You are on page 1of 4

Yunit 2

Aralin 1: Pagkilala sa kahulugan at kahalagahan ng F-Clef sa staff

I. Layunin: Nakikilala ang kahulugan at kahalagahan ng F-Clef sa staff

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Kahulugan at kahalagahan ng F-Clef


B. Lunsarang Awit: Do, Re, Mi Song
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide MU5ME-lla-1
D. Kagamitan: tsart ng mga awit, mga larawan, keyboard, CD/CD player
E. Pagpapahalaga: Pag-awit nang may kasiyahan
F. Konsepto: Ang Clef ay nagbibigay pananda sa range ng mga note na
gagamitin. Karaniwang ginagamit ang F-Clef sa range ng boses ng mga
lalaki tulad ng Bass at Tenor.

Mga titik alpabeto na A,B,C,D,E,F,G ang bumubuo sa mga pitch name.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Tonal
Gawing drill ang Kodaly Method.

2. Balik-aral
a. Panuto: Gamit ang mga kamay, ipalakpak ang mga
sumusunod na rhythmic patterns.
B. Panlilnang na Gawain
1. Pagganyak
Gamit ang Kodaly Hand Signals, gawin ang mga sumusunod
habang inaawit ito.

a.

b.

c.

2. Paglalahad
Iparinig ang lunsarang awit.

3. Pagtalakay
Gumuhit ng staff sa pisara.

Itanong:
a. ano ang tawag dito. (Staff)
b. Ilang guhit mayroon ito? (5)
c. Ilang puwang mayroon ito? (4)

Pansisin ang musikal na simobolong nakalagay sa unahan


ng staff.

Itanong:

a. Ano ang tawag sa simbolong nakikita ninyo? (Clef)


b. Anong Clef ang nasa staff? (F-Clef/Bass Clef)
Ang F-Clef ay kilala rin sa tawag na Bass Clef.
Mahalaga ang F Clef dahil ito ay karaniwang ginagamit para
sa range ng boses ng mga lalaki. Ito ay ang mga boses na
Bass o Baho para sa mababang tono at Tenor naman para sa
mataas na tono ng boses lalaki.

Kaya ito tinawag na F-Clef ay dahil ang pagguhit o


pagsulat ng simbolong ito ay nagsisimula sa notang F o sa 4th
line. Samantalang ang C o Do ng F-Clef ay nagsisimula
naman sa pangalawang puwang o 2nd space.

Tingnan ang illustrasyon ng F-Clef Staff sa ibaba.

4. Paglalahat
Ano ang kahulugan ng F-Clef?
Ano ang kahalagahan ng F-Clef?
Saan karaniwang ginagamit ang F-Clef?
Paano isinusulat ang F-Clef?
Saan nagsisimula ang iskala ng F-Clef?

5. Paglalapat
Gumuhit ng staff sa pisara. Ipasulat sa mga bata ang mga
simbolo ng F-Clef o Bass Clef. Ipasulat ang iskala sa F-Clef
Staff.

6. Repleksyon
Ang F clef ay simbolo ng notasyon. Ang aralin sa F clef ay
nagpapahiwatig na ang bawat isa dito sa mundo ay may
kaniya-kaniyang mahahalagang bahaging ginagampanan
upang maging kapaki-pakinabang hindi lamang sa sarili
kundi maging sa kapwa.

C. Pangwakas na Gawain
Pangkatang Gawain
Panuto: Iguhit sa F clef staff ang mga sumusunod na pitch name.
Gumamit ng whole note upang isalarawan ito.

1.
FACE
2.
ACED

3.
FADE

4. BAG

5. CAGE

IV. Pagtataya

Sa isang buong papel, gumuhit ng staff, iguhit ang simbolo ng F clef, at


ang mga pitch names gamit ang whole note.

V. Takdang-Aralin

Magsanay sa pagsulat ng F clef.


Gumawa ng F clef gamit ang iba’t ibang kulay ng papel. Gupitin ito at idikit sa
mga staff na nakaguhit sa Music Folio.

You might also like