You are on page 1of 1

Ang Pamanang Wika

ni Chrizzalene Joy A. Banay

Wikang Filipino, Wikang Katutubo


Ating mahalin at isapuso
Wikang galing pa sa ating mga ninuno
Huwag nating kalimutan at ating isapuso

Mga wikang Ingles, Kastila o Hapon


Wikangkatutubo na dapat nating iahon
Dahil ang ating wika ay ating kayamanan
Na dapat ipagmalaki at alagaan

Wikang katutubo tungo sa kaunlaran


Wika na mula pa noong kamalayan
Gamit pa ito ng ating mga ninuno
Upang mga tao magkaintindihan ng husto

Maisasalba pa ba kaya ang wikang ito?


O hahayaan nalang mawala at maglaho
Kung kayat ating ipagpatuloy
Wikang Katutubo na turo ng ating mga ninuno.

You might also like