You are on page 1of 14

0|Page

KANLUNGAN
(shelter)

ni GABRIEL CARMELO

Hango mula sa kwento at mga karakter ni Fei


at sa mga diyalogo ni Dr. Jose Rizal. (Noli me Tangere at El Filibusterismo)

gabscarmelo77@gmail.com
1|Page

MGA TAUHAN

JULIAN 17 - 19, Peninsulares. Anak ni Gobernador De Silva.


Gwapo at may pagka-pilyo. Kapansin-pansin ang maputi
nitong kutis.

CRISANTO 17 - 19, Indio. Matalik na kaibigan ni Julian. Moreno.

FERNANDO 35 - 45, Mestizo. Cochero ng mga De Silva.

Peninsulares Espanyol na ipinanganak sa Espanya


Mestizo Taong ipinanganak na may halong Espanyol at
Filipino
Indio Pure blooded Filipino

PANAHON
Taong 1870

TAGPO

Intramuros, Lungsod ng Maynila. Ang dula ay magaganap sa isang patag sa labas


ng Intramuros. Isang puno ang tatambad sa gilid ng tanghalan, masisilayan ang
mga sanga nito na nakalaylay mula sa taas ng entablado. Nakapalibot dito ang mga
bulaklak na Nilad.
2|Page

Unti-unting liliwanag ang tanghalan. Nakahiga sa ibaba ng puno si Crisanto. Mula


sa likod ay papasok si Julian. Maririnig ang mga humahampas naalon ng karagatan.
Maya-maya ay maririnig ang tunog ng isang malayong galleon. Dahan-dahang
papasok si Julian akmang gugulatin sa pagkakatulog si Crisanto.

SCENE 1 (Crisanto at Julian)

CRISANTO [nakahiga at nakapikit parin, ] Hmmm… Huli ka nanaman sa oras


ng pinag-usapan natin.

JULIAN Aba talaga? (Mapapatingin sa orasan) Nahuli lang ako ng iilang


minuto Anto… [Mapapatawa] Hiyang-hiya naman ako sa beinte-
sais na beses na nahuli ka sa tamang oras ng datingan. At dito
pa talaga, kung saan iilang metro lamang ang layo mula sa
bahay ninyo.

CRISANTO [nang-uuyam] Patawad Ginoo’y sapagkat wala akong


magarbong kalesang masasakyan… Ibinuro ka na naman
marahil ng Gobernador sa kanyang seminario de partido. Kung
alam lang nya ano ang pinaglalaban ng kanyang Unico Hijo.
(matatawa)

JULIAN [Mapapatawa, tatabihan] Isang buwan din tayong di nagkikita…


Parang di ka naman nasasabik na makita akong muli.... Maaari
mo bang ikwento sakin kung paano mo pinalipas ang iilang
linggo na wala ako dito sa maynila?

CRISANTO [Mapapaisip] Trabaho parin, kahapon ay ipinagbili ko sa bayan


ang mga kinuha naming mga bungang kahoy ni ina, tapos nag
lagay ng mga silo at balatik sa taniman,Tapos nung nakaraan ay
pumunta kami sa ilog ng mga kasamahan ko para-

JULIAN -Nilunod mo nanaman ang sarili mo sa pag tratrabaho.


Nakakapag pahinga ka pa ba Anto?

CRISANTO Paminsan minsan, kapag ‘di lumalabas si Senor Matias,


humahanap ako ng paraan na makabalik dito at matulog kahit
kaunting oras lamang. Eh kapag nandidito lang naman ako
nakakaramdam ng ganap na pahinga at tulog.
3|Page

JULIAN Talaga’y ‘di pa rin nawawala ang kasipagan mo Anto. Bigla kong
naala-ala tuloy nung nakita kita doon, sa mga kapunuan. Dala
dala ang isang kaing na ipinadala sayo ng nanay mo para dalhin
sa Intramuros. Nandun ka, tinitingnan ako sa malayo.
[Manunuya] Isa kang espiya senyor!
CRISANTO Loco! Inoobserbahan lamang kita dahil hindi karaniwang may
Peninsulares na pa gala gala dito. Akala ko nga’y isa kang multo
dahil sa kaputian mo! Mabutit kumaway ka sakin kung kayat
nauliratan kong totoo ka ngang tao!

JULIAN Abay loco ka rin ah! Eh ba’t ka tumakbo?

CRISANTO Kasi!

JULIAN Kasi?

CRISANTO [Parang nagpapaliwanag na bata] Kailangan ko pong ihatid ang


mga kaing sa In-tra-mu-ros.

JULIAN Pinatakbo mo pa ako. Ikaw pa lamang ang nagpa takbo sakin


ng ganun ka bilis?

CRISANTO Aba! Sino ba nagsabi sayong habulin ako senyor? (Uyam)

JULIAN Akala ko kasi magsusumbong ka nun. Kayat sinundan kita.


Pagkahuli’y doon lamang pala kita makikita sa Panaderya ng
mga Lourdes! (Imumuwestra) Dahan-dahang lumakad,
lumingon lingon, walang ano-anoy ----

CRISANTO Ano?

JULIAN AT Dinakma mo ang pan de coco ni Aling Lourdes!


(Magtatawanan ang dalawa)

CRISANTO [Gagayahin Si Lourdes] Ahhh! Usted indio pecaminoso! Ibalik


mo ang pan de coco ko! (Nagpipigil ng tawa) Napakamalisyoso
mo Julian. (tatawa)
4|Page

[Ilalahad ng dalawa ang nangyari sa mga oras na iyon.]

JULIAN Doña Lourdes!

CRISANTO [Bilang Aling Lourdes] Señor Julian! Ninakaw ng impostoleng


indio na iyan ang pan de coco ko.

JULIAN Doña… Señorita Lourdes… Paumanhin na po pero hayaan


nyong ako na po ang magbayad sa aberyang nagawa ng aking
kaibigan. Hindi ho yata nababagay sa inyong karikitan ang
magalit ng lubha at baka mangulubot ang iyong mukha.

CRISANTO [Bilang si Lourdes) Ano ba senyor, napakabolero mo naman.


(Kilig) Kung gayo’y isa ka palang kaibigan ng guwapong anghel
na ito. O sya sige idagdag mo itong pandesal at minatamis na
bao dyan. (kukurutin sa pisngi si Julian) Ikamusta mo na lamang
din ako sa iyong Amang Gobernador De Silva.
[Magtatawanan ang dalawa]

JULIAN Ibang klase talaga ang kalibre mo Anto! Hindi ka lamang espiya,
magaling ka pang mandakma! Buti nalang at sinagip ka ng isang
guwapong anghel.

CRISANTO Guwapong? Anghel?

JULIAN Syempre ako! Di ko pa nga narinig ang pasasalamat sa pag


ligtas ko sa buhay mo nun…

CRISANTO Oo na! At wag kang mag-alala, kapag naka ipon na ako ay


babayaran ko yun lahat!

JULIAN (Matatawa) Wag na!… Lutong adobo lang na iyong Ina ay sapat
na [Saglit] Siya nga pala bago makalimutan!
5|Page

[Mula sa kaniyang kaing ay ipapalabas ni Julian ang iba’t ibang libro. Panlipunan,
Económicas, Relihiyon]

JULIAN Idagdag mo pala to sa mga babasahin mo. Wag kang mag-alala,


ipapabigay ko kaagad dito ang ibang libro ng kastila kapag
natapos na ako sa aking semestra.

CRISANTO Napaka swerte mo talaga Julian… Malayong hangarin lamang


sa mga katulad ko ang makakapagbasa ng mga librong gaya
nito…

JULIAN Hangarin… El sueño. La ilusión… Hindi yun mahirap abutin


Anto. Sandali na lamang ay makakapag-aral ka na’t
makakapasok sa mga unibersidad at kapag nakapagtapos ka’y
matutulungan mo na ang iyong Ina. (aakbayan)

CRISANTO Di tayo nakakasigurado diyan. (Katahimikan). Mahirap nang


umasa Julian… Di yan ang buhay para saming mga Indio. Kaya
siguro, mapayapang mabubuhay na lamang kami dito…
Bibitiw sa pagkakaakbay at titingnan ni Crisanto si Julian. Ikinukumpara ang sarili,
waring may inggit.

JULIAN Bakit?

CRISANTO Magkaiba tayo Julian, malayong malayo… Hindi nararapat ang


katulad ko sa lugar niyo.

JULIAN Magkaiba? Ayan nanaman! Ba’t lagi mong iginigiit yan? Pareho
naman tayong nasasaktan… Parehong nakaka ramdam ng mga
emosyon. Bakit labis mong pinipilit na magkaiba tayo Anto?
Hindi ka ba naiinis sa mga taong nagdidictar kung ano ang ating
kinalalagyan sa lipunan? Base lamang sa kulay ng ating balat?
Sa estado ng buhay? Anto… kailangan nating patunayan na
maling kaisipan yan! Paano natin magagawa iyon kung pati ikaw
ay sumusunod sa gusto nilang paniwalaan mo?
6|Page

Katahimikan. Hinihintay ni Julian ang tugon ni Anto, ngunit ito’y tumitingin lamang
sa karagatan. Maririnig ang TUNOG ng mga parating na Galeon.

CRISANTO Maaga yata ang balik nila ngayon? … Konting panahon na


lamang Julian at sasakay ka na din sa galeong tulad niyan…
JULIAN Sa susunod pa na buwan ang alis ko Anto. Pero kung iisipin ay
bilang na lamang ang oras ko dito sa Pilipinas. [Saglit] Masidhing
hangin talaga ang oras.

CRISANTO Masidhing hangin?

JULIAN Oo… Bawat segundo ay may dala itong bagong bagay ...ideya…
Pero mabilis namang tangayin ang mga ito para palitan ng bago.
[Ngingisi] Punong puno ng misteryo.

CRISANTO Ako ba yung ideyang tatangayin ng hangin Julian?

JULIAN Ano ka ba Anto… Hinding hindi kita makakalimutan. Walang


makaka palit sayo.

CRISANTO Sinasabi mo lang yan sapagka’t nandidito ka pa. Kapag na sa


Espanya ka na, panigurado, sa di katagalan ay may bago ka
nang makikilala doon.

Tititigan ni Julian si Crisanto sabay ngingisi. Makikita ito ni Crisanto.

CRISANTO Bakit? Anong nginingiti mo diyan?

(Di makaka sagot agad si Julian. Ngiting ngiti parin ito.)

CRISANTO Ano na naman yang iniisip mo Julian?

JULIAN (Tititig kay Anto)… Nagseselos ka ba? (Di makakasagot si Anto)


7|Page

Tutunog muli ang Galeon.

Matatawa si Julian. Lalaki ang mga mata ni Crisanto, bigla ito mahihiya,
CRISANTO (Mauutal) Ba’t naman ako magseselos?! Edi umalis ka! Wala
naman yun problema sakin! Kung dyan ka magiging masaya!
Edi Sige, mag-sama kayong mga multo sa Espana!

Tatalikod si Crisanto waring aalis. Pulang-pula ang mga pisngi neto. Hahabulin ni
Julian si Crisanto at hahatakin pabalik

JULIAN Anto naman binibiro lamang kita, kung makapag salita ka kasi
ay parang kasing dali lang ng pag palit ng camisa ang pag palit
ko ng … ng kaibigan. Dipa nga ako nakaka alis ay panay selos
ka na.

CRISANTO Hindi nga ako nag seselos… Nakakalungkot lang na


magkakahiwalay tayo ng napakatagal Julian. Alam kong mahal
mo ang bayang ito at kung may magagawa lamang sana ako
upang manatili ka na lamang dito.

JULIAN Kung ako man ang papipiliin ay mas nanaisin ko paring bumalik
dito, hindi lang dahil mahal ko ang bayang ito ngunit dahil
nandidito ang taong mahalaga sakin. (Dagli) Pero sumusunod
lamang ako sa kahilingan ng aking pamilya. Alam mo na yun, sa
ayaw at hindi, kailangan kong mangibang bayan para tapusin
ang aking pag-aaral.

CRISANTO Tapos? Anong plano mo?

Di makukuha ni Julian ang ibig-sabihin ni Crisanto. Magtitinginan lamang ang


dalawa.

JULIAN Ano ba ang gusto mong marinig sakin Anto?

CRISANTO Paano na ang samahan natin?


8|Page

JULIAN Anto. Sa tagal na nating magkaibigan hindi naman mawawala


yun hindi diba? Kahit gaano man tayo ka layo’y mananatili yun.

Unti-unting maiiyak si Anto, ilalayo niya ang kaniyang mukha kay Julian.

CRISANTO [Nawawalan ng boses] Dito ka na lang…

JULIAN Ito na naman tayo, kada magpapaalam na lamang ako upang


umalis ay naluluha na naman ang magaganda mong mga mata.
[papahiran ang mga luha ni Anto] Hindi ba pwedeng palipasin
muna natin ang oras?

CRISANTO Palipasin ang oras? Palipasin ang iilang taon? Iilang panahon
pa ba ang lilipas bago ka bumalik?

JULIAN Anto, alam mong hindi na mababali ang desisyon ni ama, ang
magagawa lamang natin ay ang mag antay. Alam kong kaya
mo… Wag lang nating kalimutan ang isa’t isa.

CRISANTO Julian… Sinugò ka ng Dios upang may kaulayaw akosa walang


katapusang kapighatian. Hindi ko alam kung ano ang maiiwan
sakin kapag ika’y umalis. Nailatag na ang iyong kinabukasan,
samantalang ako… Ako? Hinahanap ko pa rin ang aking silbi sa
bayan, sa bansa. Napaka walang kwenta ko-

JULIAN Anto…

CRISANTO Dapat nga ako’y maging masaya para sayo hindi ba? Kasi…
Kasi ang mga pangarap mo’y dapat pangarap ko din. Siguro’y
natatakot lamang ako sa posibilidad na ako’y makakalimutan
mo. Na tatangayin ako ng hangin at papalitan ng meron, ng mas
magpapasaya sayo, yung di ka hihilain pababa gaya ko. Yung-

Puputulin ni Julian ang sasabihin ni Crisanto


9|Page

JULIAN Nawawala ka nanaman sa kaisipan mong ka’y lalim gaya ng


dagat ng Maynila. Kung ano man ang iyong naiisip sa mga oras
nato’y sabihin mo… para maiintindihan ko.

CRISANTO Nakakapagod na ba ako Julian?

JULIAN Mapapagod ba ako sayo Anto? Simula ng mga panahong kasa-


kasama kita. Sa mga kapanaginipan kong nakikita kitang naka
tindig sa tabing dagat ng Maynilà, nakatanaw sa malayong abot
ng paninging nababalot sa malamlam na liwanag ng maagang
pagbubukang liwayway, mga panaginip na pumupukaw sa
damdamin at mga alaala ng ating kamusmusan, ang ating mga
katuwaan, at ang buong maligayang panahong binigyan mo ng
kasayahan at kapayapaan. Mapapagod ba ako sayo?

CRISANTO Alam kong hindi Julian… Pero bakit tila may mas mahalagang
bagay pa sa pagkakaibigan natin?

JULIAN Mahalaga parin sakin ang edukasyon at ang tiwala ng aking


pamilya Anto… Nawawalan na ako ng mga salitang
magpapalinaw sayo kung gaano yun ka importante sakin at
dapat sayo rin.

CRISANTO Kung pupunta ka ng Espanya… Manatali ka sa kapayapaan ng


pinili mong buhay, at limutin mo na ang nakaraang hinayaan
mong tangayin ng hangin.

Katahimikan. Saglit. Hihilain ito ni Julian at yayakapin.

JULIAN Anto… kung alam mo lang, kung pwede lang sana…


10 | P a g e

CRISANTO Julian? [Bibitaw] Bakit? Anong ibig mong sabihin?

Tutunog muli ang parating na Galeon. Matitigilan si Julian. Lalaki ang mga mata

nito nang may makikita sa malayo. Hihina ang musika. Halata ang kaba sa kaniyang

mukha.

JULIAN [Balisa] Anto… Nasaan ang nanay mo?

CRISANTO Nasa bahay. Teka lang! Bakit? Anong problema?

JULIAN Kailangan nating tumakbo patungo sa Simbahan ng San


Agustin! May mga extranjero na gustong pumasok sa isla, ‘di na
tayo ligtas dito!

CRISANTO Extranjero? Sandali Julian naguguluhan ako anong gusto mong


Ipabatid?
JULIAN Saka na yun Anto. Mas importante ngayong makalikas kayo ng
nanay mo at ng mga tao papunta sa Intramuros!
CRISANTO Paano ako nakaka siguradong magkikita pa tayo?

Papasok si Fernando hapong hapo.

FERNANDO Señor Julian!


JULIAN Nando? Anong ginagawa mo dito?! (babaling kay Crisanto)

JULIAN Huwag mo na akong hintayin pa Anto, sa simbahan na tayo


magkita. Doon ko sasabihin sayo ang lahat.
FERNANDO Wala nang oras Señor! Kailangan mo nang umalis! Dumating na
ang mga holandés para sakupin ang Maynila, isusunod na ang
buong isla ng Luzon! Anto, lumikas na rin kayo ng iyong Ina.
11 | P a g e

CRISANTO Mangako kang magiging ligtas ka Julian. Mangako ka na


magkikita pa tayo! Hihintayin kita.

JULIAN Magkikita tayo, pangako. (Ididikit ang ulo nya kay Crisanto)

Hindi kikilos agad si Fernando. Matitigilan ito. Tatakbo palabas si Crisanto

FERNANDO Hinihintay ka na ng iyong ama sa porte Señor… Tatakas ka


papuntang Espanya... Di na ligtas dito sa Maynila. Kahit
simbaha’y‘di na pwede gawing kanlungan.

JULIAN Hindi! Kailangan kong manatili dito! Hindi pwedeng aalis lang
ako’t iwanan ang mga tao para mamatay! Nangako ako kay
Anto.

FERNANDO Nauunawaan ko ang iyong pagkasiphayo. Ngunit sa ganitong


sitwasyon ay wala kang maitutulong Señor! Hindi mo ito laban!
Ang mabuti pa’y mangibang-bayan kayo kung saan ligtas kayo
sa digmaan.

JULIAN Ba’t mo ako pinapaalis Nando? Hindi ako magiging tapat sa


aking bayan kapag iniwan ko lang siya.

FERNANDO Sa pagka't hindi pa kayo handa sa paghihirap na dadating! Dahil


hindi ka pa handa sa paghihimagsik para sa ating bayan .

JULIAN Masakit sakin na marinig ang iyong mga salita Nando. Ikaw ang
nagmulat at sumaksi sa aking pagmamahal para sa bayan at
ang kaniyang kapakanan.

FERNANDO Señor iniibig ninyo ang bayan, sa pagka't ganyan ang itinuro sayo
ng iyong ama; iniibig ninyo palibhasa'y dito, meron kayo ng sigla,
kayamanan, at sa pagka't mataas ang respeto sa inyong buong
bayan. Sa pagka’t wala pang nagagawang mali ang bayan na
ito sa inyo; Iniibig mo ang bayan, katulad ng pag-ibig natin sa
mga bagay na nagbibigay satin ng kaligayahan.
12 | P a g e

JULIAN Ganun nalang ba kababaw ang tingin mo sa aking pamamalagi


dito Nando? Na ang dali nalang para sakin na tumakas at
mamuhay ng mapayapa sa ibang bansa habang naghihirap
kayo dito?

FERNANDO Hindi na itatanong kung gaano katatag ang pag-mamahal mo sa


bayan Señor, pero kapag dumating na ang araw ng paghihirap,
pagutom, at ipagbili ang ating bayan sa mga dayuhan,
susumpain mo ang iyong desisyon na manatili dito, susumpain
ninyo ang bayan, at ang lahat lahat! Pagka’t sigurado akong
susukuan mo ang paglalaban kung balang araw ay mapahamak
ka at ang mga mahal mo sa buhay dahil sa kanya. Saka pa
lamang siguro Senor… Saka mo pa malalaman ang tunay na
pagmamahal para sa bayan kapag naramdaman mo na ng
lubusan ang lahat-lahat ng mga kasakiman neto. At kapag
nanatili parin ang iyong pagmamahal, saka mo lang masasabi
na ito’y tunay at ganap.[Matitigilan] (Saglit) Paumanhin na kung
napagsabihan kita Señor pero hindi buhay ng kahirapan ang
natatangi sa inyo…

JULIAN [Maiiyak] Siguraduhin mong ligtas si Anto. Mangako ka na


magiging ligtas ka sa himagsikan at ibibigay mo ang mga
librong ito sa kaniya. Maghihintay siya sa Puerta at sana’y
maabutan mo pa siya…

FERNANDO Sa abot ng aking makakaya señor… Halika na.

Unti-unting didilim ang tanghalan. Maririnig ang ilang putok ng kanyon. Liliwanag
muli ang tanghalan. Ganap na ang pagtubo ng mga bulaklak ng Nilad. Naka tayo
Julian sa ibaba ng puno. Papasok si Crisanto may daladalang palumpon ng bulaklak
ng nilad. (Monologue)

CRISANTO Noong hindi pa kita nakikilala, ibig na ibig ko ang pumunta dito
upang saklawin ng tingin ang karagatang hinahampas ang
kaniyang mga alon, at inihahatíd sa akin ang mga awit na
natutuhan sa mga dalampasigan ng malayang Pilipinas. Bago
kita makilala, ang dagat na iyon ay siyang aking mundo, aking
lugod, aking pag-ibig, aking mga pangarap. Datapwa’y nakita
kita, dumating ka at kita’y aking pinahalagahan, at sa pagbabalik
ko dito ngayon ay waring may isang bagay na kulang, ang
kagubatan ay madilim, ang tanaw ng dagat ay nakakalungkot,
ang abot ng malas sa dakong kalookan ay walang anumang
halaga ....... At kung maramdaman ko lang muli, kahi’t miminsan,
[Maiiyak] kung mararamdam ko muli ang mga yakap at haplos
13 | P a g e

ng walang kupas na pagmamahal, ang aking kagubatan ay


magiging Eden, ang agos ng batisan ay aawit, sisipot muli ang
liwanag sa kadiliman ng mga dahon, magiging batong brillante
ang mga patak ng hamog at magiging perlas ang mga bula ng
dagat. kung sana’y mararamdaman ko lang muli ang
pagpapahalaga ng isang katulad mo, mabibigyang halaga ang
aking pagiging duktor, ang aking pangarap; ang pangarap mo
para sakin na pilit kong inabot.

JULIAN Pakinggan mo ako Anto, Alam mong ramdam ko ang iyong mga
patakas na sulyap, at alam ko sa pagtingin na iyan ay may kislap
ng higit pa sa ating pagsasamahan. Ngayon ay hihilingin ko ang
isa mo pang sulyap… Ang sulyap mong punong puno ng
pagtatanggap at kapayapaan. Yung may pagmamalaki na
sumisilay sa iyong mga mata at sinasabi ng mga ito na masaya
ka na kahit wala na ako.

Unti unting didilim ang bahagi ng tanghalan na kung saan naka tayo si Julian.
JULIAN Ang isang rebolusyon ay naghiwalay satin ngunit may isa pang
rebolusyon na binabalik ako sa iyo--- na binubuhay ako. At yun
ay ang laban mo sa iyong sarili. Dahil ako yung alaala na
gustong gusto na tangayin ng malakas na hangin pero
matiyagang nananatili parin… Dahil diyan sa mga alaala mo.
Dahil pilit mong tinatanggihan at tanggapin ang katotohanan. Sa
muling pagbalik ko dito Anto ay oras na para hayaan mong
umagos ang mga plano ng buhay sa ating pagkikita. Maging
masaya ka habang maghihintay ang kanlungan nating ito sa
mga panahong kailangan mo ng takas sa paghihirap na
binibigay ng mundo. Dito’y maaalala mo ang dahilan sa iyong
pagpupursige at pag aaral at ang buong kahulugan ng buhay.

CRISANTO Julian, pinipilit kong maniwala na magkikita pa tayo ngunit alam


ko na ang mga sagot sa mga tanong ko. Sa ngayon, dasal
nalang ang aking magagawa, mag dadasal na matagpuan kitang
nabubuhay na mag isa, naghihintay sakin, naghahangad na
bumalik kang muli dito sa ating tagpuan. Parehong mga buhay
nating magtatagpo sa talampas na ito, maghihintay sa araw na
sa wakas ay humanap ka ng paraan na bumalik sa Intramuros
at ng sa gayon ay balikan ang alaala na gustong tangayin ng
malakas na hangin pero matiyagang nananatili. Maghihintay
ako, ang iyong kanlungan. (iiyak)

Lalakas at lalakas ang musika. Unti-unting didilim ang tanghalan.

-Telon-

You might also like