Reference: DALUYAN Ni Sharon Ansay-Villaverde Layunin: 1. Malaman ang kahulugan ng Balagtasan 2. Matalakay ang mga taong may kinalaman sa pagpapa unlad ng Balagtasan. 3. Matukoy ang kahalagahan ng Balagtasan. Ano nga ba ang Balagtasan? Balagtasan - Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
- Nakilala ito noong panahon na
ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika. Lumang Tradisyon ng patulang pagtatalo
Karagatan Batutian
Duplo Mga Katawagang ng Balagtasan
Tulang BALITAO ang Aklanon
- Isang biglaang debate ng
lalake at babae Tulang SIDAY ng mga Ilonggo
- Sagutan naman ng kinatawan o
sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag- iisang dibdib ng dalaga at binata. Tulang PAMALAYE ng mga taga Cebuano
SUBANEN ay sa inuman isinasagawa ang
sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel n gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. BUKANEGAN ang tawag sa balagtasan ng ng mga Ilokano. (mula s apelyido ng makatang Ilokano na si Pedro Bukaneg
CRISOTAN ang tawag sa balagtasan ng
mga Pampanga (mula sa pangalan ng Pampangong makata n si Juan Crisostomo Soto.) Balagtasan ay isang makabagong DUPLO
Ang mga kasali sa duplo ay
gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawawala ang paboritong ibon o singsing. Mga Tauhan sa Balagtasan • Piskal o Tagausig • Akusado at Abogado - ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga usig at tagapagtanggol at maaring paiba-iba ang paksa. -Layunin nito na makapag bigay aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ano kaya ang gamit ng Balagtasan Ginagamit ng Manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan • Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong.
• Marso 28, 1924 - nabuo ang konsepto ng
pagpupulong. Ang ngunang manunulat ay si Rosa Sevilla. sa Tondo Maynila.
• Ito ay naganap bilang paghahanda sa
pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o araw ni Balagtas sa Abril 2 • Abril 6, 1924 - Naganap ang unang Balagtasan. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip.
Jose Corazon de Jesus at Florentino
Collantes - Ang pinaka magaling sa balagtasan. Tinaguriang "Hari ng Balagtasan" • Oktubre 18, 1925 - nagkaroon ng isa pang balagtasan para kina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes na ginanap sa Olympic Stadium sa Maynila.
• Jose Corazon de Jesus ang nagwagi
bilang unang Hari ng Balagtasan. Nakilala siya bilang si Huseng Batute dahil sa kaniyang kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Sumusunod na Pamantayan ng Pormang Awit na ginagamit ni Balagtas • May apat (4) linya • Bawat linya ay may 12 pantig • May bahagyang hinto o sesura pagkatapos ng ika-6 na pantig ng bawat linya. • Kailangang magkakatugma ang apat na linya • Kailangang hindi katugma ng ika-anim na pantig ang ika-labindalawa • Madalas na magkaroon ng mga tayutay at talinghaga PAGSUSULIT ______1.Kailan ginanap ang Balagtasan nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes na ginanap sa Olympic Stadium sa Maynila. ______2. Nakilala siya bilang si Huseng Batute dahil sa kaniyang kahusayan sa Balagtasan noong 1920. ______3. Ito ay tawag sa balagtasan ng mga Pampanga (mula sa pangalan ng Pampangong makata n si Juan Crisostomo Soto.) _____4. Tula ng mga Ilonggo. _____5.Naganap ang unang Balagtasan. _____6. Tula ng mga Cebuano _____7. Ito ang tawag sa balagtasan ng ng mga Ilokano. ____8. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. _____9 at 10. Sila ay tinaguriang pinaka magaling sa balagtasan. Tinaguriang "Hari ng Balagtasan" 1. Oktubre 18, 1925 2. Jose Corazon de Jesus 3. Crisotan 4. Siday 5. Abril 6, 1924 6. Pamalaye 7. Bukanegan 8. Balagtasan 9. Jose Corazon de Jesus 10. Florante Collantes Takdang Aralin