You are on page 1of 3

(GREED) MONOLOGUE

Pasensya ka na, Yaya


Nabubuhay ng dahil sa yaman.
Walang mapaglagyan ng pera, walang magawa kundi manloko ng iba.
Kunwariy mabait, kunwariy mapagbigay,
ngunit kabaliktaran, gustoy sa sarili lang ang kayamanan.
Ito ang dapat sayo! mabubulok ka sa impyerno!
Mawawalan ng malay, ngunit dahan dahan ulit mabubuhay, mangingisay, hihimasan ang
katawan ng mabilis na tila ba may apoy na pumapaligid. Hanggang sa unti-unting
nahimasmasan, tatango at tatawa ng mahina ngunit may mabigat na pinanghuhugutan.
Ako. Oo ako. Ang taong minsang lumakad sa malaking mansyon sa lupa,
Na ngayoy nakikipagsapalaran sa init ng apoy, galit ng usok,
at nagliliyab na mga pakiusap na SANA! SANA HINDI KO GINAWA!
SANA NAGING MABUTI AKO SA LUPA!
Para bang ako, ako rin na yun din ang nais sabihin.
Hindi ako tao, nilamon ako ng pagka gahaman ko!
Pinanganak akong mayaman eh.
Lahat ng gusto ko nakukuha ko.
Single Child. Pero rebelde ako.
Alam mo kung bakit?
Kasi yung oras nila na sa simpleng kalabit mo lang pwede nang makuha,
Yun pa yung hindi ko maangkin.
Sabik na sabik sa kakarampot na pansin.
Wala akong pakialam sa mundo, lagi akong nasa kwarto,
pag darating sila kunwari tulog na ako.
Yun naman ang gusto nila diba?
Yung walang makulit, yung walang tanong ng tanong.
Oh edi sige, magbigayan tayo.
Leche, parang wala silang anak
Naalala ko pa yung Yaya ko
Yun yung kinuha nya yung gadget ko kasi kailangan ko na daw matulog.
Pesteng yon! Sinabunutan ko talaga sya ng matinde!
Eh bakit?! Bakit nya kukunin yung gadget ko?
Porket ba wala syang pambili pwede na ko magpahiram?
Hinde! Hindi ganun kadali!

Yun na nga lang ang nagpapasaya sakin kukunin pa nya?!


Yun na nga lang ang meron ako aagawin pa nya?!
Eh Leche sya. Manigas sya.
Hanggang isang araw, nalaman ko nalang na hindi na uuwi sina Mommy at Daddy.
Pano, naaksidente raw yung kotseng dina drive ni daddy pauwi.
AHH, OKAY. Ayun. ganun lang reaksyon ko.
Eh parang wala naman akong magulang nun eh. So parang walang bago.
Edi eto na naman, wala na namang pagmamahal meron sakin.
Hanggang kamatayan nila, bumabawi padin sila.
Syempre lahat ng mana sakin lang mapupunta.
GRABE SOBRANG YAMAN KO NA. SOBRA PA SA SOBRA.
Wala akong magawa.
Ang boring ng buhay ko kahit sobrang yaman ko.
Kaya inutusan ko yung Yaya ko.
Oo, hanggang sa lumaki ako, hindi ako iniwan ng sobrang tapat na kasambahay namin.
Sinabi ko sakanya na magpapalaro ako.
Mag-iiwan ako ng isang baul na may lamang isang milyon sa isang parte sa loob ng mansyon ko.
Kahit sino, pwedeng sumali,
kung sinong makahanap, mapupunta na sakanya ang isang milyon.
Maraming sumubok, maraming nanabik sa kayamanan.
Mga mukang pera!
Pero nakakatawa ang mga sumunod na nangyari.
LAHAT SILA NAMAMATAY.
Ako? Hindi ako! Hindi ko sila pinapatay.
Ewan ko, aba, malay ko wala akong alam.
Pero isang araw, habang nagmumuni muni ako sa kwarto, Narinig ako ng Yaya ko.
Narinig nya na sinabi kong PINAGLALARUAN KO LANG ANG MGA TAO.
OO! Wala talagang isang milyon sa loob ng mansyon ko.
Wala akong nilagay sa baul. Walang mananalo.
Wala akong IBIBIGAY KAHIT SINGKO.
Bakit?! Hindi ganon kadali magbigay!
Ako nga eh, ORAS LANG ANG HINIHINGI KO,
PERO HINDI YUN NABIGAY NG MGA MAGULANG KO.
BINABALIK KO LANG SA IBANG TAO ANG HIRAP NG PAGHINGI,
HIRAP NG PAG-ASAM,
HIRAP NG PAGHAHANGAD SA ISANG BAGAY NA HINDI GANUN KADALI
MAKUKUHA!

Gahaman na kung gahaman pero kahit kailan, wala akong magiging pakialam!
Ang sarap sarap lang nilang pagtawanan!
Pero.. Ito rin pala ang magiging katapusan ko?
Kung sinong pumapatay sa mga taong sumusubok sa palaro ko,
Sya rin palang papatay sa isang tulad ko.
Oo, ang taong tumagal sa pamamahay ko,
na minsang nanghingi ng tulong upang ipagamot ang kanyang lolo.
Pero hindi ko yun binigay.
Sinabi ko na magpapalaro ako at kung walang makakakuha ng isang milyon ko,
mapupunta sakanya ito.
Sya rin na minsang naging tapat sa isang tulad ko,
Pinaglaruan ko rin ng todo.
Pero nadiskubre nyang WALA. WALA PALA TALAGA.
Pasensya kana, Yaya.

You might also like