You are on page 1of 3

Pang-uri - nagbibigay deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,

pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa.


Hal. Mahaba, payat, maganda at iba pa.
KAANTASAN NG PANG- URI
 Paglalarawan
 Hambingan

Pandiwa- nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop.


Hal. Takbo, kumain, umiyak at iba pa.
Salitang Ugat- Ang salitang-ugat ay salitang buo ang kilos. Dito hinuha ang mga
salitang nilalagyan ng panlapi.

May 3 Uri ng Panlapi


1. Unlapi - matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.
I + guhit = IguhitI + pinta = Ipinta
Ma + kulay = Makulay
Nai + sulat = Naisulat

2. Gitlapi - ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang karaniwang


gitlapi sa Filipino ay –in- at – um-
I + g + in + uhit = Iginuhit
I + p +in + inta = Ipininta
I + k + in + ulay = Ikinulay

3. Hulapi - matatagpuan sa hulihan ng salitang- ugat. Ang karniwang hulapi ay –an, -


han, -in, at –hin.
Guhit + an = Guhitan
Pinta + han = PintahanKulay + an = Kulayan
Mga aspekto ng pandiwa
1. PERPEKTIBO O PAGNAGDAAN - Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang
natupad na.
Hal. Nagsalita ako.

2. IMPERPEKTIBO O PANGKASALUKUYAN - Ito ay ang pagkilos na


kasalukuyang ginagawa.
Hal. Magsasalita ako.

3. KONTEMPLATIBO O PANGHINAHARAP- Ito ay ang pagkilos na hindi pa


nagagawa o gagawin pa lamang.
Hal. Magsasalita ako.

4. KATATPOS LANG/LAMANG-Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang


pagkatapos ito ginawa.
Hal. Kasasalita ko pa lang.

5. PAWATAS O NEUTRAL – ang tawag sa mga pandiwang hindi pa


nababanghay sa iab’t ibang aspekto.

Pokus ng pandiwa
1. Tagaganap - Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
Hal. Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang
suliranin.
2. Tagatanggap - tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na "para kanino?".
Hal. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam

Pang-abay
1. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang
pariralang sa/kay.
Hal. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
2. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Hal. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Hal. Kinamayan niya ako nang mahigpit.

4. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at


ayaw.
Hal. Hindi maaring pumunta si Carlo sa bahay ni James.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo,


opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Hal. Oo,asahan mo ang aking tulong.

You might also like