pagiging magalang sa
kapuwa, at malungkot na
mukha (☹) naman kung
hindi.
1.
Pinauna ni Billy sa
pagsakay sa bus ang
matandang lalaki.
2.
Itinulak ni Dan ang
batang nakatapak sa
paa niya.
3.
Nagpaalam si Susie sa
kaniyang ate bago niya
ginamit ang laptop nito.
4.
Sumigaw ng malakas si
Allen nang maunahan
siya sa upuan ng kapuwa
mag-aaral.
5.
Nagpasalamat si Tammy
sa batang nakapulot at
nagsauli ng walet niya.

You might also like