You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

MARAMIHANG PAGPILI: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

____1. Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may iba’t ibang antas o pangkat
ng mga tao.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?

May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.

Ang Sudras ang pinakamataas na uri sa lipunan.

May mataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras.

Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas sa lipunan at karapatan.

____2. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o ang sistema ng pagsulat sa mga Tsino?

Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang

Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay

Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba’t iba nilang wika

Dahil ito ang nagsilbing simbolo ng karakter ng mga Tsino

____3. Kung ang sistema ng pagsulat sa Shang ay Calligraphy ,ano naman sa Kabihasnang Indus?
a. Cuneiform b. Pictogram c. Steno d. Pictograph

____4. Sa China, ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae. Tinatanggalan sila ng kuko,
binabalian ng buto

sa daliri at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa.Ano ang implikasyon nito sa kanilang kultura?

a. .Naging pamantayan sa kagandahan ng lipunan ang ganitong kultura

b. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain

c. Nakabubuti sa tingin ng mga kalalakihan ang ganitong tradisyon

d. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.

____5. Tawag sa Templong dambana na itinatag nga mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana

ng kanilang Diyos o Diyosa

a. Great Wall of China b. Taj Mahal c. Ziggurat d. Hanging Garden

____6. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng Langit” ang
kanilang

Emperador, ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?

Ang emperador ay pinili ng Langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan

Namumuno siya dahil pinili siya ng mamamayan na anak ng Diyos

Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng Diyos

Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda

____7. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na
pinakamatanda

at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig?

Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak ng Tigris at Euphrates na unang nahubog na pamayanan

Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig

Dahil ditto naitatag ang mga pamayanan at imperyo

Ito ang naging tagpuan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao

____8. Tawag sa pagbabali ng arko ng paa ng mga babae sa Tsina upang hindi lumaki ng normal

a. Lotus feet b. Sati c. Footbinding d. Ethosentrismo


____9. Ang pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loob ng mahabang panahon ay
tinatawag na___

Imperyo b. Kolonya c. Dinastiya d. Piyudal

____10. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

a . Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat na tao

b. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain

c. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan

d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangaiolangan ng mamamayan..

____11. Templo ng sinaunag Mesopotamia tulad ng Sumerian na pinaniniwalaang pinaninirahan ng


Diyos

a. Hanging Garden b. Mohenjo-Daro c. Angkor Wat d. Ziggurat

____12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kahihasnan?

Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon,uring panlipunan,sining,agrikultura at pagsusulat

Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at pagsusulta

Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at pagsusulat

Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado

____13. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabihasnang Indus at
Sumer?

a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon

b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinadhana ng simbahan

c. Naniniwala ang Shang sa pang-orakulo o panghuhula

d. Ang pananalampataya ng Shang ay batay sa maraming Diyos

_____14. Ang pagsamba sa iba’t ibang uri ng Diyos na tinatawag na polytheism ay naging paniniwala
ng___

a. Budismo b. Jainismo c. Hinduismo d. Kristiyanismo

____15. Ano ang maaari ninyong ipalagay batay sa mga sumusunod na datos ?

a. Lahat ng pangunahing relihiyon ay isinilang sa Asya


b. Lahat ng relihiyon ay mahalaga

c. Lahat ng relihiyon ay lumalaganap

d. Lahat ng relihiyon ay may - aral

_____16. Pagsunud-sunurin ang mga kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano

Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing

Lumitaw a ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus

Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa China ay namayagpag

Ang kabihasnang Indo Aryan ay nabuo noong 1500 BCE

1234 c. 1423

1243 d. 4123

_____17. Ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagkakaiba-iba ng kultura ay nagsisilbing ugat


na

pangkultura ng isang bansa. Dapat isanib ang inobasyong kultural sa pangangalaga ng tradisyon.

Kung wang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi maaangkop sa

makabagong lipunan ang tradisyon, mahihirapan itong maisalin. Ano ang kabuuang mensahe nito?

a. Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulong ang mga inobasyon

na makakaangkop sa makabagong lipunan

b. .Dapat proteksyunan ang mga kultura at tradisyon ng bansa.

c. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan

d. Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa

_____18. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto
sa kahalagahan ng kontribusyon ng mga Asyano. Ano ang gagawin mo para
makilala at makita ang

Lahat ng mga kontribusyong Asyano?

a. paligsahan sa pagsulat ng sanaysay

b. collage making contest

c. open house exhibit

d. quiz contest
_____19. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng Great Wall of China?

a. Magsilbing magandang tanawin

b. Proteksyon sa pag lusob ng kalaban

c. Hadlangan ang daloy ng tubig tuwing bumabaha

d. Proteksyon sa pananalakay ng mababangis na hayop

_____20. Ang paniniwalang ang tao ay nabubuhay muli sa ibang panahon matapos na siya ay mamatay
ay tinatawag

na ___

a Ebolusyon b. Kolonisasayon c. Reinkarnasyon d. Urbanisasyon

______21. Isa sa apat na Noble Truths ng Buddhism ay ang buhay na nangangahulugan na puno ng
paghihirap. Ano ang implikasyon nitosa ating buhay

a .Bahagi ng buhay ng tao ang paghihirap at pagdurusa tulad ng pagkakasakit, pinsala,pagkahapo,

katandaan at kalaunan ay kamatayan

b.Mula sa kasalukuyang buhay hanggang kamatayan ang paghihirap ng tao

c . Kahit na magsumikap makararanas pa rin ng paghihirap ang tao

d. Hindi maaaring takas an ang kahirapan at kalungkutan sa buhay.

_____22. Hindi naging malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng mga sinaunang kababaihan sa
Asya. Ito ay

batay sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano, katulad halimbawa sa India, bahagi ng

ng paniniwala nila ang suttee o sati, ito ay ang pagtalon ng asawang babae sa apoy nang sinusunog

na asawang lalaki.Bahagi rin ng kulturang India na, maaari lamang kumain ang babaeng asawa

kung tapos ng kumain ang kanyang asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtingin na ito sa mga

kababaihang Asyano?

a. Itinuturing na mababang miyembro ng lipunan ang kababaihan at limitado ang kanilang mga

karapatan sa lipunan

b. . Hindi pinagkalooban ng langit ang mga kababaihan na mamuno sa lipunan

c. Mahihina ang loob at walang kakayahang mamuno ang mga babae sa imperyo

d. Hindi pinagkakalooban ang kababaihan ng mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay


______23. . Kinikilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro

a. Mahayana Biddhism c. Theravada Buddhism

b. Sikhismo d. Judaism

_______24. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na apat na dakilang dinastiya.Bakit tinawag na


dakilang dinastiya

ang mga ito?

a. Naganap sa panahong ito ang pag-unlad ng China sa iba’t ibang larangan

b. Nagkaroon ng pagsakop ng mga dayuhan sa yaman ng bansa

c. Umunlad ang sining at arkitektura ng China

d. Lumawak ang mga impluwensya ng China

_______25 . Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?

Cuneiform b. Pottery Wheel c. Seda at porselana d. decimal system

_______26. . Ano ang kahulugan ng pahayag na “ Ang buhay ay puno ng paghihirap”

Hindi natatakasan ang kahirapan at katungkulan sa buhay

Kahit pa magsumikap ang tao ay makakaranas ay makakaranas pa rin ng hirap

Habang buhay ang paghihirap ng tao

Bahagi nan g buhay ng tao ang paghihirap at pagpapasakit

_______27. Ang epiko ng kabihasnang Sumer na naging katibayan ng kabihasnan

a.Epiko ni Vedic c. Epiko ng Gilgamesh

b. Epiko ni Hudhud d. Epiko ni Ramayana

_______28 . Si Alden ay isinilang sa Zodiac sign na Pisces. Anong imperyo ang may konsepto nito?

a. Phoenician b. Persian c. Chaldean d. Babylonian

_______29. Pagsunud-sunuri ang mga pangyayari sa Kanlurang Asya.

Lumitaw ang mga katutubong imperyo sa Mesopotamia

Umusbong ang kabihasnan ng mga kalapit lugar sa Mesopotamia

Umunlad ang kabihasnang Arabic Islamic


Sumalakay ang mga Turks

abcd b. bcda c. cdab d.dabc

_______30.Sa imperyong ito napaunlad ang number symbols, natutong mag-isterilisa ng mga gamit sa
panlinis sa

sugat, pagsasagawa ng operasyon.

a..Indo -Aryan b. Kushan c. Maurya d. Gupta

_______31. Bakit kakaiba ang pangalan ng relihiyon ng mga Muslim?

Dahil hango ito sa ngalan ng tao

Dahil hango ito sa Arabic na salita na Salam na may kahulugang kapayapaan, pagsunod at pagsuko sa
propetang si Muhammad.

Dahil hango ito sa ngalan ng pook

Dahil hango ito sa ngalan ng mga nasa paligid

_______32. . Tawag sa Haligi ng Islam na pagdarasal ng limang beses mula sa madaling araw.

a. Iman b. Salah c. Zakah d. Sawn

_______33. .Kung ang Purification ay pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan, ano naman ang
Kami?

Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng problema

Pagsamba sa mga Mizuko upang maiwasan ang problema

Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay

Masamang kami na pinatay at naghahanap ng paghihiganti

_______34. Tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng
kalikasan

Zoroastrioanismo b. Judaismo c. Shintoismo d. Sikhismo

_______35. Sa panahon na ito nag-umpisang natuto ang mga tao na mag-alaga ng mga hayop at
magtanim.

a. Neolitiko b. Mesolitiko c. Bakal d. Paleolitiko

_______36. Ang Sailendras ay tinawag na Hari ng Kabundukan, ano naman sa Srivijaya?

a. Sentro ng Kalakalan c. Dalampasigan ng Ginto


b. Dalampasigan ng Yaman d. Sentro ng mga Buddha

_______37. Suriin mabuti ang larawan, ano ang ipinararating na mensahe ng mga larawan?

Ang Asya ay binubuo ng pagkakaiba –iba ng relihiyon,paniniwala at kultura

Makikita sa Asya ang kasaysayan ng bawat bansa

Ang Asya ang saligan ng paniniwala, relihiyon at tradisyon sa mundo

Nasa Asya ang sinaunang batayn ng sibilisasyon.

_______38..Ang hari ng Macedonia, isang kaharian sa hilagang Greece

a. Cyrus the Great b. Alexander the Great c. Darius I d. Xerxes

_______39. Ang mga tao sa Lumang Bato ay nasa yugto ng

Pakikiangkop sa kapaligiran

Pagbabago sa kapaligiran

Pagkopya sa kapaligiran

Pag-iingat sa kapaligiran
ng at pagmamahal sa mga ninun

_______40. Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinunong kababaihan sa Asya?

Tinaguyod at pinanatilin nila ang Asyanong pagpapahalaga sa kanilang pamumuno sa iba’t ibang

pamamaraan

Pinalawak nila ang mga kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang panunungkulan

Pinataas nila ang kita ng bansa sa kanilang pamumuno

Binigyan nila ng mataas na kapangyarihan ang mga kababaihan na kanilang kasama sa partido.

_______41. Ang unang bahagi o unang aklat ng Bibliya ng mga Kristiyano ay---

Bagong Tipan b. Lumang Tipan c. Awit d. Pahayag

_______42.Bakit kinilala ng Arkeolohiya ang Kabihasnang Indus na isang organisado at planadong


lipunan?

Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan


Natuklasan ang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan

Nagkaroon ng bakas ng pag-aaway sa mga lugar na ito

Maayos ang mga labi ng mga taong nabuhay sa lugar na ito

_______43. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na dahilan kung bakit hindi tumagal ang
Kabihasnang Indus?

Pagpapalit ng klima b. digmaan c. lindol d. tsunami

_______44. Ang pagpapahalaga sa kapangyarihan ng mga magulao ay turo ni ____

Confucius b. Gandhi c. Lao Tzu d. Mencius

_______45. Bakit tinawag na Dakilang Dinastiya ang apat na dakilang dinastiya sa Tsina?

A. Lumawak ang impluwensiya ng China sa panahong ito

B/ Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan na nagapi nila

C. Nagkaroon ng pag-unlad ang China sa panahong ito sa iba’t ibang larangan

D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya

_______46.Anong relihiyon ang naniniwala na ang tao ay dapat magsikap sa buhay at ito ay dapat ialay
sa Diyos.

Hinduismo b. Budismo c. Jainismo d. Sikhismo

______47. Kakatawanin mo ang iyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate ukol sa pilosopiya,
paniniwala at

misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon.Anong gagawin mong paghahanda bago ang paligsahan?

a. Gumawa ng outline ng isyu,magsaliksik,at mag-aral sa posibleng mga katanungan

b. Magsaliksik at sanayin na humarap sa karamihan

c. Magbasa,manood ng balita at maghanda

d. Maghanda at magsaliksik sa isyu

_______48. Ang mga sumusunod ay mga turo ni Lao tzu maliban sa isa.

A. Lahat ng bagay ay iisa

B. Ang buhay at kamatayan ay magkasama

C. Naniniwala na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay gumawa ng kabutihan

D. Ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan


_______49. Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa paglikha ng presentasyon sa iba’t ibang relihiyon
sa Asya.Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon?

A. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag,mahahalagang aral,mga impluwensiya

sa mga bansang asyano

B. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag,mahahalagang aral

C. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag

D. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag

_______50. Maaaring narinig mo na mula sa isang galit na tao ang mga katagang “Kakarmahin din siya
baling araw”

o di kaya, “Makarma sana siya”. Kapag ito’y napakinggan, tila ba ang tao na nagsasabi nito ay nais

mapahamak ang taong kanyang pinagsasabihan. Marahil nakatatak sa isipan ng ibang mga tao na

ang karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit hindi ito ang tunay na diwa ng karma. Ang tunay

na diwa ng karma ay____

A. An gating mga Gawain ay kasama natin maglalakbay kahit saan at kahit gaano kalayo man ang ating

marating sa buhay. Kung anuman ang ating mga nagawa noon ay siyang naghubog kung ano tayo

ngayon.

B. Ang paniniwala na ang gawang mabuti ay resulta ng mabuting gawa lamang sa kapwa

C. Ang pagtugon sa masamang pangyayari sa kapwa ay produkto ng negatibong karanasan din sa kapwa

D. Ang mabuti at di mabuting gawa ay may katumbas na mabuti at di mabuting resulta.

You might also like