You are on page 1of 1

Pagpapanatili at Pagpapayaman ng Kulturang Pilipino sa kabila ng Pagbabago dulot ng Modernisasyon

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, ang kulturang Pilipino ay nanatili sa pamilya ng karamihan ng pamilyang
Pilipino. Ang pagtitiwala sa Diyos at paggalang sa matanda sa pamamagitan ng salita at gawa ay buhay ay ilan sa mga
ugaling humugis ng kulturang Pilipino. Itong mga katangian ang nagpapatibay sa mga Pilipino lao na sa oras ng
pagsubok at suliranin. Nararapat na pagtibayin natin ang iba pang ugaling Pilipino tulad ng kasipagan at tiyaga sa
gawain at pagtitiwala sa ating kapwa. Totoo, maraming dayuhang kultura na sumasalungat sa ating kultura, ngunit tayo
ay dapat maging matatag at mapanuri kung ano ang makakabuti sa atin at sa pamayanan. Tayo ay dapat maging
halimbawa sa susunod na henerasyon upang mamulat sila sa kulturang Pilipino. Ang mayaman na kultura ay sangkap
sa kaunlaran. Pagyamanin at ipatuloy natin ang ating sariling kultura bilang pagkilala sa ating pinagmulan.

Pakikibahagi ng Simbahan sa Pagpapaunlad ng Bansa

Ang kaunlaran ay sanhi ng iba’t ibang dahilan. Maliban sa pamahalaan, ang simbahan ay may bahagi na maitutulong
para makamit ang maunlad na bayan. Ang Simbahang Katoliko ang pinakamaraming bilang ng kasapi sa Pilipinas.
Mahigit 90% ng Pilipino ay katoliko. Dahil dito, umaasa tayo na tutulong ang Simbahang Katoliko sa pagunlad ng ating
bayan. Tulad sa edukasyon, na pangunahing sangkap ng kaunlaran, narararapat lang na maglaan ang Simbahan ng
ambag tungo sa isang mura at abot kayang paaralan. Ateneo, La Salle, UST, Xavier, Lourdes School...mga paaralan ng
Katolikong Simbahan. Halos lahat ng paaralang Katoliko ay tila para sa mayaman lang at nakakaangat sa buhay. Sana
ang Simbahan ay laging maging tunay na kabahagi sa daan tungo sa kaunlaran.

Pagkilala sa Kakayahan ng mga Kababaihan sa Kasalukuyang Panahon

Sa iba’t ibang larangan, ang kababaihan ay nagpapamalas ng kakayahan na humihigit o pumapantay sa kalalakihan. Ito
ay masasaksihan sa palakasan, politika, kalakalan at agham. Tayo ay nagkaroon na ng dalawang babaeng pangulo,
babaeng Punong Mahistrado ng Korte Suprema, mga babaeng pinuno ng mga pamantasan at mga mahuhusay na
babaeng doktor. Nakalipas na ang panahon na sa bahay lang ang lugar ng kababaihan. Tapos na tayo sa maling
pagturing sa kababaihan bilang mahinang kasarian. Ipagbunyi natin ang kababaihan. Sila ang ilaw, tanglaw at gabay
natin hindi lamang sa tahanan kundi sa lahat ng larangan ng kabuhayan. Mabuhay ang kababaihan!

Tao: Bahagi ng Lakas Paggawa sa Produktibong Pagpapaunlad ng Bansa

Sabi nga, ang tao ang pangunahing haligi ng isang bayan. Ang lahat ng pagsisikap at lahat ng biyaya ay nararapat na
unang una para sa tao. Maaaring marami nang gawain ang ginagampanan ng makinarya nguni’t ang tao pa rin ang
pangunahing instrumento sa pagunlad ng bayan. Ang kakayahan ng tao na magisip, gumawa ng mas tamang paraan at
s

You might also like