You are on page 1of 2

Jomariel P.

Salac 12 - Wisdom

AKADEMIKONG PAGSUSULAT

“Ang Talambuhay ni Jose P. Rizal”

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang ating Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang
sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang ama ay si G. Francisco
Mercado at ang kanyang ina ay si Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang unang guro ay ang kanyang ina, nagsimula siya ng maaga sa kanyang pag-
aaral at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Siya ay
nakapagtapos sa Ateneo de Manila ng Batsilyer sa Agham noong Marso 23, 1876 na
may mataas na karangalan sa panahong iyon. Nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid noong 1877 hanggang
sa matapos niya ang medisina at pilosopiya ng magkasabay noong 1885. Natuto rin
siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko, at nagtapos
siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang dalawang nilikha niyang nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ay
patungkol sa mga ginawang pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal noong Hunyo 18, 1892 at itinatag niya ang samahang
“La Liga Filipina.” Ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura ang layunin ng samahang ito.
Siya ay nakulong sa Fort Santiago noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Namalagi siya ng apat na taon sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa
mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat
din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano noong Setyembre 3, 1896
ay inaresto siya. Nobyembre 3, 1896 ay ibinalik siya sa Pilipinas at nakulong siya sa Fort
Santiago sa pangalawang pagkakataon.
Nahatulan ng kamatayan si Dr. Jose Rizal sa kadahilanang nagpagbintangan siya na
pagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila noong Disyembre 26, 1896.
Bago dumating ang kanyang kamatayan ay naisulat niya ang kanyang huling nobelang
“Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, si Dr. Jose P. Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay
tinatawag na nating Luneta sa kasalukuyang panahon.
Jomariel P. Salac 12 - Wisdom

JOURNALISTIC NA PAGSUSULAT

“2 lalaki arestado sa paggulpi ng may kapansanan”

Sa Manila, Arestado ang Dalawang lalaki matapos nambugbog ng taong may


kapansanan sa lugar ng Barangay Poblacion, Makati nitong Sabado ng hapon.
Ayon sa pulis, pumunta ang mga suspek na si alyas “Loreto” at kaniyang kasama sa
bahay ng kaniyang dating asawa nang inabutan ang biktimang si Jose Guiyab, 22-anyos
at ang kaibigan nito.
Nagalit umano si Loreto na naroon ang biktimang sina Guiyab at kanyang kasamahan
kaya nagmadaling umalis ang mga ito.
Pero dahil pilay at naka-artificial leg si Guiyab, ay inabutan siya ng mga suspek at ginulpi
ito.
Isinugod ng mga magulang ang biktimang si Guiyab at inireport ang insidente sa mga
pulis.
Agad namang natunton ng pulis ang mga suspek na kakasuhan ng physical injury.

Source: ABS-CBN News. (2018, July 07). 2 lalaki arestado sa paggulpi ng may kapansanan.
Retrieved from https://news.abs-cbn.com/news/07/08/18/2-lalaki-arestado-sa-paggulpi-ng-may-
kapansanan

You might also like