Professional Documents
Culture Documents
Pinoy Folk Tale
Pinoy Folk Tale
Philippine Folk Tales. Kuwentong Bayan. Pabula. Alamat. Maikling Kuwento. Atbp...
PANITIKAN NG ARMM
PANITIKAN NG ARMM:
Sa pagsasaliksik ni Tim Madela ng Mindanao State University hinati niya ang panitikang pasalita sa mga
sumsunod: panitikang pangIslam, (1) Panitikang di pang-Islam (2) Katutubong panitikan na Pang-Islam,
at (3) Ang iba pang klasipikasyon (Madale, 1942).
Sa panitikang di pang-Islam, hinati niya ito sa mga sumusunod: (1) Epiko, (2) Tutol (kuwento), (3) Tubad-
tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Love fest), (5) Pananaroon (kasabihan),(6) Sowa-sowa-i
(drama),(7) Limpangan ago Antoka (Puzzles at Riddles), (8) Rhymes (Sakuba), (9) Panitikan Pambata
(Madale, 1942).
Sa ilalim ng katutubong panitikan pang-Islam ay: (1) Dekir (Dirge Song), (2) Quiza (Religious story), (3)
Kandidiagao (Crying over the dead), (4) Khutba (sermons), (5) Koranic Exegesis, (6) Nagpapaliwanag na
Pahayag (Explicatory Statements) tungkol sa Islam, (7) Duaos, (8) Relihitosong Kanta, (9) Kadaolat sa
Miatal (Madale, 1942).
Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng pananalita,
ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing (metaphor).
Darangen
And Darangen ang pinakatanyag na epiko sa Maranao. Iilang gabi ang nilalaan para matapos ang buong
epiko.
Ang mga pinakilalang kabanata sa Darangen ay ang " Ang Pagdukot kay Paramat a Lawanen, ’’ (So
Kiaperawa-i ki Paramat a Lawaen) at, “Ang Pagkamatay ni Bantugan sa Kaharian ng Dagat,” (So
Kapnatangkopan a Ragat) (Madale, 1942).
Sa kabanatang ito, isinasalaysay kung paano pinamamalakad ni DiwantadoGibon ang kanyang kaharian
nang mag-isa. Bago siya namatay, nagbigay siya ng payo sa kanyang mga anak kung paano mamuno. Dito
rin isinasalyasay, ang angkan ng pinakaunang sultan sa Lanao (Madale, 1942).
Isinasalyasay dito kung paano inakit ni Paramat a Bantugan and prinses, Si Sandalinaian Sirig. Ang buong
lamin (silid sa tore) ng prinsesa ay dinala sa ibang kaharian nang di niya namamalayan (Madale, 1942).
Ito ay karugtong ng kabanta, “Kpaloma,” ang kabanata na ito ay ikinulwento kung paano inutusan ni
Bantugan si Lomna na huwag umalis sa lugar habang siya ay wala pa (Madale, 1942).
Si lomna ay iniwang mag-isa at ang mga tao sa Kadaraan ay gustong maghiganti. Ang ibong Noi ay
bumalik sa Bombaran at nalaman ni Madale ang nangyari. Sinabi niya sa Nori na pupunta sila at ililigtas
nila si Lomna (Madale, 1942).
Si Prinsesa Minoiod a Damao ay isa sa mga kasintahan ni Bantugan. Habang wala si Bantugan, siya ay
dinukot ng ibang prinsipe. Narinig ni Bantugan. Ito at kaagad iniligtas siya sa mga kalaban (Madale,
1942).
Nagkaroon ng piging sa Bogabong Komara. Ang prinsesa ay nakabihis para sa okasyon nang
dumating ang diwata mula sa Bembaran. Nagkaroon ng kadiliman at kidlat. Nang nagging mabuti ang
panahon, umopo siya sa isang bato, lakongan tomianong. Nakita siya ni Bantugan. Dinala siya sa
Bembaran at ihinarap sa kanyang ama para ikasal ngunit di pumayag ang ama (Madale, 1942).
Ang bayani, si Paramt a Bantugen ay nanaginip ng isang magandang prinsesa, si Alongan Labimombao
na pumunta sa piging ng Bembaran. Sa kanyang panaginip ay di niya hinayaan bumalik ang prinsesa sa
kanila. Ang prinsesa ay nagkaroon rin ng parehong panaginip. (Madale, 1942)
Nagising si Bantugen at tinawag siya ng diwata na papuntahin sa kaharian na iyon. Nagbalatkayo siya
bilang isang maitim na lalaki at nakipagkaibigan kay Daridai Mairindo, na anak ng isang datu (Madale,
1942).
Dito isinalaysay kung paano humingi si Lomna ng kasal at ng marami pang iba sa kanyang ama, si
Bantugen. Hiningi ri n niya nag awing ginto ang buong lugar (Madale, 1942).
Sa kabanatang ito, inilalarawan ang mga tamang pamamaraan sa pakikibaka. Inilarawan dito ang tamang
paraan sa paghawak ng kampilan. Ang isang mananayaw ay pinagaaralang ang iba’t ibang pamamaraan
sa pakikibaka (Madale, 1942).
Nagselos si Bantugen at hinawalayan si Ginasaan a Orai. Nagsimula ito nang makita niya ang kwintas suot
ng kanyang asawa. Sabi niya ito ay bigay ng kanyang ina ngunit ayaw pa rin ni Bantungen maniwala sa
kanya (Madale, 1942).
Dito, ikinwento ni Bantugen ang mga pangyayari kung bakit niya hiniwalayan ang kanyang mga asawa
(Madale, 1942).
Si Prinsesa Minoid ay di tinanggap ni Inaionan o Kampong bilang asawa ni Bantugen. Umalis ang bayani
at si Mindanano sa Tonong ay linusob ang lugar.
Si Daridai Mairindo, isang batang lalaki ay sinubukan ipagtanggol ang lugar ngunit di niya kaya. Ang
prinsesa ay nagpadala ng ibon (Nori) upang hanapin ang bayani at ipagtanggol sila. Nagkaroon ng
pagtutunggali at nailigtas ang prinsesa (Madale, 1942).
Si Misoiao, isang batang prinsipe ay pumunta sa lahat ng kaharian at nagpahayag ng digmaan upang
patunayan ang kanyang sarili. Pumaslang at Linpastangan niya ang mga kapangyarihan. Ang nakapagpigil
sa kanya ay si Bantungen lamang na tinuturi niyang ama (Madale, 1942).
Ang datu ay nagutos sa lahat ng mga kaharian na huwag kausapin si Bantungen sa kanyang pagdating.
Nagulat si Bantungen dahil walang gustong makipagusap sa kanya. Umalis siya at namatay sa ibang
kaharian. Kinuha ni Madale ang kanyang kaluluwa sa isang lugar sa kalangitan at binuhay muli si
Bantungen. Ito ay pinkawiling-wili na kabanata dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na ang lahat ng
mga asawa at kasintahan ni Bantugen ay nagsama-sama upang bigyan siya ng pugay (Madale, 1942).
Sa unang bahagi ng kabanata na ito ay ipinakita ang pinaglahian ng mga tauhan sa Darangen.
Sa sumunod na bahagi ng kabanata, isinasalaysay nito ang paglalakbay ni prinsipe Bantugen, Madale, at
Rinandang habang papunta sila sa Kiaranda a Ragat. Ito ay kaharian na kapantay ang Bembaran. Lahat
sila ay pumunta upang matanawa ang kaharian at ang magandang prinsesa (Madale, 1942).
TUTOL
Ang tutol ay nahahati sa tatlo: (1) Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa Pinagmulan), (2) Tutol sa
Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), (3) pabula (pangangayamun).
Radia Indarapatra
Bagama’t itinuturing ang Radia Indarapatra bilang epiko, ito ay napapabilang sa kategoryang tutol. Ito ay
ayon kay Timan Madela (1942).
Ang Radia Indarapatra ay may dalawang bersyon: ang sa Maguindanao at sa Maranao. Sa bersyon ng
Maranao, binubuo ito ng pitong kabanata.
Ang tutol ay tumtukoy sa mga pangyayari sa iba’t ibang pagkakasunod: (1) pisikal at political na
heograpiya, (2) sosyal at pamilyang organisasayon, (3) kosmolohiya, (4) relihiyon at mahika, at iba’t
ibang katangian ng lipunan ng Maranao (Madale, 1942).
Isang magandang halimbawa sa nakakatuwang kuwent na gustong gusto marinig ng mga Maranao ay
ang Pilandok. Si Pilandok ay mautak at maparaan . Isa sa mga kuwento nito ay ang kuwento kung paano
niya tinawid ang ilog na may mga buwaya (Madale, 1942).
Isang araw gustong tumawid ni Pilandok sa ilog ngunit wala siyang bangka. Takot rin siya lumangoy dahil
mayroon matatagpuang buwaya doon. Hindi alam ni Pilandok kung ano ang kanyang gagawin. Umupo
siya malapit sa ilog at biglang may naisip siya. Mabilis niyang sinigaw sa mga buwaya (Madale, 1942).
“Gusto ng datu malaman kung ilan ang mga buwaya nakatira sa ilog na ito. Kinakailangan na lumabas
kayo para mabilang ko kayo.”
Nang marining ng mga buwaya ito, lumabas ang pinakamatanda na buwaya upang makipagusap kay
Pilandok.
Nang marinig ng mga buwaya ito, lumabas sila sa kanilang pinagtataguan. Dahil sa sobrang dami nila,
ihiniling niya sa mga bumawaya na gumawa ng maraming mga hanay patungo kung saan siya
kinaroroonan. Nang matapos ihanay ng mga buwaya ang kanilang sarili, sinumula ni Pilandok magbilang.
“Isa—dalawa—tatlo.” Habang ibinibilang niya ang buwaya, lumundag siya mula sa likod sa isang buwaya
patungo sa isa. Nang marating niya ang kabilang banda ng ilog, lumukso siya. Tumingin siya sa likod,
sabi niya sa mga buwaya.
‘’ Ha, ha, ha, naloko ko kayo. Walang gustong gawin ang buwaya sa inyo.’’ Nang sabihin niya ito,mabilis
siyang tumakbo patungo sa kanyang bahay (Madale, 1942).
PABULA-PANGANGANYAMON
Mahilig ang mga kabataan sa mga nakakatuwang kuwento. Bukod pa ditto, mahilig rin sila sa mga
kuwento tungkol sa mga hayop o pabula. Halimbawa nito ay ang Unggoy at Ang Tagak (Madale, 1942).
Noong una, ang mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso para iphayag ang kanilang
nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga ito para di masakit sa iba (Madale,
1942).
Ito ay may iba’t ibang interpretasyon depende sa okasyong ginamit ito. Kung sa conteksto na pag-ibig,
maaring ibig sabihin nito na hindi mapapantayan ng isang mangiibig ang isa dahil ang isa ay masmataas o
masmagaling kaysa sa kanya. Ang isa pang interpretasyon ay ang literal na kahulugan na ang lawin ay di
makakapantay sa agila (Madale, 1942).
Kapag gusto ng lalaki magphayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya ito sa bahay at may kasama siyang
dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan, ang babae mayroon ring
tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon.
Ito ay halimbawa ng sagot nang lalaki matapos sagutin ng babae kung mayroon ba itong pag-asa
(Madale, 1942):
Ino ko di
Papanok ka so Nori
Da ngka kasampiroti
Why will i not be sure
Ang mga pananaroon ng mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa ang isang bata upang matuto o
uyamin ang tao. Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat, isinasapuso ito ng mga bata at nagiging
bahagi ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala (Madale, 1942).
Hal.:
So bawing a ketesen
Na mi song bo sa ketesen
Na makapemagenesa
SOWA-SOWA-I - DRAMA
Ang Sowa-sowa-I ay mahahati sa lima: (a)Kamboyka, (b)Kaganat sa darangen, (c)Diabro, Onta, and Kokok
(d)Sagayan (e)Sadoratan (Madale, 1942).
KAMBOYOKA
Ang bayok ay mga patulang berso na tumatalakay sa iba’t ibang paksa. Ang tema ay umiikot sa uri ng
kapistahan na piangdidiwang. Ito ay maaring bahagi ng epiko. Ito ay inaawit ng onor. Ang tawag sa
sesyon na ito ay kambayoka (Madale, 1942).
Ito ay maaring kantahin ng dalawa o higit pa na nakaupo sa magkabila. Ito ay nagsisimula ng isang
panimulang talumpati ng tagapagbunsod at ng mga putok ng baril. Ang pangatlong tao ay magsisilbing
tagapaghatol kung sino sa dalawa ang may pinakamaganda at may pinakamatalinghagang paglalarawan
sa okasyon na iyon (Madale, 1942).
Ito ay isang halimbawa ng isang bayok na may tunog ng Darangen na tumatalakay sa isang bahagi ng
epikong, “Kamplomna” (Madale, 1942).
KAGANAT SA DARANGEN
Ang tagapagtanghal ay kailangan wala pang asawa, maganda at mayroong malambot na katawan. Ito ay
dula na nagpapakita ng pagpapadala kay Lomna sa Gindolongan. Maraming pagwawagayway ng
pamaypay at maraming paggiwang ng bewang ang isisinasagawa sa dulang ito (Madale, 1942).
Ang daibro at ang kokok ay laging magkasama tuwing kasal, koronasyon at iba ipang magkatulad na
pagdiriwang. Ang diabro ay nakabihis ng tuyong dahon ng banana. Sa kapistahan, tatakbo siya kukunin
ang kopya (kalo) ng mga datu. Ito ay kostumbre na maari lamang niya kunin balik ang kanyang gamit
kung bibigyan niya ang diabro ng pera (Madale, 1942).
Ang koko naman ay isang nagmumukhang halimaw na nanggaling sa gubat. Nakasuot siya ng kalo.
Mahaba ang kanyang buhok at ang kanyang suot ay puno ng algae. Kasama ang diabro, tatakbo sila,
sasayaw sa tunog ng agong at kulintang (Madale, 1942).
Ang onta ay isang paggaya sa kamelyo. Gumagamit sila ng kawayan upang makabuo ng isang istraktura
na halintulad sa kamelyo. Apat na lalake ang nagsisilbing binti ng kamelyo (Madale, 1942).
Kinagawian na ang onta ay linilibot ang buong baryo tuwing kasal at binubukas ang bunganga. Ito ay
kagawian na kung buksan nito ang kanyang bunganga ay kinakailangan na lagyan ito ng laman. Ito ay
nagsisilbing mga regalo ng pamilya ng babaeng kinakasal (Madale, 1942).
SAGAYAN
Ang sagayan (sayaw pandigma) ay nagmula sa Darangen. Ito ay pagsasadula ng kabaynihan ni Bantugen
habang ihinahanda ang kanyang sarili para sa pakikidigma sa mga kalaban-Ikadaraanen (Madale, 1942).
SADORATAN
Sa isang kabanata sa epiko, ang prinsesa matapos siyang dukutin ng isa pang prinsipe, siya ay lumakad sa
gitna ng napakaraming tao na nasilayan ang kanyang kagandahan (Madale, 1942).
“…Kisiod bon a nglai na arega sakampo, kanatap palad a-i na pasa-i saka inged.”
“…Swaying her hands as she walks is worth a camp, and lifting her foot is worth a place.”
Ang sayaw na ito ay pagsasadula nang pinalakad ang prinsesa sa harap ng mga datu at sultan. Ang
tagapagtanghal ay kailangan maganda, marunong kumanta at malamyos maglakad (Madale, 1942).
Ang limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang mga antoka (riddles) ay para sa
mga bata (Madale, 1942).
Ang mga limpangan ay binibigkas tuwing nagsasama-sama ang mga batang Maranao. Ang bata na na
nakakasagot ng maraming limpangin ay hinahangaan at itinuturing matalino (Madale, 1942).
Halimbawa ng limapangan :
Ladia sa kalaan
A di ketangalan sa ig.
SAKUBA- Rhymes
PANITIKANG PAMBATA
Ang panitikang pambata ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa Pangangaso (b) pangingisda, (c) lalabay,
(d) kantang may rima (rhyme song) (Madale, 1942).
Naniniwala ang mga bata na kapag maglagay sila ng bitag at kapag sila ay kumanta, mahuhuli nila ang
ibon. Ang isang uri ng ibon na mabibihag nila sa pamamagitan ng kantan ay ang dao’lan.
Halimbawa :
Seda ka seda ka
O ba ka panonotolan
Fish, fish
Pinaniniwalaan kapag kumanta sila ng kantang ito, marami silang mahuhuling isda.
Bung-bong – Lalabay
Kinakanta ito ng mga nakakatandang kapatid na babae sa kapag pinapatigil ang iyak ng sanggol at kapag
pinaputolog ang sanggol kapag umaalis sa bahay ang ina (Madale, 1942).
Karamihan ng mga bahay ay itinatayo malapit sa lawa. Dahil ditto, kinahiligan ng mga bata maglaro at
lumangoy sa tubig. Matapos maglaro, lulundag sila mula sa banto at kakanta sila (Madale, 1942).
Halimbawa:
Ang Dekir (dekr sa salitang Arabo) ay ibig sabihin sambahin ang Panginoon. Ang isang berso mula sa
Koran o ang buong Koran ay itinuturing dekir. Sa mga Maranao, ang ibig sabihin ng dekir ay isang kanta
na inaawit sa huling gabi ng virgil. Kiakailangan dalawang tao ang aawit ng dekir. Ito ay mayroon mataas
na tono. Nang maabot ng mangaawit ang pinakamataas na tono, hihinto siya sa pagkanta at
ipagpapatuloy ng isa pang mangaawit (Madale, 1942).
Halimbawa:
Ang mga quiza ay mga relihiyosong kuwento na nagmula sa Koran para sa mga nanampalataya at di
nanampalataya. Ang isang halimbawa nito ay ang kuwento ni Ibrahim nang isakripisyo niya ang kanyang
sariling anak (Madale, 1942).
Ito ay kakaibang paraan ng pagiyak para sa namatay. Habang umiiyak para sa namatay, ginagawa niya ito
sa magandang tono. Ito ay katulad ng dekir. Iba ang pamamaraan ng Kandidiago ng lalaki sa babae. Ang
tawag sa paraan ng lalaki sa pagkanta ay kakemama (Madale, 1942).
Ang unang halimbawa ay pagiyak ng babae para sa kanyang namatay na anak:
Aidao Tuhan ko, ino ngaka raken kowa-a a wata aken a-i
My child, my beloved
My child, my beloved.
Ang sunod na hlaimbawa ay Kandidiago ng lalaki. Sa pagpasok niya sa silid na mayroong bangkay, hawak
niya ng kampilan sa kanyang kanan na kamay at sa kanyang kanang paa, stump the floor nang buong
lakas. Papahirin niya ang kanyang mga luha sa kanyang kaliwang kamay at sisigaw (Madale, 1942):
Aidao ama ko, ino kami ngaka ganati a mga wata ‘ka
Na di ami panganogonan
KHUTBA-Sermons
Ito ay mga passsages mula sa Koran na para sa mga nanampalatay at para rin sa di nanampalataya. Ito ay
isinasagawa ng Iman (pari) tuwing kapistanhan tulad ng Ed-el Fitr, Mauleed-en-Nabi at sa mga dasal
tuwing Biyernes(Salatul Juma-at) (Madale, 1942).
Kadalasan ang tema ng khutba ay naayong sa okasyon. Halimbawa na lamang kung sa Biyernes, ang tema
ay tungkola kahalagahan ang pagdarasal (Madale, 1942).
KORANIC EXEGESIS
Ito ay mahalaga sa muslom sa kanilang paginterpreta ng scriptures. Ito ay di lamang para sa Muslim, para
rin ito sa mga di Muslim (Madale, 1942).
DUA’A
Ito ay binibigkas pagkatapos ng salat (dasal) at maari rin pagkatapos ng kandori (thanksgiving) (Madale,
1942).
Halimbawa:
Ang mga ito ay nagging sikat nang dumating ang mga misyonaryong Arabo mula
Halimbawa :
A di ami kalipatan
Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng pigura ng pananalita,
ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing (metaphor) (Madale, 1942).
PANITIKAN NG TAUSUG
Ang panitikan ng Tausug ay binubuo ng tula at prosa, naratibo at di naratibo. Ang mga nilalaman ng
mga ito ay maaring mapabilang isa sa dalawang tradisyon:
1. Katutubo(folk)
2. Pang-islam na nakabatay sa Quran at mgat Hadith (mga kasabihan) and Sunna (tradisyon at kaugalian)
ng propetang Muhammad.
Tigum-tigum/tukud-tukud (riddles)
Ang bugtong sa lipunan ng Tausug ay nagsisilbing panlibangan lalo na tuwing kasal at sa buwan ng
Ramadan. Ito ay isang pagtutunggali ng katalinuhan. Ito ay nagbibigay aral sa mga bata tungkol sa
kalikasan at sa iba pang bagay na pumapalibot sa kanila. Narito ang mga halimbawa (Tuban 1977:121-
122):
Piyasud, Piyasling
Piyasausugaring
Pasura paslinga
It was zigzagged
Tulad ng ibang pangkat etniko, ang mga masaalaa (proverbs), ito ay nagpapakita ng pandaigdigang
pananaw sa buhat at kadalasan maririnig sa mga pagdiriwang, sa kasiyahan, kalungkutan, o
pagkadismaya. Ang mga ito ay mayroon gamit sa edukasyon, pinapangara; ng mga nakakabata sa lipunan
ng Tausug (Tuban 1977:140).
ayaw in tikud-tikud.
It is better to die
parasahan niya.
mangadjang ha di'
patumu' in ulan.
*Tuhan in paunahun,
ha unu-unu hinangun,
Paminsan ang mga kasabihan sa Tausug ay may unibersal na appeal (Tuban 1977:144):
In manussiya magparuparu,
Man plans
if it is painful to you,
it is also painful when done to your fellows.
Ang mga daman ay patulang diyalogo o payo na ginagamit sa panliligaw, at sa mga ritwal sa kasa. Ang
wikang gamit ay luma kaya mahirap ito maintindihan. Sa pamamagitan ng daman, kaya ng isang
manliligaw iphahayag ang kanyang nararamdaman sa isang magalang at matalinghagang paraanpresent
(Rixhon 1974a:41-44).
Ang sumusunod ay isang daman na ginagamit sa panliligaw kapag natuklasan ng ama ng isang dalaga ang
isang manliligaw na naghihintay sa kanya malapit sa kanilang bahay. Sasabihin niya (Rixhon 1974a:41-
44):
Mana'ta lupu
Kimita' pagtanuman
duun na magjambangan.
Kapag maselan ang paksa sa paguusap, kapag may sekswal na konotasyon, ang daman ay kadalasan
ginagamit upang di makaopenda. (Rixhon 1974a:45-46)
Halimbawa:
In bawgan' pana' mu
Yan da ka kaymu?
Bihun ta kaymu
Bihun paandigan
Kalu mu mabawgan.
Halimbawa:
Hapitan panayaman
Ayaw maghamanhaman
Mahuli kananaman
Malikata (word inversions) ay mga salitang mayroong tinatagong biro o mga nararamdaman para sa iba.
Ito ay mga pangungusap na mayroong pagkakabaliktad ng mga salita na maaring mabasa sa isang
kodigo.
Halimbawa:
bahal panadu?
Tinatagong Mensahe: Mayta' bang tau mabuta di' makakita'?
aniyu janni.
Tarasul (poems)
Ito ay kawili-wila at mayroong maiituro. Kahit sila ay pasalitang ipinapasa sa tradisyon, nakasulat ang mga
ito. Ang mga paksa ay iba’t iba- kalikasan, paglulutog , pag-iba at marami pang iba (Hassan et al
l974a:116, 118, 123, 126):
Halimbawa:
Kagunahan ha dunya
U! Apu' Banuwa
In jambangan tulunga.
or angel Michael]
Bungangkahuy manaman.
Ganti' pamintangan
Serves as a lesson
…
Mabugtang agun in baran ku
[Thinking] of my rival.
Ang mga tilik (love spells) ay pangunahing ginagamit ng mga lalaking Tausug upang makuha ang puso ng
babae ngunit mayroon pa ito ibang gamit: upang gawin ang kanyang sarili kaakit-akit , upang mapagaan
ang galit, upang mapahina. Ang mga tilik ay itinuturing banal at di dapat isawalat. Ang halimbawa sa
ibaba ay binibigkas upang ang mga anghel at ang propeta ay magpakita sa panaginip ng babae.
Ang inkantasyon na ito ay sinsasamahan ng tatlong palo sa gilid ng unan, na ibabaligtad (Tuban
1977:105-106).
Halimbawa:
Barakat Laillahailqulla
I am inviting you
God's blessings!
Blessings of Muhammad
Ang mga salsila ay talaan ng pinaglahian ng angkan ng dakilang angkan. Sinasalaysay ng mga ito ang
mga dakilang ninuno, mahahalagang pangyayari, ang katapangan ng mga bayani, at ang mga di-
pangkaraniwang kakayahan. My bahagi ang salsila na sinasalaysay ng Datu Salip Raja Bassal Pulalun, ang
kanyanh angkan mula pa kay to Sultan Salahuddin Karamat, 1648-1666 Ganito:
Ang anak ni Sultan Karamat , si Sultan Bararuddin I ay mayroong apat na anak- anh kambal Datu
Alimuddin Han, na gwapo; Datu Salikala, na pangit, di-pangkaraniwan at kamukha ang unggoy, si Datu
Nasaruddin, Datu Nasaruddin; and Dayangdayang Putli'Agtah Lana. Bararuddin pinamigay ang Salikala
kay Datu Maharaja Dindah Bantilan. Lumaki si Salikala nang malakas at linigtas si Bararuddin sa mga
Kastila.
Ikinuwento ni Bantilan ang katatotohanan at nagkaisa ang pamilya. Si Sakila at ang kanyang
kambalAlimuddin ay nakatanggap ng salita mula kay Sultan Muhuddin ng Brunei, na humihiling ng tulong
ng lakas sandata,request-ing.
Ang mga kapatid ay kinakailangan sa digmaan. Si Sakila ay nakatamo ng malalim na sugat. Siya at ang
kanyng mg tauhan ay sinunog ang kanilang sarili. Isang monumentoang itinayo sa kanla at ang hilgang
Borneo ay binigay sa Tausug bilang gantimpala (Tuban 1977:44-46).
2. Ang Kaawn Kissa (mga kuwento tungkol sa paglikha), Ang usulan kissa ( mga kuwento sa pinagmulan),
Ang tema ng paglikha ay sinasalaysay sa mga kuwento na ang tawag ay kaawn kissa. Halimbawa ay ang
"Apu' Adam Iban Apu' Hawa" (Grandfather Adam and Grand-mother Eve) na isinaslaysay ang
kaunanahang magulang natin at ang pilit na pagalis nila sa paraiso. Napasyahan ng Diyos na lumikha ng
tao muli at magpadala ng anghel na pagsamahin ang lupa. Tubig, apoy at hangin ay dinagdag upang
makabuo ng buhay. Si Adan ay nag-iisa at binigyan siya ng Diyos ng babae na nabuo sa kanyang tadyang.
Apat na anak ang naipanganak- isang putting lalaki, isang putting babae, isang maitim na lalaki, at isang
maitim na babae. Sa susunod na henerasyon, nagkaroon ng iba’t ibang lahi bunga ng pagkakasal. Si Eba
ay nakain ang ipinagbabawal na prutas at pinatulo ang katas nito sa bunganga ni Adan. Nang dumuni sila
sa paraiso, pinaalis sila ng Diyos (Tuban 1977:50-51).
Ang pinagmulan ng mga kostumbre ng Tausug ay isinasalaysa sa usulan kissa. "In Usulan sin Katantan
Bungang Kahuy iban Binatang Halal" (The Origin of Edible Fruits and Animals). Sinasalaysay nito kundi
paano ang balat ni Adan ay ginawang puno na pinagmulan ng lahat na nakakain na hayop- narrates
karabaw, manok, kambing, kabayo at kalapati. Ang puno, na nagging sagabal sa pagpunta sa langit, ay
inutusang paputulin, ngunit ito ay patuloy na tumtubo at nagbubunga ng 99 iba’t ibang prutas (Tuban
1977:59).
3. Ang Katakata
Ang mga katakata ay mga kuwento na di historical at binibigkas para libangan. Mayroong tatlong uri ng
katakata: Ang isa ay tulad ng alamat, ang isa ay katutubong kuwento marchen, at ang mga kuwento ng
mandaraya.
1. Halimbawa ng unang uri ay ang "In Duwa bud" (The Two Mountains). Mayroon isang lalaki at isang
babae na namatat sa dalawang bukid. Pinaniniwalan ang dalawang ito ay mahiwaga. Ito ay matatagpuan
sa pagitan ng dagat ng Sulu at Zamboanga.
2. Ang halimbawa ng pangalawang uri ay ang bersyon ng Tausug, "Tom Thumb". Ang tawag nila dito ay
"Hangdangaw" (literally, "a span high"). Sa halip ng kanyang sukat, si Hangdangaw ay matakaw at
mayroong kakaibang lakas. Iniwan niya ang kanyang magulang. Mayroon siyang nakilalang apat na
makapangyarihan na lalaki na nagging kaibigan niya: Mamuk Bunga, Tumibik Batu, Sumagpih Ipil, at
Rumatag Bud. Isang araw , nakahuli si Hangdangaw ng malaking isda ngunit doon niya natuklasan na
kinakailangan niya ng apoy upang makaluto. Pinadala niya ang apat para kumuha ng apoy ngunit sila ay
nadakip ng higanteng kumakain ng tao. Iniligtas ni Hangdangaw at nakain rin niya ng isda. Matapos
kumain, tinapon ni Hangdangaw ang buto ng isda, na sa kasawing palad ay napunta sa balon ng
maharajah. Tinulungan ni Hangdangaw ang maharajah sa pamamaagitan ng pagtapon ng buto ng isda sa
pangalawang pagkakataon; ito ay nakaabot sa butas ng tubig ng panglima (headman). Ito ay inulit ng
dalawang beses sa balon of ng imam at ng naghaharing prinsipe. Bilang gantimpala, ang mga anak na
babae ng maharajah, panglima, imam, at naghaharing prinsipe ay pinakasal sa apat na kaibigan ni
Hangdangaw. Mula sa balon ng prinsipe, ang buto ng isda ay umabot sa sultan at napangasawa niya ang
anak ng sultan (Tuban 1977:63-68).
Ang sikat sa mga Tausug na kuwneto ng mandaraya ay ang kuwento nina Pusong at Abunnawas na
napapabilang sa "mautak na lalaki" uri. Sa mga kuwentong ito , sina Pusong at Abunnawas ay laging
nakakadaya sa hari. Ang kasikatan ng mga kuwentong ito ay nagpapakita ng di paggalang sa sultan.
(Rixhon 1974a:34, 73).
Ang isang pang katakata ay tungkol sa mga higante, agassi tulad ng "Baguinda Iban Hinda Apu"
(Baguinda and Grand-father Agassi). Mayroon rin mga kuwento na ang gwapong anak ng datu o ang
magandang anak ng datu ay ginawang pangit ng mga nilalang. Sila ay maibabalik lamang sa kanilang
tunay na anyo kung malampasan nila ang mga pagsubok. "Putli Pugut" and "Manik Buwangsi" ang mga
magagandang halimbawa ng ganitong uri ng katakata.
Panitikang Pang-islam
A. Mga Dasal
1. Duwaa
Ito ay mga debosyonal na dasal, na dinadagdag sa pang-araw-araw na dasal bukod pa salat. Ito ay
dinadasal sa mga indibidwal, pamilya at sa mga komunidad na karanasan sa saya at sa kahirapan.
Mga dasal, kung tawagin duwaa sala-mat o dasal pampasalamat ay ginagawa kapag nakaroos sa
problema
a. Magtaubat
Ito ay isang duwaa ng pagsisi. Ito ay idinadasal kapag naghihingi ng kapatawaran kay Allah sa mga
kasalanan.
b. Duwaa arowa
c. Duwaa ulan
-for the alleviation of drought. Ang mga dasal ay may kasamang jamu (feast).
2. Jihiker
Ang mga dasal na ito ay pagpbigkas ng 99 pangalan ni Allah na gamit ang tasbih (prayer beads). Pribado
itong isinasagawa bilang bahagi ng salat
Ang pangadji o pagbabasa ng Koran ay isinasagawa ng mga Muslim upang ipakita nag kanilang
pagmamahal at pananampalataya kay Allah. Ito ay maaring gawin sa publiko o sa sariling pagpapahayag
ng debosyon kay Allah.
B. Pangadji
Pangadji ay isinasagaw rin kapag may namatay sa pamilya. Pitong gabi ang inilalaan para dito.
Magsisimula ito sa unang gabi ng pagkamatay. Ibinibigkas ito mula sa Koran ng mga lalaki at babae
pasalit-salit hanggang buong aklat ay nabasa. Ito ay isinasagawa para sa mabuting paglalakbay ng
namatay.
C. Hadith o Hadis
Ito ay mga kasabihan o mga kagawian ng Propeta Muhammad na pinagsama ng mga iskolar ng Islam.
Ang mga ito ay isa rin sa batayan ng mga batas ng Islam. Ang mga ito ay nagpapaliwanag rin ng mga
mahahalagang punto sa Koran. Ang wikang gamit ay Arabo.
Ang mga hadis ng Tausug ay nasa anyong tarasul (poem) o kissa (story), at mga komentaryo ito sa
mahahalagang punto ng Koran. Ang mga hadis tarasul ay kinakanta sa lugu at nagpapakilala sa isang
kabanata mula sa Korantradition. Itinatanghal rin ito bilang relihiyosong obligasyon ng mga tao (Rixhon
1974a:16-18).
Ang mga hadis kissa ay kinakanta na may kasamang musikal na instrumento tulad ng gabbang (native
xylophone) at biyula (native violin). Isang halimbawa, the "Kissa sin Hadis sin Duwa Magtiyaun" (The
Story of the Tradition of Marriage), isinasalaysay ang mga tungkulin ng mag-asawa (Rix-hon 1974a:16).
D. Khutba
Ang khutba ay isang sermon o pangaral sa Biyernes na ibinibigay tuwing magdarasal ang kongregasyon at
ginagawa ito ng khatib mula sa mimbar (platform). Ito ay tungkol sa mga relihiyosong paksa at ang gamit
ito sa pangarawaraw na buhay. Ang lokal na wika ang gingamit sa khutba kahit ang mga berso mula sa
Koran ay binanabasa sa wikang Arabo.
PARANG SIBIL
Ang "Parang Sabil hi Baddon" ay kuwneto ni Baddon na naisulto ng datu. Si Baddon ay inatake ng mga
marangal ng mga kalalakihan nang matapos siyang ideklara bilang suwail ng batas. Isang opersayon
militar ang isnigawa laban sa kanya. Ang labanan ay nagsimula sa mga kamaganak nina Baddon at datu
(Mercado 1963).
Ang "Parang Sabil hi Abdulla" ay kuwento ni Putli Isara, isang magandang anak ng panglima. Isang araw
sa may ilog, isang Kastilang sandalo gusto siyang galawin. Dahil ditto, sina Putli Isara at Abdulla ay
gumawa ngparang sabil ("Parang Sabil" 1973).
SINING SA PAGTATANGHAL
Instrumentong Pangmusikal
Iba’t ibang musikal na instrumento na pwedeng tugtogin pang-indibidwal o pamparamihan ang gingamit
ng mga Tausug.
Ang pinakakila ay ang kabuuan ng kulintangan na mayroong dalawang gandang (drums), tungallan (large
gong), duwahan (set of two-paired gongs), at ang the kulintangan (a graduated series of 8 to 11 small
gongs). Di dapat kumulang sa limang tao ang tugtog sa mga ito. Sinasamahan ito ng mga sayaw at sa
mga pagdiriwang (Kiefer 1970:2).
Ang iba pang kilala na instrumento ay ang gabbang (native xylophone) at ang biyula (native violin).
Mayroon itong 14 hanggang 24 keys na nahahati sa pitong-notas scales. Ang gabbang ang pinakasikat na
musikal na instrumento sa Sulu. Kasabay nito, ang bokal na musika tulad ng sindil. Ang tono na nabuo
kapag tinutugtog ang gabbang ng mag-isa nga lalaki o babae ay tinatawag na tahtah.
Ang biyula ay tulad rin ng biyula ng pangkanluranin. Karaniwan lalaki ang tumutugtog ng biyula, ng
gabbang,kasama ng sindil (Kiefer 1970:2)
Ang mga musikal na instrumento ng Tausug ay binubuo ng: gabbang; tahtah (gabbang na may kasamang
biyula); ang kasi-lasa, lugu, at tahtah ( kanta para sa biyula); the sinug kiadtu-kari (kulintangan); ang
tiawag kasi ( musika ng saunay), ang tahtah ( musika ng suling); at ibapa (Kiefer 1970).
Kalangan or Tausug musika na boses ang ginagamit ay puwedeng hatiin ito sa dalawa: naratibo at lirko.
Puwede pa itong hatiin sa lugu at sa paggabang tradisyon. Ang lugu ay mga relihiyosong kanta na walang
gamit na instrumento, samantalang ang tradisyon ng paggabang ay sinasabing "makamundong kanta”
na ginagamitan ng gabbang at biyula (Trimillos 1972).
Ang mga naratibong kanta ay nagsasalaysay ng kuwento at sinasama nito ang kissa tulad ng parang
sabil. Ang mga kantang liriko ay nagpapahayag ng ideya at pakiramdam. Ito ay binubuo ng langan
batabata (children's songs), ang baat (occupational songs), ang baat caallaw at ang pangantin (funeral
and bridal songs, respectively), ang mga tarasul (sung poems), ang sindil (sung verbal jousts), ang liangkit
(from langkit or "chained"), at ang sangbay o kanta na sinsabay sa sayaw dalling-dalling.
Ang mga langan batabata ay lalabay. Mayroon silang malambot at nakakaginhawang himig (Tuban
1977:210).
Halimbawa:
Dundang ba Utu
tug na ba kaw
Liyalangan ta sa kaw
In maglangan mahukaw.
Go to sleep
Now my son
I am singing to you
Ang Baat at ang kalangan ay pareho. Ang baat ang tawag sa pagkanta. Ang baat taallaw ay mayroong
malungkot na himig. Ang sumusunod ay paggunita sa patay na kapitan (Rixhon 1974a:49).
Halimbawa:
Aturan hawhaw
Saupama naghangka-bangka
Seesabroos nagkalalawa'
Hi rayang hadja
In ba laum dila'.
Mv darling's name
Ang Baat Pangantin ay kilala rin bilang Langan Pangantin. Ito ay kinakanta para panatagin ang loob ng
babaeng ikakasal at upang pawiin ang lungkot ng kaibigan (Rixhon1974a:51).
Halimbawa:
Unu in hi langan
Ayir bajanggang
Hi ula katumbangan
Dayang in pagngnnan
cannot be matched
Ang sindil (sung verbal jousts) ay napapabilang sa tradisyon ng gabbang at itinatanghal ng babae at
lalakiand na naglalabanan ng pagkamautak. Ito ay mgy tukso at biro na nasa anyo ng berso. Ang
mayroong masmagandang berson ay pinapalakpalan ng mga paunahin (Kiefer 1970: 10).
Nihma:
arri ba dundangun
Nihma [Woman]:
With patience,
Until I am exhausted
to be called "darling."
Hassin [Man]:
Ang mga liangkit ay mahahabang piyesa na kinakanta nang mag-isa, kasabay sa tunog ng gabbang at
biyula. Ang paksa ng liangkit ay malawak- pagibig, digmaan, kalikasan , at iba pa. Ang Tausug lelling, ay
nakuha mula sa Samal, ay mga bahagi ng tradisyon ng liangkit. Kinakanta ito kasabay sa tugtog ng gitara.
Nakikiayon rin ito sa mga kasalukuyang kaganapan. Ang isang magandang halimbawa ay ang lelling na
sinasalaysay ang pagpasok ng Moro National Liberation Front forces sa probinsya ng Jolo noong
Pebrero1974.
Ang sining sa pagkanta sa sayaw dalling-dalling dance ay tawag pagsangbay. Ang kanta ay nagdidikta ng
galaw na kailangan sundin ng mananayaw.
Ang lugu o sail tradition ay isinasabay sa mga relihiyosong ritwal at ng mga ritwal sa kasal, sa
panganganal, paggunting, pagtammat, at sa libing. Ito ay mayroong dahig or jugjug (high vocal ten-sion).
Ang tempo ay mabagal na mayroong mahahabang sustained tono. Kahit ito ay kadalasan ikinakanta ng
mga babae, puwede rin ito kantahin ng mga lalake(Trimillos1974)
Halimbawa:
Piyaganak
Birth
Of Allah. He is Muhammad
MGA SAYAW
PANGALAY
Ang pinakakilalang sayaw sa Tausug ay ang pangalay. Ang kanyang pangunahing istilo nito ay pinagmulan
ng iba’t ibang sayaw sa Sulu at Tawi-Tawi. Ang pangalay ay sinasayawan ng babae man o lalaki, mag-isa o
may kasama. Ito ay kadalasan sinasabayan ng kulintang (Amilbangsa1983:14,62).
Ang sayaw ng pangalay dances ay naiiba sa paggamit ng janggay (metal nail extenders) upang
payamanin ang mga galaw ng kamay. Ang mga naiunat na daliri ay matigas at magkahiwalay sa mga
hinlalaki.
DALLING-DALLING
Isa pang sikat na sayaw ay ang dalling—dalling. Gumagamit ng pamaypay at panyo sa sayaw nito. Ang
mangaawit sinasamahan ang mananayaw sa pamamagitan ng paglalarawan ng iba’t ibang galaw ng
sayaw. Ang tawag sa kantang ito ay sangbay at ang pagkanta ay tawag,. pagsangbay. Ang mga kanta nito
ay "Lingisan/kinjung-kinjung," "Dalling-dalling." Ang pag-unlad ng dalling--dalling ay nagmula sa
isangTausug na nagngangalang na nagging sikat na tagapagtaguyod ng sayawAlbani (Amilbangsa
1983:42).
Ang mga sayaw ng martial art ng Tausug martial-art dances ay itinatanghal ng mga lalake at sinasama ang
langka-silat at ang langka-kuntaw.
B. Ang Langka-Kuntaw ay isang sayaw ng self-defense, na maihahantuld sa martial arts ng China, Japan,
at Burma (Amilbangsa 1983:32-35).
Ang occupational dance ng Tausug ay maaring ito ay linggisan, taute, suwa-suwa. Ang linggisan ay
nagpapakita ng ibon na lumilipad. Ang taute ay nagpapakita ng mangingisdang sumisid para makahuli ng
catfish. Ang suwa--suwa, ay nagpapakita ng mananayaw ginagaya ang pag ng mga sumasayaw na
punong lemon (Amilbangsa 1983:28).
LITERATURA NG MAGUINDANAO:
Ang mga bumubuo sa elemento ng literatura ng mga Maguindanao ay ang folk speech at folk narratives.
Ang folk speech ay nahahayag sa mga antuka/pantuka/paakenala (bugtong) at bayok (tulang liriko),
samantalang ang mga naratibo naman ay nahahati sa tradisyong pang-islam at sa katutubong tradisyon.
Sa tradisyong pang-Islam kasama ang pagbasa sa Quran, ang tarsila o naratibo ng angkan (genealogical
narratives), ang luwaran, ang paglalarawan sa mga nakasanayang batas; hadith o mga kataga ng propeta;
ang quiza o mga relihiyosong kwento. Ang katutubong tradisyon naman ay binubuo ng tudtul
(katutubong kwento), at mga epiko tulad ng Raja Indarapatra, Darangen, at Raja Madaya.
Ang pagsasanay ng bugtong ay ginagawa sa isang grupo, kung saan ang isa ay ang riddler. Kung isa man
sa grupo ang nagnanais na maging riddler, kailangan ay may nakahanda na siyang bugtong, kung wala pa,
siya ay sasailalim sa dtapulung (ridicule), na binibigay di bilang isang kritisismo ngunit bilang part eng
tadisyon ng bugtungan. Tinuturing ng mga Maguindanao na di magaling na riddler ang mga nagdadagdag
o nagbabawas sa ‘orihinal’ na teksto ng bugtong. Ang bugtungan ay maaring gawin saan mang oras at
lugar, basta’t ito’y gagawin bilang grupo.
Halimbawa:
Entuden, niaden
*Bukas rin sa iba pang kasagutan ang bugtong na ito, halimbawa, pwede rin itong tumukoy sa duyan.
Ang mga bugtong nila ay maaari ring sumalamin sa pananaw nila tungkol sa mundo.
May mga paniniwala tulad ng, dapat ang bugtungan ay hindi dapat ginagawa sa gabi, para hindi
maenganyo ang mga masasamang espiritu na makisali. Isa pang paniniwala ay ang di pagamit ng salitang
nipai (ahas) kapag gabi sa bugtungan.
Ang mga verse ng mga Maguindanao ay pinapahayag sa pamamagitan ng ida-ida a rata (children rhymes)
o sa pamamagitan ng tubud-tubud (maikling tulang patungkol sa pag-ibig).
Halimbawa:
Na diron pukatalakin
Ka daon kasakriti
O matao kandalia.
Express my love
Metaporikal ang wika ng Maguindanao kaya kung ang sasabihin o kung ang nais na ipahiwatig ay
nangangailangan ng pagiingat, bayok ang ginagamit. (Wein 1938:35-36)
Halimbawa:
Salangkunai a meling
A malidu bpagimanen
Ka mulaun sa dibernal
Dun-dun ai lumaging
A paya pagilemuan
Ka mumbus sa hakadulat
Na u saken idumanding
Sa kaludn pun na is
Di ku mawatang galing
Talking Salangkunai
My darling, close to me
Ang Luwaran ng Maguindanao ay lupon ng encoded adat laws na tumutugon sa mga kasong tulad ng
pagpatay, pagnanakaw, pati na rin sa mga isyu ng pamana at kalakalan. Ang lahat ay nasasakupan ng
batas at ito na rin ang naging basehan ng hudisprudensiya ng Islam. (Darangen 1980:33).
Ang hadith ay mga kasabihan at kaugalian ni propeta Mohammad na kinulekta, inipon at pinagtibay ng
mga iskolar ng Islam. Nilalaman ng Hadith ang isa sa mga pinagkunan ng batas ng relihiyong Islam.
Ginagamit din itong basehan para sa pagpapaliwanag ng mga paksa sa Quran. Ang wikang ginagamit at
Arabic.
Ang tudtul (katutubong kwento) ng Maguindanao, ay mga maiikling kwento na may simpleng pangyayari.
Dalawang halimbawa nito ay ang “Lagya Kudarat” na tungkol sa pakikipagsapalaran ng dalawang anak ni
Lagya (rajah) Mampalai ng Lum na tinangay sa kagubatan matapos dumaing si Mampalai sa kawalan ng
pwedeng mapangasawa ng kanyang dalawang anak. Ang dalawang anak ay sina Lagya Kudarat at Puteli
(prinsesa) Sittie Kumala. Si Puteli Kumala ay tinangay sa kagubatan kung saan nakilala niya ang isang
kabayan (isang matandang dalaga). Inampon siya ng kabayan na ito kasama ng isang prinsipe na
nagngangalang Sumedsen sa Alungan. Kahit na magkasama sa bahay ay di naguusap sina Sumedsen at
Kumala. Di kalaunan ay umalis si Kumala sa bahay at sumama si Sumedsen. Napadpad sila sa Lum, kung
saan nagkita-kita uli ang magkakapamilya. Di nagtagal ay nagpakasal rin si Sumedsen at Kumala.
Samantala si Lagya Kudarat naman ay tinangay sa Kabulawanan, doon ay nakilala niya ang isa pang
kabayan na pinatira siya sa kanyang bahay. Isang araw habang nangangaso, nakarinig si Kudarat ng tunog
ng mga naglalaro ng sipa. Sinundan niya ang tunog at ng Makita ang mga naglalaro ay nakisali siya. Hindi
niya alam kung paano maglaro nito, kaya aksidenteng napunta sa lugar ng isang prinsesa ang sipa.
Naghagis ang prinsesa ng isang singsing at panyo patungo kay Kudarat. Di nagtagal ay ipinakasal silang
dalawa. Matapos ng kasal ay bumalik sila sa Lum at nagkasama-sama muli ang buong pamilya nila.
Matapos ng isang lingo ay bumalik si Kudarat at kanyang asawa sa Kabulawanan upang manirahan sa
biyenan nito. (Notre dame journal 1980:3-6).
Ang isa pang folk tale ng Maguindanao ay ang “Pat-I-Mata” na tungkol sa dalawang magkapatid na Pat-I-
Mata at Datu sa Pulu. Si Pat-I-Mata ay namumuno sa Kabalukan at si Datu sa Pulu naman ay sa Reina
Regente. Pat-I-Mata ang kanyang pangalan dahil sa meron siyang apat na mata, na kung saan kapag tulog
ang dalawa ay naiiwang bukas ang natitirang dalawa. Kilala siya sa kanyang kalupitan sa mga kababaihan,
kung saan ay pakakasalan niya ito kung ito’y maganda, ngunit kapag ito’y pumangit na ay iiwanan na
niya. Dahil sa ganitong ugali ni Pat-I-Mata ang mga mamamayanan ng Kaabalukan ay din a matiis ang
kanyang pagkamalupit. Lumapit ang mga tao sa kanyang kapatid at humingi ng tulong. Sinubukan ni Datu
sa Pulu na bigyan ng payo ang kanyang kapatid ngunit di ito nagbago kaya naisipan niyang patayin si Pat-
I-Mata. Gumawa siya ng isang hawla, nang makita ito ni Pat-I-Mata, tinanong niya ang kanyang kapatid
kung para saan ito at sinabi naman ni Datu sa Pulu na gagamitin ito bilang proteksyon sa paparating na
bagyo. Dahil sa pagkamadamot ni Pat-I-Mata, hiningi niya ang hawla at hinayaang gumawa ng bago ang
kanyang kapatid. Nang gagamitin na ang hawla at binuksan ito, hinayaan ni Datu sa Pulu pumasok si Pat-
I-Mata at pinabayaan itong makulong. Bago ihulog sa ilog si Pat-i-Mata ay isinumpa niyang magkaaway
sila ng kanyang kapatid habambuhay. (Notre Dame Journal 1980:7-8).
Ang mga epiko ng Maguindanao ay sinasalita at pinaniniwalaang naunahan pa ang Islam. Ang epikong
Rajah Indarapatra ay patungkol sa maraming tauhan na biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan. Isang
part eng epiko ay patungkol sa pagsilang kay Rajah Indarapatra, na pinaniniwalaang nagmula sa union ng
Sultang Nabi at pinsan nito.
PANITIKAN NG SAMAL
Ang Sama/Samal ay isa sa apat na grupong etniko na nasa archipelago ng Sulu. Ang salitang ‘Sama’ ay
maari raw nagmula sa salitang sama-sama (togetherness). Ang wikang gamit nila ay Siama/ Sinama na
tinatawag ring Bahasa Sama, Bisla Sinama at Pamong Sinama.
Ang tradisyunal na literature ng mga Samal ay binubuo ng kanilang mga naratibong prosa (narrative
prose), katutubong kwento (folk tale) na karaniwang tinatawag bilang kata-kata, isang termino na
karaniwang tumutukoy sa mga trickster tales na madalas isang pusung ang sentrong karakter. Ang iba
pang naratibo na mayroon ang panitikan ng Samal ay ang mga mito, kwento na hayop ang mga bida,
numskull tales, kwentong may mahika, at mga novelistic tales. Mayroong kata-kata ang mga Samal dahil
ito ang nagpapaliwanag sa mga pinagmulan ng pagkain, bituin, pagkabuo ng lupa at iba pa. May mga
kwento rin sila patungkol sa mga dragon, anghel, halimaw, prinsipe at prinsesa.
Isang araw, noong unang panahon, may mga matatandang lalaki na nagsasagwan ng bangka gamit ang
isang matabang sanga, nang masira ang sanga, may tumulong katas at natuklasan nila na ito’y matamis.
Sa ganitong paraan nadiskubre ang tubo.
Isang maybahay ang gumagamit ng gatong para sa kanyang niluluto. Nang magsimulang magbaga ang
gatong, tumalsik ang iba nito sa kamay ng maybahay. Nilapit niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig at
aksidenteng nalasahan ang gatong, at ito pala ay gabi, na maaaring kainin.
Mayroon isang naga (dragon) na sobrang laki na halos kaya na nitong lumunok ng sampung kalabaw,
nakalalason ang dila at kung ihampas nito ang kanyang buntot ay parang magkakaroon ng bagyo. Kinain
nito ang mga tao hanggang sa isang mag-asawa kasama ng kanilang isang anak ang natitira. Umakyat sila
sa kabundukan upang hilingin sa diyos na bigyang hangganan na ang kalupitan ng dragon. Di pa sila
natatapos sa kanilang pagdarasal ay lumutang na ang dragon ng napakataas at ito ang naging bituin sa
kalangitan. Sa katapusan ng mundo, ang dragon na ito ay magbabalik upang parusahan ang mga
masasama. (Ziegler 1973:117).
Sa mga kwentong pusung palaging naiisahan ni pusung ang mga nakatataas sa kanya. Minsan binigyan
Pusung ang sultan ng cake. Nasarapan ang sultan sa cake ngunit kalaunan ay nalaman niyang gawa pala
ang cake sa buhok ng asong alaga ni pusung. Nagalit ang sultan at dahil dito at ipinautos na arestuhin si
Pusung. Nang malaman ito ni Pusung, sinabihan niya ang mga guwardiya na ang taong hinahanap nila ay
may kulay itim na puwit samantalang siya ay may dilaw na puwit. Ang mga guwardiya ay nabigong
mahuli si Pusung.
Isa pang paboritong trickster ay si Abunnawas, isang matapat na subject sa Jolo. Katulad ni Pusung,
palagi niya ring naiisahan ang Sultan. Isa sa maituturing na tagumpay ni Abunnawas ay ang pagpapakasal
nito sa isa sa mga babae ng sultan, na pinaghirapang ligawan ng sultan.
Isang halimbawa ng novelistic tale meron ang mga Samal ay tungkol sa isang babae na naghiram ng pera
sa kanyang asawa at nagdesisyong umalis patungong ibang lugar upang hanapin ang swerte. Nanghiram
siya sa pitong opisyal ng sultanato, ang: pang-lima, maharajah, urungkaya, datu, bilal, hatib, at imam. Sa
bawat isa ay nangako siyang ibabalik ang hiniram, at kung hindi man niya ito magawa, ang kanyang sarili
ang kanyang ipambabayad. Dumating ang takdang panahon ng pagbabayad ngunit hindi niya kayang
magbayad, kaya nangako siyang makipagkasal sa bawat isa. Matapos nito ay nagkaroon siya ng pitong
aparador na ginto ang labas. Isang gabi, dumating ang pitong lalaki sa pagitan ng tig-iisang oras. Tuwing
may kakatok ay nagtatago ang mga lalaki sa may aparador sa pag-aalalang baka ang asawa ng babae ang
dumating. Matapos ang tatlong araw ay nabalita na may nawawalang pitong opisyal. Lumapit ngayon
ang babae sa sultan at ibinigay ang mga nawawalang opisyal. Pareho niyang nakuha ang gantimpala para
sa mga nawawalang opisyal at pati na rin ang reward money dahil sa pagsasabi niyang pinilit siyang
ipakasal, kahit na alam na ng mga opisyal na mayroon na siyang asawa.
Ang tradisyong pangmusika ng mga Samal ay kaugnay rin ng mga iba pang grupo na matataguan sa Sulu.
Ang pinakamatnadang uri ng musika ay ang luguh na siyang kinakanta ssa mga banal at sosyal na
pagtitipon. Mayroon itong mabagal at melancholy tune.
Ang salitang Tiruray ay mula sa salitang ‘tiru’ na nangangahulugang ‘place of origin, birth o residence’ at
ang ‘ray’ naman ay nangangahulugang ‘upper part of a stream or river’ . tinatawag ng mga Tiruray ang
kanilang mga sarili na etew teduray (Tiruray People).
Ang panitikan ng Tiruray ay binubuo ng mga mito, alamat at mga kwentong ang bida ay ang mga hayop.
Ang mito ng paglikha ay nakasentro sa isang diyosang nangngangalang Minaden, kung saan hinubog niya
ang mga tao mula sa putik. Matapos gawin nito, nilagay niya ang araw sa gitna ng himpapawid at lupa,
kaya nagkaroon ng umaga. Ang himpapawid ay hinihinalang may walong layers, ang pinakamataas ay
pinamumunuan ni Tulus, na kapatid ni Minaden. Kilala rin sa iba pang pangalan si Tulus tulad ng
Meketefu at Sualla. Gumawa si Minaden ng dalawang tao at pinalaki ito, ngunit sa loob ng matagal na
panahon ay di ito nagkaanak. Bumaba mula sa himpapawid si Meketefu at nakita na may problema sa
pagkakalikha sa dalawa kaya napagdesisyunan niya na lumikha ng bagong tao mula sa luwad o putik. Di
nagtagal ay taong nalikha niya ay nagsilang ng isang anak, ngunit wala naming pagkain para mabuhay
kaya namatay rin ito kalaunan. Wala pang lupa noon kaya humiling ang ama kay Meketefu na bigyan sila
ng lupa, na siya rin namang binigay. Lumipas ang panahon at ang lupa ay tinubuan ng iba’t-ibang klase ng
halaman at gulay. (Patanne 1977:256 and Wood 1957:15-16).
Ang mga Tiruray ay may mga bayani sa kanilang kulturang mitolohiya katulad nila Lagey Lengkuwos, na
tinuturing na pinakamalakas sa kanilang lahat. Sinasabing nakapagsasalita na siya kahit na nasa
sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Siya raw ang nagbigay ng bagong buhay sa mundo na dating
ginawa ni Minaden, dahil ang ginawa dati ni Minaden ay puro lupa at bato lamang. Ayon sa talaan ni
Sigayan, ang mga babaeng epic chanters ay nagkukwento ng tungkol kay Lagey Lengkuwos, Metiyatil
Kenogon, Bidek at Bonggo na sinasabing mga naunang taong namuhay sa mundo. Hindi sila mga diyos
ngunit sila ay nererespeto at sinusunod ng mga sinaunang Tiruray. Nakatira na sila ngayon sa mundo ng
mga espiritu.
Ang alamat ng “Kung paano nalikha ang mais at bigas” ay nagpapaliwananag na ang mga sinaunang
Tiruray na kinakatawan ni Kenogolagey at ng kanyang asawang si Kenogen ay kumakain lamang ng
kamote at cassava. Isang araw, isang matandang lalaki ang bumisita sa kanila at nagbigay kaalaman
hinggil sa mas mainam na pagkain, ang bigas at mais na makukuha lamang sa nakakatakot na kastilyo ng
isang higante sa gitna ng dagat. Dahil sa paying ito ng matanda, nagpadala si Kenogolagey ng dalawang
kaibigan, isang pusa at aso para kunin ang nasabing pagkain. Dalawang araw silang lumangoy sa dagat at
nakita ang pagkain sa may paanan ng higante. Habang natutulog ang higante, ang pusa ay kumukuha ng
mga butil ng bigas at ang aso naman ay kumuha ng mais, matapos nito ay lumangoy sila pabalik sa
pampang ngunit nahulog ng aso ang mais at napunta ito sa kailaliman ng dagat. Hindi agad natulungan
ng pusa ang aso sapagkat may dala-dala rin siyang bigas. Nang makarating ang pusa sa pampang ay
nilapag niya muna ang nakuhang bigas at saka lumangoy muli para kunin ang nahulog na mais.
Sinamantala ito ng aso at kinuha ang bigas. Bumalik ang aso sa kanilang lugar at ipinagmalaking siya ang
nakakuha. Nang makaligtas ang pusa ay bumalik ito sa kanilang lugar at sinabi ang buong katotohanan.
Nagalit ang aso at sinugod ang pusa, ngunit nakatakbo ang pusa. Kahit na nagkaroon na ng bigas at mais
sa kanilang lugar, doon naman nagsimula ang awayan ng aso’t pusa.
Katulad ng Pilandok (mouse deer), ang pagong sa mga kwento ng Tiruray ay mapanlinlang at makulit. Sa
kwentong “Ang Pagong at ang mga unggoy”, ang pagong ay nakipagkita sa isang manok na
ipinagmamalaki na hindi niya na kailangan pang magpagod upang makahanap ng pagkain dahil
nakahanap siya ng maraming palay. Nainggit ang pagong sa manok at sinabihan itong namumula ang
mata niya, isang palatandaan ng matinding sakit na maaari niyang ikamatay. Naniwala ang manok sa
sapantaha ng pagong at ito’y ikinatakot niya. Kumuha siya ng dagta ng tegef at inilagay niya ito sa
kanyang mga mata. Tumigas ang dagta, at nataranta ang manok kaya siya’y nahulog kung saan ang ulo
niya’y pumasok sa isang butas na tinitirahan naman ng isang talangka. Kinain ng talangka ang dagta sa
mata ng manok na naging dahilan upang ito’y maging malaya muli at nagdesisyon itong maghiganti sa
pagong. Samantala, ang pagong ay naglalaro sa may halamanan ng rattan at inaya rin ang unggoy na
maglaro. Di nakayanan ng halaman ang bigat ng unggoy at ito’y nahulog sa bangin at namatay. Kinuha
agad ng pagong ang utak, tenga at puso ng unggoy. Isa pang unggoy, si Dakel-ubal ay abala sa pagtatanim
ng palay at tinanong ang pagong para sa isang nganga. Nakilala ni Dakel-ubal ang labi ng unggoy at
tinawag ang iba pa nitong kasamahan at sinentensiyahan ang pagong na mamatay sa paglunod dito. Sa
tubig, pinagtawanan lamang ng pagong ang unggoy. Nagalit ang mga unggoy at nakiusap sa isang
nilalang na nagngangalang Ino-Trigo na sipsipin ang lahat ng tubig papunta sa tiyan nito. Ginawa naman
ito ni Ino-Trigo at nakita nila ang pagong na nagtatago sa likod ng mga sanga. Nang makita ng manok ang
pagong, tinuka niya ito sa mata ngunit nabigo siya at ang natuka niya ay ang tiyan ni Ino-Trigo, nabutas
ang tiyan nito at lumabas ang lahat ng tubig na siyang nagdulot ng pagkalunod ng manok at ng mga
unggoy.
Maraming uri ng kanta ang mga Tiruray na nababagay sa iba’t-ibang okasyon. Ang balikata ay isang awit
na may improvised text na kinakanta sa tradisyunal na melodiya na ginagamit rin sa mga debate at
pakikipag-usap. Ang balikata bae ay kilalang oyayi samantalang ang lendugan naman ay isang awit ng
pag-ibig, isang patulang paglalarawan sa kagandahan ng ligawan, na inihahambing rin sa mga bulaklak.
Minsan, inilalarawan rin nito ang uri ng pamumuhay meron ang mga Tiruray. Ang binuaya ay isang
kantang naratibo na nagkukwento tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan. Ang siasid ay
isang dasal na inaawit na inaalala ang mga biyayang binigay ni Lagey Lengkuwos at ng espiritu ng
kalikasan na sina Serong at Remoger. Ang foto moto ay isang kanta na wari’y nanunukso na siyang
itinatanghal tuwing may kasal. Ang meka meka ay awit ng katapatan na kinakanta ng babae sa kanyang
asawa.
Ang mga Yakan ay ang pinakalamaking grupo ng Muslim sa Basilan. Tinatawag sila ng mga Espanyol na
Samecas at itinuturing silang maiilap at palaban na taga-bundok (Wulff 1978:149; Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay nagtataglay ng katangian ng mga Malay at nagsasalita ng wikang Bahasa Yakan, isang
baryasyon ng Samal Sinama o Siama at ng wika ng Tausug (Jundam 1983:7-8). Sinusulat ito sa Malayan
Arabic Script na may adaptasyon sa tunog na hindi maririnig sa Arabic (Sherfan 1976).
Nilikha rin ng Diyos ang mga bundok. Si Adan umakyat sa pinakamataas na bundok at napagtantong wala
pa siyang asawa at humiling sa Diyos na bigyan siya. Nagpakita ang isang espiritu at sinabihan siyang
bumalik sa biyernes. Nang dumating ang araw na iyon, gumuhit ng anyo ng isang babae at sinabi kay
Adan na ito ang kanyang magiging asawa. Matapos ay inatasan si Anghel Gabriel na patulugin si Adan at
kumuha ng laman sa kanyang tadyang na sa kalaunan ay naging si Sitti Hawa ( Eve). Inutusan ng Diyos si
Adan na bigyan ng regalo ang kanyang asawa. Ang regalo na ibinigay ni Adan ay isang pormula: La Ilaha
Illahah na nangangahulugang “Walang ibang Diyos kundi si Allah”. Nagkaroon sila ng apat na anak,
dalawang lalaki at dalawang babae. Ang dalawang lalaki ay sina Kain at Habil. Mula sa kanila umusbong
ang dami ng tao.
Ang isa pang kwento ay tungkol naman sa pinagmulan ng mga Yakan. Nagkaroon ng isang delubyo at sa
kanluran naman, isang yakal ang nahati na siyang naglalaman ng unang tao sa Basilan. Sa silangan ay
may kabundukan na tinatawag na Tong Magtangal. Mula sa punso ay lumabas ang unang babae sa
Basilan. Nagkita ang dalawa, nag-ibigan, at nagkaroon sila ng apat na anak. Ang panganay na babae ay si
Kumalang, na ipinangalan mula sa isang ilog na tinatawag na Bohe Kumalang na nasa kanluran. Sa hilaga
nanirahan ang kanilang anak na lalaki na si Gubawan, na hango rin sa pangalan ng ilog. Sa timog-
silangang parte ng isla nanirahan ang isa pa nilang anak na lalaki na si Tumahubong, na mula sa ngalan
ng ilog. Ang huling anak na lalaki na si Basilan ay ipinangalan mula sa ilog na Bohe Basilan sa may
silangan.
Isang araw, isang negosyanteng nagngangalang Julol mula sa Borneo ang dumating at umibig kay
Kumalang. Ang mga magulang ni Kumalang ay pumayag na ipakasal sila sa kondisyon na makakapagdala
si Julol ng mga binhi ng mangga, niyog at marang na nagawa naman niya, kaya ang Basilan ay sagana sa
mga prutas na ito (Sherfan 1976).
Ang pinakapopular na katutubong kwento ay tungkol sa mga hayop. Isang halimbawa ay ang kwento sa
suliranin sa pagitan ng mga unggoy at paru-paro. Isang araw ang mga paru-paro, bibe at ibon ay
nagsagwan gamit ang isang malaking dahon at tubo naman bilang batangan. Isang unggoy ang kumain sa
tubo kaya naman ang mga nasa dahon ay tumaob. Nagalit ang mga ibon at tinanggihang tulungan
makapunta ng pampang ang mga unggoy, ngunit nakumbinsi ng mga unggoy ang isang paru-paro. Nang
makaahon sa pampang ang unggoy ay tinapakan niya ang paru-paro hanggang sa mamatay ito. Nagalit
ang iba pang mga paru-paro at kalaunan ay nagkaroon ng digmaan. Nangamba ang mga paru-paro dahil
sa sila’y maliliit lamang ngunit nakaisip ang pinuno ng mga paru-paro. Dumapo sila sa ilong ng mga
unggoy at lumipad kaagad kaya naman ang mga unggoy ay nagkatamaan. Namatay ang mga unggoy
maliban na lamang sa isang buntis kaya naman di nagtagal ay dumami muli ang mga unggoy (Eugenio
1989:42-43).
Labels: mindanaw, panitikan armm, panitikan maguindanao, panitikan ng mindanao, panitikan samal,
tiruray, yakan
1 comment:
Reply
Newer Post Older Post Home
STATCOUNTER
FOLLOWERS
BLOG ARCHIVE
▼ 2013 (153)
▼ January (153)
► 2012 (86)
► 2009 (119)
Powered by Blogger.