Professional Documents
Culture Documents
Bahagi NG Pananalita
Bahagi NG Pananalita
( Part of Speech )
1. Pangngalan (Noun)
2. Panghalip (Pronoun)
3. Pang-uri (Adjective)
4. Pandiwa (Verb)
5. Pang-abay (Adverb)
6. Pangatnig (Conjunction)
7. Pang-angkop
8. Pang-ukol (Preposition)
A. Pangngalan (Noun)
- bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari,
damdamin, kaisipan o ideya.
Uri ng Pangngalan
1. Pantangi (Proper Noun) - nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at
isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
Hal: Tsina, Judy Ann, monggol
2. Pambalana (Common Noun) - tawag sa karaniwang pangalan.
Hal: bansa, artista, lapis
Kayarian ng Pangngalan
1. Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa
Hal: lilo, lila, lambat, silo, ilog
2. Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa
unahan, gitna o hulihan man.
Hal: ganda – kagandahan
isda - palaisdaan
away - mag-away
3. Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang
dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang
pantig.
Hal: tatay-tatayan, sabi-sabi , biru-biruan
TANDAAN:
May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang
inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay
itinuturing na mga salitang ugat.
Hal: gamugamo, guniguni, alaala
Klase ng mga pangngalang inuulit
a. Pag-uulit na Parsyal - bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit.
Hal: ari-arian, tau-tauhan
b. Pag-uulit na Ganap - inuulit ang buong salita
Hal: sabi-sabi, sari-sari
2. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantuloy na ang layon, gawa,
kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao.
Hal:
a. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.
b. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.