You are on page 1of 38

Scene 1:

 Venue: Peoples Park and PUP Biñan Entrance and Hallways


 Who: All available CPE 1-1 students
 Attire: school uniform

(Ipapakita yung mga common scenes sa isang University habang nasa background
yung recorded voice na POV ng tatlong bida: may nakatambay na magkakaibigan,
may magjowa, may nag-aaral, may nagpapraktis ng sayaw, may mga naglalaro ng
games sa phone etc.)
*Unang ipapakita sa camera si Chloe, naglalakad sa may peoples park..
Chloe: sabi nila “life begins in college.” Dito raw natin mai-experience ang
napakaraming firsts.
*Then ipopokus yung camera sa paligid niya, kuhanan na yung ibat-ibang eksena
sa University.
Chloe: Nandiyang maninibago tayo sa environment at atmosphere na maaaring
malayong-malayo sa nakasanayan. Makakasalamuha ng ibat-ibang uri ng mga tao
na kailangan nating matutunang pakisamahan. Makakakilala ng ibat-ibang klase
ng prof, may mabait, may masungit, may masipag at magaling mag turo at
syempre hindi mawawala ang mga prof na hindi pumapasok. Dito rin natin
mapag-aaralang tawanan ang mga bumabagsak na iskor sa eksam. At maranasang
maghabol sa mga prof para lamang sa tres na inaasam. In short, napakalaking
adjustments ang kailangan nating gawin sa pagsisimula ng ating college life.
Minsan hindi na sa environment, hirap ng subjects o sa mga classmates at prof
ang conflict, mas lalong bumibigat ang college life dahil na rin sa conflict natin sa
ating sarili.
*ipopokus ang camera sa mga friends ni Chloe sesenyasan siyang umupo sa isang
bench, magtatayuan lahat ng boys na nakaupo dun at papaupuan siya.
END OF CHLOE’S POV
*Ipopokus ang camera kay Camilla,
Camilla: Palagi kong naririnig noon sa iba, sa college raw mahirap pagsabayin ang
lovelife at pag-aaral at kailangan mong mamili sa dalawa, pero nang makilala ko
siya hindi na ako nagdalawang isip na sumugal. With him, I become the happiest,
for me siya na ang lalaking makakasama ko sa habang buhay
*pokus yung camera dun sa ex kasama yung mga tropa
Chloe: Akala ko lang pala yun
*habang naglalakad malapit sa entrance ng PUP, tinitignan siya ng mga tao sa
paligid may nagtatawanan, may nagbubulungan, may sumisitsit etc, at may
tinitignan sila sa phone, lalapitan niya ang ex at sasampalin tsaka tatalikod.
Chloe: Sinabi nila mahirap daw maglovelife habang nag-aaral pero hindi naman
nila ako sinabihang sa college hindi na ako dapat magtiwala ng basta-basta sa
kahit kanino. Bakit ganun ginawa ko naman ang tama pero in the end mas
napasama pa ako sa paningin ng lahat.
END OF CAMILLA’S POV
*Next na kay Philip yung camera, tumatakbo siya sa hagdan at tumitingin sa
orasan
PHILIP: Late na naman ako nito sa klase. Pero hindi lang naman ako sa klase
nahuhuli, kahit sa buhay ang bagal-bagal ng pag-usad ko, ang hirap talagang
maging mahirap pero ano pa bang magagawa ko hindi ako pwedeng basta umupo
na lang at sisihin ang mundo sa sitwasyon ko, may pamilyang umaasa sa akin
kailangan kong magsumikap. At para sa mga kagaya kong isang kahig isang tuka,
mas mahirap pala talaga ang buhay sa kolehiyo nang higit pa sa inaasahan ko,
lalong-lalo na sa bulsa.
*magmamadali siyang pumasok sa classroom nila,pero sa labas na siya papaupuin
ng prof
END OF PHILIP’S POV
Chloe: mahirap kapag sarili mo mismo ang kalaban mo, parang gugustuhin mo
nalang mag-give up
*Ipapakita lang saglit sa camera
Camilla: ano ng gagawin ko ngayon, magpapatuloy pa ba ako sa college ngayong
sirang-sira na ang reputasyon ko?
*Ipapakita lang saglit sa camera
Philip: nakakapagod na ding pagsabayin ang pag-aaral at responsibilidad sa
pamilya, minsan pakiramdam ko parang ang pinakamadaling option na lang na
gawin ay isuko ang pangarap ko.
*Ipapakita lang saglit sa camera
END OF SCENE 1

SCENE 2:
(Setting: Nasa guidance office si Chloe kaharap ang guidance councelor,
samantala nasa labas naman ng office si Camilla at Philip nag-aantay)
Guidance C : May isang concerned classmate mo ang nakapagsabi sa akin na
naghihiwa ka raw sa iyong braso Ms. Montefalco. Gusto kong kumpirmahin kung
totoo iyon, patingin ng iyong braso?
(Yuyuko si Chloe at mag-aalangan, aabutin ng GC ang kanyang braso, mapapailing
ito)
GC: Hindi ko maintindihan iha, maganda naman ang estado ng inyong
pamumuhay, maganda ka, mataas ang iyong mga grado, kilala at hinahangaan ka
sa paaralan natin. Napakagandang future ang meron ka, pero bakit mo to
ginagawa sa sarili mo?
Chloe: (nakatungo, nakatingin lang sa sahig, iniisip kung sasabihin ang problema)
GC: (magdadaldal: ad-liv)
(Ipopokus ang camera sa mukha ni Chloe, mag-eecho yung sinasabi ng GC, Blurred
then flashback)

(((FLASHBACK)))
Naglalakad sa hallway si Chloe kasama ang mga kaibigan, lahat ng dumadaan ay
napapatingin sa kanya
Chloe: Marami ang naiinggit sa buhay na meron ako, ano pa nga raw ba ang
kulang sakin, lahat na ng mga bagay na pinapangarap lang ng iba ay nasa akin
na, “Ideal Girl” yan ang bansag nila sakin. (POV)
Admirer 1:
Admirer 2:
Admirer 3:
Admirer 4:
…………………………………………………………………………………………………………………………..
Chloe: Mapa-academics man o extracurricular nag-iexcelled ako
(Eksena sa classroom: may pinapasagutan ang prof)
Prof: Anyone? Who can get first derivative of this equation?
(walang nagtataas ng kamay, iniiwasan tignan ng mga estudyante ang prof,
magtataas ng kamay si Chloe)
Prof: okay Ms. Montefalco show us your answer
(magsasagot sa board pagkatapos ichecheck ng prof ang sagot)
Prof: very good Ms. Montefalco
Classmate 1: grabe ang talino talaga ni Chloe
Classmate 2: sana all
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Chloe: Mayaman ang pamilyang kinalakihan ko
(Eksena sa bahay: paalis na papuntang trabaho ang mommy at daddy ni Chloe)

Mommy: Chloe, your dad and I will be gone for a week may business trip kami sa
New York
Daddy: So anong gustong pasalubong ng unica hija ko?
Mommy: Yes anak, what do you want? Bags, shoes, anything name it.
Chloe: Nothing Mom, Dad, ingat po kayo.
……………………………………………………………………………………………………………………………...
Chloe: Meron akong mga kaibigang mayayaman at sikat din sa school, boyfriend
na crush ng bayan………………
(Eksena: palabas na ng building si chloe kasama ang mga kaibigan)
Friend 1: Omg! Look who’s here. (ituturo kay Chloe ang boyfriend nito na nag-
aantay sa labas)
Friend 2: Go girl, puntahan mo na ang love of your life.
(Itutulak ng mga kaibigan si chloe papalapit sa boyfriend nito)
Boyfriend: Hi Love! I miss you (hahalikan yung kamay ni Chloe)
Chloe: I miss you too, Love bakit di ka pala umattend ng class today?
Boyfriend: Sorry Love! Nagshooting lang kami ni Chris, you know malapit na ang
Uweek pinaghahandaan na namin.
Chloe: Ohh okay love tara lunch na tayo.
(Aakbayan ni Boyfie si Chloe then maglalakad na sila palayo)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Chloe: Almost “perfect life” yan ang akala nila, hindi nila alam kung gaano
kalungkot at miserable ang buhay ko. Hindi nila alam na buong buhay ko
naghahanap ako ng pagmamahal na hindi ko maramdaman sa mga magulang
ko. (papasok siya ng bahay at sasalubungin ng yaya)
Chloe: Ya, nandyan sila mommy?
Yaya: oo kaso nag-aaway na naman sila Ma’am at Sir
(maaabutan ang mga magulang na nag-aaway)
Mommy: Ano galing ka na naman sa babae mo? Ang kapal ng mukha mo
pagkatapos kitang pagtiisan ng mahabang panahon ito pa igaganti mo
Daddy: Anong babae? Napaparanoid ka na naman tigil-tigilan mo nga yan
Mommy: huling-huli ko kayo ng babae mo kanina mga walang-hiya kayo
Palagi silang wala at kung nandyan man, away lang nila ang naaabutan ko
(tuloy lang ang away nila, mapapailing si chloe at papasok nalang ng kwarto)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Chloe: Akala ko nakahanap na ako ng mga tunay na kaibigan pero all along hindi
naman pala sila naging totoo sakin
(Eksena: sa cr papalabas na siya ng cubicle ng marinig ang usapan ng mga
paparating na kaibigan)
FRIEND 1:
FRIEND 2:
FRIEND 3:
FRIEND 4:
(Pagkalabas ng mga fake friends niya tsaka siya lumabas ng cr at umiyak)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Chloe: Maging ang tao na pinagkatiwalaan ko ng aking puso ay niloloko at
ginagamit lang pala ako.
(Eksena sa Kotse)
Boyfriend: Bye love see you tomorrow. (kikiss sa cheeks(kung pwede or ifake
nalang))
Chloe: sige love, bye. (lalabas na siya ng mapansin ang isang lipstick na nasa sahig
ng kotse). Love kanino tong lipstick?
Boyfriend: ahh ehh sa mommy ko yan love
Chloe: may sariling driver at kotse si Tita diba?
Boyfriend: oo nga pero na..nasiraan kasi sila kanina ay kahapon pala so ako na
sumundo kay mommy (nauutal dahil sa kaba)
Chloe: (tumungo na lang si Chloe pero hindi pa rin kumbinsido)
………………………………………………………………………………………………………………………
Nung sumunod na araw sinundan niya ang boyfriend at nahuli itong sweet na
sweet sa kaibigang si Chris. Hindi na niya ito nilapitan at umalis na.
Chloe: Now tell me paanong naging perfect ang buhay ko? Gusto ko lang naman
ang mahalin at maging masaya pero para sa kagaya ko ang hirap-hirap
makahanap ng tunay na pagmamahal, pagod na pagod na ako…….
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Camilla: Pinalaki ako ng mga magulang ko na may dignidad. Tinuruan nila akong
maging konserbatibo at makadiyos sa mundong ang mga tao ay winawalang-
dangal ang kanila mismong sarili. At dahil lumaki ako sa masaya at buong
pamilya, mula pagkabata pinangarap ko rin na balang araw makakilala ng taong
makakasama kong bumuo ng pamilya.
(Eksena: Babangon si Camilla sa higaan, magdadasal muna tsaka tatayo, sa hapag-
kainan maaabutan ang tatay na nagbabasa ng dyaryo at ang nanay naman na
naghahain, magmamano siya sa tatay at nanay, isa-isa ring darating ang mga
kapatid magmamano rin ito, magdadasal at magsisimula ng kumain)
(flashforward, kainan ng almusal)
Tatay: Camilla kamusta ang school?
Camilla: ayos naman po, Pa
Kuya 1: wala naman sigurong umaali-aligid na lalaki sayo, nako subukan lang nila.
Camilla: ah ehh wala po kuya
Tatay: Tama yan anak, pag-aaral mo muna ang intindihin mo
Nanay: Oo nga diba nangako ka samin na hindi ko muna papasok sa isang relasyon
habang nag-aaral.
Kapatid na may kapansanan: Ma, Pa maamaay boyfriend na si ate, nakita ko po
hinatid siya nung isang gabi
Camilla: wala po, alam niyo naman po yan si bunso kung ano-ano sinasabi
napapanood niya siguro
(tatango na lang ang tatay, magpapainom ng tubig si Camilla, ipapakita ang pag
alis ng bahay ni Camilla)
Camila: Sige po tay ,kuya, nay. (mano sa tatay at nanay)
Kuya 2: Ingat ka Camilla, kaya mo yan!
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Pagkalabas ng bahay ay tingin ng tingin sa paligid si Camila. Sinisigurado nyang
wala ni isa sa miyembro ng pamilya nya ang makakakita sa kanila. Sa bandang
kanto kase sa kanila ay nag aabang ang kanyang nobyong maghahatid sa kanya sa
paaralan. Hindi alam ng pamilya nila ang tungkol sa kanila.)
Camilla: Nang makilala ko siya una pa lang sigurado na akong siya na, kaya
naman kahit mahirap nagsinungaling ako sa aking pamilya, hindi ko na
papalagpasin ang pagkakataong umibig at ibigin din pabalik.
……………………………………………………………………………………………………………………….....
Boyfriend: ang ganda naman ng babe ko
C: di naman. (magpapabebe) ..Tara na
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(nasa bench, uwian, kasama ni boyfriend ung mga tropa nya at sila ay
nagkwewentuhan. Nadako ang kwentuhan nila tungkol sa relasyon nila ni Camilla
( sex life)).
Tropa1: Pre, update naman, ano na nangyari sa pustahan natin? Naka-iskor ka na
ba? (hindi makakasagot si boy)
Tropa2: Oo nga pre, ilang buwan na nga ulit kayo?
Jowa: mga maglilimang buwan na din ata pre
Tropa3: ay wala pla to eh. Mahina
T3,T2, : wala walaa mahinaa tsk
Jowa: anong mahina, syempre kinikuha ko muna ang loob niya sabi nga nila slowly
but surely
T4: dareeee. Patunayan mo nga
Jowa: mag-antay kayo, mamayang gabi magaganap na ang dapat maganap
(magtatawanan sila)
T3: videohan mo pre ah hahaha
Jowa: oo ako pa
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(bandang uwian, habang nagkukwentuhan ang dalawa sa may bench )
Jowa: (akbay)- naglalambing
May request sana ako, tutal antagal na din natin. Samahan mo naman ako sa
bahay.. wala parents ko ngayon. Baka naman pwedeng…. Alam mo na (smirk)
C: haaa? Ano yon? Tayo lang dalawa? Hindi pwede gagabihin ako at papagalitan ni
papa.
Jowa: minsan lang eh. Kung talagang mahal mo ko sasama ka. (nagpipilit)
C: kung talagang mahal mo ko hindi mo ako pipiliting gawin yan
Jowa: ang korny naman nito sa ngayon lahat na ng mga magkarelasyon ginagawa
iyan
C: pwes ibahin mo ko sa kanila, oo mahal kita pero di ako papayag sa gusto mong
mangyari, kasal muna bago sex
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(nagwalk-out ang jowa)- naghanap ng ibang babae para makipag sex at
vinideohan ito.
Jowa: Hi baby (aakbayan ang isang babae)
Girl: You wanna go somewhere else?
Jowa: anywhere you want baby, im all yours
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(kinabukasan)
Pinakalat ng jowa ang video at pinalabas na si camila ang babaeng kasama nya
(Papasok si Camilla ng classroom ng salubungin ng isang concerned classmate)
Classmate: Camilla, nakita mo na ba?
Camilla: Ang alin?
Classmate: Yung video niyo ni Mark kalat na kalat na dito sa campus
Camilla: ha? Anong video sinasabi mo?
Classmate: Ito (ipapakita yung vid)
(Mapapa-upo si Camilla, nanlulumo)
Camilla: hindi, hindi ako ito….
Camilla: Hind naman pala talaga niya ko minahal,nilapitan at pina-ibig niya lang
ako para sa isang pustahan, ang masakit pa sa lahat sinira niya ang reputasyon
ko.
End of flashback
……………………………………………………………………………………………………………………………...
present) – sa guidance
Mangiyak ngiyak si camila dahil sa nangyari. Pinagtaksilan sya ng jowa nya at nag
iba pa ang tingin sa kanya ng mga tao.
Camila : Gg-anun po ang nangyari mam. Hindi po ako yung nasa Video. Ginawa po
sakin ni Mark dahil hindi niya nakuha ang gusto niya. Inedit niya lang po yung
mukha ko sa video, hindi po talaga ako yun
G: May ebidensya ka ba na siya nga ang nagpakalat ng video na iyon?
C: Ww-ala p-po…
G: sige, ipapatawag ko si Mr. De Leon regarding this matter
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Voice Over)
Naglalakad si Filimon at nakita niya ang mga pulubi at mga taong naghihirap.
Hays... Ganito talaga ang buhay.

SCENE
KAPATID#7 : (Naiyak nang dahil sa laruan)
Kapatid 3: kuya sira na yung sapatos ko sa school wala na kong magamit, bukang-
buka na talaga
Kapatid 2: Kuya kami naman may bayarin sa school deadline na talaga bukas
Kapatid 1: Philip baka may naitabi ka dyan walang panggatas si jr.
Kapatid 5: ang iingay niyo natutulog ako
PHILIP : Teka lang sandali!!! (pero pabirong nagpapaliwanag)
Ikaw (turo kay kapatid #3) Tyaga ka muna. Pwede pa yan irugby maya ayusin
natin. (Sabay baling kay #2) Mag kano ba ang kailangan mo? Gagawan natin ng
paraan yan. Ito oh kuya last money ko na yan(sabay abot ng pera kay kapatid 1)
(Lalapit sa dalawang magkapatid na nag-aaway - sina #6 at #7) Wag na kayong
mag-away. Sige kayo papangit kayo nyan pag-nag-away pa kayo. Pwede naman
kayong maghiraman, 'di naman kayo magkaibang tao, magkapatid kayo.
(lalabas si Fiel mula sa kwarto)

FIEL : Hoy!!! Ang i-ingay nyo naman. Filimon... (sigaw nito) ano ba pinag-gagagawa
mo? Bantayan mo nga ng mabuti yang mga kapatid mo. Makalayas nga muna sa
bahay na 'to. Makapaglibang libang muna sa bingohan.

PHILIP : Asan ho ba si tatay, Nay? Marami pa ho kasi ako tatapusing mga gawain
eh.

FIEL : Ayun nasa kwarto at sinusumpong na naman ng sakit niya.


Dave: (umuubo) Filimon, anong kailangan mo sakin? (umuubo ulit)
Philip: wala po tay magpahinga na po ulit kayo. Nay dumito na muna kayo may
exam po kasi kami bukas kailangan ko mag-aral.
Fiel: Wala akong pake sa mga gagawin mo. Sus aral aral ka pang nalalaman dyan
dagdag gastusin lang yan. Alagaan mo nalang ng mabuti yang mga kapatid mo
nang may pakinabang ka naman.

'Napabuntong hininga na lamang si Philip habang nag-aayos ng mga gamit nya'

SA BINGOHAN
(Dadating si Fiel sabay upo sa 'lucky seat' niya kuno)
FIEL : Pasali naman ako dyan oh mga kumpare. (Kuha ng cards at namili ng sa
tingin nito ay magpapanalo sa kanya)

ANNOUNCER : (Kinalog ang mga numero)

PLAYER#1 : Mga pare nabalitaan nyo ba yung nangyari sa mister ni Juana? Malala
daw yung sinapit nun usap-usapan kasi sa palengke.

PLAYER#2 : Oo, pare si Juan ba yon yung nag-ka AIDS daw. Balita ko marami daw
chicks yon. O kaya naman ay nakapit sa patalim at (pabulong na sasabihin) pati
kapwa lalaki ay pinapatulan para sa salapi.

PLAYER#3 : Totoo ba yan naku kalalaki nyong tao napaka-tsimoso nyo... Pero ang
nabalitaan ko nahawa daw siya sa isang prostitute.
PLAYER#4 : NAKU, nagmamalinis ka pare eh isa ka rin naman sa mga tsimoso. O
sya tigilan na yang mga tsimis na yan naglalaro tayo oh.
PLAYER#5 : B.I.N.G.O!
FIEL : Ayan may bumingo na sali na 'ko.
(Makalipas lamang ang ilang minuto, unti unting naubos ang puhunan ni Fiel)
(Sisigaw isa isa ang mga manlalaro ng Bingo)
FIEL : Talaga namang buhay ito oh. Ang malas naman ng katabi ko ih. Puro malas
nalang.
PLAYER#5 : Maligo ka kasi mareng Fiel para naman mabawas-bawasan yang
kaalatan mo. HAHAHA.
(Mag-iinit ang dugo ni Fiel)

FIEL : HOY!!! KAHIT HINDI AKO MALIGO MABANGO PA RIN AKO. EH KAYO? KAHIT
ILANG LIGO PA ANG GAWIN NYO MABAHO PA RIN KAYO.
(Nag-walk out nang padabog)
'Nagbulungan ang mga manlalaro'
ANNOUNCER : OH tahimik na tuloy na ang bingo......

SAMANTALA
(Umalis muna si Philip ng bahay at ipinaubaya ang mga kapatid sa nakakatatanda.
Pinoprobelma nito ang kakailanganin ng mga kapatid at ang kanilang kakainin)

PHILIP : Hay... (buntong hininga nito) Buhay nga naman. Ang konti na naman ng
nakalakal ko. Paano na kaya ang kakainin namin.

(Napadaan si Philip sa isang bakanteng lote upang maghanap ng kalakal. Maya-


maya lang ay biglang sumulpot ang isang lalaking nangangalakal rin)
Mangangalakal : Hoy anong ginagawa mo dito. (Sabay lapit kay Philip tapos hawak
sa damit nito sabay isinandal sa pader si Philip)
PHILIP : Nangangalakal lang ako dito pare pasensya na ano bang problema?
Mangangalakal : Problema? 'Di mo ba 'ko nakikilala ako lang naman ang may-ari
ng teritoryong ito.
PHILIP : Sorry pare 'di kita kilala eh. Sayo? Pare ayoko ng gulo, pareho lang tayong
naghahanap buhay, pasensya na ha kailangang kailangan ko lang talaga.
Mangangalakal 1: Sa sususnod ayaw nakitang makikita sa teritoryo ko ha.
Nakakaintindihan ba tayo?
(Dadadating ang dalawa pang mangangalakal at tutulungan si Philip)
Mangangalakal 2: Oy! May bago ka na namang binibiktima, tigil-tigilan mo nga
yan
Mangangalakal 1: (duduruin) wag kang mangingialam dito
Mangangalakal 3: ayus-ayusin mo yang kayabangan mo baka may paglagyan ka
sakin
(Mapapailing at aalis si Mangangalakal 1)
Philip: Salamat pre, ako nga pala si Jose Filimon, Philip for short
Mangangalakal 2: Ivan pre
Mangangalakal 3: Aaron, yung mayabang kanina si Chandler, ganun talaga yun
kapag nakita mo ulit wag mo nalang pansinin
Mangangalakal 2: Oo nga buti pa sumama ka nalang samin
(Nagpatuloy sa pangangalakal ang tatlo)
(Eksena: sa bahay pag-uwi ni Philip)
PHILIP : Nay talo na naman ho ba kayo?
FIEL : (Pabulong bulong ito bago makarating kay Philip) Oo minalas ako, diba
pinagbabantay kita ng mga kapatid mo?
PHILIP : Pinaubaya ko ho muna sila sa mga nakakatanda. Umalis ho muna ako
saglit para magbenta ng kalakal para naman may makain tayo sa hapunan. Ito ho
oh ang napagbentahan ko. Kuhanin nyo na ho ito at ipambili ng pagkain, may
trabaho pa ho kasi ako.
(Hinablot ni Fiel ang salapi ng walang pag-aalinlangan at umalis ng wala manlang
ni isang salitang lumabas sa bibig nito)

PHILIP'S VOICE OVER


'Mula alas-otso hanggang ika-10 ng gabi ay nagtatrabaho Ako bilang taga-deliver
ng tubig sa kaibigan Kong may-ari ng isang water station. Mula 10 naman ng gabi
hanggang 2 ng madaling araw ay naglalako ako ng balot at penoy upang
pandagdag kita na rin. Minsan sumasideline ako sa pagbebenta ng mga
streetfoods. Ganito ang araw araw na buhay ko. Uuwi na lamang upang
makapagpahinga kahit saglit. At magigising sa iyakan ng aking makapatid dahil sa
kumakalam nilang mga sikmura. Ako rin ang inaasahan sa bahay kahit ng mga
kapatid kong mga may asawa na. Sasabayan pa ng araw araw na pagaaway nila
inay at itay dahil sa mga utangin na kailangan ng bayaran. Sa paglalaan ng
pangangailangan ng pamilya ko nalang umiikot ang buhay ko. Kahit yung babaeng
gustong-gusto ko ay hindi ko magawang pormahan dahil sa estado ng buhay ko.
Minsan nga naiisip ko ng sumuko dahil pagod na pagod na rin ako sa ganitong uri
ng pamumuhay. Pero sa sitwasyon ko ngayon, mas kailangan kong maging
matatag at mas lalong magsumikap para sa aking pamilya. Isang panibagong araw
lagi para sa panibagong bukas. Panibagong bukas para sa pangarap na dapat ay
aking matupad.
———End of voice over————
'Matapos maipaliwanag ni philip sa guidance councilor ang lahat lahat, isa muling
buntong hininga ang pinakawalan nito....'
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Scene 3:
Pagkalabas ni Philip sa pinto ng guidance office, diretso siyang papasok sa
classroom. Mauupo sa bakanteng upuan.
Prof: That’s all for today class. You may go and spend the rest of your time with
your family.
*ipopokus yung kamera kay chloe, Philip and Camilla
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Nakaupo si Chloe sa isang bench, tulala at malungkot, mapapadaan si Hannah na
naglalako ng tubig)
Hannah: Tubig, tubig kayo dyan
(Nakatulala pa rin si Chloe, mapapansin siya ni Hannah at lalapitan)
Hannah: Miss, tubig?
Chloe: No, thank you
Hannah: mukhang mabigat ang problema mo ha (titignan lang siya ni Chloe).
Ganyan talaga ang buhay, minsan masaya pero madalas malungkot. Pero lagi
mong tatandaan kahit anong hirap man ng sitwasyon mo ngayon pansamantala
lang yan, kung hindi man ngayon pwedeng bukas o sa makalawa magiging okay ka
rin.
Chloe: You don’t know anything!
Hannah: wala naman talagang malalaman ang mga tao sa paligid mo kung hindi
mo sasabihin sa kanila
Chloe: pano ko sasabihin sa kanila kung ako mismo hindi ko maintindihan ang
sarili ko
Hannah: Miss, tignan mo tong bote na puno ng tubig, mabigat diba? hanggat
hindi mo bubuksan ang takip at ibubuhos ang laman, hindi to gagaan. Ganun din
satin hanggat hindi mo bubuksan ang puso mo sa mga taong tunay na
nagmamalasakit sayo hindi mo mailalabas iyang dinadala mong problema, patuloy
ka lang pabibigatan nito.
(Matitigilan si Chloe at mapapatungo)
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Ipapakita si Philip na nagbebente ng fishball, kwek-kwek etc., bibili sa kanya si
Maura)
Maura: uy Hi Philip! Nagsaside-line ka pala dito
Philip: oo marami pa kong ibang trabaho, basta mapagkakakitaan at legal
Maura: ang sipag mo naman, nakakainspired
Philip: wag mo na bayaran yan libre ko na
Maura: ay hindi pwede, tsaka mo na ako ilibre pagnaka-graduate na tayo
(magbabayad si Maura, tatanggapin ni Philip)
Philip: sabi mo yan ha magdedate tayo pagnaka-graduate na tayo
Maura: Sure haha, sige mauna na ako
(Ngingiting kinikilig si Philip)
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Malungkot na uuwi ng bahay si Camilla, pagdating ng bahay maaabutan ang
kanyang pamilya sa sala, umiiyak ang kanyang ina, seryoso at mukhang galit ang
tatay at mga kuya, lalapit siya sa tatay at magmamano pero iiwasan nito ang
kamay niya)
Tatay: lumayo ka sakin baka hindi ako makapagpigil at kung ano pa ang magawa
ko sayo
Camilla: Pa sorry po, Ma sorry po hayaan niyo po muna akong mag-explain
(Sasampalin dapat ng tatay si Camilla pero mapipigilan ng Nanay)
Nanay: Ano ba, sa tingin mo ba masosolusyonan yang problema ni Camilla kung
sasaktan mo siya.
Camilla: Pa hindi po ako yung nasa video, inedit lang po yung mukha ko dun.
Maniwala po kayo sakin.
Tatay: hindi ko maintindihan, sino at bakit may gagawa sayo nun?
Camilla: Im sorry po nagsinungaling po ako sa inyo, nakipagrelasyon po ako sa
lalaki sa video, niyayaya niya po akong gawin ang hindi pa dapat pero hindi po ako
pumayag at ayan na po yung nangyari…(umiiyak)
Kuya 1: walang-hiyang lalaki yun wala siyang karapatang gawin yun sa prinsesa
namin
Kuya 2: hindi ko to mapapalagpas humanda lang sakin yang lalaki na yan.
Nanay: tumigil na kayo hindi kayo nakakatulong
Bunso: ate wag ka ng umiyak
Tatay: Sorry anak at hindi muna kita pinakinggan, huwag kang mag-alala
ipapakulong natin ang lalaking iyan.
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Masiglang uuwi si Chloe, desidido na siyang magsabi ng problema sa magulang)
Chloe: Tita nakauwi na po sila mom at dad?
Tita: wala pa sila Chloe
Chloe: tamang-tama po, may time pa po ako para magluto ng dinner sa kanila
Tita: mukhang maganda ang mood mo ngayon ha
(fastforward: naghahanda na ng pagkain si chloe sa lamesa, tinawagan ang
mommy)
Chloe: Mom, san na po kayo ni Dad? Nagluto po ako ng dinner natin
Mom: Pauwi na rin kami sobrang busy lang ngayon sa office
Chloe: Sige Mom, wait ko po kayo may sasabihin po kasi ako sa inyo ni Dad..
Mom? Mom? (pinatay na yung cellphone ng mommy)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Sa pag-uwi maaabutan ni Philip ang kanyang ina at kuya sa binggohan)
Philip: Nay ginagabi na naman po kayo dito ha, at ikaw kuya nakikisali ka pa.
Kuya 1: aba! Aba! Dumidiskarte lang ako ng pera dito, malay mo swertihin
Nanay: umuwi ka na at mag-asikaso ng kakainin natin dapat may pagkain na pag-
uwi ko
(tsismisan ulit ng mga bingo friends, ad-liv nalang)
(Pag-uwi sa bahay ni Philip, wala pang pagkain)
Kapatid 1: kuya gutom na kami may dala kang pagkain?
Philip: wala pa, ito na bibili na ako
Tatay: (umuubo-ubo) anak ito ipangdagdag mo
Philip: wag na po tay, may kita naman po ako ngayon sa raket ko
Tatay: (umuubo-ubo pa rin) pasensiya na anak ha
Philip: ayos lang po walang problema
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Mag-aantay si Chloe sa magulang pero hindi makakarating, makakatulog na siya
sa sofa)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena sa classroom: Nakatulalang darating sa school si Chloe, nakatungo naman
si Camilla, huling darating si Philip at hingal na hingal, maghahanap ng upuan)
Maura: Philip dito ka na umupo ( ituturo ang katabing upuan)
Philip: salamat… nga pala may quiz ba tayo ngayon?
Maura: Oo bakit hindi ka nakapagreview?
Philip: Oo eh ginabi na ako sa isa ko pang raket
Maura: Mahirap nga yan pero dapat matutunan mo ang time management, may
oras ka sa trabaho, sa pamilya at syempre sa pag-aaral
Philip: oo nga yung pag-aaral ko na talaga ang naaapektuhan
Maura: tara review tayo may oras pa naman bago dumating si sir….
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Papasok ng classroom si boyfie ni chloe, dirediretso itong lalapit sa kanya)
Boyfriend: Love, bakit magdadalawang linggo ka ng hindi nagpaparamdam, hindi
mo sinasagot mga text at tawag ko, iniiwasan mo ko dito sa school, ano may
nagawa ba ako, may nasabi ba akong hindi maganda?
Chloe: Usap tayo sa labas
(lalabas ng classroom at lalabas)
Boyfriend: sabihin mo na sakin para maayos natin to
Chloe: alam ko na ang sekreto mo, wag ka ng magkunwari pa (matitigilan saglit)
Boyfriend: anong sikreto sinasabi mo?
Chloe: bakla ka! Ginamit mo pa ko para itago ang totoo mong pagkatao, how dare
you! (maiiyak at maghihisterikal si Chloe)
Boyfriend: Please wag mong sabihin sa iba, please hindi pwedeng malaman to ng
mga magulang ko itatakwil nila ako
Chloe: hindi ka man lang magsosorry? Hanggang ngayon ayan pa rin iniisip mo
Boyfriend: hindi mo naiintindihan, ang hirap maging kagaya ko nandyang
huhusgahan at pagtatawanan ka ng mga tao, ikakahiya kahit ng sarili mo pang
pamilya
Chloe: minahal po ba talaga ako?
(hindi makakapagsalita ang boyfriend, sasampalin ito ni chloe at aalis na)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Prof: lahat ay present ngayon for our quiz except kay Ms. Montefalco, please tell
her magspecial quiz siya sakin. Class dismiss.
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena sa CR: Ipapakita ang trigger scene ni Chloe habang may hawak na blade)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(habang nag-aayos ng gamit ibubully si Camilla ng mga classmates na manyakis)
Classmate 1: uy Camilla baka naman pwede mo kong pagbigyan ngayon
Classmate 2: ako rin pramis paliligayahin kita
Camilla: bastos
Classmate 3: nagmamalinis ka pa eh kitang-kita naman sa video kung gano ka
kawild
Classmate 1: hahaha wag kang mag-alala hindi ka naman namin vivideohan
(tatakbo paalis si camilla habang umiiyak)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(may tinatawagan si Philip sa cellphone ng may marinig na ingay)
Philip: hello pre baka naman may raket kang ibibgay sakin, kailangang-kailangan
ko lang talaga ng pera
Philip: wala talaga pre? Kahit ano basta legal alam mo namang pinapatos ko
(sisigaw ng tulong si Camilla, mapapatakbo siya papunta sa kanila)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Dali-daling lalapitan ni Camilla ang duguang si Chloe)
Camilla: tulong! tulong! tulungan niyo kami (nagpapanic)
(darating si Philip)
Philip: anong nangyari dito?
Camilla: hindi ko alam naabutan ko nalang siyang ganyan
(ilalabas ni Philip ang kanyang panyo at ibabalot sa wrist ni Chloe)
bubuhatin palabas ng CR)
Philip: dalhin na natin siya sa clinic
....................................................................................................................................
(eksena: ipapakita ang mga kuya ni Camilla na inaabangan si Mark na kasama ang
mga tropa, pagkaalis ng mga tropa tsaka nila ito lalapitan)
....................................................................................................................................
(eksena sa clinic)
Camilla: kamusta na po siya?
Kurt: hindi naman gaanong kalalim ang sugat pero may natamaan siyang ugat
kung nagkataon pwede siyang maubusan ng dugo, mabuti nalang at nadala niyo
agad siya dito.
Philip: gising na po ba siya?
Kurt: wala pa rin siyang malay sa ngayon huwag na kayong mag-alala at tinawagan
ko na ang parents ni Ms. Montefalco. Pwede na kayong makauwi.
Philip: sige mauna na po kami
( lalabas sila Camilla at Philip)
....................................................................................................................................
(paglabas sa school ni camilla may classmates na lalapit sa kanya)
Classmate 1: Camilla, si Mark pinagtutulungang sapakin ng dalawang lalaki
Camilla: Ha? nasaan sila
(nagmamadaling aalis)
Kuya 1: Ano wala ka pala eh walanghiya ka kapatid ko pa talaga ang tinalo mo
Camilla: Kuya tigilan niyo na yan plss ( aawatin ang mga kuya) Tama na!
Kuya 2: pasalamat ka at inawat kami ni Camilla kung hindi lulumpuhin ka talaga
namin
(hihilahin na ni Camilla ang mga kuya)
....................................................................................................................................
(eksena: papasok sa bahay si Chloe kasama ang mga magulang, mag-aaway na
naman ang dalawa)
Mom: nakita mo yung nangyari sa anak natin ha kasalanan mo to, hindi mo man
lang nakakausap ng maayos si Chloe kaya ayan
Dad: nagsalita, eh isa ka pang laging wala dito sa bahay, sino bang dapat mas
nakakalaalam ng nangyayari sa kanya ikaw dahil ikaw ang nanay niya
(magpapatuloy ang pag-aaway)
Chloe: ano ba! Tama na, hindi ba kayo napapagod mag-away? Kasi ako sawang-
sawa at rinding-rindi na, for once Mom, Dad isipin niyo naman ako, intindihin niyo
naman ako plss lang. Sa tingin niyo bakit ko nagawa yun? Hindi niyo man lang ba
tatanungin? Gulong-gulo na ako hindi ko na maintindihan yung sarili ko, kailangan
ko kayo ngayon, sana kahit ngayon lang iparamdam niyo saking nandyan kayo
para makinig………(mapapaupo sa sofa habang umiiyak)
(matitigilan ang dalawa, papagitnaan ang anak)
Dad: Im sorry Anak, nagkamali kami ng mommy mo akala namin sapat na yung
paglalaan namin ng magandang buhay sayo, hindi namin alam na ganyan na pala
ang nararamdaman mo
Mom: Chloe, sorry, patawarin mo kami masyado kaming naging selfish, pero
ngayon promise, hindi na namin hahayaang maramdaman mong wala kang
magulang, lagi na kaming makikinig sayo, babawi kami sayo……….
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena: umagahan sa pamilya ni Camilla, mabigat ang atmosphere walang
nagsasalita, kakalampagin ng tatay ang lamesa at iduduro ang dalawang anak na
lalaki)
Tatay: kayong dalawa hindi talaga kayo nag-iisip, lagi niyo nalang pinapairal ang
init ng ulo
Kuya 1: pasensiya na Tay hindi na kami nakapagpigil kulang pa nga yung ginawa
namin sa kanya
Kuya 2: tama lang yun sa kanya
Tatay: alam niyo ba kung anong resulta ng ginawa niyo? Tinawagan kami ng
magulang nung lalaking yun hindi nila kayo ipapakulong kung iuurong natin ang
demanda sa anak nila. Anong gusto niyong gawin ko ha hayaan kayong makulong.
Dahil sa kabalastugan niyo hindi na natin mapagbabayad ang lalaking yun.
(Mapapayuko nalang ang dalawa)
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Nangangalakal si Philip kasama ang dalawang friends)
Mangangalakal 1: uy pre wala ka ata ngayong pasok?
Philip: oo wala kaming pasok ng gantong araw
Mangangalakal 2: ayos yun pre, uyy diba si Chandler yun mukhang may
hinaharass na naman siya
Philip: tara tulungan natin
(Itutulak nito si Hannah at kukunin ang dalang plastic bag, tatakbo si Philip at
itutulak si Chandler, tutulungan naman ng dalawang mangangalakal tumayo si
Hannah)
Philip: wala ka talagang pinipili pati matanda na walang kalaban-laban binibiktima
mo
Chandler: diba sabi ko wag kang mangialam (sasapakin si Philip at matutumba ito)
(To the rescue ang dalawang mangangalakal, aambahan nila si Chandler)
Mangangalakal 1: ano papalag ka?
(tatakbo si Chandler at hahabulin ito ng dalawa)
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(eksena: kakausapin ng isang psychiatrist si Chloe)
Psychiatrist: Hello, Ms. Chloe Montefalco, please have a seat, I’m Dr. Patrick
Arcega, what would you like me to call you?
Chloe: Chloe
Psychiatrist: Okay, So what brought you here today Chloe?
Chloe: (Ipapakita ni Chloe yung wrist na may benda) After this incidence my
parents told me I should come
Psychiatrist: matagal ka na bang nagseself-harm?
Chloe: mag-iilang buwan na po
Psychiatrist: Do you want to tell me a bit more about whats been going on?
Chloe: Sabay-sabay po kasi Doc yung mga problema hindi ko na po kinakaya, hindi
ko na rin po maintindihan yung sarili ko
Psychiatrist: that’s our job Chloe tutulungan ka naming maunawaan ang sarili mo
at mga nararamdaman mo, pero syempre we need your cooperation, would it be
okay for me to ask you a few more detailed questions about how you’ve been
feeling?
Chloe: (tutungo)
....................................................................................................................................
Hannah: Iho salamat, hindi ka na sana nakisali, nagkasugat ka pa tuloy, bakit mo
pa a ko tinulungan eh hindi mo naman ako kaano-ano, tignan mo nangyari sayo!
Philip: wala po yun, sanay naman po akong magsakripisyo para sa iba, sa pamilya
ko pa lang po sanay na sanay na ako
Hannah: sa pamilya? Bakit anong meron sa pamilya mo?
Philip: ako po yung inaasahan sa pamilya namin, yung tatay ko po may sakit kaya
di gaanong nakakapagtrabaho, yung nanay ko naman po naadik sa binggohan
imbes na makatulong sa mga panggastos madalas napapatalo pa yung pera, may
mga kapatid ako na malalaki na at pwede na sanang magtrabaho pero ayun lahat
sila umaasa pa rin sakin.
Hannah: yan mahirap sayo iho inaako mo lahat ng responsibilidad, hindi ka naman
superhero, huwag mong pasanin lahat ng problema ng mundo.
Philip: okay lang naman po mahal ko sila kaya kahit mahirap kakayanin.
Hannah: Sa tingin mo ba matututo sila sa buhay sa ginagawa mo? Hindi! aasa at
aasa lang din sila sayo habang buhay, walang katapusan, bakit? Kasi kinukunsinti
mo ang mga katamaran nila. Iho tandaan mo ha hindi pagpapakita ng
pagmamahal ang pagkukunsinti sa mga maling ginagawa ng mga tao sa paligid
mo. Kung totoo mo silang mahal tutulungan mo silang magbago, para din naman
sa kanila yun.
(mapapatungo na lang siya)
....................................................................................................................................
(Eksena sa bahay ni Camilla: Nasa sala ang pamilya habang may hawak ng kanya-
kanya nilang gadyet)
Nanay: sumosobra na yung mga tao sa facebook kung makacomment sa mga
pictures mo akala naman nila kilalang-kilala ka nila
Kuya 1: oo nga ma nangangawit na nga ako kakareply sa mga bashers na yan
Kuya 2: mga wala na talagang magawa sa buhay nila ang mga tao sa ngayon
inuubos ang oras sa pangingialam sa isyung wala naman silang alam.
Tatay: Hayaan niyo na lang sila wag niyo ng patulan
Camilla: oo nga ma at mga kuys wag niyo ng pansinin mapapagod din ang mga yan
kakabash sa video
(papasok ng kwarto at doon titignan ang mga comments ng basher, susundan
siya ng nanay)
Nanay: anak huwag kang papaapekto alam naman nating hindi yan totoo
(tutungo lang si Camilla). Ganto nalang shopping tayo para mabawasan ang stress
mo.
Camilla: sige po ma
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena sa bahay ni Chloe: uuwi siya at makikita ang mga magulang na masayang
nagkukuwentuhan sa hapag-kainan)
Chloe: Mom, Dad ang aga niyo naman po
Mom: oo anak diba sabi namin babawi kami sayo, kaya simula ngayon sisikapin na
namin ng Dad mo na bawasan ang trabaho para mas marami kaming time sayo
Dad: at napagplanuhan din namin ng mommy mo na magbakasyon tayo sa
Europe, sabi ng psychiatrist mo makakatulong sayo na malayo ka muna sa mga
bagay na nagkocause ng stress mo.
Chloe: pero di po ako pwedeng umabsent ngayon malapit na po ang finals
Dad: napag-isipan na rin namin yan, sa summer break niyo dun tayo aalis
Chloe: sige po, first time po na mag-a-out of the country tayo na hindi para sa
business
Mom: tara na kain na tayo at baka lumamig pa ang mga foods
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Ipakita si Philip naglalakad pauwi, pagod na pagod)
………………………………………………………………………………………………………………………………
(Eksena: nasa mall ang mag-ina namimili ng damit)
Nanay: Anak, tignan mo to mukhang bagay sayo to
Camilla: ang laki naman ng size ma, di yan kakasya sakin
Nanay: syempre bibilin natin yung size na kasya sayo, miss may small kayo nito?
Saleslady 1: Yes po Mam saglit lang po (lalapit sa mga kapwa niya saleslady)
Saleslady 2: di ba ayun yung babae sa video
Saleslady 1: oo akala ko nga kamukha lang pero nung nalapitan ko siya nga
Saleslady 3: walang delikadesa ang lakas ng loob lumabas-labas eh kalat na kalat
na scandal niya
Jirah: mga tsismosa naman pala mga saleslady dito eh (susugod na dapat pero
pipigilan ni Camilla)
Camilla: tara na po Ma
(Aalis sila Camilla habang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid)
………………………………………………………………………………………………………………………………
(Eksena sa bahay ni Philip: pag-uwi sa bahay nasa sala lahat ng kapamilya,
didiretso siya sa kusina hahanap ng pagkain)
Philip: walang pagkain? (mapapailing at mag-aaral na lang, ilalabas ang mga gamit
sa school at magbabasa ng mga notes)
Fiel: ano aral na naman? Wala ka pang natutulong dito sa bahay, maghugas ka
muna ng pinggan at tambak hugasin natin
Kapatid 1: tigil-tigilan mo na kasi yang ambisyon mo!
Kapatid 2: Oo nga kuya ikaw rin ang nahihirapan, kung nagtatrabaho ka nalang edi
sana mas malaki pang pera ang kinikita mo
Kapatid 3: tama yun magtrabaho ka nalang para mas magkaroon ka naman ng
pakinabang
Dave: Anak, tanggapin mo na mahirap tayo at hindi para sa kagaya natin ang
edukasyon, tama ng highschool ang narating mo makakakuha ka ng trabaho dun
Fiel: ano narinig mo yung tatay at mga kapatid mo sabi ko sayo diba huwag mo ng
sayangin ang oras mo sa pag-aaral na yan
(magdadabog patayo)
Philip: Ano ba?! Ako pa talaga walang pakinabang sa bahay na to? Ikaw kuya nag-
pamipamilya ka tapos hindi ka magtatrabaho iaasa mo pa sakin at kay tatay ang
panggatas ng anak mo, mahiya ka naman. Ikaw, ang laki-laki mo tapos puro kain,
tulog at barkada lang ang ginagawa mo, sino satin ngayon walang pakinabang?
Nay, hindi ka ba nagsasawang ipatalo sa binggohan ang perang pinaghihirapan
naming kitain ni Tatay ni hindi mo nga maalagaan si bunso puro chismisan kayo ng
mga kapitbahay.
Dave: Huwag ka namang ganyan magsalita
Philip: Sorry Tay pero sobra na, sa bahay na to halos lahat ginagawa ko para
makatulong sa gastusin, ayos lang kasi pamilya ko kayo, pero ngayon itong pag-
aaral ko na ni isang kusing wala akong hiningi mula sa inyo, sisilipin niyo pa? ano
bang akala niyo nagpapakamatay ako sa pagtatrabaho at pag-aaral para lang sa
sarili ko? Hindi, ginagawa ko to dahil may pangarap ako para sa inyo. Nay, Tay
suporta lang kailangan ko ipagdadamot niyo pa ba yun? (walk-out)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Papasok si Camilla na nakadisguise, nakashades at nakabelo/cap, magtatago sa
likod ng school, palinga-linga, makakabangga si Hannah na nagwawalis)
Camilla: ay sorry po
Hannah: ayos lang ne bakit nandito ka wala masyadong estudyante ang
tumatambay dito
Camilla: ayun nga po yung point para wala ng makakilala at mangchismis sakin
(tatanggalin ni Camilla ang shades at cap). Ngayon po nakilala niyo na po siguro
ako.
Hannah: hindi eh bakit sino ka ba? Famous na artista?
Camilla: ay talaga po hindi niyo po ako kilala, nakakatuwa naman po at hindi pala
lahat nakapanood ng scandal na pinakalat ng ex ko.
Hannah: may scandal ka ne?
Camilla: (malungkot na tutungo) ayun po ang alam ng lahat, na ako yung nasa
scandal pero ang totoo po hindi po talaga ako yun, pinatong lang po yung mukha
ko sa video
Hannah: naniniwala ako sayo, nakikita ko sa mga mata mo na nagsasabi ka ng
totoo
Camilla: thank you po, hindi ko lang po kasi maintindihan, buong buhay ko ginawa
ko naman yung tama, diba nga sabi nila kapag gumagawa ka ng tama mapapabuti
ka pero bakit sakin ito yung nangyari? Sirang-sira na ako sa lahat, wala ng
mukhang maiharap sa kahit kanino. Kahit mga taong nakakasalubong ko lang ni
hindi nga ako personal na kilala hinuhusgahan ako ang unfair.
Hannah: wala yun, Ganun talaga ang life napakaraming plot twists at minsan hindi
na natin maintindihan kung bakit kailangang dumating pa ng mga pagsubok na
yun. Pero diba nga “everything happens for a reason” hindi man natin
maintindihan ngayon pero soon maiintindihan din natin kung bakit. Tsaka alam
mo iha, may point sa buhay natin kung saan matutunan nating huwag ng pansinin
ang opinion ng ibang tao lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na ikaw ang
nasa tama at wala kang ginagawang mali. Magpokus ka nalang sa mga taong
talagang nakakakilala sayo at naniniwalang hindi mo nga yun magagawa.
Chloe: tama po kayo hindi po ako dapat nagtatago dito wala naman po akong
ginawang mali
Hannah: that’s the spirit so ano pang inaantay mo chin up, stomach-in , face
them.
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(papasok sa classroom si Camilla (classroom setting: may nakaupo sa desk) at
pagchichismisan ng mga classmates)
Classmate 1: alam niyo ba nung isang araw sinugod ng mga kuya ni Camilla si
Mark
Classmate 2: oo nga ang kapal ng mukha kunyari pavictim
Classmate 3: padeny-deny pa siya na hindi siya yung nasa video eh kitang-kita
naman na siya yun
Classmate 4: siya lang naman girlfriend ni Mark sino pa bang ibang yayain nun
diba?
Classmate 5: akala mo birheng hindi nagkakamali, nasa loob pala ang kulo
(biglang dadating si Camilla)
Classmate 6: speaking of pavirgin!!!
Camilla: Ano bang problema niyo sakin? About pa rin ba sa video? Ilang beses ko
bang sasabihin na hindi ako yun?!
Classmate 3: hay nako Camilla kala ko ba pinalaki kang bawal magsinungaling?
Aminin mo na kasi, normal na naman yan sa ngayon
Camilla: Isipin niyo na ang gusto niyong isipin wala na akong pakialam ang
mahalaga alam ko sa sarili ko na hindi ko ginawa ang kahit isa sa mga binibintang
niyo sakin.
Chloe: Anthonette, tumigil na kayo. Akala ko ako lang ang sinisiraan at
chinichismis niyo ng patalikod hindi ko naman alam na natural na sa inyo ang
manira ng iba.
Anthonette: Excuse me! (sabay walk-out, mag-aalisan na rin ang iba pang mga
chismosa)
Philip: Uy Chloe musta? Okay ka na ba?
Camilla: oo nga pinag-alala mo kami
Chloe: medyo okay-okay na ako ngayon, salamat nga pala kung di dahil sa inyo
wala na ako ngayon
Camilla: walang anuman nga pala salamat at pinagtanggol mo ako kanina
Chloe: wala yun, malaki pa rin utang na loob ko sa inyo pramis makakabawi din
ako
Philip: Hindi na kailangan wag mo na lang uulitin ulit yun ha
Chloe: oo nagising na ako, basta babawi ako sa inyo ( ngingitian ang dalawa)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Makakasalubong ni Chloe ang ex)
Ex: Chloe, Im so sorry, patawarin mo sana ako
Chloe: okay na napatawad na kita sana lang magpakatotoo ka na sa sarili mo, mas
magiging masaya ka pag ginawa mo yun
…………………………………………………………………………………………………………………………..
(Pupuntahan ni Chloe ang grupo ni Mark na nakatambay)
Mark: oo pre kawawa sakin yung mga kuya ni Camilla, bugbog sarado
Tropa 1: bakit parang ikaw yung napuruhan
Mark: daplis lang to, mas grabe yung nangyari sa dalawang kumag
(habang nagtatawanan, lalapitan siya ni Chloe)
Chloe: Hi Mark! Lunch naman tayo oh you know gusto kitang mas makilala pa
(mapapasmirk siya at magyayabang sa mga tropa, aakbayan si Chloe)
Mark: Suree
(sa isang kainan, aalis muna si Mark para umorder, iseset-up ni Chloe ang phone
niya para mavideohan si Mark)
Mark: wait nalang natin yung order
Chloe: so habang nag-aantay tayo kwentuhan mo nga ako about sa ex mo si
Camilla (ipapakitang iistart ang pagrecord)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena: sa bahay nila Philip maaabutan ang mga kapatid sa sala, paalis ang
nanay)
Philip: Oh Nay san po kayo pupunta? Sa binggohan na naman?
Fiel: hindi anak, may tinanggap akong mga labahan, para naman makatulong na
ako sa mga gastusin dito sa bahay at sa pag-aaral mo na rin
Philip: Nay may sakit po ba kayo? Hindi naman po kayo mainit, ano pong sinasabi
niyo?
Fiel: Anak tigil-tigilan mo nga yan, napag-isip-isip ko tama ka nga, sorry anak
Kapatid 1: Nakahanap na rin akong trabaho bro, natanggap akong service crew sa
may fast food chain
Kapatid 2: ako naman kuya, may sideline na rin ako yung dun sa may coffee shop
sa kanto saktong-sakto sa sched ko sa school
Kapatid 3: naghahanap pa lang ako kuya hehe
Kapatid 4: Narealized ko Phil gusto kong bumalik sa pag-aaral hindi ako uunlad
kung patambay-tambay na lang ako, maghahanap na rin ako ng pagkakakitaan
para makatulong din sa gastusin dito sa bahay.
Philip: salamat, pangako ko sa inyo hindi tayo habang buhay ganito aasenso din
ang buhay natin
(maggrogroup hug, at darating ang tatay)
Tatay: Sali naman ako sa group hug niyo (umuubo-ubo)
……………………………………………………………………………………………………………………………...
(Kinabukasan: papasok si Camilla sa school kasabay niya si Chloe, pinagtitinginan
ulit siya ng mga tao ang iba ay napapayuko sa tuwing dadaan siya)
Camilla: Chloe parang dejavu, may scandal na naman bang nilabas si Mark bakit
ganyan na naman tingin sakin ng mga tao
Chloe: hindi ko rin alam girl, huwag mo nalang silang pansinin, smile and be
confident.
(may lalapit na classmate kay Camilla)
Classmate 1: Camilla napanood mo na?
Camilla: ang alin? (titingin ito kay Chloe) sabi ko na may mali ano namang ginawa
nung lalaki na yun(kinakabahan)
Classmate 1: chill ka lang Camilla, may kumakalat na video ngayon si Mark inamin
niya dun na inedit niya lang talaga yung mukha mo sa lumabas na scandal at isang
babaeng bayarin talaga yung kasama niya dun.
Camilla: totoo ba to?
Classmate: oo ito oh panoorin mo
(ipapanood ang video)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Mula sa malayo ay tinatanaw na naman ni Philip si Maura)
Chloe: uy ano ginagawa mo diyan?
Philip: wala
Chloe: kunyari ka pa eh halata namang tinatanaw mo lang si Maura
Philip: oo ay hindi pala
Chloe: alam mo kung gusto mo talaga siya lapitan mo na sabihin mo yung feelings
mo
Philip: hindi siya nababagay sa tulad ko, isang dukha ni pangbigay nga ng flowers
kagaya ng iba niyang manliligaw hindi ko magawa
Chloe: wala namang mahirap o mayaman sa love sabi nga nila love conquers all,
tsaka di ka naman forever mahirap kaya ka nga nag-aaral diba?
Philip: sabagay tama ka, magsisikap akong mag-aral para balang araw ibibigay ko
sa kanya lahat ng mamahaling bulaklak at idedate ko siya sa mga sosyal na resto
Chloe: ganyan nga pero ngayon labanan mo muna yang katorpehan mo
(itutulak si Philip papalapit kay Maura)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Chloe: Hello Dad? Kamusta po yung favor na hinihingi ko sa inyo?
Daddy: Okay na Chloe, naayos ko na lahat nakausap ko na rin ang admin ng school
niyo
Chloe: Thanks Dad
Daddy: wala yun anak
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Nasa Guidance si Philip)
Philip: Ma’am may nagawa po ba akong labag sa rules? Hindi na naman po ako
nahuhuli sa klase, iniiwasan ko na rin po ang pagliban sa school, ano pong
kasalanan ko?
Guidance Councelor: Actually, Mr. Batong-bakal hindi yan ang rason kung bakit ka
nandito. I have some good news for you.
Philip: Ano po yun Ma’am?
Guidance Councelor: May isang mabuting loob na magiisponsor ng pag-aaral mo,
lahat ng gagastusin mo sa school sagot na niya may kasama pang monthly
allowance.
Philip: salamat po Ma’am ang laki pong tulong niyan, pwede ko po bang makilala
kung sino para naman po personal kong mapasalamatan.
Guidance Councelor: pasensiya na Mr. Batong-bakal pero mahigpit na bilin niyang
huwag sabihin sayo kung sino siya. Mag-aral ka nalang mabuti para masuklian mo
ang kabutihan niya.
Philip: Pangako po Ma’am mas paghuhusayan ko pa po salamat po talaga
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Nasa peoples park nagkukwentuhan ang magkakaibigan)
Chloe: kamusta na kayo guys? tagal din nating di nakapaghang-out dahil
nagbakasyon
Philip: oo nga, okay na okay na ako ngayon nagbago na yung pamilya ko tapos yun
nagkascholarship pa ko at masaya kami ngayon ni Maura
(aasarin)
Camilla: ako naman nalinis na ang pangalan ko sa lahat yung mga nangbully sakin
dati panay sorry tapos sa social media din wala ng nangbabash
Philip: ikaw Chloe ang kamusta?
Chloe: ayun masaya na sa bahay bumabawi pa rin sakin yung parents ko, okay
okay na rin yung feelings ko much better than before, tsaka patuloy lang yung
therapy ko with Dr. Arcega.
Camilla: Mabuti naman, kwentuhan mo kami sa naging bakasyon mo sa Europe
Chloe: ay oo nga pala may pasalubong ako sa inyo, dalhin ko bukas
(magpapatuloy ang kwentuhan/tawanan, ipopokus ang camera kay Camilla, then
konting flashback base sa sinasabi niya sa POV)
Camilla: oo sa college mahirap ng magtiwala sa kung sino-sino, pero may iilan pa
ring tao ang nararapat pagkatiwalaan. Sino nga bang mag-aakala na sa madidilim
na yugto ng buhay namin kung saan nahihirapan kaming intindihan ang
nararamdaman, unawain kung tama ba ang mga ginagawa at naging desisyon sa
buhay makakatagpo kami ng kaibigan sa katauhan ng isat-isa. Sa dami ng
natutuhanan ko isa ang pinakatumatak sakin kapag kilalang-kilala mo na ang sarili
mo, kahit pa anong pilit o pressure sayo ng iba hindi ka makakagawa ng mga
bagay na alam mong mali. (End of flashback present, nagkukwentuhan at
nagtatawanan pa rin, ipopokus naman kay Chloe)
Chloe: Napakahirap kalabanin ng sarili, ni sarili mong nararamdaman hindi mo
maintindihan. At kapag tinago mo lang lahat ng ito sa sarili mo, darating ang point
na sasabog ka na. Isa sa mga lessons na hindi ko malilimutan ay hindi tayo dapat
magdalawang-isip na humingi ng tulong sa mga taong tunay na nagmamahal
satin. Hindi man nila tayo lubusang maintindihan pero matutulungan pala nila
tayong magkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy at magkaroon ng pag-asang na
balang-araw mauunawaan din natin ang sarili. (konting flashback then balik sa
present)
Camilla: una na ako sa inyo family day nga pala naming ngayon sige babye guys
Philip: ako rin pala may studydate kami ni Maura
Chloe: sige guys babye (habang papalayo)
Philip: Oo mabagal ang usad ng buhay ko pero natraffic lang pala, natraffic dala ng
hindi ko agad inamin sa sarili ko na hindi ko pala kayang pasanin ng sabay-sabay
ang lahat ng responsibilidad, kailangan ko ng tulong nila. At kahit maka-ilang
traffic man ang dumaan sa buhay ko hindi pa rin akong magsasawang lakbayin
ang daan papunta sa pangarap ko.
…………………………………………………………………………………………………………………………
AFTER 8 YEARS
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Ipapakita ang naging buhay ng mga bida)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena: Si Chloe ay may asawa na at kasalukuyang buntis, sweet na sweet sila ng
asawa, setting: bahay)
Chloe: Hon, ibibigay natin sa kanya ang isang masaya at malaking pamilya, malayo
sa pamilyang kinalakihan ko
Husband: Yes Hon, pangako gagawin ko ang lahat para sa bubuuin nating pamilya
Chloe: Hon nga pala may Alumni Homecoming kami pupunta ako excited na
akong makita ang mga dati kong kaibigan
Husband: sure Hon
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena: isa na ngayong business man si Philip, secretary niya si Maura, setting:
papalabas sila ng office)
Maura: Sir, may nag-email po sakin regarding sa Alumni Homecoming ng batch
natin, pupunta po ba kayo?
Philip: ofcourse, cancel all my schedules during that day
Maura: Okay Sir!
(paglabas ng office)
Philip: mahal san tayo ngayon maglalunch
(aakbayan si Maura)
Maura: kahit saan mahal
(maglalakad na palayo)
……………………………………………………………………………………………………………………………….
(Eksena: naglalakad si Camilla, kasama ang kaniyang kasintahan)
Boyfriend: Camilla, ilang taon na nga ba tayo?
Camilla: 5 years na, don’t tell me nakalimutan mo?
Boyfriend: syempre hindi, 5 years na ang nakakalipas nung una kitang makita dito
dyan sa same spot na kinakatayuan mo, pinangako ko noon sa sarili ko na ikaw
ang babaeng papakasalan ko. At ngayon tutuparin ko na ang pangakong iyon
(luluhod) will you marry me?
Camilla: I do! Yes I will marry you! (magyayakap) Tamang-tama_______,
maabutan ko ng invitations sa kasal natin yung mga kaibigan ko noong college,
may alumni homecoming kami.
……………………………………………………………………………………………………………………………….
Tarpapel: Welcome Back Batch 2022
(Magkasamang darating si Chloe at Camilla)
Chloe: grabe 8 years na pala ang nakakalipas ganun na katagal simula ng maging
magkakaibigan tayo nila Philip
Camilla: Oo nga uy speaking of andyan na siya kasama ang secretary/girlfriend
Philip: Hi girls musta? Uy kalian ba lalabas ang inaanak ko, ninong na ko dyan I
claim it.
Maura: Hi Chloe, Hi Camilla, una na muna ako isa kasi ako sa coordinator
Camilla: sure see you around
Chloe: 3 months for now pa excited na rin kami ng asawa ko.
(Ipapakita yung iba pang napasok, may magcouple, may magkakaibigan etc)
Chloe: Sa tuwing naiisip ko ang nakaraan bago kami makarating sa kung sino kami
ngayon, naaalala ko ang mga tanyag na philosophers sila Socrates, Plato,
Augustine, Thomas Aquinas, Kant, Descartes at marami pang iba, nagkaroon sila
ng ibat-ibang pagkakapakuhulugan kung paano natin uunawain ang sarili, pero
iisang bagay ang pare-parehas sa kanila, lahat sila ay sumubok na unawain ang
kanila mismong sarili, at magpahanggang sa ngayon bawat indibidwal sa
mundong ito ay ganun ang ginagawa. Nagkakaroon tayo ng ibat-ibang
pagkakahulugan sa bagay na ito dala ng ibat-ibang istorya ng ating buhay.
Camilla: Chloe tara na magsisimula na ang event.
…………………………… THE END…………………………………………………………………………………

You might also like