You are on page 1of 10

MGA PANGUNGUSAP NA

WALANG PAKSA
MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
 Eksistensyal
 Modal
 Padamdam
 Maikling Sambitla
 Panawag
 Pamanahon
- Penomenal
- Temporal
 Pormulasyong Panlipunan
Eksistensyal
mga pangungusap na eksistensyal ay
nagpapahayag ng pagkamayroon o ng kawalan.

Halimbawa:
May mga nagsisipanood na sa kalye.
Wala pang nanonood.
Modal
nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig,pwede,
maaari, dapat o kailangan.

Halimbawa:
Pwedeng sumali?
Maaari ba?
Padamdam
mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding
damdamin.

Halimbawa:
Kay ganda ng buhay!
Ang bait!
Maikling sambitla
ang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
Naku!
Grabe!
Aray!
Ay!
Panawag
iisahing salita lamang at panawag na pangkamag-anak.

Halimbawa:
Ginoo!
Kuya!
Tito!
Pamanahon
nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

2 Uri ng Pamanahon
a. Penomenal- Pangungusap na tumutukoy sa mga
kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o
pangkapaligiran.

Halimbawa:
Maalinsangan ngayon.
Lumlindol!
b. Temporal- nagsasaad ng mga kalagayan o panahong
panandalian.

Halimbawa:
Alas-dose na.
Sabado ngayon.
Pasukan na.
Pormulasyong Panlipunan
mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pang nakagawian
na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa:
Mabuhay!
Makikiraan.
Magandang araw.
Salamat.

You might also like