You are on page 1of 5

Tatlong Mukha ng Kasamaan

ni U Nu
isinalin ni Salvacion M. delas Alas
(binigyan ng bagong mukha ng Group 5)

Characters:
Cedric Dizon (script)(Narrator)
Ej Dela Cruz (actor) (korte)
Gaspar D. Princes (Editing)
Gianelle Apuan (actor) (kapitana)
Harold Pablo (actor) (bida 1)
JM Ortiza (actor) (buyer)
Jupiter Cadalin (Kasakiman) (bida 2)
Kathrin Velarde (actor) (Nanay ni Jupiter)
Khirstoff Dorado (actor) (Tatay ni Harold)
Mark Dominic (Kamangmangan sa batas ng sandaigdigan) (pinsan ni Jupiter)
Raspbarry Greg (actor) (Tatay ni Jupiter)
Renz Moises (actor) (Tambay kaibigan ni Jupiter)
Tillas Khristine (actor) (Tambay kaibigan ni Harold)
Yzela Leigh (actor) (Nanay ni Harold)

(-------------------------------------------------------------------------------------------------------------- )

Harold: Uy pre! Pwede pa pabor? May kwintas kasing pinamana si lola diko alam kung magkano
halaga… pwede ba tulungan moko ma benta? *binigay

Jups: *tinanggap…Sige pre subukan ko mabenta ah pero diko mapapangako kung Malaki o
maliit ang halaga ah.

Harold: ahh sige lang pre salamat ah.

Jups: *pumunta ng sanlaan…Magandang araw po ser, ibebenta ko sana tong kwintas legit na
ginto to ser baka gusto nyopo.

Michael: Patingin muna sir at nang masuri ko…*inabot ni jups…Ooooh mamahalin to sir ito ay
anting anting na, bibigyan kita ng sampung libo para dito *inabutan ng pera

Jups: Sige ser inyo nayan *kinuha…salamat boss

Jups: Uy pre may balita ako sayo, Nabenta kona yung kwintas kaso pre ambaba lang ng presyo
eh dalawang libo kolang nabenta sorry *inabot yung dalawang libo

Harold: *kinuha Ok lang yun pre maraming salamat pre pangdagdag gastusin rin to salamat uli.

(-------------------------------------------------------------------------------------------------------------- )
Narrator: Nalaman ni Harold na hindi buo ang binigay na pera ni Jupiter at siya ay nagalit at
nagtanim ng sama ng loob kay Jupiter. Isang araw nag kita uli sila Jupiter at Harold.

*Nagkita uli sila Jupiter at Harold*(action/video)

Harold: Pre balita ko hindi daw buo binigay mong bayad sakin ah

Jupiter: Ha!? HAHAHA diko alam sinasabi mo pre yun lang yun

Harold: Pre naman wag kana mag maang-maangan bago pa kita ipakulong

Jupiter: Wala akong alam sa sinasabi mo pre bala ka sa buhay mo *tumalikod*

Harold: Diko gusto to pre *sinapak ng sinapak*

Jupiter: tama na pre, eto na yung kulang sa inabot ko pr…pre…pre *nabugbog

Mga Tambay (Renz, Tillas): Uy! uy! uy! Awatin nyo par…

Narrator: Dinala sila Harold at Jupiter sa barangay para magpaliwanag ng kanilang mga
dahilan…

Kapitana (Gianelle): Oh, ano naman ginawa niyong dalawa, at ano ang nangyari sa mukha
netong isa!?

Harold: Kapitana nagnakaw kasi siya sakin ng pera na nagkakahalaga ng walong libong piso.

Kapitana(Gianelle): Oh ikaw naman bat nagka ganyan mukha mo?

Jupiter: Kapitana bigla nalang ako binugbog magbabayad naman sana ako kaso bigla nalang ako
sinunggaban ng kamao!

Kapitana(Gianelle): Ikaw ay nagnakaw kaya dapat kang makulong pero dahil sa ginawa netong
kasama mo mapapaiksi ang pagkakulong mo at siya ang magbabayad sa mga pampagamot sayo
iho, dalin nyo nato sa kulungan.

Narrator: Si Jupiter ay nakulong na pagtapos ng ilang oras may pumunta sakanya para mapalaya
siya.

Mark: Pinsan! Ano ginagawa mojan?!?!

Jupiter: May kinuha kasi akong walong libong piso pero binalik korin naman kaso kinulong
parin ako.

Mark: Ahh saglit kausapin ko si kapitana baka sakaling mapalaya kita


Mark: Kapitana magandang umaga po, tungkol po sa pinsan ko binalik niya naman daw po yung
perang kinuha niya baka naman po pwede na siya palayain? Magbabayad narin po ako ng isang
libo para sa mga ginawa niyang gulo at para narin sa discharge niya.

Kapitana (Gianelle): Oh, sya sige maari kanang lumabas jan iho wag mona uulitin ginawa mo ha.

Narrator: Naka labas na si Jupiter pero ang sama ng loob at galit niya kay Harold ay lalong
lumala…isang araw sa sobrang galit ni Jupiter sinugod niya ang bahay ni Harold at nagpanggap
na walang pakay. Pero ang hindi alam ni Harold may masamang plano si Jupiter.

Jupiter: Tao po tao po, nanjan poba si Harold? May aabot lang po sana

Harold: tara pre! pasok ka, saglit lang pre ah kuha kita makakain at maiinom

Jupiter: Sige lang pre salamat

Narrator: pagkatayo at pagkatalikod ni Harold bigla nalang siyang sinuntok ni Jupiter!

Jupiter: *sinapak si Harold hanggang sa mangilo ito at mawalan ng buhay

Yzela: hughhh(gasp sound) ANO GINAWA MO?!?! LOVE TUMAWAG KA NG PULIS


*picture shots sound*

Dorado: ANLAKAS NG LOOB MO PARA PUMUNTA DITO WALANG HIYA KA!

Narrator: Agad na nagmadali ang mga pulis at agad na pinosas si Jupiter. Ang problema ay agad
na umabot sa korte at agad rin itong inaksyonan!

(-------------------------------------------------------------------------------------------------------------- )

Court (EJ): Maari na kayong magsipag upo, ayon dito sa kaso na aking binabasa si Jupiter ay
pinatay si Harold sa pamamagitan ng pagbugbog dito hanggang sa mamatay ito. Maari ka nang
mauna Prosecutor ilahad mo ang bawat detalyeng alam mo.

Yzela: Ang lalaking yan, yan ang pumatay sa aking anak. Sa sobrang galit niya dahil sa kanyang
pagkakakulong ay hindi niya kinaya at gumamit pa ng dahas para makaganti, At ang
pagkakakulong niya ay kasalanan nya rin naman dahil inuto niya at ninakaw niya ang walong
libo ng aming anak.

Dorado: TOTOO YAN DAPAT SIYANG MAGBAYAD SA KANYANG KASALANAN!

Tillas: Dapat lang yang makulong napaka ignorante

Renz: Puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi nyo sa kaibigan ko!

Tillas: Manahimik ka wala kang alam!


Court (EJ): Katahimikan! Yun lang ba Miss Yzela?

Yzela: Opo your honor

Court (EJ): Ikaw naman defendant anong masasabi mo?

Jupiter: Inaamin ko po napatay ko si Harold dahil sa galit ko, lubos po ako humihingi ng tawad
sa aking nagawa pero alam ko naman na kahit anong sabihin o gawin ko ay hindi kona
mababalik ang buhay ni Harold…

Velarde: Hindi yan ang tama anak pinagtanggol molang ang sarili mo sila pa nga dapat ang
magbayad.

Greg: Tama ang iyong nanay gumanti kalang rin naman at dapat lang rin!

Tillas: MGA MANGMANG! Hindi nyo baa lam ang self-defence sa pag-ganti!

Court (EJ): Magsitahimik kayo ikalma niyo ang inyong mga sarili.

Jupiter: Tinatanggap ko po ang mga parusang nagiintay saakin at ako ay himihingi ng patawad sa
magulang ni Harold pasensya napo kayo nagpadala ako sa aking galit…

Court (EJ): Dahil jan ikaw ay makukulong ng apatnapung taon sa preso at magkakaroon ng
multang nagkakahalaga ng 1253119.75 PHP o 25 000 US dollars.

Narrator: Sa apatnapung taon na naka kulong si Jupiter kada araw ay nagdadasal siya para
humingi ng kapatawaran, lumipas ang apatnapung taon at agad na pumunta sa simbahan si
Jupiter para sa ginawa niyang krimen noong nakalipas apatnapung taon, at agad siyang dumaan
sa bahay ng nanay at tatay ni Harold para humingi ng tawad.

*40 years later*

Jupiter: Maam Yzela Sir Dorado pasensya napo talaga sa aking ginawa diko na po uulitin, lubos
po akong nagsisi sa aking ginawa, alam kong hindi nyoko mapapatawad pero sana mapatawad
nyoko, masakit po ang mawalan ng anak kaya sobra sobra po akong nagsisi sorry po uli.

Dorado: Pinapatawad kana namin ang Diyos nga kayang magpatawad kami pa kaya…wag
monalang uulitin at wag ka muna magpakita saamin dahil hanggang ngayon masakit parin para
saamin ang nangyari…

Narrator: Ang paggiging makasarili, magagalitin, at mang-mang sa batas ay ang pinaka tatlong
kasamaan sa sandaigdig ito ay normal dahil tao lang naman tayo at tayo ay nagkakamali pero
sana hindi natin ito gawin para sa ating sariling pangangailangan o kagustuhan, tandaan natin na
laging naka gabay ang Diyos saaten at ang ginagawa natin sa ating kapwa ay babalik rin sa atin
ng hindi natin namamalayan. Ang pagbibigay tiwala sa isang bagay ay parang basong nabasag,
pag ito ay nabasag pwede moto maayos pero hindi mona ito mababalik sa dati.

You might also like