You are on page 1of 3

BARANGAY HISTORY

Dati, ang kabayanan o Poblacion ng bayang Talavera, kung saan naglalagos ang
Pambansang Lansangan (National Highway), ay nagsisimula sa barangay Calipahan, sa gawing
hilaga, hanggang sa barangay La Torre, sa gawing timog.

Nang sumapit ang taong 1972, kasabay sa pagkadeklara ng “Martial Law” ng noon ay
Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang kabayanan o Poblacion ng bayang Talavera, na noon ay
pinamumunuan ng yumaong F. de Jesus, bilang punongbayan – ay “hinati” sa walong (8)
distrito o barangay na binubuo ng mga barangay Andal Aliño, Pulong San Miguel, Matias
District, Esguerra Subdivision, Pag-asa District, Marcos District, Maestrang Kikay District at ang
POBLACION SUR, na nasa dulong timog o “Sur” ng kabayanan, na naging dahilan marahil,
upang ito ay tawagin sa gayong pangalan.

Noong araw, ang barangay Poblacion Sur ay tinatawag ng mga mamamayan sa mga
kanugnog na lugar nito ng “Dulong Bayan”, dahil nga sa ito ay nasa dulo ng kabayanan. Ang iba
naman ay tinatawag itong “may Kamposanto” o may “sementeryo”, dahil naman sa ang
Libingang Pambayan ng Talavera ay dito matatagpuan.

Noon ay madalang pa ang naninirahan sa barangay Poblacion Sur, na ang ilang kilalang
mamamayan ay kinabibilangan nina yumaong Elias Ferrer, Timoteo Parungao, na pawang
naging Punong Bayan ng Talavera.

Ang iba pang mga mamamayang unang nanirahan sa barangay na ito ay kinabibilangan
pa rin ng pamilyang Alejandro, Aquino, Cipriano, dela Cruz, Manabat, Mendez, Mendoza,
Santos, Sebastian, Puselero, Valencia, Villacorte at iba pa.

Ilan sa mga unang mamamayan ay nagsilipat na sa ibang lugar o barangay, at ang iba
naman ay nanatili pa rin dito.

Marami na rin sa kasalukuyang mamamayang naninirahan sa barangay na ito, ay galing


sa ibat-ibang lugar at barangay. Ilan dito ay ang pamilya ng yumaong naging Punong Bayan Dr.
Romeo F. Maliwat, naging Pangalawang Punong Bayan Catalino L. Alfonso, naging Hukom
Pambayan Josefa Garcia-Languido, at marami pang iba.

Ang 75% ng mga lupaing nasasakupan ng Poblacion Sur ay nauukol sa agrikultura kaya,
ang mga mamamayan dito ay nasa gayun din bilang ang mayroong hanap-buhay na pang-
agrikultura. Ang iba naman ay mga negosyante, ang iba ay mga kawani ng ibat-ibang ahensiya
ng pamahalaan at pribadong sektor, at ang pinakamaliit na bahagi ay walang pirmihang hanap-
buhay.

Nasa barangay ding ito, sa kasalukuyan, ang tanggapan ng Distrito II ng Pambansang


Pangasiwaan ng Patubig (NIA), at ang tanggapan ng DENR-CENRO.

Nang maging isang malayang barangay ang Poblacion Sur, unang nahalal na Punong
Barangay o “Kapitan” dito mula 1972 hanggang 1982, ay ang yumaong Serafin Santos at ang
nahalal bilang kahalili niya mula 1982 hanggang 1989 ay si Punong Barangay Romeo D.
Manabat.
Nang mahalal na muli bilang Punong Barangay si Romeo D. Manabat noong 1989, ay umupo
bilang kahalili niya sa tungkulin ang kanyang primera konsehal na si Gerardo Santos noong
1992, nang siya (Romeo Manabat) ay tumakbo o kumandidato bilang konsehal ng bayan.
Muling nahalal na Punong Barangay si Romeo D. Manabat noong 1994-1997; at 1997
hanggang sa sinusulat ang kasaysayang ito.
Sa kasalukuyang panahon, ang barangay Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija ay mabilis
na kumikilos patungo sa kayang pag-unlad, kasabay sa kabuuan ng Bayang Talavera, sa
pangunguna ng mga halal na pinuno nito, kasama at kaagapay ang mga masisipag, matitiyaga,
at madasaling mamamayan, at higit sa lahat – ang pagmamahal, awa, tulong, at patnubay ng
ating POONG MAYKAPAL.

DEMOGRAPHIC PROFILE

Total Population - 3,425


 Male - 1,670
 Female - 1,755
Household - 718
No. of Families - 846
Dialect
Tagalog - 3,294 Tagalog/ Ilokano - 24
Ilocano - 13 Tagalog/ Bisaya - 47
Kapampangan -5 Tagalog/ Kapampangan -8
Bisaya - 20 Tagalog/ Pangasinense -9
Others -5

AGRICULTURE
Palay Area (Has) Ave. Production (Cav.) Farm Income (Php)
Main Crop 43.5 - -
Second Crop 43.5 - -
Third Crop - - -
Total 87 - -

INFRASTRUCTURES/UTILITIES

 School
Schools (Public) Name of School
Day Care Center Little Star Day Care Center
Schools (Private) Name of School
High School Horizon
Elementary Holy Angel
Primary Cherubim
 Health Center

Health Center Name of Center


Mamaclay Optical Clinic
Dra. Rose Marie Parungao – Dentist
Private Mamaclay Optical Clinic
Maliwat Hospital
Dra. Zenaida Mendoza – Physician
Wy Children Clinic
Dr Jose Henry Reyes

 Facilities/ Utilities

Barangay Hall √ Barangay Nursery -


Barangay Stage - Barangay Bridge -
Barangay Plaza - Barangay Market -
Barangay Gymnasium - Barangay Cemetery √
Barangay Solar Dryer - Irrigation Facilities/Dams √
Barangay Basketball Court - Barangay Chapel/ Church √

LOCAL GOVERNMENT ADMINISTRATION


Franklin Alejandro Jenn Mae Clarisse San Pedro
Brgy. Captain SK Chairperson

Brgy Councilors SK Councilors


Alex Fausto Deserie Alejandro
Leo Manabat Cristian Manabat
Reynaldo Bondoc Kenneth Maliwat
Teddy Dela Cruz Cherwin Dela Cruz
Gertrudes Alejandro John Joseph Libunao
Arturo Cipriano Pia Samantha Cueto
Marlon Valenzuela Mark Anthony Alejandro

Brgy. Secretary - Riza V. Ronquillo


Brgy. Treasurer - Enrique B. Muñoz

Arnold Puselero
Chief of Brgy Tanod

Brgy Tanods
Manny Alejandro Alfredo Santos Sr Ricardo Del Rosario
Zosimo Tuppil Ronnie Puselero Villaviel Hernandez
Ricardo Valencia Marlon Fajardo Alberto Hermoso
Wilma Alejandro Jessie Dela Cruz Erick Pinto
Graciano Dela Cruz Jomar Lopez William Martinez
Jose Valencia

You might also like