You are on page 1of 1

__________________

Date

PATAKARAN SA PAGHUHULOG BOUNDARY NG MOTORSIKLO

1. Ang araw-araw na bayarin ng naghuhulog boundary ay ______________(P ____)


simula _______________________ hanggang matapos bayaran ang kabuuang
halaga na _____________________________________ (P________) na
magsisimula sa __________________ at matatapos sa ___________________.
Kung sakaling ito ay hindi mabarayan ng buo sa nasabing petsa ito ay maaari
nang kunin ng may-ari na wala umanong pananagutan sa naghuhulog na isauli
ang pera o anumang pananagutan.

2. Na kung sakaling hindi ako makapaghulog boundary ng kabuuang sampung (10)


araw nangangahulugan na pwede nang kunin ng may-ari ang nasabing motorsiklo
kahit hindi pa sumapit ang due date o ang petsa ng huling pagbabayad ng
motorsiklo. Kapag nahila ang motorsiklo wala umanong pananagutan ang may-ari
na isauli ang pera o anumang pananagutan at dapat ring isauli ng maayos ang
motorsiklo na wala umanong inalis, pinalitan, o binawasan na piyesa o gamit nito.

3. Na ang lahat ng gastusin, sira at pagpapagawa sa nasabing motorsiklo ay


magiging kasagutan na ng bumibili ng motorsiklo at kung sakaling ito ay
manakaw, masira, maaksidente, o makaaksidente, ito ay dapat pa ring bayaran ng
buo at pananagutan pa rin ng naghuhulog boundary. At kung sakaling may
maaksidenteng pasahero, driver at iba pa ito ay pananagutan ng naghuhulog
boundary sapagkat ang kasunduang ito ay hulog boundary.

4. Na ang motorsiklo na ito ay hindi maaring ibenta ng naghuhulog boundary


hanggang hindi pa niya natatapos mabayaran ng buo ang motorsiklo at kung
sakaling ito ay kanyang ibinenta na hindi pa nabayaran ng buo ito ay aming
kukunin sa kanyang pinagbentahan at tuluyan na naming kakanselahin ang aming
kasunduan na wala umano kaming pananagutan sa naghuhulog boundary na isauli
ang pera o anumang kasunduan at maaari naming dalhin sa pulis ang naghuhulog
boundary at ang kanyang pinagbentahan.

Ako ay lubusang sumasang-ayon sa mga patakarang ito sa paghuhulog boundary


ng motorsiklo at ang mga ito rin ay ipinaliwanag din sa aking ng maayos. Ako rin ay
BINIGYAN NG KOPYA ng mga patakarang ito sa paghuhulog boundary ng
motorsiklo.

______________________________
Naghuhulog Boundary ng Motorsiklo

WITNESS:

__________________________ ________________________

You might also like