You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG SUMAN

Isinulat ni: Christian James M. Limpahan

Noong unang panahon, may mag-asawang Mang Arnel at Aling Marikit. Sila ay may nag-iisang anak na ang
pangalan ay Manso, na isang batang tamad.

Isang araw ginising siya ng maaga ng kanyang ina para masamahan ang kanyang ama na mangahoy sa
kagubutan. Ipagbibili nila ang mga kahoy upang magkaroon sila ng pera. Subalit tinatamad pa siya na
bumangon sa kanyang higaan kaya nagpanggap pa siya na nahihimbing pa sa pagtulog. Nagalit ang kanyang
ama kaya napilitan siya na maghanda na.

Kahit masama ang loob ay sinamahan na niya ang ama dahil sa takot dito. Habang sila ay nangunguha ng mga
kahoy sa gubat, hindi siya tumitingin sa kanyang nilalakaran kaya naman hindi niya napansin ang isang ugat
at napilayan ang paa niya.

Dahil sa kanyang pilay hindi siya makatayo kaya binuhat ni Mang Arnel si Manso papuntang bahay. Agad itong
pinahilot ni Aling Marikit kay Mang Bayani.

Sabi naman ni Mang Bayani, “Hindi naman malala ang kanyang pilay pagkatapo ng isang linggo lang maari na
siyang makalakad na ulit”. Ikinagalak naman ito ni Aling Marikit dahil hindi naman pala malubha ang nangyari
sa anak.

Lingid sa kanilang kaalaman ay ikinatuwa pa ni Manso ang pagkakaroon niya ng pilay. Dahil kasi dito wala na
siyang masyadong ginagawa sa bahay at hinahayaan na lamang ng mga magulang na nakahiga sa kanyang
kama. Pagkalipas ng isang linggo inaasahan na ni Aling Marikit na magaling na ang paa ni Manso.
Kaya tiningnan ni Aling Marikit ang paa ni Manso. Nalungkot si Manso dahil matatapos na ang kanyang
kaligayahan kaya naman naisipan niya na magpanggap na masakit pa ang din ang kanyang paa. Ipinagtaka
naman ni Aling Marikit kung bakit hindi parin magaling ang paa ng anak.

Dahil dito pinabayaan muna ng mag-asawa si Manso para gumaling ang paa nito. Pagkalipas na naman ng isang
linggo hindi parin malaman ng mag-asawa ang problema sa paa ani Manso.

Isang araw nagpabili si Manso sa nanay niya ng pagkain dahil ginugutom na siya. Pagkabalik ni Aling Marikit
ay nakita niya si Manso na naglalakad sa kusina. Galit na galit si Aling Marikit dahil sa kasinungalingan ng
anak. Natakot si Manso sa ina at umiyak dito habang humihingi ng tawad.

Bilang parusa, hindi pinalabas si Manso ng kanyang kuwarto at pinakain lamang sya nang kanin. Kinabukasan
pinuntahan ni Aling Marikit si Manso para pakainin ngunit hindi niya ito makita sa kuwarto pero may nakita
kakanin. Isang maglagkit, masarap, maalat-alat na kasing lasa ng luha. Gumawa ang mag-asawa nito at
inilako, tinawag nila itong suman para sa alala ng kanilang nawawalang anak.

You might also like