You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Kontemporaryong Isyu

NILALAMAN Mga Isyung Politikal


1. Migration (Migrasyon)
2. Territorial and border conflicts
3. Political dynasties
4. Graft and corruption
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa sanhi at epekto ng mga isyung pampulitikal sa
pagpapanatili ng katatagan ng pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral ay: nakapagpapanukala ng mga paraan na nagpapakita ng aktibong
pakikilahok sa mga isyung pampulitikal na nararanasan sa pamayanan at sa bansa.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at
pangkabuhayan.-AP10IPP-IIa1
MGA LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakatututkoy ng mga epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at
pangkabuhayan; at,
b. nakababahagi ng sariling panindigan tungkol sa mabuti at di-mabuting epekto ng
pangingibang bansa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng debate.
INILAANG ORAS 45 minuto

KINAKAILANGANG KAALAMAN

BALANGKAS NG ARALIN:
1. Pangganyak: Pagbahagi ng Personal na Karanasan
2. Paglalahad ng Aralin: Pagpuna ng Graphic Organizer
3. Pangkatang Gawain: Pagdebate
4. Paglalahat: Pagbigay ng Paglalahat sa Ginawang Debate
5. Pagtataya: Pagmarka sa Ginawang Debate
6. Takdang Aralin: Pagsalikisk Tungkol sa West Philippine Sea Dispute
Banghay Aralin sa Kontemporaryong Isyu

KAGAMITAN Chalk, Bell at Timer


SANGGUNIAN Imperial, Consuelo M., et al. Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu, Rex Bookstore 2016. p 126-127

Takbo ng Aralin
PAMAMARAAN GABAY NG GURO
Pagganyak: 3 minuto Ipabahagi sa harapan ng klase ang karanasan o
Tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang may kakilala o kapamilyang nagtatrabaho sa ibang bansa kuwento ng mag-aaral.
o malayo sa pamilya. Ipabahagi sa mga mag-aaral kung ano ang dahilan ng kanilang pag-alis at paano
ito nakaka-apekto sa samahan ng pamilya.

Paglalahad ng Aralin: 20 minuto Ihanda ang iginuhit na graphic organizer sa pisara.

Epekto ng
Migrasyon

Panlipunan Pampulitika Pangkabuhayan

Epektong Epektong Epektong Epektong Epektong Epektong


Panlipunan Panlipunan Pampulitika Pampulitika Pangkabuhayan Pangkabuhayan

Paliwanag Paliwanag Paliwanag Paliwanag Paliwanag Paliwanag


Banghay Aralin sa Kontemporaryong Isyu

Pangkatang Gawain: 15 minuto Basahin ang tuntunin sa harap ng klase. Ang guro ang
Magsagawa ng isang debate. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat sa pamamagitan ng pag count off. magsisilbing moderator at pipili ang guro ng isang
Ang bilang isa ay ang affirmative side, at ang bilang dalawa ang negative side. timer. Bigyan ang mga mag-aaral ng dalawang minuto
Ito ang magiging tuntunin ng debate: sa paghahanda ng kanilang ideya bago magsimula ng
1. Pipili ang bawat grupo ng tatlong speaker na magdedebate. debate.
2. Ang mga natirang miyembro ay magisislbing contributor ng ideya kung saan sila napapabilang
na grupo.
3. Bawat speaker ay bibigyan ng isang minuto sa paglalahad ng kanillang ideya.
4. Ang pangangatlong speaker ng bawat grupo ay magkakaroon ng rebuttal sa loob ng tatlong
minuto.
Ito ang paksa ng debate:
Ang pangingibang bansa ng mga Pilipino ay may higit na mabuting epekto sa aspektong panlipunan,
pampulitika, at pangkabuhayan ng isang bansa.
Paglalahat: 5 minuto Isulat sa pisara ang padudugtungang pahayag.
Balikan ang ginawang graphic organizer at ginawang debate ng klase. Ipakumpleto sa mga mag-aaral Ipabahagi sa harapan ng klase ang kasagutan ng mga
ang pahayag: mag-aaral.
Ang migrasyon ay (nakakabuti/hindi nakabubuti) dahil __________________________________
kaya dapat na_____________________________________________________________.

Pagtataya:
Markahan ang kagalingan ng pagbibigay ng kasagutan o argumento ng bawat pangkat sa ginawang
debate. Ito ang magiging pamantayan:
Organisasyon ng ideya: 3
Nilalaman ng pahayag: 4
Kaugnayan ng mga ideya sa paksa: 3
Kabuuan 10
Takdang-Aralin: 2 minuto Isusulat ang takdang aralin sa pisara.
Magsaliksik tungkol sa suliraning teritoryal sa West Philippine Sea. Gumawa ng timeline na
nagpapakita ng “development” ng suliranin at tukuyin ang mga isyung pinag-aawayan dito. Isulat ang
inyong sagot sa isang buong papel.

Inihanda nina:
Mark Floricar Hipolito
Dhara Mhajal Guilleno
Banghay Aralin sa Kontemporaryong Isyu

You might also like