You are on page 1of 29

“KATERINA”

Isinulat nina : Jack Casela at Nikki Beatrice Taruc

1
CHARACTERS:

Julio (20) - Bidang karakter na iniibig ang bidang babaeng karakter sa kwento. May matikas na
pangangatwan at magandang tindig. Isang anak ng magsasaka at laki sa probinsya.

Katerina (18) – Bidang karakter na may maladyosang imahe, pinong paggalaw at malamyos ang
tinig. Mula sa isang marangyang pamilya.

Karding (21) – Kababata ng bidang karakter na si Julio. Isang probinsyanong laging nauutal sa
letrang “S”.Paminta.

Tolits (20) – Isang manilenyong kaibigan ni Julio na sumama sa kanilang pagbalik sa probinsya.
Mahilig sa babae.

Rosa (18) – Kababata ng bidang karakter na si Julio, may lihim na pagtingin sa kanya.Liberated.

2
SYNOPSIS:

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagmamahalan nina Julio at Katerina na


nawakasan ngunit pilit pa ring pinagpapatuloy. Sa murang edad ay umalis sa kanilang
probinsya sina Julio at Karding. Inintindi ito ni Katerina at pinaghawakan ang pangako
nilang dalawa sa isa’t isa. Lumipas ang mga araw, lingo, at buwan, si Katerina ay naging
aktibista dahil sa kagustuhan niyang maprotektahan ang kanilang probinsya at dahil na rink
ay Julio. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang magulang. Nalaman ito ng mga militar kaya
sila pinasok at pinagpapatay. Inuna ang kanyang ama’t ina na pinagsasaksak sa kanyang
harapan at pagkatapos ay isinunod siya. Siya ay inalipusta at binaboy. Ginahasa siya ng
mga armadong lalaki pagkatapos siya ay itinali sa balkonahe at sinunog ng buhay.

Lumipas ang limang taon at bumalik si Julio sa Sitio de Magalau, ang kanilan
probinsya. Usap-usapan roon ang pagkawala ng mga kalalakihan na hindi malaman ang
dahilan. Sa kanilang pagbalik ay agad na hinanap ni Julio ang nilalaman ng kanyang puso.
Sa oras na ala sais ay naghihintay siya sa labas ng bahay nila Katerina. Sa ganoong oras
kasi ay natutulog na ang mga magulang nito kung kaya’t palihim silang nagkikita sa loob
ng bahay. Hindi naman din nila magagawa iyon sa labas dahil ay lumilibot din upang
tingnan kung sino ang lumalabag sa curfew. Nangyari ang kagustuhan ni Julio at madalas
silang magkita ni Katerina. Isang araw ay nakita ni Tolits si Katerina at nabighani sa ganda
nito. Sa sobrang kasabikan niya sa babae ay sinundan niya ito. Pagkatapos ng tagpong iyon
ay siya’y nawala. Hahanapin siya nina Karding at Rosa. Ganun na din si Julio. Dito nila
malalaman mula kay Rosa na matagal ng patay si Katerina. Aaminin din niya na siya ang
may kasalanan kung bat nahuli si Katerina. Kokomprontahin ni Julio si Katerina dahil sa
sinabi ni Rosa. Aaminin naman ni Rosa ang kanyang nagawa. Gusto niyang gumanti sa
mga gumawa sa kanya niyon kaya lahat ng lalapit at mabibighani sa kanyang ganda ay
pinapatay niya. Sa matagal na panahon ay patuloy pa rin niyang hinihintay si Julio. Sa pag-
amin ni Katerina ng sakit at hinagpis ng kanyang buahy kay Julio ay tuluyan nang
matatahimik ang kaluluwa nito. Magtatapos ang dula kay Julio na ikinekwento ang istorya
ng pagmamahalan nila ni Katerina sa mga bata.

3
PROLOGUE

(Lahat ng ilaw ay nakapatay maliban nalamang sa isang ilaw na nakatutok kay Katerina.)

Katerina:
Mahal, hindi ko bibitawan ang pangako natin, kahit ako’y masawi, ako parin ay
mananatili.

(Lights off)

SCENE I

(Lights on; sa lower stage lamang)


(Production: Bisperas ng Fiesta; Dance and Sing)
(Magsisimula ang produksiyon ng masaya. Malapit na magpiyesta sa kanilang Sitio de
Magalau. Makikita ang mga tao na nag-aayos ng kani-kanilang mga dekorasyon.
Sasabayan nila ito ng isang magandang at nakakaaliw na kanta. Papasok sina Julio,
Karding, at Tolits sa kanang parte ng entablado. Galing sila ng isang mahabang biyahe
galing Maynila at ngayon ay umuwi na sila ng kanilang probinsya. Makikita si Julio na
nakangiti ngunit may iniisip na malalim. Makikita din ang ilang tao dun na masayang
naguusap usap. Makikita ding may hawak na panyo si Karding. )

Karding:
Hay salamat, nakabalik din!Grabe, tagal kong nawala dito!

(Tatakbo si Tolits at biglaang kinuha ang panyo ni Karding.Iwawagayway niya ito sa


hangin habang tumatawa. Hahabulin ni Karding si Tolits.)

Karding:
Tolits! Lintek na, ibalik mo ang panyo ko!

Tolits:
Abutin mo! Bilis! Pandak!

(Habang nag-aasaran sina Karding at Tolits , mapapansin ni Tolits na nakatulala si Julio.


Titigilan na ni Tolits ang pagwawagayway ng panyo at hahablutin ang kanyang panyo.)

Karding:
Paano ba naman kas-

Tolits:
Tingnan mo si Julio oh! Bakit ganiyan ‘yan?Tulala.

4
Karding:
Ahh! Paano ba naman kasi, sabik na siya sa kababata niya.

Tolits:
Ahh, kaya naman pala eh.Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pag-ibig.

Karding:
Oo, kita mo, naalala ko tuloy si—

Tolits:
Wala akong pake sa kwento mo.

Karding:
Aba’t!

Tolits:
Pero teka, sino nga ba yung kasintahan ni Julio?

(Maaalis sa pagkatulala si Julio dahil narinig niya ang pangalan ni Katerina. Hahanapin
niya kung san nagmula ito. Mapapansin ang pangungulila at tuwa sa mukha nito.)

Julio:
Katerina?Nasaan? Nasaan si Kate-

Tolits:
Wala, wala dito yung kasintahan mo ‘no! Katerina ka diyan!

Julio:
Akala ko pa naman nandito na siya.

(Biglang dadating si Rosa mula sa kaliwang parte ng entablado na may malaking ngiti.)

Rosa:
Julio! Andi—

Tolits:
Kamusta magandang binibini?

(Lalagpasan lang ni Rosa si Tolits. Si Karding naman ang haharang sa kanya at aakbayan
siya nito.)

5
Karding:
Rosa! Kamusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita ‘a! Aba, hindi biro ang limang
taon. Ang laki na ng pinagbago mo ah!

Rosa:
Oo nga Karding! Si—

Karding:
Parang kailan lang, napakaiyakin mo pa.

(Hindi papansinin ni Rosa si Karding. Mapapakamot na lang ng ulo si Karding at lalapit


na lang kay Tolits.)

Rosa:
Julio! Kamusta ka na? Nabalitaan ko na dumating na daw kayo kaya agad akong
nagpunta dito. Ang tagal niyo ding nawala ah!

Julio:
Ah, eh, mabuti naman. Teka, si Katerina? Nasaan siya? Bakit di mo kasama?

Rosa:
Ah, eh. Hindi pa ba nakaabot ‘yung balita sa ‘yo?

Julio:
Ha? Balita? Anong balita?

Rosa:
Na si Katerina ay-

Tolits:
Katerina?‘Di ba iyon ‘yung kasintahan mo? Nasan? Patingin naman!

Karding:
Masyadong atat? Ikaw ba ang nobyo ha? Ikaw ba?

Tolits:
Bwisit na to! Nagtatanong lang naman.

Julio:
Sandali nasaan na nga ba si Katerina?

(May mga tao na makakakilala kina Julio.)

6
Lalaki:
Julio? Ding?

Karding:
Pare! Uy tangkad mo na ah!Kamusta?

Lalaki:
Mabuti, Ding. Aba kayo ang kamusta? Manilenyong manilenyo na ang dating niyong
dalawa ha.

Julio:
Mabuti din. Nakita mo ba si Ka—

(Lalapit ang isang matandang babae.)

Matanda:
Julio at Karding? Aba ‘e kayo na ba ‘yan? Binatang binata na kayo ha!

(Magmamano sina Julio, Karding, Rosa, Lalaki, at si Tolits.)

Julio:
Oho! Matagal tagal rin ho kaming hindi nakauwi, sabik na sabik na ako sa hangin ng San
Simon.

Matanda:
Ah siya nga pala, mga iho, mag iingat kayo ha. ‘Wag na kayong maglalalabas ng gabi,
delikado. Lalong lalo na pagsapit ng alas sais.

Karding:
Ho? Bakit naman ho?

Matanda:
Basta mag-iingat kayo. ‘O siya mauuna na ako at ako’y mamamalengke pa. Julio,
ikamusta mo ko sa nanay mo ha!

Julio:
Opo! Ingat ho!

Tolits:
Anong sabi? Mag iingat? Anong meron?

Rosa:
Kasi—

7
Karding:
Ano ba ‘yan, kadarating pa lang natin, kinikilabutan na agad ako. Tara na nga!
Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom!

(Hihilahin ni Karding si Tolits at susunod naman ang dalawa.)


(Exit.)
(Lights off.)

Scene II
(Lights on)
(Papasok sina Tolits, Karding, Julio at Rosa mula sa kanan. Nasa tapat sila ng bahay ni
Katerina.)

Rosa:
Julio, kumusta sa Maynila? Magkwento ka naman oh.

Julio:
Ano, ayos lang naman pero iba parin talaga ditto.

Karding:
Uy, Julio ayos ka lang?

Julio:
Ah, oo Karding! Ayos lang. May naalala lang ako. Ahh, pwede bang maghintay tayo
hanggang alas sais?

Rosa:
Ha? Bakit? Para saan pa? Eh sir-

Tolits:
Julio naman, aba tara na! Saka ano bang gagawin natin dito? Wala ka rin namang
mapapala diyan sa bahay na ‘yan.

Julio:
Pero, si Katerina.

(Hihilahin ni Tolits si Julio paalis. Susunod na sina Karding at Rosa. Maiiwan ang tingin
ni Julio sa balkonahe. Unti-unting mamamatay ang ilaw sa lower stage habang
tumutunog ang 6PM na kampana. Makikita si Katerina sa balkonahe at may hawak na
larawan ni Julio.)

8
Katerina:
Julio! Julio! Nasaan ka na? Tanda ko pa sa aking gunita ang alaala ng maamo mong
mukha na tila talang nagniningning sa kalangitan. Ilang taon ang iniintay ko sa iyong
pagbabalik, mahal. Nasan ka na ba mahal ko?

(Mapapansin ni Katerina na may aninong gumalaw sa isang sulok. Aakalain niyang si


Julio iyon kaya’t kanyang hahabulin.)

Katerina:
Julio? Julio?! Sandali!

Scene III
(Papasok si Rosa mula sa kaliwang bahagi ng entablado. Makikitang sinusundan niya si
Julio.)

Rosa:
Julio! Sandali! San ka pala pupunta? Maari ba akong sumama?

Julio:
Ahh pupunta sana ko sa may bayan.

Rosa:
Ahh ganun ba. Ok lang ba kung sabayan kita maglakad papunta don?

Julio:
Ahh sige.

Rosa:
Kamusta naman sa Maynila? Hindi ka ba nahirapan? Balita ko naging mahirap din ang
buhay niyo doon ahh.

Julio:
Ahh oo. Medyo naging mahirap nga rin pero kinaya naman.

Rosa:
Naging mahirap din samin eh. Noong umalis kayo pakiramdam ko nawalan na ko ng mga
kaibigan. Kayo lang din naman yung pinagkakatiwalaan ko. Saka parang may nawalang
parte rin sa puso ko nung nawala ka.

Julio:
Ha? Ba’t naman? Hindi mo ba nakakasama si Katerina?

9
Rosa:
Ahh hindi eh. Matagal—

(Mapapansin ang pagtingin-tingin ni Julio sa kanyang relo.)

Julio:
Ah, Rosa, mauuna na ko ha. Gagabihin na ko eh. Pasensya na.

(Aalis si Julio at magtatangka si Rosa na pigilan siya ngunit magdadalawang isip siya.
Maglalakad na lang siya palihis sa dinaanan ni Julio at babangga siya kay Karding.)

Rosa:
Oh! Karding?Anong ginagawa mo dito?

Karding:
Ahh, sinusundan kasi kita. Saan ka ba pupunta ha? Halika, tara! Magdidisco tayo!

Rosa:
Hindi na, kayo na lang. May gagawin pa ako. Tsaka, hindi rin naman masyadong patok
ang disco dito.

Karding:
Sigurado ka ba?

Rosa:
Oo. Ipagpaalam mo na lang ako kay Julio.

Karding:
Sige, mag iingat ka ha.

(Malamyang uupo si Rosa sa isang upuan sa parke na malapit sa kanya.)

Rosa:
Para ka naming tanga Rosa! Ano bang meron sa kanya at pinagpipilitan mo pa yung sarili
mo sa kanya. Julio! Julio! Julio ka na lang ng Julio! Ang dami daming lalaki diyan oh.
Ang tanga tanga mo naman! Pero bakit kasi hindi niya ko pinipili? Bakit si Katerina pa
rin? Bakit lagi na lang siya? Ginawa ko naman ang lahat ah. Pangit ba ko? Nagkulang ba
ko? Sa dinami-dami ng pwede mong mahalin Rosa, bakit yung taong may mahal pang
iba? Itatak mo na sa kokote mo na kahit kailan hindi ka niya mamahalin! Tama na Rosa!
Ang sakit sakit na! Pero mahal ko siya eh. Mahal na mahal ko siya na handa akong
umalpas sa tadhana para ikabit ang sarili ko sa kwento ng buhay niya. Na ako ang maging
dulo niya, maging kahihinatnan niya, maging huli, at dakilang pag-ibig niya. Dahil

10
gustuhin ko mang ako ang maging mundo niya, tala lang ako na panonoorin siyang
umikot sa iba.

(Production: Tila Tala: Solo)


(Unti-unting mamamatay ang ilaw kasabay ang paghina ng pagkanta ni Rosa.)

Scene IV
(Lights on.)
(Papasok si Julio mulasa kanang bahagi ng entablado. May dalang sapin at basket na may
tinapay.)

Julio:
Katerina! Katerina? Bigo man akong masilayan ka ng ilang taon, pakiusap pagbigyan mo
na ako ngayon. Nais ko lang ipahayag ang aking pangungulila sa matagal kong
pagkakawalay sayo, mahal.

(May mga dumadaan na tao, na titignan si Julio at pagtatawanan.Magsisimulang kumanta


si Julio.Tutunog ang bell; Lulungkot ang kanta sa gitna. Biglang iingit ang pinto tanda na
bumukas ito. Dahan dahang papasok si Julio doon.)

Julio:
Katerina? Andito ka ba? Hindi mo ba natatandaan ang mumunting bulong ng pangako na
binigkas ko sayo noon? Ang paghangkan ng kamay ko sa iyong braso at kung paano
dumulas at nagdaop palad sa iyo? Lumabas ka lang Katerina, kahit anino o lamang ay
pupunan ang ilang taong hinagpis at pangungulila ko sayo. Kahit ang pag-aalinlangan na
namumutawi sa aking puso’y mapapawi. Ituloy natin, aking sinta. Ituloy natin ang ating
kwentong pilit hinahawakan ng abong taon at tinutupok ng taksil na pagkakataon.
Pakiusap mahal ko, magpakita ka.

(Limang segundong titingin si Julio sa balkonahe at maghihintay pero walang lalabas.


Akmang aalis na siya ngunit tatawagin siya ni Katerina mula sa balkonahe)

Katerina:
Julio! Julio!

(Lilingonin siya ni Julio at ibababa ang mga dala at tatakbo patungo kay Katerina)

Katerina:
HUWAG! Ju-Julio ako na! Ako na ang pupunta sayo!

(Bababa mula balkonahe si Katerina na sabik at lalapitan si Julio. Akmang yayakapin ni


Julio si Katerina pero mapipigilan din sya ni Katerina)

11
Katerina:
Huwag!

Julio:
Bakit? Di pa ba mahaba sayo ang limang taon na di tayo nagkikita?

Katerina:
Hindi naman sa ganon pero simula nung lumisan ka Julio nahawa ako ng sakit at hindi
ko kaya na maghirap ka rin katulad ko. At baka mahawa ka mahal.

Julio:
Kahit anong paghihirap kakayanin ko basta kasama ka lang Katerina.

(Unti-unting yayakapin ni Julio si Katerina. Magdadalawang isip si Katerina, ngunit


yayakapin din naman. Magugulat si Katerina.)

Julio:
Mahal, ang tagal kong hinintay itong panahon na ito.

Katerina:
Julio, ako rin. Ako, rin.

(Mapapansin ni Julio ang ibinaba niyang gamit at kukunin ito.)

Julio:
Tara doon tayo sa hardin niyo.

Katerina:
Ha? Oh sige?

( Ilalatag ang sapin at ibaba ang basket na may lamang tinapay.)

Julio:
Eto, ang tagal kong nawala, kaya gusto ko ibalik yung dati.

Katerina:
Ju-Julio?

Julio:
Katerina, naalala mo pa ba ito? Dito, sa ilalim ng madilim na kalangitan na punong-puno
ng tala.

12
Katerina:
Oo, Julio. Tandang-tanda ko, maging ang pinakamaliit na detalye.

Julio:
Sa lugar na ito kung saan natin binuo ang pangako natin na magbabalik ako para sayo.
Eto, Pan de Coco, ang paborito natin.

Katerina:
Pan de Coco! Oo nga, hindi mo parin pala nakalilimutan.

Julio:
Syempre, bakit ko malilimutan to? Eh kada pagkikita natin, eto ang bitbit ko lagi.

(Habang kausap ni Katerina si Julio ay unti-unting itatago nito ang Pan de Coco sa likod.)

Katerina:
Julio, kamusta nga pala sa Maynila? Baka may nahanap ka nang iba dun ha.

Julio:
Katerina, sa dinami-dami ngmga babaeng nakilala ko, wala paring papantay sa kinang ng
mga tala sa iyong mga mata.

Katerina:
Julio, sa dinami-dami rin ng mga binata na nagdaraan sa harapan ng balkonahe namin,
ikaw lamang ang nagiisang lalaki na nagpabaga at bumihag sa mga tala ng aking mga
mata.

(Nakatulala lang si Julio kay Katerina, mauubos ang Pan de Coco; kinakain habang
nagsasalita si Katerina.)

Katerina:
Mahal, sa tagal mong nawala, ni isa sa mga binata dito sa bayan natin ang nagpatila sa
init ng pagmamahal ko sa iyo.

Julio:
Talaga? Halika! Mayroong sayawan sa Plaza ngayon Katerina!

13
Katerina:
P-pero Julio…

Julio:
Mahal, ang tagal ko nawala, hindi mo pa ba ako mapagbibigyan?

Katerina:
Sige na nga Julio, payag na ko sa hiling mo.

(Aalis silang dalawa ng entablado at unti-unting maglilights off.)

Scene V
(Lights on sa babang stage.)
( Makikita ang mga tao sa plaza na masayang nagkwekwentuhan. Papasok si Katerina at
Julio. Aayain ni Julio na magsayaw si Katerina.)
(Production: Slow Dance; 60’s and 70’s)
(Cue: Saxophone)

Julio:
Ah, grabe! Naalala ko mahal, bata pa tayo noong huling pumunta tayo sa plaza.
Nanonood pa tayo ng mga binata at dalagang sumasayaw noon.

Katerina:
Ngayong mga binata at dalaga na tayo; tayo naman ang mapapanood ng mga kabataan
ngayon.

(Titingin ang mga tao kina Julio at Katerina na para bang nagtataka. May isang
pasimpleng tuturo kay Julio.)

Julio:
Sinta, may dumi ba ako sa mukha?

Katerina:
Wala naman mahal ko, bakit?

14
Julio:
Kanina pa kasi tayo pinagtitignan ng mga tao e.

Katerina:
Hayaan mo sila. Inggit lang sila sa ating dalawa.

(Matatapos silang magsayaw at hihitakin na ni Katerina si Julio.)

Katerina:
Halika na, mahal!

(Pupunta na sila sa likod then lights off.)

Scene VI

(Lights on maliban sa ilaw ng balkonahe ; Alas sais ng gabi)


(Nanlulumong papasok si Tolits mula sa kaliwang bahagi ng entablado na tila ba tamad
na tamad. Lilingon lingon siya na tla ba may hinahanap.)

Tolits:
Ano ba naman ‘yan, wala man lang ba makakainan o kahit anong magagawa dito?
Nakakatamad naman, sa Maynila hindi naman ganito. Gusto ko ng umuwi. Sana pala ay
hindi na lang ako sumama!

(Tutunog ang kampana at mabubuhay ang ilaw sa balkonahe kung kaya’t mapapatalon sa
gulat si Tolits at lilingon sa kung saan-saan. Maglalakad lakad siya sa labis na kainipan
ngunit mapapadaan siya sa bahay ni Katerina. Madidinig niya ang pag-ingit ng pinto.
Dahil sa kuryosidad ay papasok siya doon.

Tolits:
Tao po? Sino po andito? Hala nakakatakot naman ang bahay na to. Sayang mukhang
maganda.

(Lalabas si Katerina sa balkonahe at mapapansin ito ni Tolits.)

Tolits:
Hmm, sino ba ‘yong magandang ‘yon?Miss! Miss!

15
(Diretso ang tingin na babalik si Katerina sa loob ng balkonahe.)

Tolits:
Hala, teka ganda! Sandali lang!Miss?

(Pagdating ni Tolits sa balkonahe ay titingin sa mga manonood; ngingiti nang nakakaloko


pero unti-unting mapapalitan ng takot ang expression kasabay ang unti-unting paghina
ang ilaw.)
(Production: Death Scene of Tolits)
(Lights off.)
(Sisigaw ng napakalakas na tila ba sinasaktan.)

Scene VII
(Lights on)
(Aligagang papasok si Karding mula sakanang bahagi ng entablado. Makikita ang mga
kapitbahayna nagwawalis, naglalaro, nag-iiwi ng sanggol, etc.)

Karding:
Tolits! Tolits!

Nanay:
Ano ba naman ‘yan, Karding! Umagang umaga, sigaw ka ng sigaw!

Karding:
Ay pasensya naman ho ‘no? Nawawala kasi kaibigan ko, alangan namang hindi ko
hanapin, ‘di ba?

Nanay:
Aba’t—

Matandang babae:
Hoy Nena maglubay ka nga.

Nanay:
Bahala nga kayo d’yan! ‘Pag nagising ‘tong anak ko e.

16
Matandang babae:
Aba’y edi patulugin ulit. Naku, talaga itong batang ‘to oo. (Kay Karding) Ano kamo, iho?
Sino ba ang nawawala?

Karding:
‘Nang, ‘yung kaibigan ko ho kasi na kasama kong umuwi mula Maynila, ayon hindi pa
umuuwi simula kagabi.Hindi pa naman non kabisado ‘tong lugar natin.

Matandangbabae:
Lalaki ba ‘yong kaibigan mo, Ding?

Karding:
Inang naman, hindi kayo talo non. Binata pa ‘yon! Ikaw e napaglipasan na ng panahon,
pahinga na! Aysus!

Matandangbabae:
Bastos kang bata ka ‘a. Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, lintik ka.

Karding:
Ano ba namang malay ko, ‘Nang! Hindi ko naman alam ‘e.

Matandang babae:
Hindi niyo ba alam ang nangyayari rito sa lugar natin, ‘Ding? Wala bang nagbabala sa
inyo nang umuwi kayo?

Karding:
Babala? Baba—b-ba.. Inang, ‘wag mo sabihing totoo ‘yung sinasabi ng ibang matatanda
dito? Tungkol sa pagkawala ng mga lalaki?

Matandang babae:
Alam niyo naman pala, bakit hindi kayo nag-ingat?

Karding:
Hala totoo nga? Inang ‘wag naman kayo nagbibiro ng ganyan!

17
Matandang babae:
Sana nga biro lang at hindi totoo, pero hindi ‘e. Sa loob ng halos tatlong taon ‘e
maraming kalalakihan na dito sa bayan natin ang nawala at hindi na muli natagpuan pa.

Karding:
B-buti na lang hindi ako lalaki.

Matandang babae:
Ha? Ano kamo?

Karding:
Hindi, wala po. Hindi pa ba nalalaman ang dahilan kung bakit nawawala ang mga lalaki
dito, ‘nang?

Matandang babae:
Iba-iba ang sinasabing dahilan. May mga nagsasabi na kinukuha daw ng mga kulto tapos
iniaalay, ang iba naman sabi kinukuha daw ng mga bandido at pinapasanib sa kanila.
Pero sa lahat ng haka-haka nila ay isa lang ang pinaniniwalaan ko. May multong
gumagala dito sa San Simon. At hindi ito titigil hangga’t hindi nito nauubos ang
kalalakihan sa bayan natin.

Karding:
I-inang, ibig mo bang sabihin, w-wa-wala na s-si Tolits?

Matandang babae:
Hindi tayo sigurado, iho. Kaya hanapin mo na agad siya, baka sakaling makita mo pa
siya. O siya, mauuna na ‘ko, magluluto pa ako ng almusal.Mag-iingat ka ha.

Karding:
Sige ho ingat kayo.

(Mag-eexit sa kaliwang bahagi ng stage ang matanda.)

Karding:
Tolits, nasaan ka na ba kasi?
(Lights off.)

18
Scene VIII

(Gabi; lights on maliban sa ilaw sa balkonahe.)


(Makikita si Karding na muling hinahanap si Tolits. Lalapit siya sa mga tao sa paligid at
tahimik na magtatanong habang iminumuwestra and tangkad nito. Ang mga tao sa paligid
na tatanungin ay iiling at babalik sa kanilang ginagawa. Maglalakad ng ilang hakbang si
Karding papunta sa harap. Makikita si Karding na pagod na pagod. Humahangos na
papasok si Rosa mula sa kanang bahagi ng entablado.)

Rosa:
Karding!

Karding:
Oh, Rosa? Bakit?

Rosa:
Itatanong ko lang sana kung nasaan si Julio. May sasabihin kasi ako sa kan’ya.

Karding:
Ah, si Julio. Nandon kila Katerina.Sinusulit ang bawat oras kasama ang nobya n’ya.

Rosa:
Ka-katerina? Kala Katerina?

Karding:
Oo, Katerina. ‘Yung nobya ni Julio at kababata natin. Bakit ba gan’yan ang reaksyon
mo? Gabi gabi naman siyang nakila Katerina simula nung bumalik kami mula Maynila.

Rosa:
Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Karding, hindi ito nakakatawang biro.

Karding:
‘E sino bang nagbibiro? Sigurado ako no! Si Julio mismo ang nagsasabi sa akin kung
saan siya pupunta.

Rosa:
Karding napaka-imposible ng sinasabi mo ka-kasi matagal ng patay si Katerina.

19
Karding:
Hoy, ano bang pinagsasasabi mo ha?! Nabubuang ka na ba?! Ikaw ata ang nagbibiro eh!

Rosa:
Karding, mukha ba akong nagbibiro? Totoo ang sinasabi ko at alam ‘yon ng buong
San Simon. Tatlong taon na ang nakalipas. Nagulat na lang kami ng magising
kami sa amoy ng sunog. May nanloob sa bahay nila Katerina. Ang mga magulang
niya ay pinatay sa saksak habang si Katerina, si Katerina ay ginahasa at hinayaang
masunog ng buhay. Saksi ako noon.

Karding:
H-hindi ‘yan totoo. Kasi kung totoo ‘yan, Rosa, sino ang kinikita ni Julio gabi-gabi?

Rosa:
Karding, hindi ba ninyo alam ang nangyayaring kababalaghan dito sa San Simon?

Karding:
Ang pagkawala ng kalalakihan?

Rosa:
May mga matatandang nagsasabi na si Katerina ang kumukuha at kumikitil sa buhay ng
mga lalaking ‘yon na kailanman ay ‘di na muling natagpuan. Karding, hindi pa
natatahimik ang kaluluwa ni Katerina. Gumaganti siya sa mga kalalakihan dahil sa
malagim na sinapit n’ya.

Karding:
Kung gano’n, delikado si Julio?

(Tatango si Rosa at magkakatinginan ang dalawa.Tutunog ang kampana ng simbahan.


6:00 p.m. Magkasunod na tatakbo sina Karding at Rosa palabas ng entablado.)

Karding:
Si Tolits at Julio!

Rosa:
Karding, hintayin mo ko!
(Exit.)

20
SCENE IX

(Bubukas ang ilaw sa balkonahe.)


(Makikita si Julio na naglalakad na para bang may hinihintay. Sumisipol sipol at
nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo. Lalabas si Katerina mula sa balkonahe.)

Katerina:
Julio.

Julio:
Katerina! Mahal ko!

Katerina:
Kanina pa kita hinihintay, mahal ko.

Julio:
Patawarin mo ako kung pinaghintay na naman kita, mahal.

Katerina:
Basta’t ikaw Julio.Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal.

Julio:
Anong gusto mong gawin o puntahan natin ngayon, mahal? Ah! Halika’t makipagkita
tayo kay Karding! Nagrereklamo na sa’kin ang damuhong ‘yon dahil simula raw ng
makabalik kami sa San Simon ‘e hindi pa kayo muling nagkikita.

(Akmang hihilahinni Julio si Katerina ngunit pipigilan siya nito.)

Katerina:
Ah, Julio. Pwede bang manatili na lang tayo rito? Kuwentuhan mo ako tungkol sa
Maynila.

Julio:
Hmm, sige.Halika rito at ikukuwento ko sa’yo.

(Isasalaysay ito ni Julio gamit ang kanta.)


(Production: Song about Manila)

21
Katerina:
Mukhang napakaganda sa Maynila! Napakasaya niyo siguro nung nag-aaral pa kayo
d’on.

Julio:
Katerina, kahit saang lugar ako makarating, sa piling mo lamang ako tunay na sasaya.
Lagi mong tandaan iyon.

(Lalawak ang ngiti ni Katerina at mapapayuko upang itago ang kilig na nararamdaman.)

Julio:
Malalim 22non a22 ang gabi. Halika na, mahal. Baka hanapin ka na ng mga magulang
mo. Baka kagalitan ka ng mga ‘yon, alam mo namang dati pa ay hindi na nila ako gusto
para sa’yo.

(Maglalakad patungo sa hagdan ng balkonahe, aakyat si Katerina at tatayo sa gitna ng


balkonahe; tititigan ng dalawa ang isa’t isa; mula sa backstage ay maririnig ang mahinang
pagsigaw nila Karding at Rosa ng “Julio.” Na unti-unting nagiging malinaw at malakas.
Papasok sina Karding at Rosa mula sakanang bahagi ng entablado. Halos manlaki ang
mga mata at mapanganga si Katerina. Dahan dahan siyang papasok sa loob ng balkonahe
ng hindi napapansin ni Julio.)
Julio:
Karding? Rosa? Anong ginagawa niyo rito?Bakit ba ninyo ipinagsisigawan ang pangalan
ko ng dis-oras ng gabi?

Karding:
Julio, mayroon kang kailangang malaman. Si Katerina—

Julio:
Ah! Si Katerina. Alam kong sabik ka nang makita muli ang kababata natin. Nandoon siya
‘o!

(Ituturo ang balkonahe ngunit mapapansin na wala na si Katerina.)

Julio:
Mukhang nakapasok na siya.

22
Karding:
Hindi, Julio! Makinig ka muna kasi!

Julio:
Ano bang meron? Anong nangyayari?

Karding:
Julio—

Rosa:
Patay na si Katerina!

Julio:
Ano bang sinasabi niyong dalawa? Mukhang nasobrahan kayo sa lambanog ha?

Rosa:
Julio, matagal ng patay si Katerina. Ganon ba kahirap para sa’yo na paniwalaan ako?
Kami? Julio, wala na siya! Tatlong taon ng patay si Katerina! Wala na!

Karding:
Julio, kahit ako ay hindi makapaniwala ngunit—

Julio:
Hindi.Imposible ‘yang sinasabi niyo. Ilang gabi ko ng nakakasama at nakakausap ang
mahal ko! Kaya paanong patay na siya tulad ng sinasabi ninyo? Kabulaanan!

Rosa:
Ginahasa at sinunog siya ng buhay! Julio, wala na siya at ang buo niyang pamilya niya.
Tingnan mo ang bahay na ‘yan. Luma, sunog, at wala ng nakatira.Julio, wala na siya.
Patay na si Katerina.

Julio:
Hindi, mali kayo. Ako, Rosa. Kasama ko si Katerina kanina lang. Nakakausap ko siya,
nahahawakan.

Rosa:
Pero sigurado ka 23non ang Katerinang nakakasama mo ay buhay pa, ha?

23
Julio:
Bakit niyo ginagawa ‘to? Ayaw niyo ba kaming maging masaya?

Rosa:
Julio! Sinabing wala na nga si Katerina! Ang gusto lang namin ay maging ligtas ka!

Julio:
Hindi! Hindi ako maniniwala sa inyo! Alam kong buhay pa si Katerina. Nakakasama ko
siya!

Rosa:
Julio, patawarin mo ako. Maniwala ka sakin. Patay na si Katerina!

Julio:
Paano mo nasasabi yan eh nakakasama ko nga siya!

Rosa:
Dahil ako! Ako ang may kasalanan ng lahat! Ako, Julio. Kasalanan ko. Isinuplong ko si
Katerina sa mga militar. Nung mga panahon na iyon Julio ay magkasama pa kami. Alam
ko lahat ng ginagawa niya. Nalaman ko rin na naglalahathala siya noong mga panahon na
iyon. Sinusubukan niyang kalabanin ang gobyerno para sa probinsya natin at para na rin
sa iyo. Palagi ka niyang bukambibig sa akin, Julio. Na sana raw ay manatili kang ligtas.
Gagawin daw niya ang lahat para sayo. Julio, mahal kita noong mga panahon na iyon.
Lubos ang pagdadalamhati ko noong umalis ka. Nabulag ako ng selos dahil sa liham na
patago mong pinadadala. Akala mo hindi ko alam? Nagselos ako Julio! Na bakit siya ay
pinadadalhan mo samantalang ako ay hindi. Lumapit ako sa mga militar at pinagsabi ko
ang ginagawa niya. Julio, pinagsisisihan ko ang ginawa ko noon. Hindi ko alam na
ganoon ang mangyayari sa kanya. Palagi kong sinisisi ang sarili ko dahil nagawa ko iyon
sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa niya.
Patawarin mo ako, Julio. Patawad.

Julio:
Umalis na muna kayo. Kailangan kong makausap si Katerina.

Rosa:
Julio..

24
Julio:
Nagmamakaawa ako, hayaan niyo akong kausapin ang mahal ko. Naguguluhan na ako,
hindi ko na alam ang gagawin ko. Karding, parang awa mo na.

Karding:
Manatili kang ligtas, Julio.

Rosa:
Ihingi mo ako ng tawad sa kanya, Julio. Patawad.

(Hihilahin ni Karding si Rosa paalis ngunit manananatili ang mata 25non a25n Julio.)

Julio:
Katerina!

(Lalakad at pupulot ng maliliit na bato; babatuhin ang balkonahe.)

Julio:
Katerina! Mahal, naririnig mo ba ako? Katerina? Hindi totoo yun, ‘di ba? Buhay ka, alam
ko ‘yon. Nakakausap, nakakasama, nayayakap kita.Katerina, gulong-gulo na ako. Hindi
ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko. Lumabas ka, mahal. Patunayan mong
maliang sinasabi nila. Magpakita kalang at sa’yo ako maniniwala.Sa’yo lamang.

(Unti-unting lalabas si Katerina mula sa balkonahe.)

Julio:
Sabi ko na nga ba, mahal. Mali ang sinasabi nila.

Katerina:
Julio, patawarin mo ko.

Julio:
Hindi, Katerina. Ako ang patawarin mo. Patawarin mo ako sapagkat pinagdudahan kita.

25
Katerina:
Julio, patawarin mo ako kung hindi ko nagawang lumaban. Patawarin mo ako dahil
naging mahina ako. Pero, mahal, hindi ako umalis. Nanatili ako. Pinanghawakan ko ang
sumpaan nating dalawa. Hinintay kita.

Julio:
Katerina, ano bang sinasabi mo? Hi-hindi kita naiintindihan.

Katerina:
Dama ko pa rin hanggang ngayon, kahit maraming taon na ang lumipas. Nararamdaman
ko pa rin ang pagbalot ng nag aalab na init sa aking katawan na tumutupok sa pagkatao
ko. Julio, ramdam ko pa rin ang mga makasalanan nilang kamay na humahaplos sa
walang laban kong katawan. Bawat 26non a26 ay mas lalo akong nagiging madumi.
Ginamit ako na mistula ba isang walang buhay na bagay,walang halaga. T-tama na,
parang awa niyo na! Tila sarado ang mga tainga nila sa bawat hinagpis at pagmamakaawa
ko, Julio. Hindi ako makaalpas! Hindi ako makalaban. Wala akong magawa kun’di ang
magmakaawa at hintayin ang pagsapit ng aking pahimakas.Sa kanan ko, naroroon sila.
Ang aking ina, na siyang nagbibigay ng ilaw sa buhay ko. Nakita ko kung pano tinakasan
na ng kislap ang mga mata niya, naliligo sa sarili niyang dugo. Tanaw kodin sa gilid niya
ang aking ama na siyang sandigan 26non a sa hirap at ginhawa. Pinipilit niyang lumaban
para sa akin at para kay Mama. Pero sa huli’y talo siya, talo kami. Julio, nasasaktan ako.
Hindi ko na kaya. Hindi ako makahinga, wala akong makita, Julio. Ang ningas ng apoy
ay unti –unting lumalago at gumagapang sa lanta kong katawan pero ang alab ng pag-asa
ay tuluyan ng naglaho. Julio, nasaan ka 26non ? Julio, tulungan mo ko. J-julio.. Julio…
Mahal, hindi ko bibitawan ang pangako natin na kahit ako’y masawi, ako parin ay
mananatili.

Julio:
Katerina, hindi! Nagbibiro ka lang ‘di ba?

(Makikitang umiiling si Katerina habang may malungkot ng ngiti sa kanyang mga mata.)

Julio:
Katerina..patawarin mo ko. Sa mga panahon na kailangang kailangan mo ako, wala ako
roon para tulungan ka. Mahal, pinilit kong tuparin ang sumpaan natin, umaasa ako na sa
pagbalik ko ay maipagpapatuloy natin ang naudlot nating pag iibigan. Katerina, walang
araw ang lumipas na hindi ka dumadapo sa isipan ko. Ikaw ang tanging laman ng isip ko
at ng puso ko. Ikaw lamang, mahal. Dumaan ang mahabang panahon ngunithindi
nagbago ang nararamdaman ko para sa’yo. Katerina, hindi ko na kakayanin na mawalay
pa sa’yo. Katerina.hintayin mo ko, mahal. Sasamahan kita. Hinding hindi ka na muli
mag-iisa.

26
(Bababa mula sa balkonahe; aabutin ang kamay ni Julio at idadampi ito sa mga pisngi
niya.)

Katerina:
Julio, tumingin ka sa mga mata ko. Patay na ako, Julio. Hindi na ako nabubuhay pa
kailanman. Gustuhin ko mang makasama ka ay hindi na pwede. Ang mahalaga sa akin ay
natupad natin 27non a27ng sumpaan. Hinintay kita at bumalik ka.

Julio:
‘Wag kang magsalita ng gan’yan, mahal. Handa akong gawin ang kahit na ano,
makasama ka lamang. Maging ang buhay ko, handa akong ialay para sa’yo.

Katerina:
Tatlong taon. Tatlong taon na nilamon ng poot ang puso ko. 27non a27 masilayan kitang
muli, ang mukha ng taong pinag alayan ko ng puso ko, naglaho ang lahat ng ‘yon. Sa
mga taon na inilagi ko dito, Julio, nakagawa ako ng mga bagay na maging ako, hindi
inakalang makakayang gawin ang mga ‘yon. Mahal, gumanti ako. Maging sa mga
inosenteng tao. Hindi na ako ang Katerinang iniwanan mo limang taon na ang
nakalilipas. Hindi na ako ang Katerina na minahal mo.

Julio:
Shh. Katerina, ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko. Mahal at tanggap kita, hindi
alintana ang mga bagay na nagawa mo. Kaya nga handa akong samahan ka, sa lugar kung
saan tayo lang dalawa. Wala ng ibang makagagambala pa sa atin.

Katerina:
Julio, Maraming tao pa ang nagmamahal sa’yo, hindi lamang ako. Ang mga magulang
mo, sina Karding at Rosa, ang mga kaibigan mo. Julio, tingnan mo sila , hindi nila
gugustuhing mawala ka.

Julio:
Ngunit paano ka?

Katerina:
‘Wag mo akong intindihin. Matagal ko ng tanggap ang kapalaran ko. Masaya na ako,
mahal, dahil alam kong hindi mo ako nalimutan. Masaya na ako, dahil sa bawat nakaw na
sandaling kasama kita, ipinaramdam mo sa’kin na mahal mo ako. Julio, pinapalaya na
kita.

Julio:
Katerina..

(Iiling si Julio at hahalikan ang noo ni Katerina.)

27
Katerina:
Sa hinaharap, alam kong makakakita ka pa ng taong makakasama mo sa habangbuhay. At
hindi ako ‘yon.Mahal kita at patuloy kitang mamahalin, ngunit ito na 28non a28ng
hangganan. Sa pagbubukas ng isang bagong kabanata sa buhay mo, ‘wag mong
kalilimutan na mayroong isang babae ang naghintay at nagmahal sa’yo ng lubos. At ang
babaeng ‘yon ay sana’y tandaan mong ako.

(Dahan dahang mamamatay ang ilaw kasabay ang paglalakad ni Katerina palayo kay
Julio. Mapapaluhod si Julio at patuloy na iiyak.)
(Lights off.)
(Production: Pagtanggap)

Scene X

(Nakaupo ang matandang Julio sa rocking chair; napapaligiran siya ng apat niyang apo:
sina Auring, Fredo, Paulyn, at Jimuel. May hawak na libro si Julio at isasara iyon.)

Old Julio:
At ang babaeng ‘yon… ay si Katerina.

Auring:
Lolo, bakit naman ganon?Mahal nila ang isa’t isa ‘e bakit kailangan pa nilang
maghiwalay.

Fredo:
Patay na nga si Katerina ‘di ba? Paano pa magsasama ‘yon ha.

Paulyn:
Maglubay nga kayong dalawa.

Jimuel:
Anong nangyari matapos non, Lolo?

Old Julio:
Mula ng araw na ‘yon ay hindi na muli pang nagpakita sa Katerina. Ang pagkamatay ng
kalalakihan ay nahinto na rin.

Auring:
28non a pong nangyari kay Julio, Lolo?

28
Old Julio:
Si Julio? Nabuhay siya ng matagal na panahon, apo. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin
nawawala si Katerina sa puso’t isipan niya.

Fredo:
Mahal na mahal talaga niya si Katerina ‘no?

Paulyn:
Sa’yo lang naman kasi walang nagmamahal.

Fredo:
Lolo ‘o!

Old Julio:
‘O siya baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo. Magsiuwi na kayo mga apo.

(Tatayo at yayakap kay Julio ang mga apo niya.Exit.)

(Makikitang bubuksan muli ang libro na hawak niya. Mula doon ay kukunin ang nakaipit
na larawan.Yayakapin ang larawan at pipikit habang patuloy ang pag-ugoy ng rocking
chair.)

Julio:
Katerina, mahal ko.

(Biglang bubukas ang ilaw sa balkonahe. Doon ay nakatayo sa Katerina.)

Katerina:
Mahal, hindi ko bibitawan ang pangako natin, kahit ako’y masawi, ako parin ay
mananatili.

(Lights off.)
(Production: Ending)
END.

29

You might also like