Document

You might also like

You are on page 1of 1

Ang mga modal ay ang mga salitang gumaganap bilang malapandiwa sa isang pangungusap.

Ang mga
modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na anyo, o di kaya'y upang
gumanap bilang malapandiwa. Upang mas malinawan ka ukol sa kahulugan ng modal, narito ang ilang
halimbawa ng mga modal: hangad, ibig, kailangan, at iba pa.

Kahulugan ng Modal

Ang mga modal ay ginagamit upang maging pantulong sa pandiwang may pawatas na anyo, o di kaya'y
upang gumanap bilang malapandiwa.

Kailangang tandaan na ang mga modal ay iba sa mga pandiwa.

Gamit ng Modal

Ang mga modal ay may dalawang pangunahing gamit o silbi. Narito ang mga ito:

Ang mga modal ay ginagamit bilang malapandiwa. Halimbawa: Hangad ko ang iyong kaligayahan sa
buhay.

Ang mga modal ay ginagamit bilang pantulong o panuring sa pandiwang pawatas. Halimbawa: Gusto
niyang makakain ng masarap na tsokolate.

Ano nga pa ang ibig sabihin ng pandiwa na may anyong pawatas? Maaari mong basahin ang mga sagot
na ito: brainly.ph/question/435515 , brainly.ph/question/1084673 at brainly.ph/question/457688.

Uri ng Modal

Ang mga modal ay may iba't ibang uri rin. Narito ang mga ito:

Mga modal na nagpapahiwatig ng paghahangad o pagkagusto: Halimbawa: Nais kong makamit mo ang
tagumpay sa iyong karera.

Mga modal na nagsasaad ng obligasyon: Halimbawa: Kailangan sumunod sa mga alituntunin sa paaralan.

Mga modal na nagpapahiwatig ng posibilidad: Halimbawa: Puwede kang mamitas ng bayabas sa aming
hardin.

Mga modal na hinihinging maganap: Halimbawa: Kailangan mong mag-aral nang mabuti.

Iyan ang kahulugan ng modal.

4.5

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/53740#readmore

You might also like