You are on page 1of 14

0|Page

LAYBRARI: Saan nagsimula ang


Tao?
(Library)

ni DANIEL LORIO
2|Page

MGA TAUHAN

MATT 16, Top 1 sa kanilang klase.Inatasan ng mga guro nila na


tulungan ang tatlo niyang kaklase.

DREW 16, isa sa mga bumagsagsak sa klase na kailangan gumawa ng


special project sa laybrari.

ARTHUR 16, isa sa mga bumagsagsak sa klase na kailangan gumawa ng


special project sa laybrari.

Z 16, isa sa mga bumagsagsak sa klase na kailangan gumawa ng


special project sa laybrari.

TCHR. ZHEN 24-28, guro sa ESP and Filipino sa AMC High School.

TCHR. BELL 24-28, guro sa Araling Panlipunan sa AMC High School.

TCHR. RHEA 24-28, guro sa Science sa AMC High School.

TEPEU Maya God, “The Maker”.

GUCAMATZ Maya God, “Feathered Spirit”.

MALAKAS Unang lalaki sa alamat ng Pilipinas.

MAGANDA Unang babae sa alamat ng Pilipinas.

C. DARWIN Nagmungkahi ng “"Theory of Evolution by Natural Selection"

VOICE OF GOD “The Creator”

EBA Unang lalake at magulang ng sangkatauhan ayon sa mito ng


paglikha ng mga relihiyong Abrahamiko na Hudaismo,
Kristiyanismo at Islam.

ADAN Unang babae at magulang ng sangkatauhan ayon sa mito ng


paglikha ng mga relihiyong Abrahamiko na Hudaismo,
Kristiyanismo at Islam.

TAGPO
3|Page

Laybrari ng Paaralan. Ang dula ay magaganap sa isang Laybrari ng AMC High School.

Unti-unting liliwanag ang tanghalan. Nakahiga sa ibaba ng puno si Crisanto. Mula sa likod
ay papasok si Julian. Maririnig ang mga humahampas naalon ng karagatan. Maya-maya ay
maririnig ang tunog ng isang malayong galleon. Dahan-dahang papasok si Julian akmang
gugulatin sa pagkakatulog si Crisanto.

SCENE 1 (Crisanto at Julian)

CRISANTO [nakahiga at nakapikit parin, ] Hmmm… Huli ka nanaman sa oras ng


pinag-usapan natin.

JULIAN Aba talaga? (Mapapatingin sa orasan) Nahuli lang ako ng iilang


minuto Anto… [Mapapatawa] Hiyang-hiya naman ako sa beinte- sais
na beses na nahuli ka sa tamang oras ng datingan. At dito pa talaga,
kung saan iilang metro lamang ang layo mula sa bahay ninyo.

CRISANTO [nang-uuyam] Patawad Ginoo’y sapagkat wala akong magarbong


kalesang masasakyan… Ibinuro ka na naman marahil ng Gobernador
sa kanyang seminario de partido. Kung alam lang nya ano ang
pinaglalaban ng kanyang Unico Hijo. (matatawa)

JULIAN [Mapapatawa, tatabihan] Isang buwan din tayong di nagkikita…


Parang di ka naman nasasabik na makita akong muli. Maaari
mo bang ikwento sakin kung paano mo pinalipas ang iilang
linggo na wala ako dito sa maynila?

CRISANTO [Mapapaisip] Trabaho parin, kahapon ay ipinagbili ko sa bayan ang


mga kinuha naming mga bungang kahoy ni ina, tapos nag lagay ng
mga silo at balatik sa taniman,Tapos nung nakaraan ay pumunta kami
sa ilog ng mga kasamahan ko para-

JULIAN -Nilunod mo nanaman ang sarili mo sa pag tratrabaho.


Nakakapag pahinga ka pa ba Anto?

CRISANTO Paminsan minsan, kapag ‘di lumalabas si Senor Matias, humahanap


ako ng paraan na makabalik dito at matulog kahit kaunting oras
lamang. Eh kapag nandidito lang naman ako nakakaramdam ng ganap
na pahinga at tulog.
4|Page

JULIAN Talaga’y ‘di pa rin nawawala ang kasipagan mo Anto. Bigla kong
naala-ala tuloy nung nakita kita doon, sa mga kapunuan. Dala dala
ang isang kaing na ipinadala sayo ng nanay mo para dalhin sa
Intramuros. Nandun ka, tinitingnan ako sa malayo. [Manunuya] Isa
kang espiya senyor!
CRISANTO Loco! Inoobserbahan lamang kita dahil hindi karaniwang may
Peninsulares na pa gala gala dito. Akala ko nga’y isa kang multo dahil
sa kaputian mo! Mabutit kumaway ka sakin kung kayat nauliratan
kong totoo ka ngang tao!

JULIAN Abay loco ka rin ah! Eh ba’t ka tumakbo?

CRISANTO Kasi!

JULIAN Kasi?

CRISANTO [Parang nagpapaliwanag na bata] Kailangan ko pong ihatid ang mga


kaing sa In-tra-mu-ros.

JULIAN Pinatakbo mo pa ako. Ikaw pa lamang ang nagpa takbo sakin ng


ganun ka bilis?

CRISANTO Aba! Sino ba nagsabi sayong habulin ako senyor? (Uyam)

JULIAN Akala ko kasi magsusumbong ka nun. Kayat sinundan kita.


Pagkahuli’y doon lamang pala kita makikita sa Panaderya ng mga
Lourdes! (Imumuwestra) Dahan-dahang lumakad, lumingon lingon,
walang ano-anoy ----

CRISANTO Ano?

JULIAN AT Dinakma mo ang pan de coco ni Aling Lourdes!


(Magtatawanan ang dalawa)

CRISANTO [Gagayahin Si Lourdes] Ahhh! Usted indio pecaminoso! Ibalik mo


ang pan de coco ko! (Nagpipigil ng tawa) Napakamalisyoso mo
Julian. (tatawa)
5|Page

[Ilalahad ng dalawa ang nangyari sa mga oras na iyon.]

JULIAN Doña Lourdes!

CRISANTO [Bilang Aling Lourdes] Señor Julian! Ninakaw ng impostoleng indio


na iyan ang pan de coco ko.

JULIAN Doña… Señorita Lourdes… Paumanhin na po pero hayaan nyong


ako na po ang magbayad sa aberyang nagawa ng aking kaibigan.
Hindi ho yata nababagay sa inyong karikitan ang magalit ng lubha at
baka mangulubot ang iyong mukha.

CRISANTO [Bilang si Lourdes) Ano ba senyor, napakabolero mo naman. (Kilig)


Kung gayo’y isa ka palang kaibigan ng guwapong anghel na ito. O
sya sige idagdag mo itong pandesal at minatamis na bao dyan.
(kukurutin sa pisngi si Julian) Ikamusta mo na lamang din ako sa
iyong Amang Gobernador De Silva.
[Magtatawanan ang dalawa]

JULIAN Ibang klase talaga ang kalibre mo Anto! Hindi ka lamang espiya,
magaling ka pang mandakma! Buti nalang at sinagip ka ng isang
guwapong anghel.

CRISANTO Guwapong? Anghel?

JULIAN Syempre ako! Di ko pa nga narinig ang pasasalamat sa pag ligtas ko


sa buhay mo nun…

CRISANTO Oo na! At wag kang mag-alala, kapag naka ipon na ako ay babayaran
ko yun lahat!

JULIAN (Matatawa) Wag na!… Lutong adobo lang na iyong Ina ay sapat na
[Saglit] Siya nga pala bago makalimutan!
6|Page

[Mula sa kaniyang kaing ay ipapalabas ni Julian ang iba’t ibang libro. Panlipunan,
Económicas, Relihiyon]

JULIAN Idagdag mo pala to sa mga babasahin mo. Wag kang mag-alala,


ipapabigay ko kaagad dito ang ibang libro ng kastila kapag natapos na
ako sa aking semestra.

CRISANTO Napaka swerte mo talaga Julian… Malayong hangarin lamang sa mga


katulad ko ang makakapagbasa ng mga librong gaya nito…

JULIAN Hangarin… El sueño. La ilusión… Hindi yun mahirap abutin Anto.


Sandali na lamang ay makakapag-aral ka na’t makakapasok sa mga
unibersidad at kapag nakapagtapos ka’y matutulungan mo na ang
iyong Ina. (aakbayan)

CRISANTO Di tayo nakakasigurado diyan. (Katahimikan). Mahirap nang umasa


Julian… Di yan ang buhay para saming mga Indio. Kaya siguro,
mapayapang mabubuhay na lamang kami dito…
Bibitiw sa pagkakaakbay at titingnan ni Crisanto si Julian. Ikinukumpara ang sarili,
waring may inggit.

JULIAN Bakit?

CRISANTO Magkaiba tayo Julian, malayong malayo… Hindi nararapat ang


katulad ko sa lugar niyo.

JULIAN Magkaiba? Ayan nanaman! Ba’t lagi mong iginigiit yan? Pareho
naman tayong nasasaktan… Parehong nakaka ramdam ng mga
emosyon. Bakit labis mong pinipilit na magkaiba tayo Anto? Hindi ka
ba naiinis sa mga taong nagdidictar kung ano ang ating kinalalagyan
sa lipunan? Base lamang sa kulay ng ating balat? Sa estado ng buhay?
Anto… kailangan nating patunayan na maling kaisipan yan! Paano
natin magagawa iyon kung pati ikaw ay sumusunod sa gusto nilang
paniwalaan mo?
7|Page

Katahimikan. Hinihintay ni Julian ang tugon ni Anto, ngunit ito’y tumitingin lamang sa
karagatan. Maririnig ang TUNOG ng mga parating na Galeon.

CRISANTO Maaga yata ang balik nila ngayon? … Konting panahon na lamang
Julian at sasakay ka na din sa galeong tulad niyan…
JULIAN Sa susunod pa na buwan ang alis ko Anto. Pero kung iisipin ay bilang
na lamang ang oras ko dito sa Pilipinas. [Saglit] Masidhing hangin talaga
ang oras.

CRISANTO Masidhing hangin?

JULIAN Oo… Bawat segundo ay may dala itong bagong bagay ...ideya… Pero
mabilis namang tangayin ang mga ito para palitan ng bago. [Ngingisi]
Punong puno ng misteryo.

CRISANTO Ako ba yung ideyang tatangayin ng hangin Julian?

JULIAN Ano ka ba Anto… Hinding hindi kita makakalimutan. Walang


makaka palit sayo.

CRISANTO Sinasabi mo lang yan sapagka’t nandidito ka pa. Kapag na sa Espanya


ka na, panigurado, sa di katagalan ay may bago ka nang makikilala
doon.

Tititigan ni Julian si Crisanto sabay ngingisi. Makikita ito ni Crisanto.

CRISANTO Bakit? Anong nginingiti mo diyan?

(Di makaka sagot agad si Julian. Ngiting ngiti parin ito.)

CRISANTO Ano na naman yang iniisip mo Julian?

JULIAN (Tititig kay Anto)… Nagseselos ka ba? (Di makakasagot si Anto)


8|Page

Tutunog muli ang Galeon.

Matatawa si Julian. Lalaki ang mga mata ni Crisanto, bigla ito mahihiya,
CRISANTO (Mauutal) Ba’t naman ako magseselos?! Edi umalis ka! Wala naman
yun problema sakin! Kung dyan ka magiging masaya! Edi Sige, mag-
sama kayong mga multo sa Espana!

Tatalikod si Crisanto waring aalis. Pulang-pula ang mga pisngi neto. Hahabulin ni Julian si
Crisanto at hahatakin pabalik

JULIAN Anto naman binibiro lamang kita, kung makapag salita ka kasi ay
parang kasing dali lang ng pag palit ng camisa ang pag palit ko ng …
ng kaibigan. Dipa nga ako nakaka alis ay panay selos ka na.

CRISANTO Hindi nga ako nag seselos… Nakakalungkot lang na magkakahiwalay


tayo ng napakatagal Julian. Alam kong mahal mo ang bayang ito at
kung may magagawa lamang sana ako upang manatili ka na lamang
dito.

JULIAN Kung ako man ang papipiliin ay mas nanaisin ko paring bumalik dito,
hindi lang dahil mahal ko ang bayang ito ngunit dahil nandidito
ang taong mahalaga sakin. (Dagli) Pero sumusunod lamang ako sa
kahilingan ng aking pamilya. Alam mo na yun, sa ayaw at hindi,
kailangan kong mangibang bayan para tapusin ang aking pag-aaral.

CRISANTO Tapos? Anong plano mo?

Di makukuha ni Julian ang ibig-sabihin ni Crisanto. Magtitinginan lamang ang dalawa.

JULIAN Ano ba ang gusto mong marinig sakin Anto?

CRISANTO Paano na ang samahan natin?


9|Page

JULIAN Anto. Sa tagal na nating magkaibigan hindi naman mawawala yun


hindi diba? Kahit gaano man tayo ka layo’y mananatili yun.

Unti-unting maiiyak si Anto, ilalayo niya ang kaniyang mukha kay Julian.

CRISANTO [Nawawalan ng boses] Dito ka na lang…

JULIAN Ito na naman tayo, kada magpapaalam na lamang ako upang umalis
ay naluluha na naman ang magaganda mong mga mata. [papahiran
ang mga luha ni Anto] Hindi ba pwedeng palipasin muna natin ang
oras?

CRISANTO Palipasin ang oras? Palipasin ang iilang taon? Iilang panahon pa ba
ang lilipas bago ka bumalik?

JULIAN Anto, alam mong hindi na mababali ang desisyon ni ama, ang
magagawa lamang natin ay ang mag antay. Alam kong kaya mo…
Wag lang nating kalimutan ang isa’t isa.

CRISANTO Julian… Sinugò ka ng Dios upang may kaulayaw akosa walang


katapusang kapighatian. Hindi ko alam kung ano ang maiiwan sakin
kapag ika’y umalis. Nailatag na ang iyong kinabukasan, samantalang
ako… Ako? Hinahanap ko pa rin ang aking silbi sa bayan, sa bansa.
Napaka walang kwenta ko-

JULIAN Anto…

CRISANTO Dapat nga ako’y maging masaya para sayo hindi ba? Kasi… Kasi ang
mga pangarap mo’y dapat pangarap ko din. Siguro’y natatakot
lamang ako sa posibilidad na ako’y makakalimutan mo. Na tatangayin
ako ng hangin at papalitan ng meron, ng mas magpapasaya sayo,
yung di ka hihilain pababa gaya ko. Yung-

Puputulin ni Julian ang sasabihin ni Crisanto


10 | P a g e

JULIAN Nawawala ka nanaman sa kaisipan mong ka’y lalim gaya ng dagat ng


Maynila. Kung ano man ang iyong naiisip sa mga oras nato’y sabihin
mo… para maiintindihan ko.

CRISANTO Nakakapagod na ba ako Julian?

JULIAN Mapapagod ba ako sayo Anto? Simula ng mga panahong kasa-


kasama kita. Sa mga kapanaginipan kong nakikita kitang naka tindig
sa tabing dagat ng Maynilà, nakatanaw sa malayong abot ng
paninging nababalot sa malamlam na liwanag ng maagang
pagbubukang liwayway, mga panaginip na pumupukaw sa damdamin
at mga alaala ng ating kamusmusan, ang ating mga katuwaan, at ang
buong maligayang panahong binigyan mo ng kasayahan at
kapayapaan. Mapapagod ba ako sayo?

CRISANTO Alam kong hindi Julian… Pero bakit tila may mas mahalagang bagay
pa sa pagkakaibigan natin?

JULIAN Mahalaga parin sakin ang edukasyon at ang tiwala ng aking pamilya
Anto… Nawawalan na ako ng mga salitang magpapalinaw sayo kung
gaano yun ka importante sakin at dapat sayo rin.

CRISANTO Kung pupunta ka ng Espanya… Manatali ka sa kapayapaanng pinili


mong buhay, at limutin mo na ang nakaraang hinayaan mong
tangayin ng hangin.

Katahimikan. Saglit. Hihilain ito ni Julian at yayakapin.

JULIAN Anto… kung alam mo lang, kung pwede lang sana…


11 | P a g e

CRISANTO Julian? [Bibitaw] Bakit? Anong ibig mong sabihin?

Tutunog muli ang parating na Galeon. Matitigilan si Julian. Lalaki ang mga mata nito nang

may makikita sa malayo. Hihina ang musika. Halata ang kaba sa kaniyang mukha.

JULIAN [Balisa] Anto… Nasaan ang nanay mo?

CRISANTO Nasa bahay. Teka lang! Bakit? Anong problema?

JULIAN Kailangan nating tumakbo patungo sa Simbahan ng San Agustin!


May mga extranjero na gustong pumasok sa isla, ‘di na tayo ligtas
dito!

CRISANTO Extranjero? Sandali Julian naguguluhan ako anong gusto mong


Ipabatid?
JULIAN Saka na yun Anto. Mas importante ngayong makalikas kayo ng nanay
mo at ng mga tao papunta sa Intramuros!
CRISANTO Paano ako nakaka siguradong magkikita pa tayo?

Papasok si Fernando hapong hapo.

FERNANDO Señor Julian!


JULIAN Nando? Anong ginagawa mo dito?! (babaling kay Crisanto)

JULIAN Huwag mo na akong hintayin pa Anto, sa simbahan na tayo magkita.


Doon ko sasabihin sayo ang lahat.
FERNANDO Wala nang oras Señor! Kailangan mo nang umalis! Dumating na ang mga
holandés para sakupin ang Maynila, isusunod na ang buong isla ng
Luzon! Anto, lumikas na rin kayo ng iyong Ina.
12 | P a g e

CRISANTO Mangako kang magiging ligtas ka Julian. Mangako ka na magkikita


pa tayo! Hihintayin kita.

JULIAN Magkikita tayo, pangako. (Ididikit ang ulo nya kay Crisanto)

Hindi kikilos agad si Fernando. Matitigilan ito. Tatakbo palabas si Crisanto

FERNANDO Hinihintay ka na ng iyong ama sa porte Señor… Tatakas ka papuntang


Espanya... Di na ligtas dito sa Maynila. Kahit simbaha’y‘di na pwede
gawing kanlungan.

JULIAN Hindi! Kailangan kong manatili dito! Hindi pwedeng aalis lang ako’t
iwanan ang mga tao para mamatay! Nangako ako kay Anto.

FERNANDO Nauunawaan ko ang iyong pagkasiphayo. Ngunit sa ganitong sitwasyon ay


wala kang maitutulong Señor! Hindi mo ito laban! Ang mabuti pa’y
mangibang-bayan kayo kung saan ligtas kayo sa digmaan.

JULIAN Ba’t mo ako pinapaalis Nando? Hindi ako magiging tapat sa aking
bayan kapag iniwan ko lang siya.

FERNANDO Sa pagka't hindi pa kayo handa sa paghihirap na dadating! Dahil hindi ka pa


handa sa paghihimagsik para sa ating bayan.

JULIAN Masakit sakin na marinig ang iyong mga salita Nando. Ikaw ang
nagmulat at sumaksi sa aking pagmamahal para sa bayan at ang
kaniyang kapakanan.

FERNANDO Señor iniibig ninyo ang bayan, sa pagka't ganyan ang itinuro sayo ng iyong
ama; iniibig ninyo palibhasa'y dito, meron kayo ng sigla, kayamanan, at
sa pagka't mataas ang respeto sa inyong buong bayan. Sa pagka’t wala
pang nagagawang mali ang bayan na ito sa inyo; Iniibig mo ang
bayan, katulad ng pag-ibig natin sa mga bagay na nagbibigay satin ng
kaligayahan.
13 | P a g e

JULIAN Ganun nalang ba kababaw ang tingin mo sa aking pamamalagi dito


Nando? Na ang dali nalang para sakin na tumakas at mamuhay
ng mapayapa sa ibang bansa habang naghihirap kayo dito?

FERNANDO Hindi na itatanong kung gaano katatag ang pag-mamahal mo sa bayan


Señor, pero kapag dumating na ang araw ng paghihirap, pagutom, at
ipagbili ang ating bayan sa mga dayuhan, susumpain mo ang iyong
desisyon na manatili dito, susumpain ninyo ang bayan, at ang lahat
lahat! Pagka’t sigurado akong susukuan mo ang paglalaban kung
balang araw ay mapahamak ka at ang mga mahal mo sa buhay dahil
sa kanya. Saka pa lamang siguro Senor… Saka mo pa malalaman ang
tunay na pagmamahal para sa bayan kapag naramdaman mo na
ng lubusan ang lahat-lahat ng mga kasakiman neto. At kapag nanatili
parin ang iyong pagmamahal, saka mo lang masasabi na ito’y tunay at
ganap.[Matitigilan] (Saglit) Paumanhin na kung napagsabihan kita
Señor pero hindi buhay ng kahirapan ang natatangi sa inyo…

JULIAN [Maiiyak] Siguraduhin mong ligtas si Anto. Mangako ka na magiging


ligtas ka sa himagsikan at ibibigay mo ang mga librong ito sa kaniya.
Maghihintay siya sa Puerta at sana’y maabutan mo pa siya…

FERNANDO Sa abot ng aking makakaya señor… Halika na.

Unti-unting didilim ang tanghalan. Maririnig ang ilang putok ng kanyon. Liliwanag muli
ang tanghalan. Ganap na ang pagtubo ng mga bulaklak ng Nilad. Naka tayo Julian sa ibaba
ng puno. Papasok si Crisanto may daladalang palumpon ng bulaklak ng nilad. (Monologue)

CRISANTO Noong hindi pa kita nakikilala, ibig na ibigko ang pumunta dito upang
saklawin ng tingin ang karagatang hinahampas ang kaniyang mga
alon, at inihahatíd sa akin ang mga awit na natutuhan sa mga
dalampasigan ng malayang Pilipinas. Bago kita makilala, ang dagat
na iyon ay siyang aking mundo, aking lugod, aking pag-ibig, aking
mga pangarap. Datapwa’y nakita kita, dumating ka at kita’y aking
pinahalagahan, at sa pagbabalik ko dito ngayon ay waring may isang
bagay na kulang, ang kagubatan ay madilim, ang tanaw ng dagat ay
nakakalungkot, ang abot ng malas sa dakong kalookan ay walang
anumang halaga At kung maramdaman ko lang muli, kahi’t
miminsan,
[Maiiyak] kung mararamdam ko muli ang mga yakap at haplos
14 | P a g e

ng walang kupas na pagmamahal, ang aking kagubatan ay magiging


Eden, ang agos ng batisan ay aawit, sisipot muli ang liwanag sa
kadiliman ng mga dahon, magiging batong brillante ang mga patak ng
hamog at magiging perlas ang mga bula ng dagat. kung sana’y
mararamdaman ko lang muli ang pagpapahalaga ng isang katulad mo,
mabibigyang halaga ang aking pagiging duktor, ang aking pangarap;
ang pangarap mo para sakin na pilit kong inabot.

JULIAN Pakinggan mo ako Anto, Alam mong ramdam ko ang iyong mga
patakas na sulyap, at alam ko sa pagtingin na iyan ay may kislap ng higit
pa sa ating pagsasamahan. Ngayon ay hihilingin ko ang isa mo pang
sulyap… Ang sulyap mong punong puno ng pagtatanggap at
kapayapaan. Yung may pagmamalaki na sumisilay sa iyong mga mata
at sinasabi ng mga ito na masaya ka na kahit wala na ako.

Unti unting didilim ang bahagi ng tanghalan na kung saan naka tayo si Julian.
JULIAN Ang isang rebolusyon ay naghiwalay satin ngunit may isa pang
rebolusyon na binabalik ako sa iyo--- na binubuhay ako. At yun ay
ang laban mo sa iyong sarili. Dahil ako yung alaala na gustong gusto
na tangayin ng malakas na hangin pero matiyagang nananatili parin…
Dahil diyan sa mga alaala mo. Dahil pilit mong tinatanggihan at
tanggapin ang katotohanan. Sa muling pagbalik ko dito Anto ay oras
na para hayaan mong umagos ang mga plano ng buhay sa ating
pagkikita. Maging masaya ka habang maghihintay ang kanlungan
nating ito sa mga panahong kailangan mo ng takas sa paghihirap na
binibigay ng mundo. Dito’y maaalala mo ang dahilan sa iyong
pagpupursige at pag aaral at ang buong kahulugan ng buhay.

CRISANTO Julian, pinipilit kong maniwala na magkikita pa tayo ngunit alam ko


na ang mga sagot sa mga tanong ko. Sa ngayon, dasal nalang ang
aking magagawa, mag dadasal na matagpuan kitang nabubuhay na mag
isa, naghihintay sakin, naghahangad na bumalik kang muli dito sa
ating tagpuan. Parehong mga buhay nating magtatagpo sa talampas na
ito, maghihintay sa araw na sa wakas ay humanap ka ng paraan na
bumalik sa Intramuros at ng sa gayon ay balikan ang alaala na
gustong tangayin ng malakas na hangin pero matiyagang nananatili.
Maghihintay ako, ang iyong kanlungan. (iiyak)

Lalakas at lalakas ang musika. Unti-unting didilim ang tanghalan.

-Telon-

You might also like