You are on page 1of 3

A.

Si Rajah Soliman (1558–1575), na nakikilala rin bilang Rajah Sulayman, ay isang Muslim na raha, na
namuno ng Maynila kasama ni Rajah Matanda, na matatagpuan sa timog ng Ilog Pasig sa ngayo'y
Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang manlulupig na sina Martin de Goiti at Juan de
Salcedo noong 1570. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga manlulupig ng mga
pampalasa bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga
Kastila at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Kastila na sakupin ang kanyang
kaharian at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng isang kudeta
upang mapaalis ang mga Kastila sa kaharian.

B. Fernão de Magalhães (pinakamalapit na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/) (1480–Abril 27, 1521;


Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges
na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran
patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang
ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik
sa Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at
natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa
Mactan.

C. Miguel López de Legazpi (1502–1572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang Gobernador) at El Viejo
(Ang Nakatatanda) ay isang Baskong Espanyol kongkistador na nagtatag ng unang kolonya sa
Pilipinas noong 1565.

Ipinanganak noong 1502, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martínez López de Legazpi
at Elvira Gurruchategui. Ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya at lumaki siya sa maliit na
bayan ng Zumárraga, sa Basque sa lalawigan ng Guipúzcoa sa España.

Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang councillor sa pamahalaang munisipal ng


kanyang bayan. Noong 1528, matapos magtayo si Hernán Cortés ng mga paninirahan sa Mexico,
pumunta siya doon para magsimulang muli dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at
ang hindi niya pagtanggap sa kanyang nakakatandang kapatid, na minana ang lahat ng
kayamanan ng kanilang pamilya. Sa Tlaxcala, nagtrabaho siya kay Juan Garcés at ang kanyang
babain kapatid, si Isabel Garcés. Pinakasalan ni Legazpi si Isabel at nagkaroon sila ng siyam na
anak. Namatay si Isabel sa kalagitnaan ng 1550s.
D. Laureano Guevara
(4 Hulyo 1851–30 Disyembre 1891)

Si Laureano Guevara (Law·re·á·noGe·vá·ra), kilala bilang Kapitan Moy, ay isang negosyanteng


Filipino na nagtatag ng Marikina Shoe Industry at nagpasikat ng sapatusan ng naturang bayan sa
Filipinas at sa ibang bansa. Kinikilala siyáng Ama ng Industriya ng Sapatos sa Filipinas.

Isinilang siyá sa Marikina noong 4 Hulyo 1851 kina Jose Emiterio Guevara at Timotea Marquita
San Andres. Na- tuto siyáng bumása at sumulat sa kaniyang mga magulang. Nag-aral siyá sa
Ateneo Municipal de Manila ngunit hindi nakapagtapos dahil pinilì niyang tulungan ang ama sa
kanilang mga negosyo sa sariling tindahang La Industrial sa Escolta, Maynila. Ikinasal siyá kay
Eusebia Mendoza. Isa sa walo niyang anak ang tanging nabuhay.

Sinasabing nag-alala siyá sa mga kabataan ng kaniyang bayan na hindi nakaaalam ng mainam na
pagkakakitahan. Napansin din niya na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang bumili
ng mga sapatos kayâ naisip niyang gumawa ng mga sapatos na káyang bilhin ng karaniwang
mamamayan. Ang mga magsasapatos ng Maynila ay nag-alinlangang turuan siyá ng paraan ng
paggawa ng sapatos. Sinubukan niyang baklasin at pag-aralan ang isang paresng sapatos sa
tulong ng isangmag- sasapatos na si Tiburcio Eustaquio. Ibinenta niya ang unang pares na
nagawa sa paroko ng Marikina na si Padre Jose Zamora na nagbayad ng dalawang piso at
singkuwenta sentimos para dito. Nagbukás siyá ng sariling tindahan ng sapatos noong 1881 at
ipinakilala ang paggawa ng sapatos sa Marikina. Ginamit niya ang kanang bahagi ng entresuwelo
ng bahay bilang pagawaan sandalyas botitos, at medya-entrada. Nagsimula din siyá ng negosyo
sa pagboborda sa kabilang bahagi naman ng entresuwelo. Sa tulong ni Padre Zamora na siyáng
gumagawa ng disenyo, tinipon niya ang kababaihan upang magborda sa kanilang libreng oras.
Nang yumabong ang kaniyang negosyo, ang mga manggagawa niyang gaya nina Tiburcio
Eustaquio at Tiburcio Santa Ines ay nagtayô rin ng sarili nilángsapatusan.

Bukod sa pagiging negosyante, naglingkod din siyá bilang kapitan munisipal ng Marikina. Nang
siyá ay pumanaw, mayroon nang 15 sapatusan sa Marikina. Ipinagtayô siya ng monumento ng
Marika Shoes Producers Association Inc noong 1954. Isa namang pananda ang itinayô sa
kaniyang lugar ng kapanganakan bilang pagpaparangal sa kaniyang pagiging pangunahing
manggagawa ng sapatos sa Marikina.

E. Bayani Flores Fernando (ipinanganak noong 25 Hulyo 1946) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ay ang
dating pinuno ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) at Punong-bayan ng
Lungsod ng Marikina.

F. Maria Lourdes "Marides" Carlos-Fernando (born February 10, 1957) is a Filipino politician who
served as the Mayor of Marikina from 2001 to 2010. She is the wife of former MMDA Chairman
Bayani Fernando, also a former city mayor of Marikina. She was among the 11 finalists for the 2008
World Mayor award, ranking 7th.

You might also like