You are on page 1of 1

Grace, Joana Marie A.

BSBA- MM 3-1N

Philippine Treasures Reaction Paper

Noon pa man, kilala na ang Pilipinas bilang isang bansang mayaman sa likas na
yaman. Mula sa mga nadiskubre ng mga archeologist na mga artifacts, talagang
pinapatunayan o sinusuportahan na noon pa man, ang bansang Pilipinas ay puno ng
kayaman, mapa ito ay ginto o kultura.
Maihuhulma sa mga artifacts na natuklasan ang pamumuhay ng sinaunang tao.
Nakakalungkot lang isipin na karamihan ng mga natutuklasang bagay ay di
masyadong binibigyang pansin ng mga kapwa nating Pilipino, bagkus ibang tao mula sa
ibang bansa ang mas may interes sa mga ito. Katulad na lang ng Golden Tara na
natuklasan sa Agusan na ngayon ay nasa hawak na ng dayuhang Museo sa Chicago,
USA.
Tunay ngang masasabi na nasa huli talaga ang pagsisisi. Dahil huli nang
malaman na ang mga karamihan ng mga bagay na ito na napakalaki ng halaga hindi
lamang sa presyo sa merkado pati na rin sa kasaysayan ay nasa kamay nang mga
dayuhan o hindi binigyan ng importansya at tamang pangangalaga kaya sira sira na.
Marahil ngayon, ramdam na natin na karamihan ng yaman ng Pilipinas hindi
Pilipino ang nakikinabang bagkus mga dayuhan. Talagang nakakalungkot lang, imbis na
Pilipino ang mayayaman sa bansa, mga dayuhang Chinese, Amerikano atbpa ang
nangingibabaw sa kayamang taglay.

You might also like