You are on page 1of 6

A.P.

REVIEWER-SECOND QUARTER
CARTA HYDROGRAPHICA Y CHOROGRAPHICA DE LAS YSLAS FILIPINAS

- Ang mapang ito ng Pilipinas ay iginuhit ni Pedro Murillo Velarde, isang Heswita na inilimbag sa
Maynila noong 1734
- Tinatawag din itong mapang Murillo
- Isa pang mahalagang detalye nito ay ang pagtukoy sa Scarborough Shoal at Spratlys na
tinatawag noon bilang Panacot at Los Bajos de Paragua

Artikulo 3

 Nakapaloob ditto ang pagsasalin ng pamamahala sa kapuluang Pilipinas mula espanya


patungong Estados Unidos, at ang pagbaabayad ng Estados Unidos ng halagang $20 milyon.

Cession Treaty of 1900

 Isinalin ng Espanya sa Estados Unidos ang lahat ng karapatan at pag-aangkin sa mga pulong
nasal abas ng mga guhit ng hanggang tinukoy sa Artikulo 3 ng “Kasunduan sa Paris”ng 1898

Enero 2, 1930

 Nilagdaan ang isng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Great Britain patungkol sa
hangganan ng Pilipinas at ng North Borneo.

Convention between the United States and Great Britain

 Noong 1930 ay kinilala ng Britain na bahagi ng Pilipinas ang pulo ng Mangsee at ng Turtle Islands

Batas Republika Blg. 3046-Archipelagic Doctrine

 Ayon sa doktrina, ang mga pinakadulong pulo ng isang bansang kapuluan o archipelago ay pag-
uugnayin ng mga tuwid na guhit, at ang lahat ng napakaloob doon ay siyang teritoryo ng bansa.

Batas Republika Blg. 5446

 Tuwirang isinaad na ang North Borneo ay teritoryo ng Pilipinas

BAHAGI NG TERIRORYO NG ISANG BANSANG ARKIPELAGO ANG MGA SUMUSUNOD:

 CONTIGUOUS ZONE-karagdagang 12 milya mula sa territorial waters


 CONTINENTAL SHELF-kalupaan karugtong ng isang kontinente o pulo na nasa ilalim ng
karagatan
 EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE (EEZ)-tumutukoy sa 200 nautical miles ng katubigan mula sa
hangganan ng territorial water
 INTERNAL WATERS-lahat ng katubigang nakapaloob sa baseline
 REGIME OF ISLANDS-mga pulo na di mapangibabawan ng dagat kahit may lantung (high tide)
 TERRITORIAL WATERS-katubigang sakop ng bansa na may 12 milya mula sa baseline

SABAH O NORTH BORNEO

 ay bahagi ng sultanato ng Brunei, na siyang nagsalin naman ng pamamahala nito sa Sultanato ng


Sulu noong 1704

MOHAMMED PULALUN-

 siya ang sultan ng Sulu na nakipagkasundo noong 30 Abril 1851 na mapapasailalim sa kaharian
ng Espanya
PROTOCOL OF SULU-

 ito ay implied na pagkilala ng mga bansa sa karapatan ng Espanya sa Sulu

SULTAN MOHAMMED JAMALUL ALAM-

 gumawa siya noong 22 Enero 1878 ng kasulatan ng pagpapaupa (lease agreement) ng Sabah sa
kompanya nina Overbeck at Dent sa halagang $5000 na babayaran taon-taon
 “DEED OF 1878”-ito ay kasulatan na pinahihintulutan ng Sultan na linangin ng kompanya ang
kabuuan ng Sabah

BRITISH NORTH BORNEO COMPANY (BNBC)-

 Ang kompanya ni Dent na ginawaran ng Britain noong 1882 ng karta real(royal charter) upang
pangasiwaan ang North Borneo
 KARTA REAL-kinikilala lamang ng Britain ang kompanya at ang mga lupain na pinangangasiwaan
nito, ngunit walang soberanya ang pamahalaang Briton sa Sabah

BASES OF PEACE AND CAPITULATION

 Nakapaloob dito ang deklarasyon ng sultan na ang Espanya ang may soberanya sa kabuuan ng
kapuluang Sulu at iba pang teritoryo ng sultanato at hinahayaan ang mga naninirahan doon na
malayang manampalataya at makapamuhay

SANDAKAN, SABAH

-tinangka ni Jose Rizal na magtayo ngisang pamayanang pang-agrikultura noong 1892 sa pamamagitan
ng pakikipagnegosasyon kay William Pryor na hente ng BNBC

HENERAL JOHN C. BATES

 Sa pangunguna niya sa hukbong Amerikano ay nabuo ang kasunduan ng pakikipagkaibigan sa


pagitan ng sultanato ng Sulu at ng Estados Unidos noong 20 Agosto 1899

CONFIRMATORY DEED OF 1903

 Nilagdaan ito ng BNBC makalipas ang tatlong taon na nagsasaad na magbabayad ng


karagdagang $300 na upa ang kumpanya para maisalin sa kanila ang karapatan sa ialang pulo na
nasa baybayin ng North Borneo

CARPENTER AGREEMENT OF 1915

 Nakasaad sa kasunduan na isinusuko ng sultan at kanyang mga inapo at tagpagmana ang


soberenya sa Etados Unidos at ang karapatang maningil ng buwis at magpatupad ng batas sa
kabuuan ng sultanato

Disyembre 18, 1939

 Nagpalabas ang mataas na hukuman ng Borneo na maykarapatang tumanggap ng kabayaran ang


mga tagapagmana ng sultan

Deed of 1878

 Nagsasaad , umano, na inililipat(cession) ng sultan ang Sabah sa BNBC

Hunyo 25, 1946

 Isinalin ng BNBC ang karapatan nito sa North Borneo sa pamahalaang Britain kaya nagging
kolonya ito ng tuluyan
Francis Burton Harrison

 Dating gobernador-heneral sa Pilipinas, nakakuha ng sain ng orihinal na kasunduan ng Deed of


1878 at nilinaw na hindi paglilipat ang nakasaad kundi pagpapapaupa

Sultan Muhammad Esmail Kiram

 Nagproklama siya noong Nobyembre 25, 1957 na winawakasan nna ang pagpapaupa sa Sabah
simula Enero 1958. Hindi naman tumugon ang Britain sa pahayag ng Sultan

Bise Presidente Emmanuel Pelaez

 Dinala niya sa UN General Assembly ang isyu at ipinahayag doon noong Setyembre 27, 1962 ang
batayang legal at historiko ng Pilipinas sa pag-angkin ng Sabah

MAPHILINDO
-samahan ng bansang Malaysia, Pilipinas at Indonesia

MANILA ACCORD

 sa tulong ng konsultasyong MAPHILINDO ay nabuo ito noong Hulyo 1963 na nagsassad ng


mapayapang lulutasin ang isyu ng pagmamay-ari ng Sabah, kikilalanin ang pagkakatatag ng
bansang Malaysia at aalamin ang saloobin ng mga naninirahan sa Sabah sa patnubay ng UN

OPLAN MERDEKA

 planong pagbawi ng Pilipinas sa Sabah sa pamamagitan ng pagkilos military

BATAS REPUBLIKA BLG. 5446

-isinasaayos muli ang mga baseline ng bansa upang mapasakop ang Sabah sa Pilipinas

KALAYAAN

 ay grupo ng mga isla at bahura sa Dagat kanlurang Pilipinas, kanluran ng Palawan

KASUNDUAN NG KAPAYAPAAN SA SAN FRANCISCO

 pormal na kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng Hapon at 48 bansang Allied na nagsasaad


na tinatalikuran ng Hapon ang mga karapatan nito sa mga teritoryo ng Korea, Formosa (Taiwan),
Pescadores (Penghu), Hon Kong, Kuryls, Spratlys, Antarctica at Sakharin

TOMAS CLOMA

 isang abogado, negosyante at may-ari ng Philippine Maritime Institute


 nakilala siya sap ag-angkin ng ilang pulo sa Spratlys at tinawag niyang FREE TERRITORY OF
FREEDOMLAND nonng 1956 na ang kabisera ay sa Patag Island (Flat Island)

DEED OF ASSIGNMENT AND WAIVER OF RIGHTS

 isinalin noong 1974 ni Tomas Cloma sa Pilipinas ang karapatan niya sa teritoryong kanyang
natuklasan
POLITICA DE FAMILIA (KINSHIP POLITICS)

- inilalarawan ang relasyon ng mga makapangyrihang pamilya, kanilang mga kaanak, at mga
tagasunod sa pagpapalawig ng kanilang interes sa politika

3 OBLIGASYONG PANLIPUNAN NG MGA PILIPINO NA MAY KAUGNAYAN SA PAGPAPANATILI NG


POLITICA DE FAMILIA:

1. COMPADRAZGO
- Ay paraan ng pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan o ng mga maimpluwensyang tao
sa pamamagitan ng pagiging padrino (ninong) sa binyag, kumpil, o kasal.

2. UTANG NA LOOB
- Ay pagpapahalaga sa pagkilala sa kabutihang ginawa at pagbalik nang higit pa sa kabutihan
tinanggap mula sa nagbigay nito

3. PAKIKISAMA
- Ay isang pagpapahalaga ng pakikiisa ng isang tao sa mga gawaing pampangkat kahit
mangailangan ito ng pagsasakripisyo ng kanyang panahon, kakayahan at magagawa

ILAN PANG KAUGNAY NA POLITICA DE FAMILIA AY ANG MGA SUMUSUNOD:

 BOSSISM
- Nakakamit ito sa pamamagitan ng psgkontrol s kabuhayan at ng paggamit ng pananakot at
karahasan upang mapasunod ang mga tao
 RENT-SEEKING
- Ito ay paraan ng isang pamilya na makakuha ng bentaha sa pamamagitan ng pagpasok sa
politika o pag-impluwensya sa mga politiko
 PALAKASAN
- Ito ay Sistema na nagtutunggalian ang mga politica de familia sa pagpapalawak ng impluwensya
at pribilehiyo
HALIMBAWA:
NEPOTISMO-paghirang ng mga kaanak at kaalyado sa mga posisyon ng pamahalaan
CRONY CAPITALISM-ang paboritismo ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na
malapit niyang kaibigan (crony) upang bigya sila ng mga pribilehiyo

AYON SA MAMAMAHAYAG NA SI SHEILA CORONEL (2007), MAYROONG PITONG M NG PAGTATAYO NG


ISANG DINASTIYANG POLITIKAL:

1. MONEY (SALAPI)
- Sa pagkakaroon ng malaking pondo , magagamit ito ng isang pamilya para sa mga gastusin sa
kampanya sa halalan
2. MACHINE (MAKINARYA)
- Ang organisasyon ng mga tauhan na nagsasagawa ng mga hakbang tulad pagbuo ng mga
estratehiya at programang magGmit ng kandidato sa pagkuha ng suporta sa mga bumoboto
3. MEDIA AND MOVIES (MEDIA AT PPOLITIKA)
- Sa tulong ng madalas na panayam at paglabas sa mga pahayagan, radio, telebisyon, sa Internet
at sa peliKula ay nakakatulong para sa name recall ng kandidato
4. MARRIAGE (KASAL)
- Sa pamamagitan ng kasal nakabubuo ng alyansa ang mga makapangyarihang pamilya sa politika
at kabuhayan
5. MURDER AND MAYHEM (PAGPASLANG AT KAGULUHAN)
- Sa pamamagitan ng karahasan, naitutulak ang mga tao na piliin ang kandidatong makalulutas
nito na sinasalamin ng politikong mula sa isang political dynasty na hinasa ng karanasan at
kaalaman sa paghanap ng solusyon
6. MYTH (MITO)
- Ang mga kuwento ng kabaitan, katapangan,katalinuhan, atbp. Ng kandidato at ng kanyang
pamilya ay magagamit upang makakuha ng boto
7. MERGERS (PAKIKIPAG-ALYANSA)
- Sa pamamagitan ng pinagsama-samang makinarya ay napalalakas ng kandidato ang kanyang
suporta mula sa pamilya, sa Partido, at sa taong-bayan

Ayon sa pag-aaral nina Ronald Mendoza, Edsel Beja, Jr., Victor Venida at David Yap (2012), mayroong 2
modelo ang dinastiyang political sa Pilipinas:

1. FAT TYPE
- Sa modelong ito, hinahawakan ang mha posisyon ng magkakamag-anak sa ib’t ibang level ng
pamahalaan
2. THIN TYPE
- Ang modelo na kung saan itinutuloy ng anak o kapatid ng kasalukuyang nasa puwesto ang
posisyon sa pamahalann

Naniniwala ang politikong pamilya na ipagpapatuloy ng kasalukuyang henerasyon ang sinimulan ng mga
magulang na politico dahil nasa ”dugo” o “lahi” na nila ang paninilbihan.

Sinasabi pa na humihina ang kakayahan ng mga sumunod na henerasyon dahil lumaki na sila sa
kalagayan na nakatatanggap ng pribelehiyo (privileged life).

Cult of personality-sa tulong ng propaganda ay nakalilikha ng isang imahen na dakila, natatangi at


kapuri-puri ang isang politico o kanyang pamilya

SALIGANG BATAS NG 1987

- Ang probisyon na tinitiyak ng estado na pantay na oportunidad para sa mga tao makapaglingkod
sa bayan, at ipagbabawal ang pagkakaroon ng mga dinstiyang political, ayon sa Artikulo 2,
Seksiyon26

BATAS REPUBLIKA BLG. 10742 O ANG “SANGGUNIANG KABATAAN REFORM ACT OF 2015”

- Ayon sa seksiyon 10, ipinagbabawal na maging kandidato ang sinumang may kamag-anak na
inihalal na opisyal na kasalukuyang nanunungkulan (sa local, rehiyonal, at nasyonalna level)
hanggang sa ikalawang antas ng pagiging kadugo at kaanak sa lugar na nais niyang paglingkuran

KATIWALIAN (GRAFT)

- Ay pagkilos ng isang opisyal o lingkod-bayan upang personal na makinabang sa kaniyang


posisyon sa pamahalaan

KORUPSIYON (CORRUPTION)

- Ay tumutukoy sa sabwatan ng dalawang tao o Partido para sa kanilang pansariling interes na


labag sa isinasaad ng batas. Ito ay sa pagitan ng isang opisyal at sibilyan o sa pagitan ng
dalawang opisyal

PANLILINLANG (FRAUD)

- Ay ang sadyang panloloko sa iba upang magkaroon ng illegal na bentaha o sariling pakinabang
MGA PINANGHIHINALAANG DAHILAN NG KORUPSIYON

1. KAHIRAPAN-ito ang sinasabing dahilan na nagtutulaksa mga tao na labagin ang batas
upang mabigyan ng mabuting buhay ang pamilya
2. KULTURA-ang katutubong kaasalan ng mga Pilipino, tulad ng pakikisama, pagkahiya,
utang na loob, pagdadamayan, personalismo, at makapamilya, ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa bawat indibidwal at sa kanyang kalagayan sa pamayanan
3. KALIDAD NG PAMUNUAN-ang katiwalian at korupsyon ay mga administratibong hamon
sa lahat ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

You might also like