You are on page 1of 2

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ________

Activity Sheet # ________________ Gr. & Sec. __________

Pagsasanay 1 - Bilugan ang paksa at salungguhitan ang pandiwa.


1. Kinapanayam ng mga mag-aaral ang guro.
2. Nagpaunlak ang tagapanayam sa mungkahi ng klase.
3. Ikinuha niya ng talaan ang kaibigan.
4. Ipangsungkit mo ang kawayan.
5. Ang pagwawagi ng anak ay ikinatuwa niya.
6. Binuo ni Annie ang mga balangkas ng mga tanong para sa panayam.
7. Pinaglutuan ng masarap na ulam ang palayok.
8. Ang mag-anak ay nag-alay ng panalangin.
9. Sinukat ni Bess yang bagong bestida.
10. Ikinabahala ng guro ang kanyang pagliban sa klase.

Pagsasanay 2 - Suriin ang pangungusap. Pag-aralan ang pandiwang may salungguhit.


Iguhit sa patlang ang aktor gol lokatib

benepaktib instrumental kawsatib


______11. Tinawag na kali ang arnis noon.
______12. Ang mga Kastila ay nagturo ng arnis sa mga Pilipino.
______13. Sina Rizal, Bonifacio, Luna, del Pilar ay naglaro ng arnis noon.
______14. Ipinanglaban ni Lapulapu sa mga kaaway ang arnis.
______15. Ikinamangha ni Legazpi ang pagkagapi ni Lapulapu sa mga manlulupi sa
pamamagitan ng arnis.
______16. Pinagtanghalan ang bulwagan ng arnis bilang bahagi ng moro-moro.
______17. Ibinili ng tike tang kapatid para sa panonooring moro-moro.
______18. Isinuot nila ang mga makukulay na kasuotan para sa moro-moro.
______19. Pinasyalan nila ang tanghalan ng bayan.
______20. Ipinagbawal ni Simon de Anda ang paglalaro ng arnis.

Pagsasanay 3 – Bilugan ang pandiwa. Kahunan ang paksa ng pangungusap. Lagyan ng


tsek ang patlang ng pangungusap na naiiba ang pokus ng pandiwa.

21-24. _____ Ang sentro ng Cultural Center of the Philippines ay idinisenyo ng Pambansang
Alagad ng Sining.
_____ Si Leandro Locsin ay nagdisenyo ng kakaibang gusali.
_____ Ang mga artista ay nagtanghal sa Cultural Center of the Philippines.

24-27. _____ Ikinagalak ni dating Unang Ginang Imelda Marcos angpagtatayo ng Cultural
Center of the Philippines.
_____ Pinagtanghalan ang CCP ng pamosong dula na Miss Saigon.
_____ Ang CCP ay pinagdarausan din ngiba’t ibang pagtatanghal na pasining.

28-31. _____ Itinataguyod ng pook na ito ang pagkamalikhain ng mga mamamayan.


_____ Ang mga pamanang pangkultura ay pinahahalagahan ng mga Pilipino.
_____ Ang mga mahuhusay nating kababayan ay nagpalabas ng Golden Salakot:
Isang Dularawan sa Isla ng Panay.

32-35. _____ Si Carlos Loyzaga ang kauna-unahang nailuklok na National Basketball Hall of
Fame.
_____ Ikinarangal ni Benjie Paras ang nakamit na MPV(Most Valuable Player) at Rookie
of the Year awards sa loob ng isang taon.
_____ Ang unang paglalaro ng basketball noong 1905 sa Pilipinas ay ikinagalak ng
mga Pilipino.
Activity Sheet # _______

You might also like