You are on page 1of 2

Scene #1: *KWARTO

Charity: pwssh..pwsssh… shing!shing! hayaaa! Hayaaa! Power punch! Yaaa! Ako si captain charity ang
taga pag tanggol ng mga naaapi pwssh! Ayan sa inyo mga badguyss! Hayaa!

*pag uwi ng kanyang ama galing sa trabaho ay agad niyang pinagyayabang na siya ang magiging taga pag
ligtas sa mga mang aapi

Charity: tatay! Tatay!.. tingnan mo yung costume ko para talaga akong superherooo! Tapos alam mo
tay? Balang araw ako ang mag tatanggol sa inyo nila nanay para wala ng mangaapi sa inyo, para matakot
na sila sa inyo! Tamo tay! Pwssh! Haya!! Shing shing!

*habang naglalaro sa labas ng bahay si charity


Sound Fx: (nagtatawanan)

charity: bakit kayo tumatawa? Ang astig kaya maging superhero kasi makakapag ligtas ka ng taong
naaapi, *(insert Laughing) tulad nitooo pwssh! Pakk! Booom!!! Hayaaa!! *(insert laughing)
(malungkot na umuwi si charity)

SCENE #2: Sa bahay

Charity: haysss, bat ba di sila naniniwala sa superhero? Eh sa TV napapanood ko lumilipad sila tapos may
super powers, pag ako lumaki na mag kakaroon din akong super powers at magiging akong superhero
intayin lang nila, hayss di na nga ako lalabas ng bahay dito nalang ako sa loob mag lalaro,

SCENE #3: BIRTHDAY NI CHARITY


charity: alam nyo ba? Sabi ni tatay reregaluhan nya daw ako ng bagong maskara at kapa! Ang saya tapos
madadagdagan na ulit yung costume ko, Hmmm? Ano kayang itsura nun? Sana yung astig para muka
talaga akong superhero hmmm, excited na ako

*kinabukasan ay kaarawan n ani charity, pag gising niya ay Nakita nya sa tabi niya ang regalong
ipinangako ng kanyang ama

Charity: wow! Regalo, baka ito na yung sinasabi ni tatay, hehe buksan ko ngaaa!

*At sobrang natuwa si charity sa kanyang Nakita, isang kapa at ang maskara na kanyang inaasam

Charity: yey! May maskara na ako, mas muka na akong super hero nito! Yey! Alam nyo ba? Sabi ni tatay
kaya daw nag mamaskara ang mga superhero para di sila makilala, excited na akong mag ligtas ng mga
naaapi! Captain charity to the rescue

*lumabas ng kwarto at suot ang regalo ng kanyang tatay, agad niyang nilapitan ang kanyang tatay upang
pasalamatan
Charity: tatay!, maraming Salamat po sa napakagandang regalo mo! Ngayon maitatago ko na po yung
itsura ko pag nag rescue napo ako para di ako makilala hehe, ako si captain charityyy! Pwwssh! Hayaaa!
Pakkk! Hayaaa!

* habang nag lalaro si charity ay may biglang tumawag sa telepono ng kanyang ina

Charity: iiiinnnkkk! Pwsshh! Hayaa

Nakinig niyang umiiyak ang kanyang ina at napahinto sya sa pag lalaro ng malaman niyang tinambangan
ang kaniyang ama sa isang eskinita at pinag tangkaang nakawan ngunit nanlaban ito kaya pinag sasaksak
ito at tinakbuhan ng mga suspek

Charity: haa? Si tatay? *(nagsimula ng tumulo ang luha) ano pong nangyare kay tatay! Bakit po nila
nagawa yun nay! Di naman po tayo mayaman para nakawan nila si tatay, bakit po nila nagawang patayin
si tatay! Naaay! Puntahan po natin sya nay! Kailangan nya po tayo

SCENE #4: CRIME SCENE


sound Fx: Kiss the rain

Charity: taaaaay! Andito na po akooo! Tay bangon kna po jan,sumbong mopo sakin sino gumawa nito
sayo, ililigtas na po kita tayyy! Ano baaa! Nasaan napo yung mga gumawa nito sayo tay! Di po ako
papayag! Ipag lalaban kita tay! Kung sino man po silaaa di ko po sila hahayaan na mag hasik pa ng
kasamaan! Taaay! Pano na po yaaan! Di nyo na po ako makikita sa TV na nag liligtas po ng mga nang
aapi! Di nyo na po ako makikitang maging superhero tay! Wala na pong magpapasalubong sakin ng
bagong kapa at maskara tay! Bakit nila ito nagawa sayo, *(hagulgul na iyak ni charity), di ako papayag
tay! Ipaglalaban kita, hahanapin ko gumawa nito sayo,

Sound Fx: Intense


At mag mula ng mawalan siya ng ama ay mas nag pursigido pa syang ipagpatuloy ang pangarap niyang
maging superhero para ipaghiganti ang kanyang ama at maprotektahan niya ang sarili niya laban sa mga
nang aapi sa kanya at sa nanay niya.

Charity: ipaghihiganti ko si tatay, hindi ko na hahayaan pa na may mapahamak pang ibang tao, dahil sa
mga masasamang tao, ako ang mag sisilbing taga pagtanggol ng mga nangaapi para maging ligtas ang
bayan at si nanay dahil ako si captain charity!

You might also like