You are on page 1of 5

MASKARA

ni Andrea Florin Bolano

Tagpuan: Internet

Tauhan:

John- 21 taong gulang na lalaki na patay na patay kay Vienna

Vienna- 21 taong gulang na babae, sa katauhan ni Paolo

*Isang gabi habang nakahiga si John sa kanyang kama, inip na inip siya dahil sa hindi pa siya dinadalaw ng
antok..

*kinuha niya ang kanyang cellphone at saka nagfacebook, nakaramdam siya ng lungkot dahil sa wala pa
rin siyang makausap, laking gulat niya nang may 'neargroup' na lumabas sa kanyang newsfeed at agad
nya naman itong sinubukan.

*usapan ni John at Vienna sa 'Neargroup'

John: Hello po?

Vienna: Hi asl?

John: asl? anong asl?

Vienna: ay bago ka?

John: bago? saan? dito ba?

John: opo eh hehehe

Vienna: aaii kaya pala, anong age mo? gender mo? at location? ayun yung asl

John:ah 21 nako lalaki ako halata naman sa pangalan at taga Kawit, Cavite nga pala ako ikaw ba?

Vienna: 21 f Sta.Mesa
John: ahh ok. matagal kana bang nag neneargroup?

Vienna: medyo matagal tagal na din. bat pala naisipan mong magneargroup? first time mo dito diba?

John: Opo eh hehehe ang boring kasi dito sa bahay tsaka wala kasi akong makachat

Vienna:Ah ok. Topic po?

John: Ummmm? ikaw ano bang gusto mo?

Vienna:kahit ano basta ikaw hihihi

John: hahaha masyado kang mabilis ha. Anong fb mo? pwede bang malaman?

Vienna: bakit? hala? panget ako eh

John: wala namang taong panget, masyado lang silang mapanglait eh.

John:sige na anong fb mo?

Vienna: sige na nga pero, panget talaga ako baka bigla mo iend hahaha

Vienna:Vienna Dela Paz yung dp ko yung nakashades na color blue

John: okay wait

John:wow ang ganda! shet ikaw yun?!

*PHOTO REVEAL(nagreveal na sa neargroup ang pic. nilang dalawa dahil sa tagal nilang nagkausap)

Vienna:wow kuya ikaw ba yan? ang cute mo ha? baka magalit jowa mo nyan?

John:hahaha wala akong girlfriend baka ikaw? baka awayin ako ng bf mo dyan

John: inadd pala kita paki-accept na lang

John: kung gusto mo hehehe.. pero ikaw ba talaga yon?

Vienna: naaccept ko na po

*Nagkausap na si John at Vienna sa kanilang account


Vienna: thank you sa add

John: salamat din, dami palang nagkakagusto sayo.. walang wala pala ako

Vienna: lah? parang tanga hahaha trip lang ako ng mga yon baliw yon eh

John: weh? dami mo sigurong ex

John: ayy seen

Vienna: sorry may naalala lang

John: sino ex mo? hayaan muna yon nandito naman na ako

Vienna: oo nga nandyan ka, wala sa tabi ko

John: hayaan mo kapag nagkapera ako pupuntahan kita dyan sainyo, pasensya kana nag aaral pa kasi ako
at hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko

Vienna: yyyiieee ang sweet naman ng bebe ko, I love you

John: nagpapakatotoo lang ako bebe, so tayo na?

Vienna: oo ayaw mo ba?

John:seryoso ako, gusto ko ako lang sakin ka lang

Vienna: oo naman, tingnan mo wall mo

*Nakita ni John na;

'Vienna Dela Paz and John Castro are in a relationship'

John: yyyiieee tayo na talaga ha?

Vienna: oo naman bebe ko

John:oh bebe ko anong oras na pala oh alas tres na ng madaling araw, tara na tulog na tayo. Good
mornight mahal kita bebe ko

Vienna: nighty night bebe ko mahal din kita


*Tumagal ang relasyon ni John at Vienna sa loob ng 9 na buwan nang hindi nagkikita... kung kaya't

John: sige na bebe ko payagan mo na ako

Vienna: ay ang kulet! hindi nga pwede! delikado! at alam mo namang busy ako diba?

Vienna: wag na wag mo lang susubukan na pumunta ng Sta.Mesa nang hindi ko alam! hindi talaga ako
magdadalawang isip na iwanan ka!

John: bebe ko naman iihhh.. matagal na kitang gustong makita.. mayakap at mahalikan

Vienna: sorry na bebe ko alam mo namang iniisip ko lang yung safety mo eh I love you

John: I love you too bebe ko. opo na makikinig na po ako

Vienna: out muna ako bebe ko ha?

John: sige bebe ko hintayin kitang mag online ulit ha? mag efb muna ako

Vienna: sige bebe ko muuaaahh

John: okay mmmwwaaahh

*Habang nagpi-facebook si John ay laking gulat nya nang makita sa isang fb account ang litrato ng
kanyang nobyang si Vienna, Sa hindi inaasahang pangyayari ay napagtagpi tagpi ni John kung bakit ayaw
makipagkita sakanya ng kanyang nobya dahil sa ito ay isang poser lamang

John: bebe peram account

John: bebe peram account

John: bebe peram account

Vienna:bakit bebe?

John: baka kasi may ibang umaaligid sayo eh

Vienna: wala bebe ko . email ko Vienna_DelaPaz at eto password JohnJohn_Vienna

*Sa pagbukas ni John ng fb ni Vienna ay saka niya nakumpirma na tama nga ang kanyang hinala at saka
niya natukoy kung sino ba talaga ang tao sa likod ng isang pekeng account na nito na trinato niyang
girlfriend sa loob ng siyam na buwan
John: umaming kana..

John: alam ko na yung totoo

John: putangina ka!! minahal kita sa loob ng syam na buwan pero niloloko mo lang pala ako!! putangina
kang bakla ka!!!!

Vienna: bebe ko? anong sinasabi mo?

John: wag mo ng bilugin ang ulo ko PAOLO!!!!! kilala na kita!! alam ko na kung sino ka! at kung ano ang
katauhan mo!!! kaya pala ayaw na ayaw mong nakikipagkita saken!!! hayop ka!

Vienna: John Im sorry hindi ko sinasadya minahal lang naman kita eh, kasi walang tumatanggap sa
pagkatao ko, bakla ako hindi totoo na ako yung nasa litrato,

sorry kung hindi ko sinabi kaagad, natakot kasi ako... na maiwan ulit.. na walang magmahal saken sa
kabila ng kasarian ko Im sorry John please?

John: Im sorry akala ko kasi babae ka hindi ko kayang sikmurain na makipagrelasyon sa katulad kong
lalaki Im sorry bahala na ang karma sayo Paolo... gusto ko lang sabihin sayo na nasaktan moko pero
PUTANG INA MO BAKLA KA PALANG HAYOP KA!! MAMATAY KANA!

Vienna: *You can't reply to this conversation* (humagulgol ng iyak si Paolo)

*Chinat pa rin ni Vienna si John sakanyang tunay na fb account na Paolo

Paolo: pasensya na kung nagtago ako sa litrato ng iba, pasensya kana kung ginamit ko yung magandang
litrato na yun para may magmahal saken, mahal na mahal kita John alam mo yan, hindi ko kasi alam kung
paano ako aaminin sayo na hindi talaga ako yun, pero totoo ang lahat ng pinakita at pinadama ko sayo
pasensya kana sa mga kagaguhan ko at nasayang ko ang mahalagang oras mo, masaya akong nakilala
kita, sana kung darating man yung babaeng para sayo, mahalin ka nya katulad ng pagmamahal ko siguro
nga hanggang dito na lang yung istorya nating dalawa pasensya kana ha? hayaan mo pagbabayaran ko
naman lahat ng kasalanan ko sayo mahal na mahal kita John, hanggang sa huli bebe pa din kita

*Matapos isend ni Paolo ang kanyang mensahe kay John ay tinangka nitong magpakamatay

You might also like